Sunday, July 27, 2008

SONA o Ano Na?

Naghahanap ako ng mga bagong joke online ng masagi ng aking mga mata ang salitang SONA sa Philippine Daily Inquirer. Sa halip na kabalastugan, hinanap ko na lang yung SONA ni Gloria noong nakaraang taon , sa pagbabasa pa lang sa mga unang bahagi ng talata, sa totoo lang, natawa talaga ako. Promise. Serious. (with smiley) .

"Hangarin kong mapabilang ang Pilipinas sa mayayamang bansa sa loob ng dalawampung taon. By then poverty shall have been marginalized; and the marginalized raised to a robust middle class. "

Sabagay medyo malayo pa naman, 2027. Pero ayon sa SWS survey , tumaas ang bilang ng mga taong nakakaranas ng pagkagutom. Marahil pagdating ng 20 taon , bababa na ang bilang ng mga hindi nakakakain ng sapat.

Dahil di na sila aabot pa ng 20 taon.

"With the tax reforms of the last Congress, and I thanked the last Congress, we have turned around our macroeconomic condition through fiscal discipline, toward a balanced budget. Binabayaran ang utang, pababa ang interes, at paakyat ang pondo para sa progreso ng sambayanang Pilipino!!! Maraming salamat ulit sa nakaraang Congress."

Kaya hindi nanalo sa nakaraang eleksyon si Ralph Recto ay dahil sya ang may-akda ng E-VAT. Ito rin ang tinuturong dahilan kaya masyadong nabibigatan ang mga mamamayan sa taas ng bilihin ng pagkain at langis. Wala silang balak tanggalin ang buwis na nagpapahirap kahit halos wala ng makain ang mga pinoy.

Nung nakaraang linggo, itinalaga si Ralph Recto bilang kalihim ng NEDA. For better moderation of greed. Gudlak!

"In Mindanao, our food basket, I said we would prioritize agribusiness investments. And I am happy to see that the latest survey in June shows the hunger rate has sharply gone down nationwide."

Ayon sa newsbreak, Mindanao pa rin ang pinakamahirap sa buong kapuluan sa loob ng isang dekada at may pinakamaraming taong nakakaranas ng pagkagutom. Ito ay dahil sa kawalan ng suporta sa mga pangunahing imprastraktura at patuloy na giyera sa pagitan ng Pambansang Sandatahang di mo alam kung meron pang Lakas at MILF o MNLF o Abu Sayyaf . Napansin mo ba lagi silang may F?

Isipin mo na lang , nakatira ka na sa tinaguriang sisidlan ng pagkain, tapos wala ka pa ring makain? WTF!

Ipagpapatuloy....

No comments: