Wednesday, December 10, 2008

Game of the Century II

Inaasahan ko na magiging malakas at mabilis si Emmanuel "Manny Pacman" Dapidran Pacquiao sa tinaguriang "Dream Match" pero di ko inaasahan kahit sa panaginip na magiging ganun kalamya at kabagal ang tinaguriang "Golden Boy" ng boksing na si Oscar Dela Hoya. Hindi man lang inilaban ang aking limandaang pisotas. Buti na lamang at hindi ako isang tanyag na "boxing analyst", kundi , isa ako sa mga napahiya at napailing ng mapawi ang usok sa naganap na bakbakan.

Sabi nga ng isang komentarista , parang Tarzan si Oscar nung ganapin ang "weigh-in" ngunit pagtuntong ng ring naging si Jane. Sa akin naman , akala ko "life begins at 40" yun pala pag-edad mo ng 35 gaya ni Golden gay , este boy pala e talagang matanda ka na at walang maibubuga.

Sabi ni Roach , "he cannot pull the trigger anymore!" sabi ko naman "he cannot even hold the fucking gun!". Pinanood ko pa uli yung laban, nakatutuwang malaman na ang tawag ni Roach kay Manny sa loob ng ring ay "son" habang inuulit naman nung katuwang ng magiting na coach na si Buboy Fernandez ata , ang lahat ng sinasabi nito sa tagalog. Naalala ko tuloy ang aking tatay na naging boksingero din dati at nagkaroon din ng sakit na "Parkinson's Disease" gaya ni Roach ,lagi akong tinuturuang mag-jab at mag-kumbinasyon ng mga "1-2 punches" at isa ring taga-hanga ni Manny Pacquiao kahit nung hindi pa siya sikat . Kung hindi sya namayapa , malamang magkalaban kami ngayon sa pustahan.

Maligayang kaarawan sa ika-17 ng Disyembre at saludo ako sa impresibong laban na ipinakita ng Pambansang Kamao. Babayu sa aking limandaang piso. Sa susunod na laban , baka kay Mayweather Jr. ako o kaya ay kay "Hitman" Hatton, ehehehehe.









1 comment:

eva said...

naku sayang naman 500.hehhe