Wednesday, April 15, 2009

Maikli ngunit Masayang Pagkikita-kita


Nagkaroon ng biglaang "get-together" noong nakaraang Abril 13 na inorganisa ng presidente ng klase , Pablo Pingol Jr, na kagagaling lamang mula sa UAE.

Nag-text pa si Olbap sa'kin ng mga linyang "Pre, mukhang bibiguin mo ata ako ngayon ah?" dahil sa pag-aakalang hindi ako darating.Ang drama rin eh no? Hindi nya alam na bibitbitin ko pa si Mark Naperi, na noong una ay araw ring sumama dahil meron pang pasok sa trabaho.

"MMmmmwah, mmmmwaaahh, mmmwaaah!" sigaw ng barker ng mga orange shuttle na biyaheng MOA, ehehehe. Ilang minuto rin kaming nagpaikot-ikot sa MOA ni Mark, malay ba naming dalawa ang Starbucks dun? kung saan ang tagpuan.

Inabutan namin ang mga suki ng Game K n B ? sina Joveelark, na hindi ko man lang natikman ang panalo at si Butch aka Kagalang-galang Eimann Evarola na pagkakamalan mo talagang propesor at hanggang ngayon ay todo-giit pa rin na ang naging problema ay yung sensor sa game show kaya hanggang unang round lamang siya. Magpalusot ba?

Kasama rin sa mga maagang dumating ang nagliliwanag (blooming ba?) na si Celeste Liwanag at Rose Marie na wala pa ring kakupas-kupas ang sarap ng halakhak na talagang mahahawa ka sa tawa. Ilang minuto pa ng mahabang kuwentuhan at kamustahan ay dumating na sina Vangie at Marvin.

Nagpasya na ang grupo na ituloy ang kuwentuhan sa Razon's, habang hinihintay sina Jeffrey at Edward, kung saan mapapa-put@$%^&%&* ka talaga sa sarap ng Palabok, halo-halo (da best!), Sisig at Daing. Wala ng sasarap pa sa pagkain na libre dahil sinagot ni Pablo ang bayad (thanks Pre !).

Masakit man sa aking loob dahil minsan lang talaga maganap ito, kailangan kong umalis upang pumasok ng maaga sa aking trabaho. Mahirap talaga ang maging call boy, sabi ko. Iniwan ko ang aking mga dating kamag-aral ng mga bandang ika-11 ng gabi, kung saan itinuloy ang kasiyahan sa "Hooters".

Maikli pero ubod ng saya talaga ang pagkikitang iyon. Ang sarap sanang lumiban sa trabaho para lang sa araw na 'yon, pero di talaga pwede. Aalis na ulit si Pablo sa susunod na linggo at ang balik pa ay sa susunod na taon, pero yung pinakain nya ng libre ay hindi ko pa naitatae (wag ko na kayang ilabas to para remembrance?). Bilib ako sa mga klasmeyt nating pumunta pa rin kahit galing lang nang trabaho at hindi alintana yung pagod,pasok kinabukasan at layo ng tirahan. Naiintindihan din naman natin yung mga hindi talaga makakapunta dahil sa tawag ng tungkulin o nasa ibang bansa, mas mahalaga pa rin siyempre ang trabaho. Sana lang ay magkaroon tayo ng mas malaki at mas masayang pagkikita sa mga darating na araw. Wag na nating hintayin pa yung reunion sa burol ng isa sa atin? JOKE !

Bon Voyage kay Olbap at Godspeed sa lahat !

1 comment:

Anonymous said...

oi invite nyo q next tym....

eto email q:

r4depositario@yahoo.com