Sunday, August 19, 2007

Chopsuey ni Inay

Tagal ko ring di nakapag-post dito , dami ko pa naman sanang gustong ilagay, tang ina naman kasi, nung ma-assign akong magkaroon ng dagdag na trabaho sa forum , binigyan nga kami ng access sa halos lahat ng internet sites , nagkataong sa blogger.com naman yung naka-block. Me bago akong kinahihiligan ngayon , di naman siguro masyadong halata dun sa pics no? Ayoko rin namang maging blogs na para sa pagluluto ang jamongoloids pero tingin ko mapaparami yung post ko na ganito. Pero anything goes pa rin tayo , puro pakikipagsapalaran at kwento ng buhay ni Jamo. Tinuturuan ako ng nanay ko kung paano magluto ng walang halong sabon at isa ito sa mga pinakapaborito kong natutunan ang chopsuey. Lagi akong me bitbit na maliit na notebook na akala mo ay nagpapataya sa bookies ng karera para ilista yung mga sangkap at pamamaraan ng pagluluto. Natatandaan ko yung sinabi ng isa kong kaibigan sa trabaho , ilang araw bago sya mag-resign , "Jam, kung talagang gusto mo , walang imposible". Gusto ko sana syang pagsamantalahan nung mga sandaling iyon , tutal di naman imposible (joke, ehehehe). Kaya eto na, gusto kong matutong magluto , hindi nga imposible.

Mga Sangkap:


¼ kilo sitsaro


celery - limang piso lang , pero mas madami mas malasa


pugo - optional


¼ kilo- baguio beans


1- siling pula


2- carrots


1- cauli flower


1 plastic young corn


¼ kilo repolyo


¼ kilo sayote


¼ kilo pork


¼ kilo atay ng baboy


¼ kilo hipon (mas madami mas okey)


1 bawang, hiwain ng medyo pino.


1 sibuyas, hiwain ng medyo pino


2 tbsp. cornstarch , haluin sa ½ basong tubig , lagyan ng 1 kutsarang toyo or oyster sauce


1 tbsp patis


1 vetsin





Paraan ng pagluto: -


Sa kalahating tasa ng tubig, ilagay ang dinikdik na ulo ng hipon. Pigain hanggang kumatas ng maigi , salain pagkatapos. Ito ang gagamiting pampalasa sa chopsuey.


- Hiwain ang mga gulay ng katamtamang laki ayon sa iyong trip, ilaga mo na rin ang pugo.


- Igisa sa konting mantika ang baboy, hintayin itong magkulay brown.


- Sunod na ilagay ang bawang , pag medyo brown na , isunod ang sibuyas.


- Pag wala na yung kulay ng sibuyas , ilagay na ang binalatang hipon at atay. Igisang maigi.


- Pag gisado na ang hipon at atay , ilagay na ang sabaw ng dinikdik na ulo ng hipon.


- Lagyan ng pamintang durog, vetsin, mga 1 kutsarang patis


***pag madami na yung nalagay mong toyo sa cornstarch konti na lang ang ilagay mong patis para di maalat.


- Pag medyo kumulo na , ilagay na ang mga sangkap na gulay.Ilagay na rin ang cornstarch na may toyo , depende kung gusto mo ng madaming sabaw , mas okey kung hindi mo ilalagay lahat ng iyong tinimpla.


- Haluin ng bahagya, takpan ng mga kalahating minuto lamang. Pag medyo kumulo na yung sabaw , alisin na yung takip para mapanatiliang berdeng kulay ng gulay.


- Ilagay ang pugo.


- Tikman kung di ka malalason.

Thursday, June 14, 2007

Globe Lumpiang Sariwa


Adik na ata ko sa lumpiang sariwa. Sa tuwing nagpupunta ko ng Quiapo eto na lagi kong hinahanap, kulang na lang manginig ako pag di ko natitikman yung lumpia, pagkatapos magsimba hahalukay muna ko ng mga oldies music. Patingin-tingin sa mga bold cd's , patigas konti (hehe). Tas punta na ko ng Globe . Opo hindi cellphone yung tinitinda nila , lumpiang sariwa. Matatagpuan sya sa Raon , hindi sya pansinin pero makikita mo sya sa google pag sinearch mo. Hindi ka kagad makakakain pag-pasok mo kse madaming kumakain sa loob at me kaliitan yung pwesto. Pag minamalas ka lalo na 't biyernes o kaya linggo , pipila ka muna bago ka makakain . 16 na piso ang isang lumpia at karaniwang tineternuhan ng sarsi . Pagpasok mo , mapapansin mo kagad ang larawan ni Charlene Gonzales kasama ang may ari tsaka yung larawan ni "Kay Susan tayo!!!" me hawak ding lumpia. Me butas ang mga kutsara nila , hindi ko alam kung bakit. At mapapansin mo kagad ang karatulang " No Branch". Bago lumabas , tinitignan ko kung me buntot at sungay yung nagpe-prepara ng lumpia, kasi parang demonyo sa sarap kung gumawa eh. ( Hanep sa advertisement no? )

Mababa ang dalawang lumpia bago ko lumabas ng globe. Yung nasa larawan natin ngayon , na-search ko lang yan sa google pero sigurado akong sa globe kuha yan. Nung nakaraang linggo , pagkatapos kong kumain ng tatlo, dumiretso kagad ako ng 168 mall para bumili ng weighing scale (oo timbangan , tanga!) para malaman ni Mother kung me progreso ang pagpapababa nya ng timbang. Napadaan ako sa isang tindahan ng medyo me "kagandahang intsik" . Tinanong ko , kung me iba pa silang kulay ng timbangan. " Heto koya pele ka oh" wika ng magandang intsik sabay turo sa bandang kaliwa nya ng iba pang disenyo ng mga timbangan. Bigla akong nahilo sa kinatatayuan ko, nakita ko ang me kakapalang balahibo sa kili-kili nung magandang intsik pagturo nya ng iba pang produkto (Wapak !).

Walang sabi-sabing kinuha ko na yung isang timbangan, binayaran ng wala ng tawaran at nagmamadaling umalis. Paglabas ng 168, halos isuka ko yung tatlong lumpiang sariwa na kinain ko. Putang inang buhok sa kili-kili yan , ayaw mawala sa utak ko.........

Tuesday, May 29, 2007

Di na Nagbabagang Balita

Napalunok ka ba sa picture ni Vice Mayor kapatid? Kung oo , magpa-check up ka kagad ng lalamunan ke doc, me sintomas ka ng pagkabading hehehe. Para sa aking mga minamahal na nasa malayong lupain ang balita ngayon. Para naman ma-update sila…..


Sa Ulo ng ating tapos ng magbagang balita…..
--
Natatawa pa ko habang inaayos ang larawan ni Bise-Alkalde Moreno. Opo tuwang-tuwa pa si Kuya Germs. Si Isko Moreno ang nanalong Vice Mayor ng Manila. Eto yung ikinalat na poster kainitan ng eleksyon.

May ngiti sa mga labi ang isang bading na marahil ay bumoto kay Isko, habang inilalako ang tinda nyang sofa at isinisigaw, Supaaaaahhh!!!Suuuuppppaaahhh!!! Supppaahhh kayo jan?

--
Nanggagalaiti si Newly Elected Manila Mayor Fred Lim nang mahuling merong mga balotang itinago sa ManileƱo SPA na malapit sa Rizal Memorial Stadium nung kasagsagan ng eleksyon. Hindi naman napatunayan ang alegasyon ni Lim na sya ay dinadaya ng kampo ni Ali Atienza. Wala naman daw masama sa paglalagay ng balota sa SPA.

Oo nga naman, wala namang masamang tinapay sa gusto nila, gusto lang naman nilang ipahilot ang balota?
--
Natalo ang pambatong anak ni Mayor Lito “ Pailawin ang Maynila” Atienza na si Ali Atienza. Hindi umubra ang magic ng kanilang bulaklaking polo.

Nalantang gumamela ang mag-ama. Ang buhay ay weather-weather lang…-Kim Atienza.

--

Nasaksihan ko kung paanong ilampaso ni Mayor Binay si Lito Lapid sa bilangan nung nakaraang eleksyon. Nag-away kasi kami ng aking nililiyag nung araw ng eleksyon , pinuntahan ko sya sa Makati kung saan sya nag- watcher upang mag-sorry (Hi Bhabe!). Ganito nakita ko sa tally sheet (alang slash ha? pero tiglilima):

Jejomar Binay – IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII- hanggang mawalan ng space
Lito Lapid - III –parang kinalmot lang ng pusa.


Kung dati nahahati ni Leon Guerrero ang bala sa dalawa, ngayon di sya umubra sa balota.
--

Bugbog sarado nung eleksyon si Manny Pacquiao. Tinalo kasi sya ni Darlene Custodio. Milya-milya ang layo ng boto ni Darlene ke Pacman. Matatalino ang mga taga-Gensan.



Onli in da Pilipins. Super Featherweight tinalo ng Strawweight (merong weight division na ganyan bobo !)

--

Imposible ng makahabol si Tito Sotto sa pagka-senador. Milya –milya ang layo nya sa mga kalaban. Talo din si Anjo Yllana sa pagka-bise sa paranaque. Pero nanalo naman si Teri Onor as Vice Mayor sa Abucay Bataan.

Parang naka-jackpot sa Laban o Bawi si Teri. Yung dalawa , na –Eat Bulaga !

--

Talo si Virgillio Garcillano bilang Congressman ng Bukidnon. Napabalitang sinuportahan ni Susan Roces ang kandidatura ng kalaban ni Garci.

Tang ina kung nanalo si Garci sabi ko isasara ko na tong blogs ko tapos di na ko boboto kahit kailan. Whew! Ang Shaya-shaya no?

Tuesday, May 08, 2007

Magmula Ngayon

Matagal ko ng hinahanap ang kopya ng kantang to ni Rey Valera. Eto yung tinutula ng Kuya Junior ko pag nalalasing.

" Dahil ang pag-ibig , nais nya'y ligaya ng lahat . Kailanma'y siya'y hindi nagkunwari , sya ang yong lakas at ang gabay sa yong landas".


Sinusuyod ko ang buong Quiapo , merong mga MP3 ng Rey valera pero di kasama tong kantang to. Meron daw si Kuya Joey , pero hahanapin pa yung lumang plaka. Request ko kaya sa 96.3 pag Friday Classics?


Intro: C-C7/E-F-G7sus, G7,
C-C7/E-F-G-

C G/B
Di maiwasan
Am Am/G FM7 F6
Sa sinuman na may minamahal
G/F C/E
Na ang isa't isa'y saktan
G/F C/G
Matapos ay maglalayo
D7/F# G7sus-G7sus, G7,
Ito sana'y di mangyari sa atin.

C G/B
Pangako mo sa 'kin
Am Am/G FM7 F6
Na tayo ay hindi mabibigo
G/F C/E
Asahan magmula ngayon
G/F C/G
Na gagawin ko ang lahat
D7/F# G7sus-G7sus, G7,
Wag ka lamang malayo sa akin.

Chorus
C9 C F G7, G7sus
Kaya't pangako ko magmula ngayon
C9 C F G7, G7sus
Pakaiingatan ko ang pag-ibig mo
C9 C Bb7
Lagi kong didinggin ang 'yong hiling
Am Am/G D7/F#
At bawat lambing, bakit hindi sa 'yo ibibigay
G7sus pause G7 (Intro's 1st line)
Asahan magmula ngayon.

C G/B
Para sa akin
Am Am/G FM7 F6
Ngayon pa lang ako nagigising
G/F C/E
Na kung ikaw ang buhay ko
G/F C/G
Ligaya at pag-asa ko
D7/F# G7sus-G7sus, G7,
Di ka dapat malayo pa sa akin.

Repeat Chorus except last word

(Fm7)
...ngayon.

Bridge
Fm7 Eb/G-Eb/G.Eb/F.Eb
Dahil ang pag-ibig
Fm7 Eb/G
Nais n'ya'y ligaya ng lahat
Fm7 Eb/G
Kailanman s'ya'y hindi nagkunwari
G#
S'ya ang iyong lakas
G7sus G7sus, G7,
Ang gabay sa 'yong landas.

Repeat Chorus

C-C7/E-F, Em, G7sus hold C9

Wednesday, April 25, 2007

Malakas ang signal sa Quiapo

Abril 17, 2007. Gusto kong mambura ng record. Habang pinagmamasdan ang mga naglalakad ng paluhod (di ko alam yung tamang term eh!) gusto kong mag-showdown ng mas malupit pa dun. Gumapang kaya ako? O kaya mag-moonwalk papuntang altar? Ang lakas na kasi ng pressure nung paparating na CCNA exam. Isipin mo para kang magbo-board exam muli. Humihiling ako na bigyan NIYA ako ng karagdagang lakas at talino katulad ng pinagkaloob nya sa akin nung nag-aaral pa ko sa kolehiyo . Kailangan kong maging mongoloids muli.

Habang taimtim na nagdarasal , may isang batang babae na nagpatong ng kwintas ng Nazareno sa aking kamay...

Bata: Kuya pangkain lang....

Palibhasa'y natural na suplado at ugaling barubal. Binitawan ko ang kwintas at ito'y nalaglag sa sahig.

Jamo: Meron na ko nyan!

Sabay titig ng masama sa bata dahil pakiramdam ko ay nabastos ako at nasira ang aking momentum sa pananalangin. Sabay kapa na rin sa aking bag sa pag-aakalang nilalansi ako ng mga bata. Mahirap na.

Tahimik na tumalikod ang bata at tumingin sa malayo.

Nung magbabalik na ko sa pagdarasal, para akong napahiya sa aking gagawin. Mali ata? , sabi ko. Pwede ko namang sabihin yun ng mas maayos. At ang Karma , alalahanin mage-exam ka! Parang may bumulong sa'kin at para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Kinapa ko ang aking kanang bulsa , sakto pamasahe pauwi na lang ang natitira sa'kin. Sa kaliwang bulsa naman meron pa pala akong happy biscuit na nabili ko pa ke mommy shawie (yung dilaw na masarap timawa ! hindi yung nakangiting biskwit) ito ang inabot ko sa bata , pampalubag loob, pambawi sa posibleng karma dahil sa kasupladuhan ko.

Bata: Thank you kuya , sana pagpalain ka....

Abril 19, 2007.
(9:00 AM) Jamo: Nay pag bumagsak ako sa exam nakakahiya sa buong office.

Mother: Ay hindi ka babagsak anak, ikaw pa?

Jamo: O? Sabay appear sa aking ina , na hindi namamalayang halos di ko na marinig ang iba nyang sinasabi sa lakas ng kabog sa aking dibdib.

Mother: Wag ka lang ninerbyusin anak , para maka-pokus ka!

(11:00 AM) " Sna swerthn ka Jam, puro frame relay ang lumabas, bagsak kami " txt sa'kin ng aking kasama sa trabaho na masamang ibinalita ang nagbagong exam.

" Ganyan talaga ang buhay , laban na lang ako" reply ko naman na medyo naglalakas-lakasan ang loob

(1:00 PM) Nasa kasagsagan ng exam , dahil sa pagkataranta , meron akong nalagpasang apat na SIM (simulation , tanga!) Di ko napansin na meron palang nakatagong button na pwede mong i-click.

"Tang ina , hindi na ko pwedeng magkamali !" bulong ko sa aking sarili. Dahil malaki ang puntos ng mga SIM.

Sa sobrang kaba , ang mouse pointer ay mapapansin mong gumagalaw at hindi ko mapindot ang "next" button.

"Putang ina mo Jamin , pag bumagsak ka dito , di kita mapapatawad" bulong ko sa aking sarili.

" Wag ka lang ninerbyusin anak , para maka-pokus ka!" naalala kong sinabi ni MOther sa akin.

Huminga ako ng malalim . Tinignan ang monitor at sinagutan ang sumunod pang mga katanungan...

(1:35 PM) Mahigit trenta minutos ko lang daw sinagutan ang exam sabi ni Bely Fleri na kasama ko ding pumasa (akalain mo? ) sa pagsusulit.

Lumabas lahat ng ni-review ko sa exam. Pinagpuyatan ko din 'to ng ilang gabi. Ang nakapagtataka ( kanta yon..) mahirap ang nakuhang exam ng mga kasama kong nag-take ng alas nwebe ng umaga kesa sa nakuha namin. Alam ko pare-parehas kaming nagdasal at nagsimba. Pero para sa'kin , malakas ang Signal pag nagpadala ka sa Quiapo. Thank you Lord !!!

Wednesday, April 11, 2007

Ginataang Kamote

Uu, ginataang halo-halo yung nasa pic. Ala kong makitang ginataang kamote sa google eh . The best talaga si mother pag mga ginataan ang binabanatan. From laing , bicol express , ginataang tilapia with pechay all the way down sa ginataang kamote na miryenda namin nung Sabado de Gloria (arroyo?). Dinala ko ang aking kasintahan (aba akalain mo nakadale si Jamo?) sa aming munting tahanan upang ipakilala sa aking nanay at isama na rin sa outing ng aking mga matatalik na kaibigan (first time ito!). Pinatikim ko na rin sya ng ginataang kamote na niluto ng aking nanay.



Narito ang mga sangkap:



1 tasang gata


3/4 tasang asukal


5 tasang tubig


½ kilong kamote , kulay lila (syempre babalatan at hihiwain alangang ilagay mo ng buo)


1/3 sabong panglaba



Paghahanda:


Ilagay ang gata, tubig, at asukal sa kaldero.
Pakuluin ng ilang minuto, ilagay ang kamote at sabon.

Buong pagmamayabang ko pang pinahainan ang aking kasintahan ng handang ginataan ng aking nanay. Tiyak na magugustuhan nya to , bicolana ata ang aking mother at ginataan ang specialty.



Bhabe: Ano to? (Habang pinagmamasdan ang puting ma-kremang bagay namedyo nahahalo sa kulay lilang kamote).



Jamo: Cream yan. ...



Jamo: Teka ! ( Sabay awat sa kamay ng aking nililiyag)



Ala namang cream ang..naisip ko....



Jamo: Tikman ko nga..




Inamoy ko muna yung ma-kremang bagay na nakahalo sa kamote , ala akong maamoy. Nilasahan ko ito at lumutang ang sarap ng ginataan. Pumili ako ng medyo lamang ang may puting krema, nilasahan ko ito at inamoy.


Jamo: Tang ina ! Sabon to ah?

Mother: Hoy Junior! Sinong naglagay ng sabon dito? Tang na ka ikaw ang naghuhugas dito eh !

Kuya Junior: Ewan ko sa inyo , di naman ako lumalapit dyan! Binigyan ko pa nga si buntis nyan eh wala namang sabon.


Pinuntahan ko ang kalderong kinalalagyan ng ginataang kamote. Sinandok ko ang kailaliman nito. Sa aking paghalukay ay lumabas ang secret ingredient ng aking mother, 1/3 putol ng sabon na medyo nalulusaw na at humahalo sa gata ng ginataang kamote (kung matalas ang mata mo isinama ko ito sa mga talaan ng sangkap, tanga!). Nag-showdown pa ng sigawan ang aking ina at mahal na kapatid sa harapan ng aking kasintahan , mukhang nagsisigawan , pero naguusap lang sila. Humingi ng paumanhin ang aking ina sa aking sinta at hinainan na lang sya ng ibang makakain.
Gandang bwena mano ito sa aking kasintahan ah?. Naisip ko, puro katatawanan na lang ang aking buhay. Siguro pag namatay ako uulan ng pera , lahat ng tao masaya.
Pag laging ganito, paano na ang pangarap kong mai-feature ang buhay ko sa MMK ?(Maala-ala Mo Kaya , bungol!)
Gayunpaman, mahihinuha pa rin na masarap magluto ang aking mother. Naubos daw ni buntis yung ginataan , sinoli pa nga yung lalagyanan. Buti hindi na humingi ulit sabi ko.
Sarap no?

Friday, April 06, 2007

Ang Muling Pagkabuhay

Kasabay ng araw ng pagkabuhay , magbabalik ako sa aking nakagawian. Bubuhayin ko ring muli ang site na ito. Ang pagbabalik ni Jamongoloids hehehehe......abangan!