Tuesday, January 10, 2006

Jumper

Basketball? Bobo! di ako naglalaro non. Sabi nila "may liwanag ang buhay" . Sa amin pag may dumalaw na taga-meralco , nagdidilim ang buhay ng karamihan, akala mo mga pusher o addict , lahat gising , kanya-kanyang tanggalan ng , ehehehehe, "jumper". Matagal na kaming pensyonado ng mga Lopez , first time naming nahuli , na short-cut kami ng mga ahente nila , dumaan ata sa warp zone ang mga putang ina at di rin gumana ang aming electronic early warning device. Nagpakabit ng kuntador yung kuya ko, kaso ayaw pa rin kaming pakabitin ng may-ari sa kanila , sa hindi ko malamang kadahilanan. Nag-try kaming kumabit sa isa pa naming kapit-bahay ng legal , kaso lang may nakakabit na rin sa kanila. Pakshet talaga! Pero "I'm feeling lucky today" pa rin, winter sa lupain ng intsik , kaya yung lamig sa kanila , damay na rin tayo , hindi mahirap matulog ng alang electric fan. Kaso lang, pano na pag natunaw na ang yelo? Hindi yata papayag si Aling Lita na matulog ang kanyang bunso sa jacuzzi , kaya nag-inquire siya ng service sa Joel Power Corp., same electric provider sa palengke, 500 pesos lang , lifetime warranty service pa ! Gusto ko na nga ring magpalit ng cable tv provider . Ano papakabit ka?

No comments: