Aga ko na namang nagising kanina , nagising ako dun sa isa kong kamag-anak , nanghihiram na naman ng pera , buti na lang di pa ko lumalabas ng lungga ko , narinig ko tinabla ni Mother. Kung sana ba pinupulot lang yung pera kaso lang nakakalimutang magbayad eh, kung natyempuhan akong gising nun, tyak di na naman ako nakatanggi. Nung umalis na yung tita ko, may dumating na naman, ka-sparring ni Mother sa tong-its, ipipikit ko na sana yung mata ko kaso lang umupo malapit sa higaan ko , kahit takpan ko ng unan yung tenga ko , maririnig mo usapan nila , ang layo na ng narating , 3 patay na tao pa binuhay nila sa kwentuhan nila , sama mo na erpat ko. Ganyan ang network nila , kaya ang tawag ko sa nanay ko channel 2 , yung kumare nya gma 7 , ala si abc 5 nung oras na yon. Palasak na sa lugar namin yun. Sa jeep naman papuntang eastwood kanina , may next batch akong nakasabay , mga mini-network ba. Sa sobrang daldal nung mga batang yun , kahit iba na ang pilit kong iniisip , malalaman mong grade-six na sila, yung dalawa sa kanila parehas nang crush , yung isa naman inamin nya may crush siya dun sa kuya nung isa dati , pero hindi na ngayon kse daw pumangit na, tapos yung isa naman nakwento pa na kinalbo yung babaeng syota ng kuya nya. Si Bay naman na katabi ko , halos tumulo na laway , paano nakanganga , natulala sa mga pinagusapan nila. O di ba , kahit umaatungal na yung makina ng jeep , nangingibabaw pa rin yung palitan ng diskusyon ng mga mumunti nating network, pagliko ng jeep sa libis, pumara yung 3 anak ni cristy per minute , sabay bati ng "Hi ma'am! " sabay sakay naman nung teacher nila , sabi ko na lang, "Heto ang pasimuno, ehehehehe".
Kakalungkot pagbukas ko ng email , tinext na to ni JP sa'kin kahapon , kaso lang nakaka-touch yung sulat ni Toffee sa mga friend nya. Di kami close friend ni toffee boy , pero we usually greet each other like this "Ei yo asshole!", then he'll answer me with a cowboy accent ng something like ," Ei yo madafucka! " or "Wazzupp men?" . Naging magkakilala kami kse sa kanya ko nag-call listening nung una kong sabak sa L2. Huli naming kita napansin kong iba yung ID nya then he informed me na lilipat na siya ng accenture , nasabi ko na lang sa kanya , good luck pre. Pero ngayon , bye Toffee sana masaya ka sa paroroonan mo. Ngayon maiisip mo ang bilis ng takbo ng buhay , people come and go , parang wala lang pag sinabi mong "ganyan talaga ang buhay". Di natin naiisip , trabaho tayo ng trabaho , bukas ala na tayo.......
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment