Tinanggal na ulit ng MIS yung malayang pagbubukas ng anumang site sa aking kompyuter. Hindi na ko makapag-friendster , hindi makabukas ng email, i-type mo lang ang salitang "blog" sa google at isang malaking pulang tandang padamdam ang iyong makikita. Pero napupuntahan ko pa rin ang manyakol.com (hik! hik! hik! ). Halos maubos na rin ang mga proxy address na ginagamit namin , salamat na lang at marami pa rin akong kasama sa trabaho na matiyagang naghahanap ng mga bagong proxy kapag naba-block yung ginagamit namin (tibay noh?). Balik na naman ako sa dati kong gawi pag ganitong limitado lang ang aking mapupuntahan at walang magawa , karaniwan , nilalaro ko si Ludo (yung chess program , manyakol!) , pag masakit na ang aking ulo ,binubuksan ko ang google, nagtitipa at naghahanap ng kung anu-ano....talagang kung anu-anong salita , kadalasan mga pangalan ng kung sino-sinong kakilala ko. Matutuklasan mo na rin kung Gugabol ka ba?
Sinubukan kong i-type ang aking unang pangalan at nalaman ko na kapangalan ko pala ang isang audio jack : JAMin is the JACK AudioConnection Kit (JACK) Audio Mastering interface. Sinubukan kong i-type ang aking buong pangalan at lumabas ang pangalan ko bilang isa sa nagwagi sa Text Tulang Pinoy ng NCCA (ehem!). Aksidente lang ang pagkakasali ko dun. Eto yung mga panahong sinusundan ko ang away ng dalawang showbiz kolumnista, si Alfie Lorenzo ng pahayagang Abante at si Pete Amploquio ng pahayagang Bandera ata o isa pang dyaryong tabloid. Tuwang-tuwa ako sa patusadahan ng dalawa ,naroong tawagin ni Alfie na pokpok ang nanay ni Pete , kumakain pa daw si Pete ng burak dahil parang pusali ang bibig etc., sa kabilang banda naman , tinitira naman si Alfie sa pagiging hukluban nito etc. Sa kolum ni Alfie Lorenzo ay may patalastas kung saan inihayag nya ang mga napiling magwagi sa Textula ng NCCA para sa ikatlong linggo. Nabatid kong kasama sa nagwagi si G. Gregorio M. Rodillo, ang isa sa aking paboritong propesor sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Guro ko siya sa Panitikang Pilipino, may malaking impluwensya sa akin kaya siguro ganito ako magsulat at managalog. Lagi nya sa aming ipinapaalala ang "masining na pagsusulat at pagbibigkas ng wikang Filipino". Hindi ako mapakali ng araw na nabasa ko yon, parang gusto ko ring mag-text ng aking tula. Kalikasan ang tema ng patimpalak , papasok ako sa trabaho at sakay ako ng FX na nagbubuga ng maitim na usok ng araw na maisip ko ang aking tula at i-text sa NCCA hotline. Nung sumunod na linggo, nabasa ko na rin sa kolum ni Alfie Lorenzo ang pangalan ko bilang isa sa nagwagi (palakpakan naman!) , at pagkaraan ng ilang araw ay nagkita kami ni Ginoong Rodillo sa UP, Diliman upang tanggapin ang aming premyong salapi , isang mug, isang t-shirt , sertipiko at isang munting libro kung saan ang aming tula ay isinadiwa ng isang pintor sa pamamagitan ng pagpinta (natural , alangan namang inawit devah?)..
Sa pagpapatuloy, ilan lamang ito sa mga bagay na makikita mo sa google. Sinubukan ko na ring itipa dito ang mga pangalan ng aking mga kasama sa trabaho , patok ang mga dating nagcha-chat at nambabarubal o dili kaya ay pinaglalaruan ng mga kano sa chat. Karaniwan ng lumalabas ang iyong personal na profile sa friendster kung marami ang tumitingin sa account mo.
Subukan mong i-type ang salitang pakanto* at madidiskubre mo ang mga taong halatang nakalimutang i-log out ang kanilang friendster account kaya pinaglalaruan ng kahit sinong ponsyo pilato ang kanilang mgaprofile. Kapag minalas ka pa ng kaunti , papalitan na rin ang password mo kaya wala ka ng pagkakataong baguhin pa ito (cool di ba?). Gayundin ang karaniwan mong makikita kapag tinype mo ang iba pang mga makamundong salita. Halimbawa: kepyas , malibog , malandi etc., mga hinahanap ko pag wala akong magawa ,pasintabi sa mga madreng nagbabasa, ehehehe.
Sa pagtatapos , hindi ko malilimutan ang balik tanong sa akin ng isang kasalukuyang Manedyer (di ko sasabihin kung operation, senior o device manager) sa kumpanyang aking pinagtatrabahuhan nung minsang tanungin ko sya ukol sa isyu na may relasyon sa trabaho (work related boplax!) . Huli na ng mapagtanto ko na wala na nga pala syang alam sa mga teknikal na bagay ,marahil di niya talaga alam ang isasagot , tanungin ba naman ako ng ,"nag- google ka na ba?". Parang tono ng nagtatanong kung nagmumog na ba ako?
Ikaw sinubukan mo na ? Gugabol ka ba?
3 comments:
hahaha... panalo itong post na ito!
anyway, if you have time:
let's vote the philippines' nominees for NEW SEVEN WONDERS OF NATURE: PUERTO PRINCESA SUBTERRANEAN NATIONAL PARK
and TUBBATAHA REEF in palawan.
we're already on the number 8 spot for TUBBATAHA. vote online now:
http://www.new7wonders.com
Langya! panalo sa pananagalog ah! Miz na kita! matso ka nga ngaun..halos nde ko na maalala nag munting jamin noon...hehehe...nangangamusta at gusto lang mangulit..susubukan ko nga na magtipa sa google...hehehe...nde ko pa un nasusubukan e... heidi
hi aydi ! Long time no look huh? Thanks for dropping by. Update ako later pag me time. miz u 2. ciao!
Post a Comment