Saturday, January 21, 2006
Brief
K ba yung illustration natin for today? May residue pa ng nicotine di po ba? Ehehehehe........ Ala kong madukot na brief kanina sa cabinet, nung maghalungkat ako ng maige , at last may nakuha din ako , kaso lang maaalala mo yung tanong kung anong pinagkaiba ng Lumang Tipan sa Bagong Tipan dun sa nahugot ko, dahil ala na kong choice , sinuot ko pa rin kahit di ako miyembro ng low-waist gang. Sa pagbubungkal ko, nakakuha pa ako ng isa pang papel . Payslip ko nung nagtatrabaho pa ko sa isang agency sa HSBC. Tiningnan ko yung net pay Php 2, 326.00 , napangiti na lang ako, kse di ako makapaniwala na ganito ang sahod ko dati, naalala ko pa na napadpad ako dun sa opisinang yun dahil sa tagal kong nawalan ng trabaho , nag-resign kse ako dun sa first job ko kahit ala pa kong pamalit , sabi ko kasi madali lang akong makakakuha ng bago, hindi pala. So , kahit contractual lang at minimum wage, tinanggap ko na. Ang malupit pa graveyard shift, pero sa enterprise naman ang office , hi-tech ang mga pc at surveillance sytem , de -swipe card pa ang pc. Buong magdamag kang magtatrabaho na parang machine , mage-encode ka ng mga credit card info sa system hanggang sa manigas ang mga daliri mo sa kamay at paa. Although di ganun kaganda yung trabaho , andami kong magagandang experience dito sa third job ko, lalo na ng ilipat ako ng umaga. Dun ko nakilala ang crush ko (yiihiiii!!!) na niligawan ko pa at regular na pinadadalhan ng mga self-made sweet quotes and poems and later on nalaman ko na lang na may punlay na pala sa sinapupunan di man lang sinabi sa 'kin na " Jamo gusto mo ba ng package deal?", natuto kong pumorma ng professional talaga para naman di ako magmukhang messenger kapag katabi ko na yung mga tunay na executives, natuto rin ako ditong sumayaw ng dirty dancing (nag-champion pa kami sa contest nung christmas party) . Kapag nakakakita ako ng hsbc logo , nagisilbing reminder to sa'kin na bago umalis ng trabaho maghanap muna ng siguradong lilipatan , and most of all, wag magsusuot ng maluwag na brief , mahirap maglakad.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment