Burnek, atsaka, tutsang , karugbol (karugtong ng bul....) ..... lahat ng klase ng balahibo meron ako nun. Tsaka ko lang napansin kanina sa salamin , punong-punong pala ako ng buhok sa katawan. Dating orangutan , ngayon isa nang ganap na wild baboon. Gusto ko sanang itanong kanina kay mother , "tao ba ako inay? " ehehe.
Okey yung mga nabili kong CD sa quiapo 4 in 1, apat na series ng Harry Potter, kaya kada araw isang palabas ang pinapanood ko bago matulog. Maganda ang kopya at sakto sa sinasabi ng palabas yung translation sa ibaba nung unang 3 series na pinanood ko. Kaninang umaga , pinanood ko yung pang-apat. Medyo madilim kung ikukumpara dun sa mga nauna, kadalasan , binabasa ko pa rin yung caption sa ibaba para maintindihan ko yung flow ng kwento tsaka yung spelling ng mga pangalan ng cast, pero itong pang-apat wala sa hulog, eto yung mga natatandaan kong linya ng translation:
(Dialogue nung cast) : P.S the bird bites.
(Transalation sa ibaba) : Bird bite addition.
(Dialogue nung cast) : You stink Harry Potter !
(Translation sa ibaba) : You aroma is not good Harry!
Tang ina , muntik na kong mahulog dun sa hinihigaan ko dahil sa kakatawa sa mga translation dun sa ibaba , mas malupit pa kay barok yung nag-translate nun, isipin mo , "bird bite addition" ginawang arithmetic , then , yung isa naman ginawang kape , kse aroma daw. Ang malupit pa non, pagkatapos nung palabas, may nagtayuan sa screen at may umiinat pa, ehehehehe. Pakshet yon , kuha sa sine. Pero okey lang nag-enjoy naman ako e, isa lang naman ang sumabit , sulit na yon sa halagang 35 pesos. Ano bili ka?
Monday, January 30, 2006
Saturday, January 28, 2006
Inspired?
One of these days I'll compose a song as beautiful and simple as this one, for me this is a creation of a truly inspired artist. I know all those lyrics are just playing in my head but I guess it's not time yet, I'm waiting for my heart to add the melody , when that time comes , it may not hit the music chart but I'm sure a song will be born out of inspiration....
Ang Aking Awitin
by Bong Gabriel
Bakit di ko maamin sa iyo ang tunay na awitin ng loob ko.
Di ko nais mabuhay pa kung wala sa piling mo.
Ngunit di ko pa rin maamin sa iyo.
Di malaman ang sasabihin pag kaharap ka.
Ngunit nililingon naman pag dumaraan na.
O, ang laking pagkakamali kung di niya malalaman .
Kaya sa awitin kong ito ipadarama.
Chorus:Lala lala lala lala lala lala lala lala lala, ahh sa awitin kong ito ipadarama
At kung ako'y lumipas at limot na,
Ang awitin kong ito'y alaala pa.
Awitin ng damdamin ko sa iyo maiiwan
Sa pagbulong ng hangin ng nakaraan.
Repeat Chorus:
Ang Aking Awitin
by Bong Gabriel
Bakit di ko maamin sa iyo ang tunay na awitin ng loob ko.
Di ko nais mabuhay pa kung wala sa piling mo.
Ngunit di ko pa rin maamin sa iyo.
Di malaman ang sasabihin pag kaharap ka.
Ngunit nililingon naman pag dumaraan na.
O, ang laking pagkakamali kung di niya malalaman .
Kaya sa awitin kong ito ipadarama.
Chorus:Lala lala lala lala lala lala lala lala lala, ahh sa awitin kong ito ipadarama
At kung ako'y lumipas at limot na,
Ang awitin kong ito'y alaala pa.
Awitin ng damdamin ko sa iyo maiiwan
Sa pagbulong ng hangin ng nakaraan.
Repeat Chorus:
Friday, January 27, 2006
Network
Aga ko na namang nagising kanina , nagising ako dun sa isa kong kamag-anak , nanghihiram na naman ng pera , buti na lang di pa ko lumalabas ng lungga ko , narinig ko tinabla ni Mother. Kung sana ba pinupulot lang yung pera kaso lang nakakalimutang magbayad eh, kung natyempuhan akong gising nun, tyak di na naman ako nakatanggi. Nung umalis na yung tita ko, may dumating na naman, ka-sparring ni Mother sa tong-its, ipipikit ko na sana yung mata ko kaso lang umupo malapit sa higaan ko , kahit takpan ko ng unan yung tenga ko , maririnig mo usapan nila , ang layo na ng narating , 3 patay na tao pa binuhay nila sa kwentuhan nila , sama mo na erpat ko. Ganyan ang network nila , kaya ang tawag ko sa nanay ko channel 2 , yung kumare nya gma 7 , ala si abc 5 nung oras na yon. Palasak na sa lugar namin yun. Sa jeep naman papuntang eastwood kanina , may next batch akong nakasabay , mga mini-network ba. Sa sobrang daldal nung mga batang yun , kahit iba na ang pilit kong iniisip , malalaman mong grade-six na sila, yung dalawa sa kanila parehas nang crush , yung isa naman inamin nya may crush siya dun sa kuya nung isa dati , pero hindi na ngayon kse daw pumangit na, tapos yung isa naman nakwento pa na kinalbo yung babaeng syota ng kuya nya. Si Bay naman na katabi ko , halos tumulo na laway , paano nakanganga , natulala sa mga pinagusapan nila. O di ba , kahit umaatungal na yung makina ng jeep , nangingibabaw pa rin yung palitan ng diskusyon ng mga mumunti nating network, pagliko ng jeep sa libis, pumara yung 3 anak ni cristy per minute , sabay bati ng "Hi ma'am! " sabay sakay naman nung teacher nila , sabi ko na lang, "Heto ang pasimuno, ehehehehe".
Kakalungkot pagbukas ko ng email , tinext na to ni JP sa'kin kahapon , kaso lang nakaka-touch yung sulat ni Toffee sa mga friend nya. Di kami close friend ni toffee boy , pero we usually greet each other like this "Ei yo asshole!", then he'll answer me with a cowboy accent ng something like ," Ei yo madafucka! " or "Wazzupp men?" . Naging magkakilala kami kse sa kanya ko nag-call listening nung una kong sabak sa L2. Huli naming kita napansin kong iba yung ID nya then he informed me na lilipat na siya ng accenture , nasabi ko na lang sa kanya , good luck pre. Pero ngayon , bye Toffee sana masaya ka sa paroroonan mo. Ngayon maiisip mo ang bilis ng takbo ng buhay , people come and go , parang wala lang pag sinabi mong "ganyan talaga ang buhay". Di natin naiisip , trabaho tayo ng trabaho , bukas ala na tayo.......
Kakalungkot pagbukas ko ng email , tinext na to ni JP sa'kin kahapon , kaso lang nakaka-touch yung sulat ni Toffee sa mga friend nya. Di kami close friend ni toffee boy , pero we usually greet each other like this "Ei yo asshole!", then he'll answer me with a cowboy accent ng something like ," Ei yo madafucka! " or "Wazzupp men?" . Naging magkakilala kami kse sa kanya ko nag-call listening nung una kong sabak sa L2. Huli naming kita napansin kong iba yung ID nya then he informed me na lilipat na siya ng accenture , nasabi ko na lang sa kanya , good luck pre. Pero ngayon , bye Toffee sana masaya ka sa paroroonan mo. Ngayon maiisip mo ang bilis ng takbo ng buhay , people come and go , parang wala lang pag sinabi mong "ganyan talaga ang buhay". Di natin naiisip , trabaho tayo ng trabaho , bukas ala na tayo.......
Sunday, January 22, 2006
We Are The Champions
Wooooohooooo!!! Weeeeeehheeee!!! Waaaaaaa!!! 2:00 pm , bigla kong napabalikwas sa higaan ko, sabi ko " Tang ina, ano yon? " Di ko alam kung may party sa kapitbahay , pati sa kabilang ilog naririnig ko naghihiyawan yung mga tao , may pumapalakpak , may kumakalabog na upuan tapos may parang pumapalo pa sa dingding. " Pakshet ! may tinayo kayang stage sa ibabaw ng bahay namin?" . Lumabas ako ng lungga ko, sabi ng nanay ko " anak, nanalo si Pacquiao" sabi ko sa sarili ko, oo nga nanalo nga si Pacquiao , tang-ina , sira naman yung tulog ko , tiyak knock-out na naman ako nito magdamag sa trabaho. Sa tv nire-replay pa kung pano tinalo si Morales. Sabi ko , ayos to ah ! Halos matanggal yung ulo ni Morales sa lakas ng suntok ni Pacquiao, nawala tuloy yung antok ko, expected ko mahihirapan si Pacquiao kay Morales kase nung last nyang laban talagang nahirapan sya. Paborito ko rin kase ang boxing, ilan sa mga idol ko sina Casius Clay ( Muhammad Ali bobo!), Sugar Ray Leonard, Marvin Hagler and Mike "kagat tenga" Tyson. Malayo na rin narating ni manny, napapanood ko pa sya dati sa blow by blow, naisip ko milyonaryo na sigurado 'to . Balik tayo sa tv , halos buong bansa nagdiriwang sa panalo, yung mga kababayan natin pansamantalang nakalimutan yung problema sa buhay, tapos pinakita naman yung mga congressman na nanood ng live telecast sa mga sinehan, nung iinterbyuhin na yung isang administration congressman , syempre dali-dali ko nang pinatay yung tv , tangina baka marinig ko pa sasabihin ng hindot na tongressman na yon eh sa batas nga mga walang alam yon eh kukunin mo pa opinyon sa boxing ? Kasing-ingay pa rin ng palengke yung paligid pagkapatay ko ng telebisyon , isinalang ko yung CD , tinodo ko yung volume tutal bagay naman yung tugtog sa okasyon , heto.......
We Are The Champions
We Are The Champions
I've paid my dues -
Time after time -
I've done my sentence
But committed no crime -
And bad mistakes
I've made a few
I've had my share of sand kicked in my face -
But I've come through
We are the champions - my friends
And we'll keep on fighting - till the end -
We are the champions -
We are the champions
No time for losers 'Cause we are the champions -
of the world -
I've taken my bows
And my curtain calls -
You brought me fame and fortune and everything that goes with it -
I thank you all -
But it's been no bed of roses
No pleasure cruise -
I consider it a challenge before the whole human race -
And I ain't gonna lose -
We are the champions - my friends
And we'll keep on fighting -
till the end -
We are the champions -
We are the champions
No time for losers '
Cause we are the champions -
of the world -
Saturday, January 21, 2006
Brief
K ba yung illustration natin for today? May residue pa ng nicotine di po ba? Ehehehehe........ Ala kong madukot na brief kanina sa cabinet, nung maghalungkat ako ng maige , at last may nakuha din ako , kaso lang maaalala mo yung tanong kung anong pinagkaiba ng Lumang Tipan sa Bagong Tipan dun sa nahugot ko, dahil ala na kong choice , sinuot ko pa rin kahit di ako miyembro ng low-waist gang. Sa pagbubungkal ko, nakakuha pa ako ng isa pang papel . Payslip ko nung nagtatrabaho pa ko sa isang agency sa HSBC. Tiningnan ko yung net pay Php 2, 326.00 , napangiti na lang ako, kse di ako makapaniwala na ganito ang sahod ko dati, naalala ko pa na napadpad ako dun sa opisinang yun dahil sa tagal kong nawalan ng trabaho , nag-resign kse ako dun sa first job ko kahit ala pa kong pamalit , sabi ko kasi madali lang akong makakakuha ng bago, hindi pala. So , kahit contractual lang at minimum wage, tinanggap ko na. Ang malupit pa graveyard shift, pero sa enterprise naman ang office , hi-tech ang mga pc at surveillance sytem , de -swipe card pa ang pc. Buong magdamag kang magtatrabaho na parang machine , mage-encode ka ng mga credit card info sa system hanggang sa manigas ang mga daliri mo sa kamay at paa. Although di ganun kaganda yung trabaho , andami kong magagandang experience dito sa third job ko, lalo na ng ilipat ako ng umaga. Dun ko nakilala ang crush ko (yiihiiii!!!) na niligawan ko pa at regular na pinadadalhan ng mga self-made sweet quotes and poems and later on nalaman ko na lang na may punlay na pala sa sinapupunan di man lang sinabi sa 'kin na " Jamo gusto mo ba ng package deal?", natuto kong pumorma ng professional talaga para naman di ako magmukhang messenger kapag katabi ko na yung mga tunay na executives, natuto rin ako ditong sumayaw ng dirty dancing (nag-champion pa kami sa contest nung christmas party) . Kapag nakakakita ako ng hsbc logo , nagisilbing reminder to sa'kin na bago umalis ng trabaho maghanap muna ng siguradong lilipatan , and most of all, wag magsusuot ng maluwag na brief , mahirap maglakad.
Saturday, January 14, 2006
Birthday Song
Magkunyaring seryoso naman tayo , here's my fave song , by Don Mclean. Ala yatang inuman na di ko ni-request tong kantang to. Lalo na pag senglot na ko , mga linya ko pa " Yan ang kanta pag namatay ako ha?" Siyempre yung mga kainuman ko , mapapatango na lang , siguro nasa isip ng mga ungas, "Tang ina mo, matagal ka pang mamamatay Jamo, isa kang masamang damo ehehehe" o kaya "tanginang 'to lasing na to nagda-drama na eh". Pang-friday classics to , hanggang ngayon di ko pa rin alam kung bakit ganito ang pamagat nya, basta pag naririnig ko sya , sumasaya ako ..........
If I could say the things I feel, it wouldn't be the same.
Birthday Song
If I could say the things I feel, it wouldn't be the same.
Some things are not spoken of, some things have no name
And though the words come hard to me, I'll say them just for you
For this is something rare for me this feeling is so new
You see I love the way you love me
Love the way you smile at me,
I love the way we live this life we're in
Long ago I heard the song that lovers sing to me.
And through the days with each new phrase
I hummed that melody
And all along I loved the song but I never learned it through
But since the day you came along, I've saved it just for you
You see I love the way you love me
Love the way you smile at me,
I love the way we live this life we're in
I don't believe in magic but I do believe in you
And when you say you believe in me
There's so much magic I can do
Now you see me now you don't watch me dive below
Deep down in your love lake where the sweet fish come and go
And I might sink and I might drown but death don't mean a thing'
Cause life continues right or wrong
when I play this birthday song
I learned from you, and you can't even sing
Tuesday, January 10, 2006
Jumper
Basketball? Bobo! di ako naglalaro non. Sabi nila "may liwanag ang buhay" . Sa amin pag may dumalaw na taga-meralco , nagdidilim ang buhay ng karamihan, akala mo mga pusher o addict , lahat gising , kanya-kanyang tanggalan ng , ehehehehe, "jumper". Matagal na kaming pensyonado ng mga Lopez , first time naming nahuli , na short-cut kami ng mga ahente nila , dumaan ata sa warp zone ang mga putang ina at di rin gumana ang aming electronic early warning device. Nagpakabit ng kuntador yung kuya ko, kaso ayaw pa rin kaming pakabitin ng may-ari sa kanila , sa hindi ko malamang kadahilanan. Nag-try kaming kumabit sa isa pa naming kapit-bahay ng legal , kaso lang may nakakabit na rin sa kanila. Pakshet talaga! Pero "I'm feeling lucky today" pa rin, winter sa lupain ng intsik , kaya yung lamig sa kanila , damay na rin tayo , hindi mahirap matulog ng alang electric fan. Kaso lang, pano na pag natunaw na ang yelo? Hindi yata papayag si Aling Lita na matulog ang kanyang bunso sa jacuzzi , kaya nag-inquire siya ng service sa Joel Power Corp., same electric provider sa palengke, 500 pesos lang , lifetime warranty service pa ! Gusto ko na nga ring magpalit ng cable tv provider . Ano papakabit ka?
Sunday, January 08, 2006
Idol
Andaming eksena sa fx na pwede kong ikwento sa blog na to, pero lilimitahan ko lang para naman di magmukhang wentong fx yung site. Like yung napaka-asim na manong na nakatabi ko sa unahan , obvious namang maasim kse pati yung driver naka-kunot na yung noo , nakikita ko sa back mirror yung ibang pasahero , halos ang aaskad na ng mukha kse naamoy din nila, e pano pa kayo ako? eh katabi ko lang si manong. Tapos yung aircon , in-adjust nya pa , pinabanda pa talaga yung amoy , ayun solb na ko pre. Gusto ko ng buksan yung pinto tapos tadyakan siya palabas , tapos ibabato ko sa kanya yung binayad niya plus 10 pesos , para sabihing " Tang ina ka heto binayad mo , tas bumili ka ng tawas , yung buo, ikaskas mo sa kili-kili mo, skunk!!!!" Okey siguro kung sakto sa harapan ng Quiapo ko siya sipain kse daming nagtitinda dun ng tawas na buo , may pamparegla pa. Kaso lang baka ma- "one inch punch" ako kay manong pag ginawa ko yun , bato-bato ang putang ina , kamukha pa sya ng idol ko, si Bruce Lee , pati built ng katawan. Naiisip ko di kaya ng katawang lupa.... napa- halelujah na lang ako ng bumaba na si Bruce Lee sa blumentritt, sabi ng driver " Tang inang yun ang baho! "
Saturday, January 07, 2006
Buena mano
Putang-ina. First post ko to, sa word na yan gusto kong simulan ang blogs na to , sarap eh, pag tinype mo sa google yang word na yan sigurado kasama na tong site na to. Yan na yata di ko mababago sa sarili ko , ang magmura. Sakay ako ng fx kanina , muntik na kong maiyak, narinig ko na naman yung pinaka-unforgettable song sa buhay ko, pano ko pa makakalimutan yun eh nung araw na sinugod namin yung tatay ko sa PGH 10:00 AM, ilang minuto nang mamatay siya , eto ang tugtog sa taxi. Ako naman nakatingin dun sa malayo , natulala, parang MTV nga yung dating. Tapos swak talaga , kse ang mga nasa ospital , masa talaga..............
Eraserheads - Para Sa Masa
ito ay para sa mga masa
sa lahat ng nawalan ng pag-asa
sa lahat ng ng aming nakasama
sa lahat ng hirap at pagdurusa
naaalala nyo pa ba
binigyan namin kayo ng ligaya
ilang taon na ring lumipas
mga kulay ng mundo ay kumupas
marami na rin ang mga pagbabago
di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang
mapapatawad mo ba ako
kung hindi ko sinunod ang gusto mo
la la la la la la la la. . . . . .
pinilit kong iahon ka
ngunit ayaw mo namang sumama
ito ay para sa mga masa
sa lahat ng binaon ng sistema
sa lahat ng aming nakabarkada
sa lahat ng mahilig sa labsong at drama
sa lahat ng di marunong bumasa
sa lahat ng may problema sa skwela
sa lahat ng fans ni sharon cuneta
sa lahat ng may problema sa pera
sa lahat ng masa
huwag mong hayaang ganito
bigyan ang sarili ng respeto
Eraserheads - Para Sa Masa
ito ay para sa mga masa
sa lahat ng nawalan ng pag-asa
sa lahat ng ng aming nakasama
sa lahat ng hirap at pagdurusa
naaalala nyo pa ba
binigyan namin kayo ng ligaya
ilang taon na ring lumipas
mga kulay ng mundo ay kumupas
marami na rin ang mga pagbabago
di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang
mapapatawad mo ba ako
kung hindi ko sinunod ang gusto mo
la la la la la la la la. . . . . .
pinilit kong iahon ka
ngunit ayaw mo namang sumama
ito ay para sa mga masa
sa lahat ng binaon ng sistema
sa lahat ng aming nakabarkada
sa lahat ng mahilig sa labsong at drama
sa lahat ng di marunong bumasa
sa lahat ng may problema sa skwela
sa lahat ng fans ni sharon cuneta
sa lahat ng may problema sa pera
sa lahat ng masa
huwag mong hayaang ganito
bigyan ang sarili ng respeto
Subscribe to:
Posts (Atom)