
Narito ang mga sangkap:
1 tasang gata
3/4 tasang asukal
5 tasang tubig
½ kilong kamote , kulay lila (syempre babalatan at hihiwain alangang ilagay mo ng buo)
1/3 sabong panglaba
Paghahanda:
Ilagay ang gata, tubig, at asukal sa kaldero.
Pakuluin ng ilang minuto, ilagay ang kamote at sabon.
Buong pagmamayabang ko pang pinahainan ang aking kasintahan ng handang ginataan ng aking nanay. Tiyak na magugustuhan nya to , bicolana ata ang aking mother at ginataan ang specialty.
Bhabe: Ano to? (Habang pinagmamasdan ang puting ma-kremang bagay namedyo nahahalo sa kulay lilang kamote).
Jamo: Cream yan. ...
Jamo: Teka ! ( Sabay awat sa kamay ng aking nililiyag)
Ala namang cream ang..naisip ko....
Jamo: Tikman ko nga..
Inamoy ko muna yung ma-kremang bagay na nakahalo sa kamote , ala akong maamoy. Nilasahan ko ito at lumutang ang sarap ng ginataan. Pumili ako ng medyo lamang ang may puting krema, nilasahan ko ito at inamoy.
Jamo: Tang ina ! Sabon to ah?
Mother: Hoy Junior! Sinong naglagay ng sabon dito? Tang na ka ikaw ang naghuhugas dito eh !
Kuya Junior: Ewan ko sa inyo , di naman ako lumalapit dyan! Binigyan ko pa nga si buntis nyan eh wala namang sabon.
Pinuntahan ko ang kalderong kinalalagyan ng ginataang kamote. Sinandok ko ang kailaliman nito. Sa aking paghalukay ay lumabas ang secret ingredient ng aking mother, 1/3 putol ng sabon na medyo nalulusaw na at humahalo sa gata ng ginataang kamote (kung matalas ang mata mo isinama ko ito sa mga talaan ng sangkap, tanga!). Nag-showdown pa ng sigawan ang aking ina at mahal na kapatid sa harapan ng aking kasintahan , mukhang nagsisigawan , pero naguusap lang sila. Humingi ng paumanhin ang aking ina sa aking sinta at hinainan na lang sya ng ibang makakain.
Gandang bwena mano ito sa aking kasintahan ah?. Naisip ko, puro katatawanan na lang ang aking buhay. Siguro pag namatay ako uulan ng pera , lahat ng tao masaya.
Pag laging ganito, paano na ang pangarap kong mai-feature ang buhay ko sa MMK ?(Maala-ala Mo Kaya , bungol!)
Gayunpaman, mahihinuha pa rin na masarap magluto ang aking mother. Naubos daw ni buntis yung ginataan , sinoli pa nga yung lalagyanan. Buti hindi na humingi ulit sabi ko.
Sarap no?
1 comment:
eto yung snack namin nun bumabagyo
Post a Comment