Thursday, December 31, 2009
Moja
Me bago nga palang kaibigan si Jamo , ang pangalan nya ay Moja. Kinuhanan ko sya ng larawan, dito makikita natin ang iba't-ibang talento nya sa pagtulog. Yan ang hilig nya, kumain , maglaro , mangagat at pag napagod ay matutulog. Marami akong gustong itipa sa blog ko nitong mga nakaraang araw, ngunit di ko trip tong keyboard na gamit ko , masakit sa daliri. Yung laptop ko naman ay nahiram. Pagpalit ko ng keyboard , maglalathala agad ako , pangako. Samantala, pagmasdan nyo na muna yung larawan ng aking bagong alaga, si Moja....
Sunday, November 08, 2009
Lalala-lalah Lalala-lalah Lovin You....
Makin' love with you is all i wanna do
Lovin' you is more than just a dream come true
And everything that i do is out of lovin' you
La la la la la la la... do do do do do
No one else can make me feel
The colors that you bring
Stay with me while we grow old
And we will live each day in springtime
Cause lovin' you has made my life so beautiful
And every day my life is filled with lovin' you
Lovin' you i see your soul come shinin' through
And every time that we oooooh
I'm more in love with you
La la la la la la la... do do do do do
Monday, October 26, 2009
Sunday, October 25, 2009
Kapag ako'y Animnapu't-Apat na Taon na
Monday, October 12, 2009
Pinaghalong Sting at Cobra.
Sunday, October 04, 2009
Blog ng isang "nakainom"
Wala pa yatang blogger na lantarang sinabi to, kung meron man , pakiramdam ko , ako lang ang opisyal na magsasabi nito. Magba-blog ako, pero nakainom ako.
Paumanhin sa mga buwanang bumibisita ng aking blog, pero papapngalanan ko kayong , mga "buwanang dumadalaw". Medyo senglot ako ngayon. Pagtapos kong manalangin , di pa rin ako inaantok. Nakatuwaan ko lang ilathala yung mga di pangkaraniwang mga seremonyas ng iba't-ibang mga tao para lang makatulog...
Ako, pagkaraan ng pukinang-inang Ondoy na lumikha ng hanggang dibdib na taas na baha, di ko na makita yong Vicks ko na kailangan kong singhotin para antukin ako. Pagtapos kong ipahid sa aking kamay , para itong rugby na kailangan kong singhutin tas babahin ako ng mga tatlo hanggang apat na beses bago ako antukin. Dahil halos isang linggo akong di naka-singhot nito , record breaking na pitong bahin ang nagawa ko , sa mga sandaling isinusulat ko itong lathalang ito, aantukin na ko.
Matibay yung isang matandang taga-looban , ikikiskis sa buhangin yung paa para lang antukin.
Si Tohcap naman, isang kumpare. Me ika-apat na bahagi ng isang kulambo para kiskisan ng kanyang paa, upang makatulog. Weird e no?
Si pareng Rico , babasain ng bahagya yung kumot tas itatalukbong tas tatapatan ng electric fan para antukin. Cool eh no?
Si Jason , yung bata na kapit-bahay namin nung nakikitira pa ko sa aking tiyuhin. Kailangang nakahawak sa utong, kahit na anong klaseng utong , brownish , pinkish (yum!) , blackish (ewe!), para antukin. Tigas ng utong eh no?
Yung kumpare ng Erpat ko, maruming unan at kumot para antukin sa pagtulog ang kailangan. Isipin mo , sabi niya, 3 taon ng walang labahan yung unan at lumot este kumot na gamit nya sa pagtulog. Buti di nababasag?
Wala ng titindi pa sa asawa ng kapatid ko. Magkakape bago o para makatulog???
Wish ko lang meron akong makasalamuha na gustong bumatak ng shabu para antukin lang. Tangina , di ako aantukin nun.
Meron daw nagpaparaos muna para makatulog......
O sya, tulog na ko....
Sunday, August 16, 2009
Black Boys Outing
Hanapin nyo ko dun sa mga labas ang pwet, ang makapagturo mananalo ng isang iPod touch.
Wednesday, August 05, 2009
Paalam Presidente Cory...
Mga larawan kasama ng aking mga kaibigan habang idinaraan ang labi ng dating Pangulong Corazon Aquino sa kahabaan ng Quirino Highway. Idolo ng demokrasya sa ating bansa . Paalam Tita Cory....
Friday, July 31, 2009
Cool Change
Sailing on the cool and bright clear waters
Showin me ways to go
a cool change...
I know that it's time
for a cool change
Now that my life
is so pre-arranged
I know that it's time
for a cool change
And sometimes I don't care
I know it may sound selfish
But let me breathe the air.....
Monday, June 22, 2009
KULABARS
Nung marinig ko ang salitang "KULABARS" mula sa aking mga kumpare ay nabanggit ko na hindi pa ito naibubulalas sa malawak na sapot ng Internet kaya kinakailangang dito siya isilang. saka natatawa talaga ako sa salitang ito pag ginagamit na nila sa pangungusap. Malamang ang kahulugan ay palasak na at karaniwang ginagamit pero yung ma-epal na salita ay ngayon pa lamang masisilayan. Kulabars , ang sasabihin pag ang isang dugyot, jologs, ma-jontot na lalaki ay naka-dyakpot ng isang magandang babae, Kulangot tamang Barko. Bakit may "s"? , e di plural form tanga !
Heksena sa MRT
"Card rejected , please proceed to MRT ticket window" pulang error na lumabas matapos kong isalpak ang aking MRT tiket nung pababa na ko sa MRT Taft Avenue. Naisipan kong dun bumaba imbes na sa istasyon ng Guadalupe dahil trip kong lumantak ng bulo-baratong miryenda sa may Citymall.
"Tang inang MRT to , bulok talaga! Tinanggap yung tiket ko sa Cubao station tas dito ayaw ?" me kalakasang tinig ko ng iluwa ang aking tiket.
Nakakunot ang noo ko ng lumapit ako sa ticket window. Isinuot ang aking bibig sa bilog na butas ng salamin at " iniluwa po yung tiket ko!", sabi ko dun sa babaeng abalang nagbebenta ng tiket sa mga nakapilang pasahero.
Nagsalita ang ginang na nagbebenta ng tiket at itinuro ang aking tiket , ngunit di ko mawari at marinig ang kanyang sinasabi dahil ayaw nyang tumayo sa kanyang kinauupuan o lumapit sa akin.
"Ano daw?" , pasigaw kong tanong sa mamang meron ding problema sa kanyang tiket na pumila rin sa naturang ticket window.
"Tang ina naman kasi ayaw akong lapitan para maintindihan ko yung putang-inang sinasabi ng putang-inang to!" bulalas ko sa aking katabi habang minumuwestra ko sa ginang na hindi ko sya marinig.
"Yung tiket mo daw!" sabat nung mama habang iniabot muli sa akin ang naturang "tiket" na diumano ay mayroong problema.
Tsaka ko lang napagtanto na LRT-II tiket pala ang pinipilit kong isalpak!
Kinuha ko ang MRT tiket sa aking wallet at maluwag akong pinalagpas ng kanilang ticket machine. ehehehehehehe.....
Heksena sa HAP-CHAN
"Pre lasing ka na ah?" wika ng aking kumpare matapos naming mag-inuman kina Ateng upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan (Happy Birthday Bhabe! Mmmmwah ! Tsup! Tsup!, ehehehe).
"Hindi pa kapatid" sagot ko naman habang binubuklat ang menu upang pumili ng aming mao-order.
" Ano pinag-kaiba nitong Chu-chay dumpling sa ordinaryong dumpling?" tanong ko sa waitress ng restawrang nagsisilbi ng da best na noodles at siomai.
"Cu-chay po iyan sir, me gulay" sagot ng waitress.
O di ba? Cu-Chay pala at hindi Chuchay. Hindi pa lasheng, ehehehehe.
Bakit ako merong H sa eksena? Kasi pupunta kami Pampanga. Sa susunod ang iba pang heksena.
Saturday, May 30, 2009
Pambansang Araw ng Watawat
Habang binabaybay ang kahabaan ng Espanya papasok sa tanggapan , napuna ko ang napakaraming nakapaskil na anunsyo ukol Pambansang Araw ng ating Watawat. Noong una , hindi ko masyadong inintindi ang naturang anunsyo dahil hindi ko nakita kung kailan ito ipagdiriwang (kailan ko lang nalaman na Mayo 28 pala), dahil na rin sa may kadilimang lugar kung saan ito nakasabit. Ilang minuto pa ay malapit na ako sa Cubao, napatingin ako sa tsinelas ni Dudong (si Bay tanga!) na kaharap ko lamang sa bandang hulihan ng jeep. Kulay ng bandila ng Pilipinas ang disenyo ng kanyang pansapin sa paa.
"It is prohibited to deface or ridicule the flag, to dip the flag as a salute, or to add additional marks of any nature on the flag. It may not be used as a drapery, festoon, tablecloth, as a covering for objects, or as part of a costume or uniform.
Several commercial uses of the flag are prohibited, including using the flag as a trademark or for commercial labels or designs. It is forbidden to use the image of the flag on merchandise, or in any advertisement. It also may not be used as a pennant in the hood, side, back and top of motor vehicles;
The flag may not be displayed horizontally face-up, or under any painting, picture or platform. It may not be displayed in "places of frivolity", defined in the Flag Code as marked by "boisterous merriment or recreation".
Piyesta de Halili
Dagonoy na lang ata ang wala pang scandal, dyan ako nagtapos ng kindergarden. Lahat ata ng probinsya at Unibersidad at Paaralan meron ng scandal . Laguna Scandal, Batangas Scandal , La Salle Scandal , PLM Scandal , tinurbo sa banyo, binondyobi sa traysikel , kinabayo sa kanto at kung anu-ano pa , lahat yan nakuhaan palihim at hindi palihim , ikinalat sa pamamamagitan ng asul na ngipin (bluetooth tanga !) sa cellphone, pag low tech ka infra-red lang, inupload sa internet at napanood ng bawat sambayanang Pilipino bata man o matanda, mukhang unggoy o wala. Ang punto ko , dati pa yan, nuong mga panahong virgin pa ko , meron na , wala ng bago . Nung lumantad ang KH-HK Scandal , sinakyan ng mga kagulang-gulang at pagkatatalinong mambubutas este mambabatas , iimbestigahan daw "in aid of legislation" !!! HALEEEER??? Mawalang galang na po (at ayaw ko talagang igalang), ayon sa aking 2 minutong pagsasaliksik , meron nang nakatenggang 14 na batas ukol sa malalaswang ganito na nuon pang 2007 pa ipinasa at hanggang ngayon ay hindi pa nagiging ganap na batas. Juice ko po titser , ano naman ang iimbestigahang bago dito? Nagmimistulang piyesta lang talaga ang pagdinig at gaya ng iba pang imbestigasyon , wala ring mangyayari !
Meron akong suhestiyon. Yung Senado gawing NBI tas yung mga taga-NBI ang pagawain ng deliberasyon para mapabilis ang pagpapasa ng batas.
Maagang Kampanya
Hindi pa raw sila nangangampanya sa mga pinag-gagagawa nila . O siya , kunwari tanga kaming mga botante't manunuod , naniniwala kami kunwari na serbisyo publiko lamang ang mga advertisement na napapanuod namin sa telebisyon.
Espesyal para sa akin yung padyak komersyal ni Senador Mar Roxas , me dating ikanga kasi si Jamongoloids ay dating taga-padyak nung hayskul. Taft papuntang Arellano-Zapanta ang biyahe natin. Sa nipis ng ating katawan nung tayo'y bata pa , alam natin ang hirap ng pagpapadyak. Pero kung ako ang magdidirihe ng naturang komersyal ay ganito ang ibabanat natin para mas makasundot ng konsensya at makadale ng mas maraming botante. Tatak Jamongoloids ikanga, and it must be good !
Girl: (tumatakbo) Kuyaaa... (sumakay sa pedicab kasama si Mar Roxas)
Mar Roxas: Uy, ilang taon ka na?
Boy: Si Rami po anim, ako po trese.
Mar Roxas: Anong pangarap nyo?
Boy: Seaman sana.
Girl: Ako po, artista.
Boy: Pero hindi ko na iniisip. Kanya-kanyang kayod po dito. Walang maayos na trabaho. Walang pambili ng gamot.
Mar Roxas: Anak itabi mo. Ako na. Sama-sama tayo. Hindi ko kayo pababayaan. Lalaban tayo
Pagdating sa paroroonan, bumaba na si Mar Roxas.
Mar Roxas: (inilahad ang kamay sa bata) bayad?
Boy: po?
Mar Roxas: aba ako ang pumadyak di ba? Dapat ako ang bayaran nyo , ba' hirap ding pumadyak.
Boy: Ayus din!
Dyok lang po ! Iboto po natin si Mar Roxas kung gusto nyo. Ako si wisely ang iboboto ko , ehehehe.
Wednesday, May 20, 2009
Wednesday, April 15, 2009
Maikli ngunit Masayang Pagkikita-kita
Nagkaroon ng biglaang "get-together" noong nakaraang Abril 13 na inorganisa ng presidente ng klase , Pablo Pingol Jr, na kagagaling lamang mula sa UAE.
Nag-text pa si Olbap sa'kin ng mga linyang "Pre, mukhang bibiguin mo ata ako ngayon ah?" dahil sa pag-aakalang hindi ako darating.Ang drama rin eh no? Hindi nya alam na bibitbitin ko pa si Mark Naperi, na noong una ay araw ring sumama dahil meron pang pasok sa trabaho.
"MMmmmwah, mmmmwaaahh, mmmwaaah!" sigaw ng barker ng mga orange shuttle na biyaheng MOA, ehehehe. Ilang minuto rin kaming nagpaikot-ikot sa MOA ni Mark, malay ba naming dalawa ang Starbucks dun? kung saan ang tagpuan.
Inabutan namin ang mga suki ng Game K n B ? sina Joveelark, na hindi ko man lang natikman ang panalo at si Butch aka Kagalang-galang Eimann Evarola na pagkakamalan mo talagang propesor at hanggang ngayon ay todo-giit pa rin na ang naging problema ay yung sensor sa game show kaya hanggang unang round lamang siya. Magpalusot ba?
Kasama rin sa mga maagang dumating ang nagliliwanag (blooming ba?) na si Celeste Liwanag at Rose Marie na wala pa ring kakupas-kupas ang sarap ng halakhak na talagang mahahawa ka sa tawa. Ilang minuto pa ng mahabang kuwentuhan at kamustahan ay dumating na sina Vangie at Marvin.
Nagpasya na ang grupo na ituloy ang kuwentuhan sa Razon's, habang hinihintay sina Jeffrey at Edward, kung saan mapapa-put@$%^&%&* ka talaga sa sarap ng Palabok, halo-halo (da best!), Sisig at Daing. Wala ng sasarap pa sa pagkain na libre dahil sinagot ni Pablo ang bayad (thanks Pre !).
Masakit man sa aking loob dahil minsan lang talaga maganap ito, kailangan kong umalis upang pumasok ng maaga sa aking trabaho. Mahirap talaga ang maging call boy, sabi ko. Iniwan ko ang aking mga dating kamag-aral ng mga bandang ika-11 ng gabi, kung saan itinuloy ang kasiyahan sa "Hooters".
Maikli pero ubod ng saya talaga ang pagkikitang iyon. Ang sarap sanang lumiban sa trabaho para lang sa araw na 'yon, pero di talaga pwede. Aalis na ulit si Pablo sa susunod na linggo at ang balik pa ay sa susunod na taon, pero yung pinakain nya ng libre ay hindi ko pa naitatae (wag ko na kayang ilabas to para remembrance?). Bilib ako sa mga klasmeyt nating pumunta pa rin kahit galing lang nang trabaho at hindi alintana yung pagod,pasok kinabukasan at layo ng tirahan. Naiintindihan din naman natin yung mga hindi talaga makakapunta dahil sa tawag ng tungkulin o nasa ibang bansa, mas mahalaga pa rin siyempre ang trabaho. Sana lang ay magkaroon tayo ng mas malaki at mas masayang pagkikita sa mga darating na araw. Wag na nating hintayin pa yung reunion sa burol ng isa sa atin? JOKE !
Bon Voyage kay Olbap at Godspeed sa lahat !
Monday, April 06, 2009
Weirdo
Honda (hon the dot , tanga!) ang paglisan ko sa aming tanggapan nang araw na iyon (fyi: nag-taksi pa ko huh?) at dali-dali at halos lumipad akong nagtungo sa ikatlong palapag ng Gateway Mall. Ganap na ika-3 ng tanghali nang pumasok ako sa naturang malaking bulwagan at namalas ang mala-palengke sa dami at ingay ng mga tao. Napanganga na lang ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon , nakadalo ako sa isang tunay na torneyo ng ahedres. Pers taym ba? Hindi ko alam kung tapos na o hindi pa nag-uumpisa ang naturang paligsahan, me naglalaro sa ibat-ibang mesa , merong malaking konsentrasyon ng umpukan sa kabilang banda kung saan hindi mo malaman kung sino ang nag-lalaro talaga dahil kung sino-sino ang tumitira.
Una kong pinuntahan ang akala ko ay nagtitinda ng kakanin sa sulok dahil meron akong nakitang nakalatag na pagkain. Yun pala , ang naturang ginoo ay nagtitinda ng mga aklat sa ahedres. Gusto ko mang bumili nung araw na iyon ay low budget ako. Sunod kong nilapitan ang dalawang matanda na halatang naglalaro ng "blitz" kahit walang orasan dahil sa bilis ng kanilang mga sulong. Weirdo 'to ah? sabi ko. Paglapit ko pa ng kaunti sa matanda ay napagtanto ko na agad na hindi pa sya naliligo o malamang ay hindi kaya ng kanyang ginamit na sabon ang tapang ng anghit na ibinubuga ng kanyang kili-kili. Talo ka ke manong sa malapitang laban , malamang hindi na to naligo para di mawala sa kondisyon , naibulong ko na lang sa aking sarili. Hindi naman nagpatalo sa pagiging weirdo ang kanyang kalaban , bukod sa mukha na itong ermitanyo , meron pa itong bitbit na mga polyetos, attache case at, (dyaraaaan !) isang mahabang tarpaulin ng Barley Rapid Open Chess. Di ko malaman kung magtatanghal ng sariling kumpetisyon ang matanda sa ibang lugar o give-aways lamang ang naturang malaking tarpaulin na siya lamang ang nakita kong me bitbit. Nang magsimula ang pormal na laban ay lumabas ang mas maraming weirdo. Me naka-pambahay lang habang naglalaro , merong bihis na bihis na animo'y ahente ng electrolux, merong maayos ang buhok ng umupo at pagkaraan ng ilang minuto ay napaka-gulo na dahil sa iba't ibang klase ng hagod ang ginawa habang nag-iisip, at wala ng titindi pa sa isang nakita ko na pinanonood ang laban sa kabilang mesa imbes na yung laban niya ang pagtuunan ng konsentrasyon ! Ang tindi ! nasabi ko na lang.
Ilang minuto pa ay natanaw ko na ang aking idolo sa ibabaw ng entablado. Mukhang ang mga malalakas na manlalaro gaya ng GM, IM at NM ay tampok ang mga laban kaya nasa entablado ang laro. Kung mapapansin nyo ang mga larawan sa una kong post ng patimpalak ay kapuna-puna ang dami ng mga tao sa paligid ng aking idolo , halos lahat yun ay umeepal sa naturang laro. Bandang huli ko na lang napagtanto na sina-"simulate" nila ang nagdaang laban kaya ganun kagulo.
Nang tumayo ang aking idolo, nahulaan ko na agad na pupunta sya sa palikuran at naisip ko na ito na ang aking pagkakataon para magpakuha ng piktyur. Siyempre, hindi ako tanga para sumabay kay Wesley sa loob ng palikuran at kapagdaka'y sabay ding magbabawas, pag nagtama ang aming mga mata, malamang hindi ako mukhang taga-hanga pag ako'y ngumiti sa kanya, baka mapagkamalan pa akong mang-aagaw ng lakas!( naiimadyin mo?). Kaya inabangan ko ang ating idolo sa paglabas ng palikuran, saktong paglabas ay yumangga na kaagad ako, "Idol pwede ba magpakuha ng piktyur ?" , bulalas ko. Ngumiti si Wesley at pagtango niya bilang tanda ng pagsang-ayon ay agad ko na lang hinila ang isang mamang nagdaraan upang kami ay mapiktyuran.
At ang mga sumunod ay bahagi na ng kasaysayan ika nga (the rest is history , bobo!) , nag-kampeon ang batang henyo sa torneyong iyon, ilang araw lang ang sumunod ay tinanghal ding pinaka-mahusay at kampeon ang ating bagong idolo sa nagdaang Battle of Grandmaster 2 na ginanap sa Dapitan , Zamboanga del Norte. Tinalo niya rito ang kauna-unahang Grand Master ng Asya na si Eugenio Torre at iba pang bigatin sa larangan ng ahedres sa ating bansa. Ang lahat ng tagumpay na ito ay nakamit nya sa murang edad na 16, hindi ko mawari kung ano pa ang kanyang maaabot sa mga susunod pang taon.
Nasa ibaba ang mga naging tampok na laban ni Wesley So sa nakaraang Battle of Grandmaster , hindi ko na isinama ang mga labang nauwi sa tabla. Wag kang tatanga-tanga, pindutin mo na yung + para mapanood mo na.
gonzales_so_2009.pgn
so_gomez_2009.pgn
so_nolte_2009.pgn
torre_so_2009.pgn
villamayor_so_2009.pgn
Sunday, April 05, 2009
Sharing the Night Together
Hindi sila yung kalaban ni Peter Pan na may kalawit ang kamay at takot sa buwayang me nalunok na orasan. Ang mga miyembro ng bandang Dr. Hook and the Medicine Show--George Cummings ,Dennis Locorriere, Ray Sawyer at Billy Francis. Sila yung kumanta ng aking trip na kantang Sexy Eyes at Sharing the Night Together (wwwohhhoohh , yeeeaahh) na nagpapaindak sa akin at nagbibigay ng kakaibang sigla tuwing naririnig kong pumapailanlang. Hindi pa-epek ang takip sa mata ni G. Raw Sawyer na parang si Captain Hook, at hindi rin siya ang tatay ni Tom Sawyer huh? ito ay resulta ng isang aksidente sa sasakyan na kamuntikan nya ng ika-tigok.
Sound trip muna tayo.
Sunday, March 08, 2009
Makating Trip
Wala akong magagawa , alipin ako ng pag-ibig , maghahanap na lang ako ng ibang gagawin sa darating na biyernes….
Huwebes ng gabi ng magka-ayaan na uminom ng ilang bote ng beer ang aking mga kumpare sa kahabaan ng kalsada ng Arellano. Bagamat di ko talaga ugaling magsuot ng pang-itaas na damit , napilitan na rin akong magbihis at lumabas na upang maagang maumpisahan ang maboteng usapan. Sakaling mahuli , makakatipid ako ng limandaan. Limandaang piso pang-lagay pag nahuling nagiinuman at balita ko , limandaan din ang multa pag nahuli kang walang pang-itaas na damit. Ang siste , sa gilid lamang kami ng kalsada nag-inuman , tig-iisang bote na nakalagay lang sa gilid ng upuan, nakahandang kumaripas ng takbo sakaling me dumaang mga pulis.
“Sama kayo sa’kin bukas sa Subic?” hirit ni Oteng na me bagong biling Mitsubishi Adventure kaya ang lakas mag-aya.
“Wag kang magsi-swimming, magiging negro ka na naman !” tila ibinulong sa akin ng aking kunsensya.
Naisip kong walang bisa itong batas na ito ngayon sa kadahilanang katatapos lang naming mag-away sa isang walang kwentang bagay ng aking kasintahan. Dedma mode pa kami at walang pakialamanan.
“ Ge, swimming tayo? Dala lang tayong damit na pang-ligo” tugon ko naman na parang batang kumislap pa ang mata dahil sa di malirip na magiging saya ng paglalakbay namin bukas.
Ganun kabilis na napagkasunduan ang lakad , at parang naidlip lang ang bawat isa at heto na, pagtapos madaanan ang kanyang mga kliyente ay namili na kami ng aming lalanguyan sa gilid ng subic. Me nadaaanan kaming Andoks , bumili kami ng isang buong manok at anim na kanin. Walang mabiling sarsaparilya kaya Coke na lamang ang aming nilagok. Dalawang minutong pahinga at maya-maya pa ay naghuhubad na ako sa gilid ng sasakyan , wala akong pakialam kung makita ako ng mga taong nakasakay at bumabaybay sa gilid namin. Ang mahalaga sa amin , magtampisaw!
Masayang bumalik sa aking gunita ang pagiging bata ng sumayad ang aking talampakan sa mainit na buhangin at humalik ang malamig na tubig sa aking mga binti. Parang yung mga panahong nagpupunta pa ang buong barkada sa Manila Bay, yun nga lang ginalis ako sa pwet dahil sa dumi ng tubig. Pero iba na ngayon , sokyal na kami ngayon dahil sa Subic na kami, sabi ko sa aking sarili.Walang pagsidlan sa tuwa akong dali-daling sumisid sa kailaliman ng tubig na hindi alintana ang mga barko at bangka na nakadaong sa paligid ng dalampisigan na baka puro langis ang tubig.
Ilang segundo lang ay iniangat ko ang aking ulo.
“Putang ina me kumakagat sa akin?” sigaw ko ke pareng Derek at Oteng.
“Wala , para tong gago” tugon ni pareng Derek sa’kin, ngising demonyo ang ungas.
Hindi ako maaring magkamali, kada sisid ko sa medyo malalim na bahagi ng tubig ay nararamdaman kong me kumo-combo ng kagat sa aking hita at iba’t-ibang bahagi ng katawan. Ilang minuto pa ay hindi ko na to inalintana , siguro’y nagging manhid na ang aking katawan sa dami ng kagat.
Ilang oras kaming nagbalik-bata ng aking mga kumpare, karerahan , gumawa ng sponge bob character sa buhangin, tinusok ang mga butas na gawa ng talangka at kumain ng brownies sa dalampasigan.
Matagal din bago kami nakauwi dulot ng mabagal na daloy ng trapiko. Pagdating sa bahay ay plastado kaagad ang aking katawan sa pagod. “Solb !” sabi ko…..
“Wag kang magsi-swimming, magiging negro ka na naman !” tila me nagbulong pa sa akin mga ganap na ika-4 ng madaling –araw.
Tila me nais akong kamutin ng ako’y bahagyang magising. Ang aking bisig, maya-maya naman ang aking kamay ,ang aking hita at likuran ng aking binti.
“Putang ina, ang kati ng buong katawan ko !” sabay bangon upang tignan sa salamin kung anong hitsura ng makating butlig sa aking katawan.
Para akong pinipig crunch na mapula sa dami ng makating butlig na tumubo sa katawan ko. Sa oras na masaling mo ang isang butlig , lahat sila ay magkakatihan na. At hindi ka makakatulog sa kati ,pramis.
“Wag kang magsi-swimming, magiging negro ka na naman !”
“Tang ina , dapat nakinig ako…” habang nilalagyan ng vicks ang ubod ng kating butlig kahit grogeng-groggy pa ako sa antok….wow sarap…