Saturday, April 12, 2008

Gugabol K Ba?

Tinanggal na ulit ng MIS yung malayang pagbubukas ng anumang site sa aking kompyuter. Hindi na ko makapag-friendster , hindi makabukas ng email, i-type mo lang ang salitang "blog" sa google at isang malaking pulang tandang padamdam ang iyong makikita. Pero napupuntahan ko pa rin ang manyakol.com (hik! hik! hik! ). Halos maubos na rin ang mga proxy address na ginagamit namin , salamat na lang at marami pa rin akong kasama sa trabaho na matiyagang naghahanap ng mga bagong proxy kapag naba-block yung ginagamit namin (tibay noh?). Balik na naman ako sa dati kong gawi pag ganitong limitado lang ang aking mapupuntahan at walang magawa , karaniwan , nilalaro ko si Ludo (yung chess program , manyakol!) , pag masakit na ang aking ulo ,binubuksan ko ang google, nagtitipa at naghahanap ng kung anu-ano....talagang kung anu-anong salita , kadalasan mga pangalan ng kung sino-sinong kakilala ko. Matutuklasan mo na rin kung Gugabol ka ba?


Sinubukan kong i-type ang aking unang pangalan at nalaman ko na kapangalan ko pala ang isang audio jack : JAMin is the JACK AudioConnection Kit (JACK) Audio Mastering interface. Sinubukan kong i-type ang aking buong pangalan at lumabas ang pangalan ko bilang isa sa nagwagi sa Text Tulang Pinoy ng NCCA (ehem!). Aksidente lang ang pagkakasali ko dun. Eto yung mga panahong sinusundan ko ang away ng dalawang showbiz kolumnista, si Alfie Lorenzo ng pahayagang Abante at si Pete Amploquio ng pahayagang Bandera ata o isa pang dyaryong tabloid. Tuwang-tuwa ako sa patusadahan ng dalawa ,naroong tawagin ni Alfie na pokpok ang nanay ni Pete , kumakain pa daw si Pete ng burak dahil parang pusali ang bibig etc., sa kabilang banda naman , tinitira naman si Alfie sa pagiging hukluban nito etc. Sa kolum ni Alfie Lorenzo ay may patalastas kung saan inihayag nya ang mga napiling magwagi sa Textula ng NCCA para sa ikatlong linggo. Nabatid kong kasama sa nagwagi si G. Gregorio M. Rodillo, ang isa sa aking paboritong propesor sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Guro ko siya sa Panitikang Pilipino, may malaking impluwensya sa akin kaya siguro ganito ako magsulat at managalog. Lagi nya sa aming ipinapaalala ang "masining na pagsusulat at pagbibigkas ng wikang Filipino". Hindi ako mapakali ng araw na nabasa ko yon, parang gusto ko ring mag-text ng aking tula. Kalikasan ang tema ng patimpalak , papasok ako sa trabaho at sakay ako ng FX na nagbubuga ng maitim na usok ng araw na maisip ko ang aking tula at i-text sa NCCA hotline. Nung sumunod na linggo, nabasa ko na rin sa kolum ni Alfie Lorenzo ang pangalan ko bilang isa sa nagwagi (palakpakan naman!) , at pagkaraan ng ilang araw ay nagkita kami ni Ginoong Rodillo sa UP, Diliman upang tanggapin ang aming premyong salapi , isang mug, isang t-shirt , sertipiko at isang munting libro kung saan ang aming tula ay isinadiwa ng isang pintor sa pamamagitan ng pagpinta (natural , alangan namang inawit devah?)..


Sa pagpapatuloy, ilan lamang ito sa mga bagay na makikita mo sa google. Sinubukan ko na ring itipa dito ang mga pangalan ng aking mga kasama sa trabaho , patok ang mga dating nagcha-chat at nambabarubal o dili kaya ay pinaglalaruan ng mga kano sa chat. Karaniwan ng lumalabas ang iyong personal na profile sa friendster kung marami ang tumitingin sa account mo.


Subukan mong i-type ang salitang pakanto* at madidiskubre mo ang mga taong halatang nakalimutang i-log out ang kanilang friendster account kaya pinaglalaruan ng kahit sinong ponsyo pilato ang kanilang mgaprofile. Kapag minalas ka pa ng kaunti , papalitan na rin ang password mo kaya wala ka ng pagkakataong baguhin pa ito (cool di ba?). Gayundin ang karaniwan mong makikita kapag tinype mo ang iba pang mga makamundong salita. Halimbawa: kepyas , malibog , malandi etc., mga hinahanap ko pag wala akong magawa ,pasintabi sa mga madreng nagbabasa, ehehehe.


Sa pagtatapos , hindi ko malilimutan ang balik tanong sa akin ng isang kasalukuyang Manedyer (di ko sasabihin kung operation, senior o device manager) sa kumpanyang aking pinagtatrabahuhan nung minsang tanungin ko sya ukol sa isyu na may relasyon sa trabaho (work related boplax!) . Huli na ng mapagtanto ko na wala na nga pala syang alam sa mga teknikal na bagay ,marahil di niya talaga alam ang isasagot , tanungin ba naman ako ng ,"nag- google ka na ba?". Parang tono ng nagtatanong kung nagmumog na ba ako?


Ikaw sinubukan mo na ? Gugabol ka ba?

Tuesday, March 18, 2008

Hindi Kumbinsidong Panalo.

Napaos ako sa kasisigaw habang pinapanood ang live na laban ni Pacquiao kay Marquez sa basketball court ng Camachile. Bago yon , napalaban muna ako ng ahedres sa dalawang matanda sa Zapanta. Dahil siguro bagong mukha sa kanila, meron na kaagad 3 na nakapila para sumunod upang aking makalaban. Magalang kong tinanggihan ang hamon ng ikatlong kasunod sa kadahilanang di pa ako kumakain ng tanghalian at masakit na rin ang aking ulo sa unang dalawang laban, hindi rin biro kalabanin ang mga matatanda sa ahedres.

***

Round 2 na ng aking abutan ang live show (hindi bold huh?) sa Camachile , nandun lahat ang aking mga kumpare't kaibigan , all star-cast ika nga. Inabot ni Abet ang kopya ng mga taya sa pustahan , ang pusta ko ay matatapos ang laban ng 8th round pero parang giyera na sa loob ng basketball court ng pabagsakin ni Pacman si Marquez sa ikatlong round. Akala ko ay lilipad na ang taya kong isandaan pero hindi pala. Ng matapos ang laban, akala ng nakararami ay panalo si Marquez dahil sa dami ng pinaulang counter-punches at jabs. Ng ihayag ni Michael Buffer (yung ring announcer engot!) na meron ng bagong WBC Super Featherweight Champion via split decision , naglundagan na sa tuwa ang lahat ng tao sa court na akala mo'y nanalo sa pustahan.
***
Si Judge Tom Miller ay nag-iskor ng 114-113 para kay Pacman at si Duane Ford naman ay115-112 pabor kay Pacquiao habang si Jerry Roth naman ay 115-112 para kay Marquez. Sobrang dikit ng laban. Para sa akin , kung hindi napatumba ni Pacquiao si Marquez sa ikatlong round, at napagewang nung round 10, walang dahilan para sya ang manalo. Gaya ng nakararami , hindi ako masyadong kumbinsido na si Pacman ang nanalo, pero dahil beterano, patas, at mas nakakaalam sa larangan ng boksing ang mga hurado, kelangan nating tanggapin na si Pacman nga ang nanalo.
***
Gaya ng sinabi ko nung nakaraan kong lathala , ungas lang talaga ang magpapalagay na pati ang mga mapagsamantala ay hindi mananamantala at manonood lang ng laban ni Pacquiao noong linggo. Habang nagbibigayan ng suntok sina Pacquiao at Marquez , binibigay naman ng mga pasahero ang kanilang mga salapi , alahas at cellphone sa mga holdaper ng isang bus sa Edsa. Hindi ko na nalaman ang detalye kung merong humabol o nakahuling pulis sa mga holdaper dahil nabasa ko lang sa Abante, pero mas malamang na nakatakas na ang mga ito , kasi tulo laway na si mamang pulis habang nakatanga sa harapan ng telebisyon at pinanonood ang laban nina Pacman. Tsk. tsk. tsk...

***

Highlights ng laban nina Pacquiao at Marquez , larawan galing sa: http://www.fightnewsextra.com/cc/FIGHTS2008/03-pacquiao-marquez.htm




Saturday, March 15, 2008

Unfinished Business

"Unfinished Business" yan ang pamagat ng bakbakan bukas ni Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez. Bukas siguradong closed deal ang labanan, pag nagtabla ulit , tiyak batuhan na ng tae to sa Mandalay. Isa siguro ako sa mga kakaunting Pinoy na hindi bilib kay Manny Pacquiao sa larangan ng boxing, ang mga tipo kasi natin ay sina Casius Clay ( Mohammad Ali , tanga !) at Mike " Iron" Tyson, nadagdagan pa ang pagkawala ng aking bilib ng tumakbo syang Congressman. Bagama't aminado ako na nitong nakaraang huling linggo , napapadalas ang basa ko ng mga balita tungkol sa gaganaping laban nila ng tinaguriang "dinamita" ng Mexico (hindi pampanga ah?). Isa sa mga hindi ko matanggap na binalita sa Inquirer na may kaugnayan sa laban ay yung ceasefire daw na ipapatupad ng AFP bukas tsaka yung inaasahang pagbaba ng crime rate dahil daw sa magaganap na laban....

Tanga din eh no? Yung mga alagad ba ni Osama bin Laden o kaya yung parokya ng Abu Sayyaf manunuod din ng laban? Hindi mo malaman kung nag-iisip pa tong mga hindot na to eh, sukdulan ba namang ihayag pa sa dyaryo na petiks ang buong sandatahang walang lakas bukas. Bukas din obyus na walang pulis, lahat nakatutok sigurado sa telebisyon. Malamang pwede kang mangreyp bukas kahit sa gitna ng kalsada at tirik ang araw o kaya mang-holdap ng bangko tas mababalikan mo pa ng mga ilang ulit yung ninanakawan mo ng ilang ulit pa ng paulit-ulit ng walang nakakapansin ulit. Bukas , aabangan ko yung mga balitang nakasalisi habang ginaganap ang laban, waiting shed lang kayo.


Kapag me nagtatanong kung sino sa tingin ko ang mananalo sa dalawa, ang lagi kong sagot eh "pag nakita ko yung larawan nila habang nagpapatimbang malalaman ko kung sino ang mas kundisyon". Me naharbat akong larawan , yung makikita ngayon sa taas. Walang duda na kundisyon si Marquez pero walang duda na parang nililok na Cobra ang katawan ni Pacquiao. Parang kailangan mo ng sinsil at martilyo para tibagin ang katawang ito. Balita ring pinalakas ni Roach (yung trainer timawa!) pati ang kanang kamay ni Pacman kaya dalawang kamay ang dapat iwasan ni Marquez na napakahusay namang counter-puncher at beteranong tactician sa larangan ng boxing na pinanday ng beteranong si Beristain (yung trainer ni Marquez, unggoy!). Bilis at lakas laban sa taktika at karanasan.

Sa huli , bandila ng Pilipinas ang dadalhin ni Manny Pacquiao, at dahil mahal ko ang ating bansa , kay Pacman na lang ako ( parang me choice e no?). Bukas , titigil ang pag-inog ng mundo , kikinis yon? Titibay yon? Hehe. Rambulan na !

Monday, February 25, 2008

Pokayoke

Aksidente akong napabili sa Daiso, nasa likuran ng Isetann Cubao, kaninang umaga ng tamarin akong salubungin ang malamig na ambon habang tinatahak ang daan papasok sa aming tanggapan. Habang isa-isa kong tinitignan ang mga display, napangiti ako ng mapansin ko ang isang barbel na plastik, tinignan ko ang panuto sa likuran ng produkto na nagsasaad na lalagyan mo sya ng tubig depende sa bigat na nais mo. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang kakaibang hugis ng takip ng isang teapot , upang maiwasan ang paglaglag nito kapag nagsasalin ka na ng tsaa. Muli na naman akong bumilib sa katalinuhan ng mga kapatid nating hapon at naalala ang isa sa mga pina-research sa akin dati ni insang Alberto Mangahas, ang Pokayoke.

Hinanap ko ang kahulugan sa wikipedia ng salitang ito, para na rin sa kapakanan ng mga mongoloids kong kaibigan at mambabasa. (Paunawa: Maghanda ka ng panyo baka dumugo ang ilong mo, English ito)
Poka-yoke — pronounced "POH-kah YOH-keh" — is a Japanese term that means "fail-safing" or "mistake-proofing" — avoiding (yokeru) inadvertent errors (poka)) is a behavior-shaping constraint, or a method of preventing errors by putting limits on how an operation can be performed in order to force the correct completion of the operation. The concept was formalised, and the term adopted, by Shigeo Shingo as part of the Toyota Production System. Originally described as Baka-yoke, but as this means "fool-proofing" (or "idiot proofing") the name was changed to the milder Poka-yoke.

Klasikong halimbawa ng pokayoke ay ang tatlo’t kalahating pulagada (3.5 inch tanga !)diskette, kung iyong mapapansin ay may tapyas na bahagya sa kanang kanto nito upang hindi mo ito ganap na maipasok ng nakabaliktad sa iyong kompyuter. Marami pang halimbawa ng pokayoke ang kapaki-pakinabang at hindi natin namamalayan ay ginagamit na natin sa loob ng ating tahanan, tanggapan o kung saan pa man magpasawalang hanggan.

Upang ganap mong maunawaan ang ibig kong sabihin at madagdagan ang iyong gabubot na laman sa loob ng iyong bungo, sundan ang link na ito para sa iba pang halimbawa. O? Pasalamat ka sa kin me bago ka na namang natutuhan tanga…….

Wednesday, January 30, 2008

Akeelah and the Bee

Na-moments ako sa pelikulang to. Bakit kamo? tang 'na di ko namalayang tumutulo na yung luha ko habang pinapanood sya. Natatandaan ko nung grade-3 , naiyak ako sa pelikulang Never Ending Story nung namatay yung dambuhalang aso kse nga meron din akong alagang aso noon ang ngalan nya ay Jinggoy ( siga ng Zapanta at Estrada kaya pwede mo syang tawaging Senador) kaya medyo naka-relate ako. Naiiyak din ako nung bata pa ko pag napapanood kong binubugbog o kaya umiiyak si Dolphy o kaya si Chiquito , mga paborito kong panoorin yung mga pelikula ng mga 'to nung mga panahong nakikinood lang kami sa kapit-bahay dahil nga can't afford pa ang aking mga magulang. Di ko alam kung bakit ako naiiyak sa dalawang ito dati , marahil kamukha ko sila pag umiiyak? Lalo naman akong naluluha pag me matandang nagda-drama sa pelikula, tanda ko pa , ilan beses din akong na-moments nung mga pelikulang kasama si Mary Walter. Miss ko lang siguro yung Lola kong yumao nung bata pa ko. Per noon yon.


Ngayon , natutuwa ako pag nahuhuli ko ang ang nanay ko na naluluha habang nanood ng pelikula tas sabay lipat ng channel , malutong na mura ang abot ko nun. Napapangiti din ako pag me nakikita akong nangingilid ang luha dahil sa bigat ng drama. Nung nakaraang linggo , di ko akalaing babalik sa kin ang lahat. Inii-scan ko mula channel 8 dahil naghahanap ako ng magandang palabas , ng mapahinto ako sa channel 55 Star Movies. Gitna na ng palabas yung inabutan ko at hindi ko pa alam yung pamagat, dahil ako lang mag-isa ang nanunuod , bahagya kong nilakasan ang telebisyon at maya-maya pa'y tila ganap ko ng naiintindihan ang buong kwento hanggang sa maluha na nga ako. Ginoogle ko lang yung ibang detalye ng palabas, madami din palang kano na naiyak sa pelikula , kala ko ako lang hehe. Maganda at makabuluhan syang pelikula , wala akong pakialam kung di mo sya trip. Narito ang link ng Akeelah and the Bee . Nasa ibaba naman ang kanyang mga memorable quotes (Warning : English to baka di mo kayanin!)


Akeelah: [Javier has just kissed her] Why'd you do that?
Javier: I had an impulse. Are you gonna sue me for sexual harassment? [pause, then they both laugh]

-------------------------------------

(eto paborito ko)
Akeelah: [quoting Marianne Williamson] Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. We ask ourselves, Who am I to be brilliant, gorgeous, talented, fabulous? Actually, who are you not to be? We were born to make manifest the glory of God that is within us. And as we let our own light shine, we unconsciously give other people permission to do the same.
Dr. Larabee: Does that mean anything to you?
Akeelah: I don't know.
Dr. Larabee: It's written in plain English. What does it mean?
Akeelah: That I'm not supposed to be afraid?
Dr. Larabee: Afraid of what?
Akeelah: Afraid of... me?

-----------------------------------------

Akeelah: Okay. But when I'm at the bee, and they tell me to spell some little fish from Australia or some weird bacteria on the moon, we're going to wish we'd done a little bit more "rotemorizing" and not so much essay reading. If you don't mind me saying.
Dr. Larabee: Bacteria don't exist on the moon.

-----------------------------------------

Dr. Larabee: Where do you think big words come from?
Akeelah: People with big brains?

-----------------------------------------

Akeelah: I'm naturally inquisitive.
Dr. Larabee: Yes, which is also sometimes confused with being naturally obnoxious.

------------------------------------------

[last lines] Akeelah: You know that feeling where everything feels right? Where you don't have to worry about tomorrow or yesterday, where you feel safe and know you're doing the best you can? There's a word for that, it's called love. L-O-V-E.

quotes from http://www.imdb.com/title/tt0437800/quotes

Sunday, January 27, 2008

Letrang S ng Zambales

Mahigit 3 oras ang biyahe namin nung nakaraang sabado't linggo . Dulo ata ng Zambales ang pinuntahan namin , San Antonio Pundaquit , Zambales. Parang paraiso dito mga kapatid , kulay ng lupa at lasa ng tubig sa swimming pool ang pinagkaiba nito sa Boracay na napuntahan natin nung nakaraang 2006. Sa Boracay, napakaputi ng buhangin at maligamgam na matabang na tubig ang nakalagay sa swimming pool, sa Canoe Beach Resort ng Zambales , medyo kayumanggi ang kulay ng buhangin at malamig na maalat ang lasa ng tubig sa swimming pool. Bakit maalat ang tubig ng pool ? Hindi ko alam kung tubig dagat na nilagyan ng chlorine ang nilagay dito o yung panty liner na nakalutang pa sa pool na inabutan namin ang nagdudulot ng kakaibang lasa, ehehehe. Sa kabuuan , okey pa din dito , mala-paraiso at siguradong tanggal ang sakit ng batok mo (stress ungas !). Tara na biyahe tayo !


Pa-take off tungong Zambales kasama ang mga lovers, Dave at Ventemil , Boss Gerald at Mommy Jennet , Jamo at Ateng.




Ang mahiwagang swimming pool , bow !

Di ko alam kung sino nagpauso nito, tatalon habang nagpapakuha ng picture. Naka-apat na talon siguro kami bago makatyempo ng magandang kuha. Isa sa mga palpak na talon. Kakapagod.



Buti na lang sumama si Darrel, para kaming umarkila ng stand-up comedian. Posing habang nasa bonfire, me background pang lovers.



Picnic sa kabilang isla.

Now Showing: Tampisaw

Si Jamo kasama ang isa sa kanyang pinakamasugid na tagahanga. Ehehehe , joke only. My love.

Grade -6 Section Zambales Class of 2008


Ang pinaka-paboritong gawin ni Jamongoloids. Ang pagmasdan ang paglubog ng araw kasama ang kanyang mahal......haaaay sarap....

Tuesday, January 22, 2008

SLN Bobby Fischer (b. 1943 - d. 2008)

"Chess is war over the board.
The object is to crush the opponent's mind." - Bobby Fischer

Tigbak na ang isa sa mga idolo ko sa larangan ng ahedres, nagulat na lang ako ng sabihin sa'kin ni Gerald na nasa front page ng Inquirer ang balitang namatay na si Bobby Fischer. Isa sa pinaka-batang World Chess Grandmaster , sa edad na 12, nanalo sya sa United States Junior Chess Championship at wala pang nakakabura ng kanyang record bilang pinakabatang kampeon. Sa isa pa nyang laro sa New York , tinalo nya ang batang Filipino Master na si Rodolfo Tan Cardoso. Niyanig ni Bobby ang buong mundo noong September 1, 1972 ng manalo sa World Chess Championship laban kay Boris Spassky na ginanap sa Reykjavik , Iceland. Alam naman nating lahat na karaniwang ang mga Ruso ang naghahari sa larangan ng ahedres pero pinatunayan ni Fischer na hindi lamang sila ang magaling sa larangang iyon. Tanging amerikano na naging kampeon at hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nakakabura ng kanyang record. Noong 1975 , tinanggihan nya ang pagdepensa ng kanyang titulo laban kay Karpov kaya natanggal ang kanyang titulo bilang World Champion. Noong 1992, nilabag nya ang United Nations embargo sa Yugoslavia kung saan siya nakipag-rematch kay Spassky at nanalo. Simula noon ay hindi na siya nakabalik sa Amerika , at nagpalipat-lipat na siya ng bansa. Naligaw siya sa Pilipinas noong taong 2000-2002 , tumira sa Baguio at naging malapit na kaibigan ni Eugene Torre. Sabi sa Wikipedia, nagkaroon daw sya ng dyowa sa Baguio at nagkaroon din ng anak. Noong 2005, nagkaroon sya ng problema sa kanyang passport at nakulong sa bansang Japan. Tila itinakwil ang kanyang pagiging mamamayan ng Amerika , si Fischer ay naharap sa kasong extradition ngunit bago pa mangyari yon sya ay tinanggap bilang mamamayan ng bansang Iceland kung saan duon na rin sya namatay. Ang larawan ng opening move na King's Indian Defense na nasa ibaba ay sinasabing isa sa paboritong move ni Fischer, alay ko sa kanya ang espasyong ito , huling sulong ni Bobby Fischer:
This is a "hypermodern" opening, where Black lets White take the center with the view to later ruining White's "wonderful" position. It's a risky opening, a favorite of both Kasparov and Fischer. 1. d4 Nf6 2. c4 g6 3. Nc3 Bg7
Black will be interested in playing c5, and when White plays d5, reply with e6 and b5.














Larawan at impormsyon galing sa http://www.dwheeler.com/chess-openings/