Nagsimula ang lahat sa tanong ni Barney Boy ng "ano na Jam"? Ibig sabihin ay nagtatanong kung anong gimik , ideya o lakad ang nasa aking isipan. Dahil sa tagos hanggang butong lamig ng panahon , napagtanto kong masarap humigop ng kumukulong sabaw. Isa pa, ang aming kaibigang si Jaypee ay hindi pa natitikman ang mami sa matagal na naming natuklasang kainan sa puso ng Binondo, ang Wai Ying.
Matagal-tagal na rin kaming naglalakbay sa Binondo upang hanapin ang pinakamalinamnam na mami. Madalas kaming lumalapag sa Big Bowl na matatagpuan sa Masangkay St. para kumain , hanggang matuklasan naman namin na sa katabing kalye, sa Benavidez St. , matatagpuan din ang isang kainan na nagsisilbi ng ma-alamat sa sarap at pagkalinamnam na mami (oo , mapapa-putang ina ka sa sarap, ehehehehe).
Dalawa ang Wai Ying restawran sa Benavidez St., yung isa ay para sa take-home, samantalang ilang hakbang lamang mula rito ay para sa dine-in. Sa labas ay makikita mo agad ang mga naka-display na tinustang kamag-anak ni Donald Duck (roasted duck patay-gutom!) . Hindi ka dapat ma-OP pag-upo mo sa loob dahil mga Filipino rin naman ang mga intsik na karaniwan mong makakasabay sa pagkain, di ka nga lang mananalo sa pagalingang gumamit ng chopstick. Pag-upo, kakasahan ka kaagad ng tsaa ng taga-silbi at ilang-minuto lamang ay nakahanda na ang inorder mo. Wag na wag mong kakalimutang magtimpla ng sawsawan na toyo na may chili sauce at kalamansi para sa wag na wag mong kakalimutang orderin na siomai at hakaw to the tune of wag na wag mong sasabihin ni Kitchie Nadal. Bibilib naman ako sa iyo kung bibira ka pa ng thai pao na mas malaki pa ang sukat sa ulo mo pagkatapos mong lantakan ang isang mangkok na mami.
Ang paghahanap sa pinakamalinamnam na mami ay magpapatuloy, sa kasalukuyan, isa ang Wai Ying sa may masarap na mami na aming natikman. Ang mga larawan sa ibaba ang ilan lamang sa mga maibabahagi naming kuha ng aming mga pakikipagsapalaran.
BABALA: Lubhang nakakagutom ang mga sumusunod na larawan.
Sinong may sabing wala ng libre sa panahong ito? Libre ang tsaa dito , bottomless pa.
Ang ma-alamat na Roasted Duck Mami......nilantakan ni Jaypee
Beef Wanton Noodles , Roasted Duck Mami, Ham Soi Kok, Siomai at Hakaw, wowowowwwww!!!
Pwede bang magpalamang si jamongoloids? Akin ang huling kagat...ehehehe
Wag kang papaloko sa ekspresyon ng aking mukha, abot kaya ang presyo ng mga pagkain tig-150 piso lamang kaming tatlo.
Display pa lang , maglalaway ka na. Hanggang sa muling pagkikita Wai-Ying !
1 comment:
ganda ng mga pictures ah.hehe.
kakagutom tuloy.
http://www.evamee.blogspot.com/
Post a Comment