Monday, January 30, 2006

Buhok

Burnek, atsaka, tutsang , karugbol (karugtong ng bul....) ..... lahat ng klase ng balahibo meron ako nun. Tsaka ko lang napansin kanina sa salamin , punong-punong pala ako ng buhok sa katawan. Dating orangutan , ngayon isa nang ganap na wild baboon. Gusto ko sanang itanong kanina kay mother , "tao ba ako inay? " ehehe.
Okey yung mga nabili kong CD sa quiapo 4 in 1, apat na series ng Harry Potter, kaya kada araw isang palabas ang pinapanood ko bago matulog. Maganda ang kopya at sakto sa sinasabi ng palabas yung translation sa ibaba nung unang 3 series na pinanood ko. Kaninang umaga , pinanood ko yung pang-apat. Medyo madilim kung ikukumpara dun sa mga nauna, kadalasan , binabasa ko pa rin yung caption sa ibaba para maintindihan ko yung flow ng kwento tsaka yung spelling ng mga pangalan ng cast, pero itong pang-apat wala sa hulog, eto yung mga natatandaan kong linya ng translation:

(Dialogue nung cast) : P.S the bird bites.
(Transalation sa ibaba) : Bird bite addition.

(Dialogue nung cast) : You stink Harry Potter !
(Translation sa ibaba) : You aroma is not good Harry!

Tang ina , muntik na kong mahulog dun sa hinihigaan ko dahil sa kakatawa sa mga translation dun sa ibaba , mas malupit pa kay barok yung nag-translate nun, isipin mo , "bird bite addition" ginawang arithmetic , then , yung isa naman ginawang kape , kse aroma daw. Ang malupit pa non, pagkatapos nung palabas, may nagtayuan sa screen at may umiinat pa, ehehehehe. Pakshet yon , kuha sa sine. Pero okey lang nag-enjoy naman ako e, isa lang naman ang sumabit , sulit na yon sa halagang 35 pesos. Ano bili ka?

No comments: