Wednesday, January 30, 2008

Akeelah and the Bee

Na-moments ako sa pelikulang to. Bakit kamo? tang 'na di ko namalayang tumutulo na yung luha ko habang pinapanood sya. Natatandaan ko nung grade-3 , naiyak ako sa pelikulang Never Ending Story nung namatay yung dambuhalang aso kse nga meron din akong alagang aso noon ang ngalan nya ay Jinggoy ( siga ng Zapanta at Estrada kaya pwede mo syang tawaging Senador) kaya medyo naka-relate ako. Naiiyak din ako nung bata pa ko pag napapanood kong binubugbog o kaya umiiyak si Dolphy o kaya si Chiquito , mga paborito kong panoorin yung mga pelikula ng mga 'to nung mga panahong nakikinood lang kami sa kapit-bahay dahil nga can't afford pa ang aking mga magulang. Di ko alam kung bakit ako naiiyak sa dalawang ito dati , marahil kamukha ko sila pag umiiyak? Lalo naman akong naluluha pag me matandang nagda-drama sa pelikula, tanda ko pa , ilan beses din akong na-moments nung mga pelikulang kasama si Mary Walter. Miss ko lang siguro yung Lola kong yumao nung bata pa ko. Per noon yon.


Ngayon , natutuwa ako pag nahuhuli ko ang ang nanay ko na naluluha habang nanood ng pelikula tas sabay lipat ng channel , malutong na mura ang abot ko nun. Napapangiti din ako pag me nakikita akong nangingilid ang luha dahil sa bigat ng drama. Nung nakaraang linggo , di ko akalaing babalik sa kin ang lahat. Inii-scan ko mula channel 8 dahil naghahanap ako ng magandang palabas , ng mapahinto ako sa channel 55 Star Movies. Gitna na ng palabas yung inabutan ko at hindi ko pa alam yung pamagat, dahil ako lang mag-isa ang nanunuod , bahagya kong nilakasan ang telebisyon at maya-maya pa'y tila ganap ko ng naiintindihan ang buong kwento hanggang sa maluha na nga ako. Ginoogle ko lang yung ibang detalye ng palabas, madami din palang kano na naiyak sa pelikula , kala ko ako lang hehe. Maganda at makabuluhan syang pelikula , wala akong pakialam kung di mo sya trip. Narito ang link ng Akeelah and the Bee . Nasa ibaba naman ang kanyang mga memorable quotes (Warning : English to baka di mo kayanin!)


Akeelah: [Javier has just kissed her] Why'd you do that?
Javier: I had an impulse. Are you gonna sue me for sexual harassment? [pause, then they both laugh]

-------------------------------------

(eto paborito ko)
Akeelah: [quoting Marianne Williamson] Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. We ask ourselves, Who am I to be brilliant, gorgeous, talented, fabulous? Actually, who are you not to be? We were born to make manifest the glory of God that is within us. And as we let our own light shine, we unconsciously give other people permission to do the same.
Dr. Larabee: Does that mean anything to you?
Akeelah: I don't know.
Dr. Larabee: It's written in plain English. What does it mean?
Akeelah: That I'm not supposed to be afraid?
Dr. Larabee: Afraid of what?
Akeelah: Afraid of... me?

-----------------------------------------

Akeelah: Okay. But when I'm at the bee, and they tell me to spell some little fish from Australia or some weird bacteria on the moon, we're going to wish we'd done a little bit more "rotemorizing" and not so much essay reading. If you don't mind me saying.
Dr. Larabee: Bacteria don't exist on the moon.

-----------------------------------------

Dr. Larabee: Where do you think big words come from?
Akeelah: People with big brains?

-----------------------------------------

Akeelah: I'm naturally inquisitive.
Dr. Larabee: Yes, which is also sometimes confused with being naturally obnoxious.

------------------------------------------

[last lines] Akeelah: You know that feeling where everything feels right? Where you don't have to worry about tomorrow or yesterday, where you feel safe and know you're doing the best you can? There's a word for that, it's called love. L-O-V-E.

quotes from http://www.imdb.com/title/tt0437800/quotes

Sunday, January 27, 2008

Letrang S ng Zambales

Mahigit 3 oras ang biyahe namin nung nakaraang sabado't linggo . Dulo ata ng Zambales ang pinuntahan namin , San Antonio Pundaquit , Zambales. Parang paraiso dito mga kapatid , kulay ng lupa at lasa ng tubig sa swimming pool ang pinagkaiba nito sa Boracay na napuntahan natin nung nakaraang 2006. Sa Boracay, napakaputi ng buhangin at maligamgam na matabang na tubig ang nakalagay sa swimming pool, sa Canoe Beach Resort ng Zambales , medyo kayumanggi ang kulay ng buhangin at malamig na maalat ang lasa ng tubig sa swimming pool. Bakit maalat ang tubig ng pool ? Hindi ko alam kung tubig dagat na nilagyan ng chlorine ang nilagay dito o yung panty liner na nakalutang pa sa pool na inabutan namin ang nagdudulot ng kakaibang lasa, ehehehe. Sa kabuuan , okey pa din dito , mala-paraiso at siguradong tanggal ang sakit ng batok mo (stress ungas !). Tara na biyahe tayo !


Pa-take off tungong Zambales kasama ang mga lovers, Dave at Ventemil , Boss Gerald at Mommy Jennet , Jamo at Ateng.




Ang mahiwagang swimming pool , bow !

Di ko alam kung sino nagpauso nito, tatalon habang nagpapakuha ng picture. Naka-apat na talon siguro kami bago makatyempo ng magandang kuha. Isa sa mga palpak na talon. Kakapagod.



Buti na lang sumama si Darrel, para kaming umarkila ng stand-up comedian. Posing habang nasa bonfire, me background pang lovers.



Picnic sa kabilang isla.

Now Showing: Tampisaw

Si Jamo kasama ang isa sa kanyang pinakamasugid na tagahanga. Ehehehe , joke only. My love.

Grade -6 Section Zambales Class of 2008


Ang pinaka-paboritong gawin ni Jamongoloids. Ang pagmasdan ang paglubog ng araw kasama ang kanyang mahal......haaaay sarap....

Tuesday, January 22, 2008

SLN Bobby Fischer (b. 1943 - d. 2008)

"Chess is war over the board.
The object is to crush the opponent's mind." - Bobby Fischer

Tigbak na ang isa sa mga idolo ko sa larangan ng ahedres, nagulat na lang ako ng sabihin sa'kin ni Gerald na nasa front page ng Inquirer ang balitang namatay na si Bobby Fischer. Isa sa pinaka-batang World Chess Grandmaster , sa edad na 12, nanalo sya sa United States Junior Chess Championship at wala pang nakakabura ng kanyang record bilang pinakabatang kampeon. Sa isa pa nyang laro sa New York , tinalo nya ang batang Filipino Master na si Rodolfo Tan Cardoso. Niyanig ni Bobby ang buong mundo noong September 1, 1972 ng manalo sa World Chess Championship laban kay Boris Spassky na ginanap sa Reykjavik , Iceland. Alam naman nating lahat na karaniwang ang mga Ruso ang naghahari sa larangan ng ahedres pero pinatunayan ni Fischer na hindi lamang sila ang magaling sa larangang iyon. Tanging amerikano na naging kampeon at hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nakakabura ng kanyang record. Noong 1975 , tinanggihan nya ang pagdepensa ng kanyang titulo laban kay Karpov kaya natanggal ang kanyang titulo bilang World Champion. Noong 1992, nilabag nya ang United Nations embargo sa Yugoslavia kung saan siya nakipag-rematch kay Spassky at nanalo. Simula noon ay hindi na siya nakabalik sa Amerika , at nagpalipat-lipat na siya ng bansa. Naligaw siya sa Pilipinas noong taong 2000-2002 , tumira sa Baguio at naging malapit na kaibigan ni Eugene Torre. Sabi sa Wikipedia, nagkaroon daw sya ng dyowa sa Baguio at nagkaroon din ng anak. Noong 2005, nagkaroon sya ng problema sa kanyang passport at nakulong sa bansang Japan. Tila itinakwil ang kanyang pagiging mamamayan ng Amerika , si Fischer ay naharap sa kasong extradition ngunit bago pa mangyari yon sya ay tinanggap bilang mamamayan ng bansang Iceland kung saan duon na rin sya namatay. Ang larawan ng opening move na King's Indian Defense na nasa ibaba ay sinasabing isa sa paboritong move ni Fischer, alay ko sa kanya ang espasyong ito , huling sulong ni Bobby Fischer:
This is a "hypermodern" opening, where Black lets White take the center with the view to later ruining White's "wonderful" position. It's a risky opening, a favorite of both Kasparov and Fischer. 1. d4 Nf6 2. c4 g6 3. Nc3 Bg7
Black will be interested in playing c5, and when White plays d5, reply with e6 and b5.














Larawan at impormsyon galing sa http://www.dwheeler.com/chess-openings/