Wednesday, January 14, 2009

Pinakamalinamnam na Mami

Nagsimula ang lahat sa tanong ni Barney Boy ng "ano na Jam"?  Ibig sabihin ay nagtatanong kung anong gimik , ideya o lakad ang nasa aking isipan.  Dahil sa tagos hanggang butong lamig ng panahon , napagtanto kong masarap humigop ng kumukulong sabaw. Isa pa, ang aming kaibigang si Jaypee ay hindi pa natitikman ang mami sa matagal na naming natuklasang kainan sa puso ng Binondo, ang Wai Ying.


Matagal-tagal na rin kaming naglalakbay sa Binondo upang hanapin ang pinakamalinamnam na mami. Madalas kaming lumalapag sa Big Bowl na matatagpuan sa Masangkay St. para kumain , hanggang matuklasan naman namin na sa katabing kalye, sa Benavidez St. , matatagpuan din ang isang kainan na nagsisilbi ng ma-alamat sa sarap at pagkalinamnam na mami (oo , mapapa-putang ina ka sa sarap, ehehehehe). 


Dalawa ang Wai Ying restawran sa Benavidez St., yung isa ay para sa take-home, samantalang ilang hakbang lamang mula rito ay para sa dine-in.  Sa labas ay makikita mo agad ang mga naka-display na tinustang  kamag-anak ni Donald Duck (roasted duck patay-gutom!) . Hindi ka dapat ma-OP pag-upo mo sa loob dahil mga Filipino rin naman ang mga intsik na karaniwan mong makakasabay sa pagkain, di ka nga lang mananalo sa pagalingang gumamit ng chopstick.  Pag-upo, kakasahan ka kaagad ng tsaa ng taga-silbi at ilang-minuto lamang ay nakahanda na ang inorder mo. Wag na wag mong kakalimutang magtimpla ng  sawsawan na toyo na may chili sauce at kalamansi para sa wag na wag mong kakalimutang orderin na siomai at hakaw to the tune of wag na wag mong sasabihin ni Kitchie Nadal. Bibilib naman ako sa iyo kung bibira ka pa ng thai pao na mas malaki pa ang sukat sa ulo mo pagkatapos mong lantakan ang isang mangkok na mami. 
 
Ang paghahanap sa pinakamalinamnam na mami ay magpapatuloy, sa kasalukuyan, isa ang Wai Ying sa may masarap na mami na aming natikman. Ang mga larawan sa ibaba ang ilan lamang sa mga maibabahagi naming kuha ng aming mga pakikipagsapalaran. 

BABALA: Lubhang nakakagutom ang mga sumusunod na larawan. 


Sa Wai-Ying talagang finger-lickin ang mga pagkain.


Sinong may sabing wala ng libre sa panahong ito? Libre ang tsaa dito , bottomless pa. 


Ang ma-alamat na Roasted Duck Mami......nilantakan ni Jaypee


Beef Wanton Noodles , Roasted Duck Mami, Ham Soi Kok, Siomai at Hakaw, wowowowwwww!!! 


Pwede bang magpalamang  si jamongoloids? Akin ang huling kagat...ehehehe


Wag kang papaloko sa ekspresyon ng aking mukha, abot kaya ang presyo ng mga pagkain tig-150 piso lamang kaming tatlo.


Display pa lang , maglalaway ka na. Hanggang sa muling pagkikita Wai-Ying ! 

Sunday, January 11, 2009

Wacky Shot

Salamat sa Diyos at kumpleto pa rin ang aking mga daliri ng matapos ang taong 2008 at pumasok ang taong 2009. Pagkatapos ng masayang inuman hanggang ika- 8 ng gabi , nagbuhos na ako ng malamig na tubig at nagpababa ng tama. Bagamat pinili ko pa ang matulog na lang dahil may pasok ako sa trabaho ng Bagong Taon , wala akong magawa kundi gumising dahil ubod ng lakas ang mga paputok pagsapit ng alas 12 ng umaga. Masakit na sa tenga ang ubod ng lakas na paputok, habang nasa labas ay nabagsakan pa ako ng nagbabagang papel ng paputok kaya pinili ko na lang na hintaying humupa ang putukan sa loob ng bahay kasama ang aking kasintahan, tanging ina at mga pamangkin.

Masayang nagsimula ang taong 2009 dahil inimbitahan akong maging abay sa kasal ng aking ka-mongoloids at kaklase noong nasa kolehiyo na si Marlon Bautista. Akala ko ay tuluyan na akong lulubayan ng katatawanan sa buhay pero hindi pa pala. Sa kalagitnaan ng pagpapakuha ng larawan kasama ang bagong kasal, humiling ang litratista ng walang kamatayang wacky shot.....

Litratista: O bakit naman malungkot kayo? Isang masayang "YES !" naman dyan.

Buong galak naman naming pinagbigyan ang mama sabay bigkas ng salitang "yes!".

Litratista: O isa pang wacky shot dyan sir , ma'am , taas natin ang kanang paa and say "yes!" while the couple will kiss each other.

Siyempre pinagbigyan ulit namin si manong. Habang nagpapakuha , napansin kong nakanguso ang akin ding kapwa mongoloids at kaklase na si Reegan Vargas, na pinakiusapan kong kunan din kami ng larawan, inginunguso ang aking kanang paa.

Huli na ng aking mapansin na hindi ko pa pala natatanggal ang tag price na nakalagay sa ilalim ng aking bagong sapatos. Nakalagay ang halagang 1,099.75 sa tag price at hindi ko alam kung nakuhanan din sya ng litratista. Mura ko lang nakuha ang sapatos dahil sa "christmas sale" , baka gusto mong itanong kung ano naman ang makikita mong tag price kapag iniangat ko ang aking kaliwang paa?

Wag ka ingay ha? 5o% off kaya 500 na lang ang tag price kapag iniangat ko naman ang aking kaliwang paa. Potang ina talaga ! ehehehehehe.....

Ang mag-asawang Marlon at Rina Bautista habang nagtutukaan.


Ang tag price ng aking sapatos. Parang me munting tae pa nga e, look.

Hindi naman halatang si Marlon ang pumili ng mga tugtog pagdating namin ng handaan dahil puro Beatles ang musikang pumapailanlang. Nagustuhan ko ang kantang Across the Universe kaya ilalagay ko siya dito. Jai Guru Deva Om . Congratulations kapatid!


Wednesday, December 31, 2008

May boksing din pala sa golf.....


Boxer-Congressman dapat si Manny Pacquiao sa darating na 2010, kauna-unahan sa kasaysayan ng politika sa Pilipinas....

Pero mas nauna si Mayor Nasser Pangandaman Jr. , kasama ng mga tauhan ng anak ng kalihim ng DAR matapos gawing punching bag ang 56  taong-gulang na ama at 14  taong-gulang na kapatid ni Marie Dhel “Bambee” dela Paz. Boxer-Mayor , kauna-unahan sa Pilipinas.


******

Sa ibang bansa mayroong nauusong laro na kung tawagin ay chessboxing. Pagkatapos magsuntukan ay maglalaro ng ahedres sa gitna ng ring.

Sa Pilipinas , habang naglalaro kayo ng golf at may nakasagutan kayong maimpluwensyang tao, boksing na ang kasunod , yun nga lang di ka makakasuntok sa dami ng bodyguard na kasama, tag team pa ang labanan, 2 laban sa 4. GolfBoxing, Onli in da Pilipins.


******

Sa Pilipinas ulit , karaniwan na ang balita tungkol sa mga pulitiko gaya ng Congressman , Mayor, Councilor na nang-uumbag. Pag mas mataas na posisyon naman gaya ng Heneral o  Senador , sangkot sa pagpatay.  

Paano kaya pag presidente? Nagtatanong lang ehehehehe.


******

Maraming komento, pambabatikos sa pulitiko,  suporta at panalangin ang natanggap ni Bambee dela Paz sa kanyang blog. Isa ako sa daan-daang Pilipino na bumisita at nagpahayag ng disgusto sa inasal ng mga tinagurian pa namang mga lingkod bayan.

Ang tangi ko lamang maibibigay na tulong sa kaawa-awang kapwa ko blogger ay panalangin na makamtan nila ang hustisya, bagamat singlabo ng tubig  kanal ang kalalabasan ng imbestigasyon nito dahil sa posisyon ng mga taong nasangkot, at i-post  ang link ng kanyang blog kung saan ipinahayag niya ang mga nangyari, upang mabatid ng mga kakarampot kong mambabasa ang katotohanan.

Pakikalat.

*******

Sunday, December 28, 2008

Pasko sa Arellano

Medyo nasaid ang badyet ko nitong nagdaang pasko. Ikaw ba naman ang magkaroon ng 35 inaanak at sagutin ang mga gastusin sa bahay. Hindi ko na matandaan ang mga pangalan ng aking inaanak kaya kapag inililista ko, pangalan ng mga tatay o nanay nila ang inilalagay ko. Hindi lahat ng 35 kong inaanak ay nagpunta sa aming tahanan. Yung iba ay nakatira pa sa malayong lugar, pag naging malaking oras na ako (bigtime bobo!), babawi na lang ako sa kanila.

Para akong hitman na isa-isang ginuguhitan ang kanilang pangalan pagtapos kong abutan ng ampaw. Nilalagyan ko naman ng "*" sabay sulat ng pangalan kapag merong humihirit na timawa gaya ng pinsan, pamangkin o chikiting galing sa kung saan. Laking tuwa ko ng malamang merong mga ilan pa akong inaanak na hindi na dumating, sa kabilang banda, kinakabahan naman ako na baka sa Bagong Taon sila dumating.

Siniguro ko namang meron akong naitabi mula sa aking christmas bonus para ipambili ng kahit isang mumurahing digital camera. Ito'y dahil sa ayaw kong lumipas ang pasko na wala man lamang larawan ang mga tiyanak sa amin o ala-ala ng pasko sa Arellano. Lumaki kasi akong ang mga larawan noong ako'y bata pa ay nasa aming kapitbahay o kamag-anak. Narito ang mga larawan na matiyaga kong pinili , pang-Pulitzer ba:

Ang dating sumusubsob ang mukha sa isang platong lugaw ay malaki na. Ang mga tiyanak. Mukhang mababait no? Harmless yan.

Hindi po yan sa bilibid at hindi rin yan ang sputnik, sa bakanteng lote lang po at yan ang mga kabataan sa Arellano. Parang isa lang ang naiiiba?

Si Jamongoloids habang tinatanggap ang macaroni award galing sa kanyang mahal na pinsan na si Dinmark

Gaya ng lagi kong paala-ala sa mga bata, magsipilyo ng ngipin palagi para maging modelo ng toothpaste gaya ng dalawang chikiting na to.

Ang apat na miyembro ng Tropang Tres Cepas

Alak+Laing , vegetable salad at papaitan na pulutan+Videoke+Kaibigan=Kasiyahan

Saturday, December 27, 2008

Precious and Few

Senti mode tayo ulit , hindi dahil sa malungkot tayo ngayong pasko, ganyan naman ako palagi, pag masaya ang pakiramdam, mas gugustuhin ko pang makinig ng mga awiting nakakapagpakalma(na para bang isa akong bayolenteng tao?). Isang awitin na ibinahagi lamang ni gagolero noong nakaraan pa , nakita nya raw at napakinggan sa isang palatuntunan sa telebisyon. Old skul na awitin pero napakaganda ng liriko. Kung natagpuan mo na ang pinapangarap mong mahal , magandang pagmunimunihin ang awiting ito kung paano mo sya pahahalagahan. Inawit ng "Climax" nung nayntin kopongkopong. Maligayang Pasko sa inyong lahat!


Precious and few are the moments we two can share.
Quiet and blue like the sky I'm hung over you

And if I can't find my way back home
It just wouldn't be fair
Precious and few are the moments we two can share

Baby, it's you on my mind, your love is so rare
Being with you is a feeling I just can't compare


And if I can't hold you in my arms
It just wouldn't be fair'
Cause precious and few are the moments we two can share

And if I can't find my way back home
Oh, it just wouldn't be fair '
Cause precious and few are the moments we two can share


Precious and few are the moments we two can share
Lying in blue like the sky I'm hung over you


And if I can't find my way back home
It just wouldn't be fair '
Cause precious and few are the moments we two can share


Wednesday, December 10, 2008

Game of the Century

Heto talaga ang totoong "Game of the Century" kaya ikalawang bahagi lamang yung naganap na bakbakan nina Pacman at Golden Boy. Matagal ko na ring binalak na gawin ito sa luma kong blog pero ngayon ko lang naisakatuparan dahil ngayon ko lang napag-tripan at natuklasan. Merong nagtanong sa akin kung bakit piyesa ng ahedres yung nasa template ko tapos kakaunti lamang daw yung nakikita nyang mga laro ng ahedres at puro boksing daw ang nababasa nya. Dapat daw yung piyesa ko ng hari ay meron daw nakasuot na gloves o hawak na tako. Ang naging tugon ko na lamang sa inosenteng katanungan ng aking kaibigan ay , "PAKYU!" sabay ngarat sa kanyang mukha.

Ang tunay na Laban ng Siglo sa larangan ng ahedres ay naganap noong ika-17 ng Oktubre 1956 sa pagitan ng aking idolong si Robert James "Bobby" Fischer at Donald Byrne sa Rosenwald Memorial. Paganahin mo ang PGN viewer tanga ng malaman mo kung bakit.

[Event "Rosenwald Memorial"]
[Site "Game of the Century"]
[Date "1956.10.17"]
[EventDate "?"]
[Round "8"]
[Result "0-1"]
[White "Donald Byrne"]
[Black "Robert James Fischer"]

test/fischer_byrne_1956.pgn

Game of the Century II

Inaasahan ko na magiging malakas at mabilis si Emmanuel "Manny Pacman" Dapidran Pacquiao sa tinaguriang "Dream Match" pero di ko inaasahan kahit sa panaginip na magiging ganun kalamya at kabagal ang tinaguriang "Golden Boy" ng boksing na si Oscar Dela Hoya. Hindi man lang inilaban ang aking limandaang pisotas. Buti na lamang at hindi ako isang tanyag na "boxing analyst", kundi , isa ako sa mga napahiya at napailing ng mapawi ang usok sa naganap na bakbakan.

Sabi nga ng isang komentarista , parang Tarzan si Oscar nung ganapin ang "weigh-in" ngunit pagtuntong ng ring naging si Jane. Sa akin naman , akala ko "life begins at 40" yun pala pag-edad mo ng 35 gaya ni Golden gay , este boy pala e talagang matanda ka na at walang maibubuga.

Sabi ni Roach , "he cannot pull the trigger anymore!" sabi ko naman "he cannot even hold the fucking gun!". Pinanood ko pa uli yung laban, nakatutuwang malaman na ang tawag ni Roach kay Manny sa loob ng ring ay "son" habang inuulit naman nung katuwang ng magiting na coach na si Buboy Fernandez ata , ang lahat ng sinasabi nito sa tagalog. Naalala ko tuloy ang aking tatay na naging boksingero din dati at nagkaroon din ng sakit na "Parkinson's Disease" gaya ni Roach ,lagi akong tinuturuang mag-jab at mag-kumbinasyon ng mga "1-2 punches" at isa ring taga-hanga ni Manny Pacquiao kahit nung hindi pa siya sikat . Kung hindi sya namayapa , malamang magkalaban kami ngayon sa pustahan.

Maligayang kaarawan sa ika-17 ng Disyembre at saludo ako sa impresibong laban na ipinakita ng Pambansang Kamao. Babayu sa aking limandaang piso. Sa susunod na laban , baka kay Mayweather Jr. ako o kaya ay kay "Hitman" Hatton, ehehehehe.