Malaki ang pasasalamat ko sa Dakilang Lumikha sa tatlumpung taong buhay na ipinagkaloob nya sa akin. At mukhang madadagdagan pa ang mga araw na yaon dahil may sampung araw na ang nakalilipas mula ng ako'y magdiwang ng aking kaarawan. Nagdiwang nga ba?
Walang nakakaalam sa aking mga magiging ka-opisina na ako ay nagdiriwang ng ika-30 taon ng araw na iyon , isinalang ako sa isang mala-"thesis defense" , alas-dos ng madaling araw. Kasama iyon sa mga bagay na dapat kong bunuin sa dalawang buwang pagsasanay sa bagong kumpanyang aking pinasukan kaya wala akong magagawa kundi sumabak. Hindi ko inaasahang , pauulitin ako ng "defense" pagkatapos kong maghirap at pagpuyatan ang aking piyesa. Kinantot ako ng kamalasan , ikanga ng aking kapatid na si Denggoy na nagdiwang ng kanyang kaarawan nung ika-12 ng Oktubre , at hindi man lang nagparamdam ang hindot (labyu parekoy, more Birthdays to cum!).
Binondyobi ng kamalasan sa mismong araw ng kaarawan.
Bihira akong makaranas ng mga ganitong kabiguan , dahil ang lahat ay aking pinaghahandaan. Kung gusto mong pumasa , mag-aral ka ! Yan ang aking adhikain simula ng mag-kolehiyo. Nag-aral naman ako, pero sadyang may mga bagay at pangyayari na hindi mo talaga kayang kontrolin.
E sadyang malakas ang kapit natin at nanatiling nanalig na hindi Niya tayo pababayaan. Nabanggit ko nga sa aking nakaraang lathala, sanay sa batukan si Jamongoloids. Magandang regalo sa araw ng aking kaarawan ang binigay sa akin ng Panginoon. Isang bagong trabahong binalutan ng pagsubok at me laso na kulay ng tagumpay. Para mas masarap nga naman ang aking pagdiriwang.
Nagsimula na ako sa totoong opisyal na trabaho nitong nakaraang linggo. Nagdiwang ako ng isang makabuluhan at napakasayang ika-tatlumpung kaarawan nung nagdaan ding linggo. Talagang malakas ang signal sa Quiapo (thank you Lord!). Salamat din sa aking kasintahan na ginugol ang araw na iyon sa pagbabantay sa akin habang natutulog at walang pag-aalinlangang nanalig sa aking kakayahan. Siya nga pala ang nakuha kong regalo nung nakaraang dalawang taon , pag-ibig. Sa aking mga kaklase sa pagsasanay na naniwala sa aking talento't nalalaman. At sa kumpanya mismo, dahil sa isang makabuluhang dalawang buwan ng pagsasanay.
Ngayon, nagtitipa ako ng lathala habang nakikinig sa awitin ng Beatles at nilalanghap ang pinaiinitang langis na may samyong lila(pot pourri oil lavender, tanga!). Nasa ibaba ang mga larawan ng aking pagdiriwang. O kelangan ko pa bang ipaliwanag yung pamagat?, kantahin mo boploks!!!
No comments:
Post a Comment