Mahigit 3 oras ang biyahe namin nung nakaraang sabado't linggo . Dulo ata ng Zambales ang pinuntahan namin , San Antonio Pundaquit , Zambales. Parang paraiso dito mga kapatid , kulay ng lupa at lasa ng tubig sa swimming pool ang pinagkaiba nito sa Boracay na napuntahan natin nung nakaraang 2006. Sa Boracay, napakaputi ng buhangin at maligamgam na matabang na tubig ang nakalagay sa swimming pool, sa Canoe Beach Resort ng Zambales , medyo kayumanggi ang kulay ng buhangin at malamig na maalat ang lasa ng tubig sa swimming pool. Bakit maalat ang tubig ng pool ? Hindi ko alam kung tubig dagat na nilagyan ng chlorine ang nilagay dito o yung panty liner na nakalutang pa sa pool na inabutan namin ang nagdudulot ng kakaibang lasa, ehehehe. Sa kabuuan , okey pa din dito , mala-paraiso at siguradong tanggal ang sakit ng batok mo (stress ungas !). Tara na biyahe tayo !
Pa-take off tungong Zambales kasama ang mga lovers, Dave at Ventemil , Boss Gerald at Mommy Jennet , Jamo at Ateng.
Ang mahiwagang swimming pool , bow !
Di ko alam kung sino nagpauso nito, tatalon habang nagpapakuha ng picture. Naka-apat na talon siguro kami bago makatyempo ng magandang kuha. Isa sa mga palpak na talon. Kakapagod.
Buti na lang sumama si Darrel, para kaming umarkila ng stand-up comedian. Posing habang nasa bonfire, me background pang lovers.
Picnic sa kabilang isla.
Now Showing: Tampisaw
Si Jamo kasama ang isa sa kanyang pinakamasugid na tagahanga. Ehehehe , joke only. My love.
Grade -6 Section Zambales Class of 2008
Ang pinaka-paboritong gawin ni Jamongoloids. Ang pagmasdan ang paglubog ng araw kasama ang kanyang mahal......haaaay sarap....
3 comments:
cool, sarap ng ganitong outing, nice photos here, btw na add na po kita sa list ko thanks
Kakaiba kapatid,
ngayon lang ako nag basa ng blog mo at naimpress ako. Hopefully more outings for us.
ganda naman ng swimming nyo...sarap...bakit d yata ksama c JP...musta na mga pare...
Post a Comment