Wednesday, April 25, 2007

Malakas ang signal sa Quiapo

Abril 17, 2007. Gusto kong mambura ng record. Habang pinagmamasdan ang mga naglalakad ng paluhod (di ko alam yung tamang term eh!) gusto kong mag-showdown ng mas malupit pa dun. Gumapang kaya ako? O kaya mag-moonwalk papuntang altar? Ang lakas na kasi ng pressure nung paparating na CCNA exam. Isipin mo para kang magbo-board exam muli. Humihiling ako na bigyan NIYA ako ng karagdagang lakas at talino katulad ng pinagkaloob nya sa akin nung nag-aaral pa ko sa kolehiyo . Kailangan kong maging mongoloids muli.

Habang taimtim na nagdarasal , may isang batang babae na nagpatong ng kwintas ng Nazareno sa aking kamay...

Bata: Kuya pangkain lang....

Palibhasa'y natural na suplado at ugaling barubal. Binitawan ko ang kwintas at ito'y nalaglag sa sahig.

Jamo: Meron na ko nyan!

Sabay titig ng masama sa bata dahil pakiramdam ko ay nabastos ako at nasira ang aking momentum sa pananalangin. Sabay kapa na rin sa aking bag sa pag-aakalang nilalansi ako ng mga bata. Mahirap na.

Tahimik na tumalikod ang bata at tumingin sa malayo.

Nung magbabalik na ko sa pagdarasal, para akong napahiya sa aking gagawin. Mali ata? , sabi ko. Pwede ko namang sabihin yun ng mas maayos. At ang Karma , alalahanin mage-exam ka! Parang may bumulong sa'kin at para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Kinapa ko ang aking kanang bulsa , sakto pamasahe pauwi na lang ang natitira sa'kin. Sa kaliwang bulsa naman meron pa pala akong happy biscuit na nabili ko pa ke mommy shawie (yung dilaw na masarap timawa ! hindi yung nakangiting biskwit) ito ang inabot ko sa bata , pampalubag loob, pambawi sa posibleng karma dahil sa kasupladuhan ko.

Bata: Thank you kuya , sana pagpalain ka....

Abril 19, 2007.
(9:00 AM) Jamo: Nay pag bumagsak ako sa exam nakakahiya sa buong office.

Mother: Ay hindi ka babagsak anak, ikaw pa?

Jamo: O? Sabay appear sa aking ina , na hindi namamalayang halos di ko na marinig ang iba nyang sinasabi sa lakas ng kabog sa aking dibdib.

Mother: Wag ka lang ninerbyusin anak , para maka-pokus ka!

(11:00 AM) " Sna swerthn ka Jam, puro frame relay ang lumabas, bagsak kami " txt sa'kin ng aking kasama sa trabaho na masamang ibinalita ang nagbagong exam.

" Ganyan talaga ang buhay , laban na lang ako" reply ko naman na medyo naglalakas-lakasan ang loob

(1:00 PM) Nasa kasagsagan ng exam , dahil sa pagkataranta , meron akong nalagpasang apat na SIM (simulation , tanga!) Di ko napansin na meron palang nakatagong button na pwede mong i-click.

"Tang ina , hindi na ko pwedeng magkamali !" bulong ko sa aking sarili. Dahil malaki ang puntos ng mga SIM.

Sa sobrang kaba , ang mouse pointer ay mapapansin mong gumagalaw at hindi ko mapindot ang "next" button.

"Putang ina mo Jamin , pag bumagsak ka dito , di kita mapapatawad" bulong ko sa aking sarili.

" Wag ka lang ninerbyusin anak , para maka-pokus ka!" naalala kong sinabi ni MOther sa akin.

Huminga ako ng malalim . Tinignan ang monitor at sinagutan ang sumunod pang mga katanungan...

(1:35 PM) Mahigit trenta minutos ko lang daw sinagutan ang exam sabi ni Bely Fleri na kasama ko ding pumasa (akalain mo? ) sa pagsusulit.

Lumabas lahat ng ni-review ko sa exam. Pinagpuyatan ko din 'to ng ilang gabi. Ang nakapagtataka ( kanta yon..) mahirap ang nakuhang exam ng mga kasama kong nag-take ng alas nwebe ng umaga kesa sa nakuha namin. Alam ko pare-parehas kaming nagdasal at nagsimba. Pero para sa'kin , malakas ang Signal pag nagpadala ka sa Quiapo. Thank you Lord !!!

No comments: