Tuesday, January 22, 2008

SLN Bobby Fischer (b. 1943 - d. 2008)

"Chess is war over the board.
The object is to crush the opponent's mind." - Bobby Fischer

Tigbak na ang isa sa mga idolo ko sa larangan ng ahedres, nagulat na lang ako ng sabihin sa'kin ni Gerald na nasa front page ng Inquirer ang balitang namatay na si Bobby Fischer. Isa sa pinaka-batang World Chess Grandmaster , sa edad na 12, nanalo sya sa United States Junior Chess Championship at wala pang nakakabura ng kanyang record bilang pinakabatang kampeon. Sa isa pa nyang laro sa New York , tinalo nya ang batang Filipino Master na si Rodolfo Tan Cardoso. Niyanig ni Bobby ang buong mundo noong September 1, 1972 ng manalo sa World Chess Championship laban kay Boris Spassky na ginanap sa Reykjavik , Iceland. Alam naman nating lahat na karaniwang ang mga Ruso ang naghahari sa larangan ng ahedres pero pinatunayan ni Fischer na hindi lamang sila ang magaling sa larangang iyon. Tanging amerikano na naging kampeon at hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nakakabura ng kanyang record. Noong 1975 , tinanggihan nya ang pagdepensa ng kanyang titulo laban kay Karpov kaya natanggal ang kanyang titulo bilang World Champion. Noong 1992, nilabag nya ang United Nations embargo sa Yugoslavia kung saan siya nakipag-rematch kay Spassky at nanalo. Simula noon ay hindi na siya nakabalik sa Amerika , at nagpalipat-lipat na siya ng bansa. Naligaw siya sa Pilipinas noong taong 2000-2002 , tumira sa Baguio at naging malapit na kaibigan ni Eugene Torre. Sabi sa Wikipedia, nagkaroon daw sya ng dyowa sa Baguio at nagkaroon din ng anak. Noong 2005, nagkaroon sya ng problema sa kanyang passport at nakulong sa bansang Japan. Tila itinakwil ang kanyang pagiging mamamayan ng Amerika , si Fischer ay naharap sa kasong extradition ngunit bago pa mangyari yon sya ay tinanggap bilang mamamayan ng bansang Iceland kung saan duon na rin sya namatay. Ang larawan ng opening move na King's Indian Defense na nasa ibaba ay sinasabing isa sa paboritong move ni Fischer, alay ko sa kanya ang espasyong ito , huling sulong ni Bobby Fischer:
This is a "hypermodern" opening, where Black lets White take the center with the view to later ruining White's "wonderful" position. It's a risky opening, a favorite of both Kasparov and Fischer. 1. d4 Nf6 2. c4 g6 3. Nc3 Bg7
Black will be interested in playing c5, and when White plays d5, reply with e6 and b5.














Larawan at impormsyon galing sa http://www.dwheeler.com/chess-openings/


No comments: