Monday, June 22, 2009

KULABARS

Heto na ako at nagtitipa ng blogs sa aking bagong trabaho. Kamakailan lang ay itinapon ako ng aking kumpanya sa kabilang gusali, nalusaw yung account na sinu-support ko, kinakailangan naming mag-apply ulit , dumaan sa mga pagsusulit at sumailalim muli sa iba't-ibang teknikal na panayam. Anong bago? Heto , tatlo na ang monitor na gamit ko. Okey din no?

Nung marinig ko ang salitang "KULABARS" mula sa aking mga kumpare ay nabanggit ko na hindi pa ito naibubulalas sa malawak na sapot ng Internet kaya kinakailangang dito siya isilang. saka natatawa talaga ako sa salitang ito pag ginagamit na nila sa pangungusap. Malamang ang kahulugan ay palasak na at karaniwang ginagamit pero yung ma-epal na salita ay ngayon pa lamang masisilayan. Kulabars , ang sasabihin pag ang isang dugyot, jologs, ma-jontot na lalaki ay naka-dyakpot ng isang magandang babae, Kulangot tamang Barko. Bakit may "s"? , e di plural form tanga !

Heksena sa MRT

"Card rejected , please proceed to MRT ticket window" pulang error na lumabas matapos kong isalpak ang aking MRT tiket nung pababa na ko sa MRT Taft Avenue. Naisipan kong dun bumaba imbes na sa istasyon ng Guadalupe dahil trip kong lumantak ng bulo-baratong miryenda sa may Citymall.

"Tang inang MRT to , bulok talaga! Tinanggap yung tiket ko sa Cubao station tas dito ayaw ?" me kalakasang tinig ko ng iluwa ang aking tiket.

Nakakunot ang noo ko ng lumapit ako sa ticket window. Isinuot ang aking bibig sa bilog na butas ng salamin at " iniluwa po yung tiket ko!", sabi ko dun sa babaeng abalang nagbebenta ng tiket sa mga nakapilang pasahero.

Nagsalita ang ginang na nagbebenta ng tiket at itinuro ang aking tiket , ngunit di ko mawari at marinig ang kanyang sinasabi dahil ayaw nyang tumayo sa kanyang kinauupuan o lumapit sa akin.

"Ano daw?" , pasigaw kong tanong sa mamang meron ding problema sa kanyang tiket na pumila rin sa naturang ticket window.

"Tang ina naman kasi ayaw akong lapitan para maintindihan ko yung putang-inang sinasabi ng putang-inang to!" bulalas ko sa aking katabi habang minumuwestra ko sa ginang na hindi ko sya marinig.

"Yung tiket mo daw!" sabat nung mama habang iniabot muli sa akin ang naturang "tiket" na diumano ay mayroong problema.

Tsaka ko lang napagtanto na LRT-II tiket pala ang pinipilit kong isalpak!

Kinuha ko ang MRT tiket sa aking wallet at maluwag akong pinalagpas ng kanilang ticket machine. ehehehehehehe.....

Heksena sa HAP-CHAN

"Pre lasing ka na ah?" wika ng aking kumpare matapos naming mag-inuman kina Ateng upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan (Happy Birthday Bhabe! Mmmmwah ! Tsup! Tsup!, ehehehe).

"Hindi pa kapatid" sagot ko naman habang binubuklat ang menu upang pumili ng aming mao-order.

" Ano pinag-kaiba nitong Chu-chay dumpling sa ordinaryong dumpling?" tanong ko sa waitress ng restawrang nagsisilbi ng da best na noodles at siomai.

"Cu-chay po iyan sir, me gulay" sagot ng waitress.

O di ba? Cu-Chay pala at hindi Chuchay. Hindi pa lasheng, ehehehehe.

Bakit ako merong H sa eksena? Kasi pupunta kami Pampanga. Sa susunod ang iba pang heksena.

1 comment:

gagolero said...

natawa naman ako kay chu-chay.. hahaha