Thursday, July 31, 2008

In the Blue Corner



No it’s not about boxing. Current heavyweight Google has a new opponent in the world of search engine. Cuil (pronounced “cool”) which means an old Irish word for knowledge, claims that it can index faster on the worldwide web of information. Their new search engine info page located at http://www.cuil.com states that “ it searches more pages on the Web than anyone else—three times as many as Google and ten times as many as Microsoft.”

Out of curiosity, I tried opening two browsers on my computer. One directed to google while the other one is for cuil. A quick search for my name “Jamin Domingo” on search engine google displayed my complete user profile on blogger as well as my name on a tabloid newspaper. Doing the same thing with cuil, the result was not that “cool”. It took a few more seconds and it did not display an accurate result even in the last three pages. Well, who’s Jamin Domingo anyway? So I tried typing the model number of a LinksysOne device (SVR3000) and it returned the error “No results were found”.

IMHO, in terms of speed and accuracy, Cuil Inc., should focus itself first in beating no. 3 Microsoft Corp. then no. 2 Yahoo Inc. before even trying to challenge the undisputed heavyweight Google in the world of web search. On the other hand, I think we should still give cuil more time in improving their search engine since they were just starting out.

By the way, while capturing screenshots, I noticed that the word “Kagangkapan” was misspelled on google.ph, I think it should be “Kasangkapan?” .

Sunday, July 27, 2008

SONA o Ano Na? Part-II

"Maynilad's new owners have invested P7 billion to bring clean and, at last, running water to Paranaque, Parola, Manila and elsewhere. Manila Water did a similar P2 billion project for Antipolo. "

Kaya siguro wala kaming tubig ng ilang linggo at maraming butas ang kalsada. Bah ! Mahirap palubugin ang mala-talong kong tae sa kalahating balde lang ng tubig. Sabi nung tambay na durugista sa min, isa raw sa mga pinakamainam na negosyo ngayon ang magtayo ng himpilan ng mineral water.

Fear factor category na rin kasi ngayon ang pag-inom ng tubig mula sa gripo.

"Matapos ang maraming taong usapan, ang ating administrasyon ang nakapagsimula ng Flood Control Project sa Kalookan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA). "

Konting ulan lang, ang dating lampas tuhod, ngayo’y ga-leeg na ang taas ng baha sa mga lugar na ito. Paano na si Bhibac si Ateng at ang nanay ko na pawang mga kulang-kulang limang talampakan lang ang taas? Hindi ko sila hahayaang malunod ! (ehehehe, joke only)

Salamat naman at nasimulan na , hindi pa ba tapos?

"For College, we launched a P4 billion fund for college loans, to increase beneficiaries from 40,000 to 200,000. "

Nabasa nyo na ba ito sa Inquirer? (Bago mo pindutin siguraduhin mong babalik ka dito, me kasunod yan ugok!)

Siguradong hindi napatakan ang estudyanteng ito ng kahit na singkong duling ng pautang na ito para sa kolehiyo. Mahirap ang magtrabaho habang nag-aaral , take it from the expert , ehem!

Kung ganito kahirap ang mag-aral kahit na matalino ka paano pa kaya ang iba?

Ang nakakaluhang kasunod ng kwentong nabanggit sa itaas:

Buti na lang mabait si Ate no?

"We must weed out corruption and build a strong system of justice that the people can trust. We have provided unprecedented billions for anti-graft efforts. Thus the Ombudsman's conviction rate hit 77% this year, from 6% in 2002. We implemented lifestyle checks, dormant for half a century. Taun-taon dose-dosenang opisyal ang nasususpinde, napapatalsik o kinakasuhan dahil labis-labis sa suweldo ang gastos at ari-arian nila. "

Palakpakan ! “Most Corrupt in East Asia and the world”. Yan ang taguri ngayon sa Pilipinas ng iba’t-ibang dayuhang ahensya na parang mga inspektor na nagsusuri sa kalagayan ng korapsyon sa ibat-ibang bansa. Ayon sa Alemang ahensya na Transparency International, ang Pilipinas ay pang-walo sa pinaka-korap na bansa sa buong mundo. Kaparehas (parang Miss Universe, tied with Ms.) Benin, Gambia , Guayana , Honduras , Nepal , Russia , Rwanda at Swaziland. Nangunguna ang bansang Haiti sa palakihan ng pandarambong sa gobyerno.

Sabay tugtog ng Miss Universe 1994 “Mabuhay” Lyrics habang tinatanghal ang mga pinaka-korap na bansa:

You're smilin" Mabuhay "You're stylin"
It's a great salutation Mabuhay!
Mabuhay! "Persuasion", Hello, "You are delicious"
It's a one word flirtation, Mabuhay!

Ang haba no? Madami pa, pero hindi ko na tinapos. Ang haba kasi ng SONA ni Gloria eh, tapos na rin ang mahabang parada. Bukas bahala ka na kung gusto mong pakinggan yung sasabihin ni Gloria. Basta ko bukas pag napadaan ako sa Mabuhay! Rotonda ! baka mapag-tripan kong sumali sa mga sumisigaw sa kalsada. Para maiba naman. Kakasawa na eh.

Puro pambobola.

SONA o Ano Na?

Naghahanap ako ng mga bagong joke online ng masagi ng aking mga mata ang salitang SONA sa Philippine Daily Inquirer. Sa halip na kabalastugan, hinanap ko na lang yung SONA ni Gloria noong nakaraang taon , sa pagbabasa pa lang sa mga unang bahagi ng talata, sa totoo lang, natawa talaga ako. Promise. Serious. (with smiley) .

"Hangarin kong mapabilang ang Pilipinas sa mayayamang bansa sa loob ng dalawampung taon. By then poverty shall have been marginalized; and the marginalized raised to a robust middle class. "

Sabagay medyo malayo pa naman, 2027. Pero ayon sa SWS survey , tumaas ang bilang ng mga taong nakakaranas ng pagkagutom. Marahil pagdating ng 20 taon , bababa na ang bilang ng mga hindi nakakakain ng sapat.

Dahil di na sila aabot pa ng 20 taon.

"With the tax reforms of the last Congress, and I thanked the last Congress, we have turned around our macroeconomic condition through fiscal discipline, toward a balanced budget. Binabayaran ang utang, pababa ang interes, at paakyat ang pondo para sa progreso ng sambayanang Pilipino!!! Maraming salamat ulit sa nakaraang Congress."

Kaya hindi nanalo sa nakaraang eleksyon si Ralph Recto ay dahil sya ang may-akda ng E-VAT. Ito rin ang tinuturong dahilan kaya masyadong nabibigatan ang mga mamamayan sa taas ng bilihin ng pagkain at langis. Wala silang balak tanggalin ang buwis na nagpapahirap kahit halos wala ng makain ang mga pinoy.

Nung nakaraang linggo, itinalaga si Ralph Recto bilang kalihim ng NEDA. For better moderation of greed. Gudlak!

"In Mindanao, our food basket, I said we would prioritize agribusiness investments. And I am happy to see that the latest survey in June shows the hunger rate has sharply gone down nationwide."

Ayon sa newsbreak, Mindanao pa rin ang pinakamahirap sa buong kapuluan sa loob ng isang dekada at may pinakamaraming taong nakakaranas ng pagkagutom. Ito ay dahil sa kawalan ng suporta sa mga pangunahing imprastraktura at patuloy na giyera sa pagitan ng Pambansang Sandatahang di mo alam kung meron pang Lakas at MILF o MNLF o Abu Sayyaf . Napansin mo ba lagi silang may F?

Isipin mo na lang , nakatira ka na sa tinaguriang sisidlan ng pagkain, tapos wala ka pa ring makain? WTF!

Ipagpapatuloy....

Wednesday, July 02, 2008

MAKI

Pupunta sana ako sa tahanan ng aking kasintahan kahapon, kaso lang hindi pa ko naliligo dahil nawalan kami ng tubig nung madaling-araw bago ako pumasok. Kesa maamoy nya pa ako at mabawasan pa ang nalalabi kong kakaunting pogi points (teka meron ba ko nun?) nagpasya na lamang akong umuwi ng maaga at gumawa ng mas kapaki-pakinabang na bagay, ang mag-trip na gumawa ng Maki. Ito ang una kong natutunan bago ako matutong magluto ng mga simpleng ulam, ang nagturo sa akin nito ay si Mommy Shawie. Medyo mahirap sa una ang pag-rolyo gamit ang maliit na kawayang banig, maraming dumidikit na kanin, minsan nabubutas ang nori(yung pambalot na gawa sa seaweed tanga!), minsan ang laki ng nagagawa ko, pero katagalan may natsa-tsambahan din akong mukhang maki na talaga. Siguro kaunting ensayo pa at mapeperpekto ko rin to. Mas maganda kung susubukan din ng kapwa tanga ko na tulad mo kaya ko isinusulat ito.

Narito ang mga sangkap at paraan ng preparasyon:

bamboo rolling mat - nabibili ito sa mga supermarket, nakabili ako sa shopwise. Subukan mo kung me mabibili ka sa botika , hehehe.

nori - ito ay gawa sa seaweed , nabibili rin sa mga suking supermarket.

japanese rice- meron akong nakita nito sa rustan, ngunit dahil sa mataas na presyo ng bigas dulot na rin ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, kinalkal ko na lang ang kaldero namin. Mas maganda pag medyo malagkit. Pwede mo ring subukan ang NFA rice para may disenyo pa na maliliit na bato at di maipaliwanag na amoy minsan.

crabstick - hindi ito yong stick na may nakatusok na crab ha! (umayos ka!)

itlog - batehin at iprito ( tanung mo sa kuya mo kung paano magbati , ehehehe, ng itlog)

pipino - hiwain ng pahaba at katamtamang laki.

manggang hinog - hiwain din ng pahaba

japanese vinegar - syempre dahil purita lang si jamongoloids , datu puti na tinimplahan ng konting asukal lang.

toyo - marami akong kilalang meron nito sa ulo pero silver swan lang na nilagyan ng kalamansi ,okey na.

1. Ilatag ang nori sa ibabaw ng bamboo mat. Yung makinis na bahagi ang nasa ilalim.






2. Ilagay ang kanin na may suka. Ikalat sa ibabaw ng nori. Maglaan ng mga isang sentimetro sa itaas at ibabang bahagi.






3. Ilagay ang crabstick , pipino at itlog. Minsan pwedeng ilagay ang mga sangkap sa gitna bago irolyo. Maari ring mangga imbes na pipino o kaya'y ipalit ang mangga sa itlog. Mayroon din akong nababasa online na naglalagay minsan ng avocado, maari kang mag-imbento ng sangkap ayon sa iyong trip. Siguro hindi lang pwede atis.






4. Dahan-dahang irolyo ang kawayang banig .






5. Gamit ang kawayang banig , higpitan ang pagrolyo upang hindi humulagpos ang maki habang hinihiwa.






6. Hiwain ang maki ng katamtamang laki.






7. Kung itatanong mo kung para saan yung toyo at kalamansi , sawsawan yun. Alangan namang ipakita ko pa ang imahe ng pagpiga ng kalamansi sa toyo , kalabisan na ata no?

Ipatikim sa mga kasama sa bahay. Para sa mas magandang resulta , magtago para makita mo ang totoong reaksiyon nila habang tinitikman ang iyong hinandang maki. Pag me nasuka' okey lang , gawa ka na lang ulit ng bago hanggang makagawa ka ng isang masarap na maki.

Maki-baka !

Larawan ninenok sa: http://sushiday.com/archives/2006/10/26/how-to-roll-maki-sushi/