Wednesday, December 31, 2008

May boksing din pala sa golf.....


Boxer-Congressman dapat si Manny Pacquiao sa darating na 2010, kauna-unahan sa kasaysayan ng politika sa Pilipinas....

Pero mas nauna si Mayor Nasser Pangandaman Jr. , kasama ng mga tauhan ng anak ng kalihim ng DAR matapos gawing punching bag ang 56  taong-gulang na ama at 14  taong-gulang na kapatid ni Marie Dhel “Bambee” dela Paz. Boxer-Mayor , kauna-unahan sa Pilipinas.


******

Sa ibang bansa mayroong nauusong laro na kung tawagin ay chessboxing. Pagkatapos magsuntukan ay maglalaro ng ahedres sa gitna ng ring.

Sa Pilipinas , habang naglalaro kayo ng golf at may nakasagutan kayong maimpluwensyang tao, boksing na ang kasunod , yun nga lang di ka makakasuntok sa dami ng bodyguard na kasama, tag team pa ang labanan, 2 laban sa 4. GolfBoxing, Onli in da Pilipins.


******

Sa Pilipinas ulit , karaniwan na ang balita tungkol sa mga pulitiko gaya ng Congressman , Mayor, Councilor na nang-uumbag. Pag mas mataas na posisyon naman gaya ng Heneral o  Senador , sangkot sa pagpatay.  

Paano kaya pag presidente? Nagtatanong lang ehehehehe.


******

Maraming komento, pambabatikos sa pulitiko,  suporta at panalangin ang natanggap ni Bambee dela Paz sa kanyang blog. Isa ako sa daan-daang Pilipino na bumisita at nagpahayag ng disgusto sa inasal ng mga tinagurian pa namang mga lingkod bayan.

Ang tangi ko lamang maibibigay na tulong sa kaawa-awang kapwa ko blogger ay panalangin na makamtan nila ang hustisya, bagamat singlabo ng tubig  kanal ang kalalabasan ng imbestigasyon nito dahil sa posisyon ng mga taong nasangkot, at i-post  ang link ng kanyang blog kung saan ipinahayag niya ang mga nangyari, upang mabatid ng mga kakarampot kong mambabasa ang katotohanan.

Pakikalat.

*******

No comments: