Nagtapos bilang may pinaka-mataas na puntos at tinanghal na kampiyon sa Group-C Corus Chess Tournament na ginanap sa Wijk aan Zee , sa Netherlands ang sumisikat at bago nating idolo na si Wesley So. Ang pinaka-batang Grandmaster ay lalong bumagsik at pinatunayang siya ang isa sa mga bagong dapat paka-abangan sa mundo ng ahedres. Ilang linggo ko ring sinubaybayan ang kanyang mga laro sa website ng Corus at halos dumugo ang aking ilong sa pakikipagtalakayan at pakikipag-inglesan sa Chessgames.com
Kapansin-pansin din na nagsilbing kryptonite ng ating bagong superman ang mga taga-Germany dahil na-Luz Valdez (natalo tanga!) lamang si Wesley sa Aleman na si F. Holzke ngunit pagkatapos nun ay sunod-sunod na piniga ang utak ng iba pang mga nakatunggali. Kung natatandaan nyo naman si Sergey Karjakin, isa sa mga nabanggit kong batang henyo sa ahedres sa artikulong schuhpllatler siya naman ang nagkampeyon sa Group-A ng Corus. Hindi malayong mapabilang na rin si Wesley sa Group-A sa mga susunod pang taon at gumawa ng pangalan o maaring tanghaling pinaka-magaling sa buong mundo dahil nakikita ko ang potensyal sa batang ito. Dapat ding papurihan ang Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas dahil ibinilang nila ang ahedres sa kurikulum ng palakasan. Sa ganitong paraan ay maagang mahahasa ang ating mga kabataan at maaring maging susunod na Wesley So na magbibigay ng karangalan sa ating bansa sa larangan ng ahedres. Nasa ibaba ang talaan ng mga puntos at naglaban sa Group-C , isinama ko na rin ang isang laban ni Wesley kay M.Bosboom. Kumbaga sa Game of the Day , ang pamagat nito ay Ka-Boom!
Standings after round 13: grandmaster group C
1. | W. So | 9½ |
2. | T. Hillarp Persson A. Giri | 8½ |
4. | D. Howell A. Gupta | 7½ |
6. | F. Holzke | 6½ |
7. | D. Harika | 6 |
8. | F. Nijboer E. Iturrizaga A. Bitalzadeh M. Bosboom R. Pruijssers | 5½ |
13. | M. Leon Hoyos | 5 |
14. | O. Romanishin | 4½ |
test/so_bosboom_2009 (1).pgn
No comments:
Post a Comment