Sunday, June 01, 2008

Ang Mahiwagang Salita

Naubos yung buong araw ng rest day ko nung nakaraang linggo dahil sa pagaasikaso ko ng papel sa SSS. Hiniram ko lang naman yung salapi na pinagputahan ko ng maraming taon. Abril 18 ko ata ipinasa yung kahilingan sa pag-utang, aba a-kinse na ng Mayo ay wala pa ring liham mula sa ating ahensya na "Kabalikat mo sa Buhay". Sa aking pakikipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa Cubao, ako ay pinayuhang magsadya sa kanilang pangunahing tanggapan at dun manlimos este kunin ang tseke.

Para paikliin ang istorya, nahawakan ko na rin ang tseke na nagkakahalaga ng dalawampu't isang libong pisotas (o wag ka malito , tatlo lang ang zero nun). Limpak na salapi para sa akin , nagniningning ang aking mga mata habang tangan ang tseke at nagpasya na dun ko na rin i-withdraw sa ahensya ng PNB sa mismong pangunahing tanggapan naka-himpil.

"Now serving no. 11-20" , ang bumungad sa aking paningin ng lumapit ako sa gwardya ng bangko upang humingi ng numero. Ang aking nakuha , numero 99. "Whew ! Ok lang" sabi ko sa aking sarili. Libonaryo naman ako pag na-withdraw ko ito.

"Sir , kelangan tatlong ID" sabi ng gwardya sa akin habang inaabot ang numero. Ako nama'y nakangiti lamang pagkakuha ng aking numero. " Tatlong ID sir ? " magalang na ulit ng gwardya sa akin. "Ok" , sagot ko naman na parang binalewala lamang ang sinabi nya. "ID sir tatlo" , "Tatlo sir ID" . Kahit pa anong kumbinasyon ng salita , "marami akong ID sa aking pitaka unggoy! ehehehehe" Bulong ko pa.

Napansin ko na inaabot ng mahigit 15 minuto bago magpalit ng panibagong grupo ng numero. Kaya nagpasya akong kumain muna sa kanilang kantina. Lumibot pa ako upang magmasid ng mga obra maestra sa isang exhibit. At meron pa akong napanood na kumpetisyon ng ahedres. Saka ako bumalik ng bangko.

Sa wakas, grupo na namin ang tinawag. " Now serving 91-100". "Here I go!". Pagpasok ko ng bangko , agad na inayos ng isa pang gwardya ang aming pila, " Tatlong ID po ang kailangan !", ulit na naman nya. Hinanda ko na ang aking mga ID, Company-ID, SSS ID at yung dati kong Greenwich ID o kaya yung luma kong NBI Clearance o kaya Philhealth ID. "Madami tayo nyan boy". Bulong ko na naman sa aking sarili. Habang naka-pila , napansin kong tatlo lamang ang teller ng bangko , si Ate si Kuya at si Taba. Napansin ko ang pagiging magiliw nung isang maputi , bata at may kalusugang teller. ( Chubby ha? Baka ibang malusog ang nasa isip mo? ) . "Dito ko kay taba" , bulong ko sa aking sarili.

" Next" sabi ni ate. Pinauna ko na yung ale sa aking likuran dahil mas trip ko si Taba. "Next" sabi ni Taba. Nakangiti pa akong lumapit kay Taba at iniabot ang aking tseke. Ibinigay ko na rin ang aking mga ID. " Sir, wala ka na bang ibang ID?", tanong ni Taba.

" Hetong Greenwich ID ko" , sabay abot nito sa kanya. " Sir san po kayo ngayon nagta-trabaho?" . "Sa Link2Support po ma'am" , magalang kong sagot sa kanya. " E di hindi nyo na po Company ID tong sa Greenwich!", me pagka-matigas nya pang sagot sa akin. Nagsimula akong kabahan sa tinuran ni Taba sa akin. " Hetong NBI Clearance?" . Balik tanong ko sa kanya. "Ay sir expired na po yan di po yan pwede, di rin po namin tinatanggap yung Philhealth, ganito na lang po sir, produce po kayo ng isa pang valid ID tapos pwede naman po kayong pumunta sa iba pa naming Branch Office para i-encash ang check nyo", may himig pagtataboy nyang turan sa akin dahil sa mahaba pang mga kasunod. Dito na nawala ang aking pagtitimpi.

" Bakit kelangan ko pang mag-produce ng iba pang ID ? Hindi ba ako yan na narito rin?" sabay turo ko sa aking SSS ID at NBI Clearance. "Tignan mo ? Kelangan ko pang mag-produce ng Drivers License eh wala naman akong sasakyan, Passport? di naman ako mangingibang-bansa, nakapag-encash ako dito sa una kong loan bakit ngayon hindi na?" . Me mataas kong boses na tanong sa kanya habang binubuklat ko ang lahat ng laman ng aking pitaka sa kanyang harapan. Nagkalat na lahat, resibo , registration card , ticket , pera, discount card sa motel, at muntikan pang makita yung condom huh?. Iniabot ko ang ATM cards ko sa kanya. "Sir hindi po talaga pwede, credit card lang po", matigas nya pang sagot sa akin. Nagkamali ako kay Taba, hindi pala sya magiliw. Kung anung tila lambot ng kanyang katawan dahil sa taba , yun palang tigas ng kanyang puso, matigas ang paninindigan sa kanilang patakaran. "TATLONG ID", malamang ay nakatatak lagi sa kanyang isipan at pinasaulong Mission and Vision ng kanilang kumpanya bago pa man sya tanggapin sa kanyang trabaho. Gusto kong maiyak sa galit at sumigaw ng isang malakas na "PUUUtooong INaaaamoooyyyyy!", dahil sa inis at galit. " Pwede ko bang makausap ang Manager in duty?", habang humihinga ng malalim dahil sa tindi ng kinikimkim kong galit. "Yun po ang Manager" sabay turo sa isang medyo patpating lalaki na napagkamalan kong utility man lang ng bangko kung di pa pinag-suot ng gusot mayaman na polo.

"Kelangan di ako magalit dito , mukhang tulongges eh , kelangan utuin ng konti " , bulong ko sa aking sarili. "Good afternoon po Sir !", magalang ko pang bati sa manedyer habang inaabot ang aking kamay. Matapos kong ipaliwanag ang aking hinaing sa manedyer , para akong binuhusan ng kumukulong tubig, nagkamali na naman ako , nalaman kong mas malupit pa sa isang de-kalibreng abogado ang manedyer, yung pagkatuso ko at galing mang-uto , hindi umubra. " Hetong Philhealth-ID ko? " tanong ko sa kanya. " Nakalagay po dito sa likod ng Philhealth Card , not valid for authorization", habang itinuturo nya ang katagang iyon sa likod ng card. " Hetong NBI Clearance?" . "Expired na po yan sir tapos dapat ho every year pinapa-renew", sagot ng patpating manedyer na napagtanto kong matalino at mukhang sanay sa mga ganuong sitwasyon dahil hindi talaga ako umubra. Suko na ko , taas ang dalawang kamay!. Gusto kong murahin silang lahat habang pinupunit ang tseke sa kanyang harapan. Gusto kong maiyak sa inis . " The only thing that I'm asking is just a little CONSIDERATION", bulalas ko na lamang sa manedyer. Muntik ng dumugo ang aking ilong sa binitawan kong ingles. Ganito siguro pag nagtatrabaho ka sa isang call center, napapa-english kapag galit na.

"Consideration sir? Meron kami nyan !" , sabay kuha sa aking tseke at pinirmahan ang nasa likuran. Tila nakarinig ang manedyer ng mahiwagang salita. Yun lang pala ang kanyang hinihintay , ang makiusap ako at humingi ng konting konsiderasyon . Hindi ang mangatwiran at lantarang suwayin at kwestyunin ang patakaran at polisiya ng kanilang bangko.

" Dun na lang po kayo sa lalaki, pasensya na po kayo sir", sabay turo ni "Skinny Manager' kay kuya upang marahil ay hindi ko na awayin pa si Taba.

Bigla akong parang binuhusan ng malamig na tubig (di kaya ako mabasag ? kanina mainit eh no?). Para akong tumatanggap ng diploma ng abutin ang salaping bunga ng aking pinagputahan ng ilang taon. Bago pa ako umalis , tatlong beses ko pang binilang ang salapi . Hindi sa ibang lamesa kundi banda sa harapan ni Taba , upang ipakita sa kanya ang aking tagumpay.

Pero mukhang dedma lang si Taba.......

Sa huli, bago ako lumabas ng bangko ay may natutunan akong mahalagang aral na hindi ko na malilimutan at marahil ay dapat ibahagi ko sa iyo , kapatid.....

"Lagi kang makikinig kay Manong Guard....."

Sunday, May 11, 2008

Klasikong Linggo

Muntik ko ng malimutang ibahagi yung karaniwan kong ginagawa tuwing araw ng linggo. Bago ako mailipat sa umaga, napunta muna ako ng pang-tanghaling toka sa trabaho, ala una y' medya ng tanghali ang pasok ko. Kung saan , dahil sa init ng panahon at tirik ang araw tuwing tanghaling tapat , galing sa bahay , pag nagbaon ako ng sariwang itlog , nilagang itlog na ito pagdating ko sa aming tanggapan, hehe. Pero bago ako pumasok ng tanghali , nagigising na ako ng alas kuwatro ng madaling araw upang mag-jogging kasama ang aking mga health conscious na kaibigan at kapatid sa pagbubuhat ng asero, sina Titing at Derek. Pagdating ng alas siyete , kakain na kami ng almusal sa Jollibee CCP kung saan naireklamo ko pa yung store manager dahil lamang sa macaroni soup. Pag-uwi , karaniwan mo ng maririnig ang mga lumang tugtugin sa radyo. Ito ang di ko mawari, bakit luma ang mga tugtugin tuwing linggo? Dahil di ko din alam ang sagot, nagsasalang na lang ako ng CD ni Michael Buble' (alam nyo ba? na bubble ang bigkas dito ng isang magaling na dating Team Leader ng Esca, aminin?) habang naliligo. Kakain ng konti at magtutungo na sa trabaho. At dahil pagod ang aking katawan sa katatakbo at karaniwang wala namang tawag sa mga kapatid nating amerikano tuwing linggo, natutulog na lang ako para hindi naman sayang ang pinapasweldo sa akin ng kumpanya. Ang saya di ba? Klasikong linggo. Nasa ibaba ang mga titik ng isa sa mga paborito kong kanta ni Bula' (tanga ang di maka-gets!). Handa..... awit !

"Home"

Another summer day
Has come and gone away
In Paris and Rome
But I wanna go home
Mmmmmmmm

May be surrounded by
A million people I
Still feel all alone
I just wanna go home
Oh, I miss you, you know

And I’ve been keeping all the letters that I wrote to you
Each one a line or two
“I’m fine baby, how are you?”
Well I would send them but I know that it’s just not enough
My words were cold and flat
And you deserve more than that

Another aeroplane
Another sunny place
I’m lucky, I know
But I wanna go home
Mmmm, I’ve got to go home

Let me go home
I’m just too far from where you are
I wanna come home

And I feel just like I’m living someone else’s life
It’s like I just stepped outside
When everything was going right
And I know just why you could not
Come along with me
'Cause this was not your dream
But you always believed in me

Another winter day has come
And gone away
In even Paris and Rome
And I wanna go home
Let me go home

And I’m surrounded by
A million people I
Still feel all alone
Oh, let me go home
Oh, I miss you, you know

Let me go home
I’ve had my run
Baby, I’m done
I gotta go home
Let me go home
It will all be all right
I’ll be home tonight
I’m coming back home

Saturday, April 12, 2008

Gugabol K Ba?

Tinanggal na ulit ng MIS yung malayang pagbubukas ng anumang site sa aking kompyuter. Hindi na ko makapag-friendster , hindi makabukas ng email, i-type mo lang ang salitang "blog" sa google at isang malaking pulang tandang padamdam ang iyong makikita. Pero napupuntahan ko pa rin ang manyakol.com (hik! hik! hik! ). Halos maubos na rin ang mga proxy address na ginagamit namin , salamat na lang at marami pa rin akong kasama sa trabaho na matiyagang naghahanap ng mga bagong proxy kapag naba-block yung ginagamit namin (tibay noh?). Balik na naman ako sa dati kong gawi pag ganitong limitado lang ang aking mapupuntahan at walang magawa , karaniwan , nilalaro ko si Ludo (yung chess program , manyakol!) , pag masakit na ang aking ulo ,binubuksan ko ang google, nagtitipa at naghahanap ng kung anu-ano....talagang kung anu-anong salita , kadalasan mga pangalan ng kung sino-sinong kakilala ko. Matutuklasan mo na rin kung Gugabol ka ba?


Sinubukan kong i-type ang aking unang pangalan at nalaman ko na kapangalan ko pala ang isang audio jack : JAMin is the JACK AudioConnection Kit (JACK) Audio Mastering interface. Sinubukan kong i-type ang aking buong pangalan at lumabas ang pangalan ko bilang isa sa nagwagi sa Text Tulang Pinoy ng NCCA (ehem!). Aksidente lang ang pagkakasali ko dun. Eto yung mga panahong sinusundan ko ang away ng dalawang showbiz kolumnista, si Alfie Lorenzo ng pahayagang Abante at si Pete Amploquio ng pahayagang Bandera ata o isa pang dyaryong tabloid. Tuwang-tuwa ako sa patusadahan ng dalawa ,naroong tawagin ni Alfie na pokpok ang nanay ni Pete , kumakain pa daw si Pete ng burak dahil parang pusali ang bibig etc., sa kabilang banda naman , tinitira naman si Alfie sa pagiging hukluban nito etc. Sa kolum ni Alfie Lorenzo ay may patalastas kung saan inihayag nya ang mga napiling magwagi sa Textula ng NCCA para sa ikatlong linggo. Nabatid kong kasama sa nagwagi si G. Gregorio M. Rodillo, ang isa sa aking paboritong propesor sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Guro ko siya sa Panitikang Pilipino, may malaking impluwensya sa akin kaya siguro ganito ako magsulat at managalog. Lagi nya sa aming ipinapaalala ang "masining na pagsusulat at pagbibigkas ng wikang Filipino". Hindi ako mapakali ng araw na nabasa ko yon, parang gusto ko ring mag-text ng aking tula. Kalikasan ang tema ng patimpalak , papasok ako sa trabaho at sakay ako ng FX na nagbubuga ng maitim na usok ng araw na maisip ko ang aking tula at i-text sa NCCA hotline. Nung sumunod na linggo, nabasa ko na rin sa kolum ni Alfie Lorenzo ang pangalan ko bilang isa sa nagwagi (palakpakan naman!) , at pagkaraan ng ilang araw ay nagkita kami ni Ginoong Rodillo sa UP, Diliman upang tanggapin ang aming premyong salapi , isang mug, isang t-shirt , sertipiko at isang munting libro kung saan ang aming tula ay isinadiwa ng isang pintor sa pamamagitan ng pagpinta (natural , alangan namang inawit devah?)..


Sa pagpapatuloy, ilan lamang ito sa mga bagay na makikita mo sa google. Sinubukan ko na ring itipa dito ang mga pangalan ng aking mga kasama sa trabaho , patok ang mga dating nagcha-chat at nambabarubal o dili kaya ay pinaglalaruan ng mga kano sa chat. Karaniwan ng lumalabas ang iyong personal na profile sa friendster kung marami ang tumitingin sa account mo.


Subukan mong i-type ang salitang pakanto* at madidiskubre mo ang mga taong halatang nakalimutang i-log out ang kanilang friendster account kaya pinaglalaruan ng kahit sinong ponsyo pilato ang kanilang mgaprofile. Kapag minalas ka pa ng kaunti , papalitan na rin ang password mo kaya wala ka ng pagkakataong baguhin pa ito (cool di ba?). Gayundin ang karaniwan mong makikita kapag tinype mo ang iba pang mga makamundong salita. Halimbawa: kepyas , malibog , malandi etc., mga hinahanap ko pag wala akong magawa ,pasintabi sa mga madreng nagbabasa, ehehehe.


Sa pagtatapos , hindi ko malilimutan ang balik tanong sa akin ng isang kasalukuyang Manedyer (di ko sasabihin kung operation, senior o device manager) sa kumpanyang aking pinagtatrabahuhan nung minsang tanungin ko sya ukol sa isyu na may relasyon sa trabaho (work related boplax!) . Huli na ng mapagtanto ko na wala na nga pala syang alam sa mga teknikal na bagay ,marahil di niya talaga alam ang isasagot , tanungin ba naman ako ng ,"nag- google ka na ba?". Parang tono ng nagtatanong kung nagmumog na ba ako?


Ikaw sinubukan mo na ? Gugabol ka ba?

Tuesday, March 18, 2008

Hindi Kumbinsidong Panalo.

Napaos ako sa kasisigaw habang pinapanood ang live na laban ni Pacquiao kay Marquez sa basketball court ng Camachile. Bago yon , napalaban muna ako ng ahedres sa dalawang matanda sa Zapanta. Dahil siguro bagong mukha sa kanila, meron na kaagad 3 na nakapila para sumunod upang aking makalaban. Magalang kong tinanggihan ang hamon ng ikatlong kasunod sa kadahilanang di pa ako kumakain ng tanghalian at masakit na rin ang aking ulo sa unang dalawang laban, hindi rin biro kalabanin ang mga matatanda sa ahedres.

***

Round 2 na ng aking abutan ang live show (hindi bold huh?) sa Camachile , nandun lahat ang aking mga kumpare't kaibigan , all star-cast ika nga. Inabot ni Abet ang kopya ng mga taya sa pustahan , ang pusta ko ay matatapos ang laban ng 8th round pero parang giyera na sa loob ng basketball court ng pabagsakin ni Pacman si Marquez sa ikatlong round. Akala ko ay lilipad na ang taya kong isandaan pero hindi pala. Ng matapos ang laban, akala ng nakararami ay panalo si Marquez dahil sa dami ng pinaulang counter-punches at jabs. Ng ihayag ni Michael Buffer (yung ring announcer engot!) na meron ng bagong WBC Super Featherweight Champion via split decision , naglundagan na sa tuwa ang lahat ng tao sa court na akala mo'y nanalo sa pustahan.
***
Si Judge Tom Miller ay nag-iskor ng 114-113 para kay Pacman at si Duane Ford naman ay115-112 pabor kay Pacquiao habang si Jerry Roth naman ay 115-112 para kay Marquez. Sobrang dikit ng laban. Para sa akin , kung hindi napatumba ni Pacquiao si Marquez sa ikatlong round, at napagewang nung round 10, walang dahilan para sya ang manalo. Gaya ng nakararami , hindi ako masyadong kumbinsido na si Pacman ang nanalo, pero dahil beterano, patas, at mas nakakaalam sa larangan ng boksing ang mga hurado, kelangan nating tanggapin na si Pacman nga ang nanalo.
***
Gaya ng sinabi ko nung nakaraan kong lathala , ungas lang talaga ang magpapalagay na pati ang mga mapagsamantala ay hindi mananamantala at manonood lang ng laban ni Pacquiao noong linggo. Habang nagbibigayan ng suntok sina Pacquiao at Marquez , binibigay naman ng mga pasahero ang kanilang mga salapi , alahas at cellphone sa mga holdaper ng isang bus sa Edsa. Hindi ko na nalaman ang detalye kung merong humabol o nakahuling pulis sa mga holdaper dahil nabasa ko lang sa Abante, pero mas malamang na nakatakas na ang mga ito , kasi tulo laway na si mamang pulis habang nakatanga sa harapan ng telebisyon at pinanonood ang laban nina Pacman. Tsk. tsk. tsk...

***

Highlights ng laban nina Pacquiao at Marquez , larawan galing sa: http://www.fightnewsextra.com/cc/FIGHTS2008/03-pacquiao-marquez.htm




Saturday, March 15, 2008

Unfinished Business

"Unfinished Business" yan ang pamagat ng bakbakan bukas ni Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez. Bukas siguradong closed deal ang labanan, pag nagtabla ulit , tiyak batuhan na ng tae to sa Mandalay. Isa siguro ako sa mga kakaunting Pinoy na hindi bilib kay Manny Pacquiao sa larangan ng boxing, ang mga tipo kasi natin ay sina Casius Clay ( Mohammad Ali , tanga !) at Mike " Iron" Tyson, nadagdagan pa ang pagkawala ng aking bilib ng tumakbo syang Congressman. Bagama't aminado ako na nitong nakaraang huling linggo , napapadalas ang basa ko ng mga balita tungkol sa gaganaping laban nila ng tinaguriang "dinamita" ng Mexico (hindi pampanga ah?). Isa sa mga hindi ko matanggap na binalita sa Inquirer na may kaugnayan sa laban ay yung ceasefire daw na ipapatupad ng AFP bukas tsaka yung inaasahang pagbaba ng crime rate dahil daw sa magaganap na laban....

Tanga din eh no? Yung mga alagad ba ni Osama bin Laden o kaya yung parokya ng Abu Sayyaf manunuod din ng laban? Hindi mo malaman kung nag-iisip pa tong mga hindot na to eh, sukdulan ba namang ihayag pa sa dyaryo na petiks ang buong sandatahang walang lakas bukas. Bukas din obyus na walang pulis, lahat nakatutok sigurado sa telebisyon. Malamang pwede kang mangreyp bukas kahit sa gitna ng kalsada at tirik ang araw o kaya mang-holdap ng bangko tas mababalikan mo pa ng mga ilang ulit yung ninanakawan mo ng ilang ulit pa ng paulit-ulit ng walang nakakapansin ulit. Bukas , aabangan ko yung mga balitang nakasalisi habang ginaganap ang laban, waiting shed lang kayo.


Kapag me nagtatanong kung sino sa tingin ko ang mananalo sa dalawa, ang lagi kong sagot eh "pag nakita ko yung larawan nila habang nagpapatimbang malalaman ko kung sino ang mas kundisyon". Me naharbat akong larawan , yung makikita ngayon sa taas. Walang duda na kundisyon si Marquez pero walang duda na parang nililok na Cobra ang katawan ni Pacquiao. Parang kailangan mo ng sinsil at martilyo para tibagin ang katawang ito. Balita ring pinalakas ni Roach (yung trainer timawa!) pati ang kanang kamay ni Pacman kaya dalawang kamay ang dapat iwasan ni Marquez na napakahusay namang counter-puncher at beteranong tactician sa larangan ng boxing na pinanday ng beteranong si Beristain (yung trainer ni Marquez, unggoy!). Bilis at lakas laban sa taktika at karanasan.

Sa huli , bandila ng Pilipinas ang dadalhin ni Manny Pacquiao, at dahil mahal ko ang ating bansa , kay Pacman na lang ako ( parang me choice e no?). Bukas , titigil ang pag-inog ng mundo , kikinis yon? Titibay yon? Hehe. Rambulan na !

Monday, February 25, 2008

Pokayoke

Aksidente akong napabili sa Daiso, nasa likuran ng Isetann Cubao, kaninang umaga ng tamarin akong salubungin ang malamig na ambon habang tinatahak ang daan papasok sa aming tanggapan. Habang isa-isa kong tinitignan ang mga display, napangiti ako ng mapansin ko ang isang barbel na plastik, tinignan ko ang panuto sa likuran ng produkto na nagsasaad na lalagyan mo sya ng tubig depende sa bigat na nais mo. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang kakaibang hugis ng takip ng isang teapot , upang maiwasan ang paglaglag nito kapag nagsasalin ka na ng tsaa. Muli na naman akong bumilib sa katalinuhan ng mga kapatid nating hapon at naalala ang isa sa mga pina-research sa akin dati ni insang Alberto Mangahas, ang Pokayoke.

Hinanap ko ang kahulugan sa wikipedia ng salitang ito, para na rin sa kapakanan ng mga mongoloids kong kaibigan at mambabasa. (Paunawa: Maghanda ka ng panyo baka dumugo ang ilong mo, English ito)
Poka-yoke — pronounced "POH-kah YOH-keh" — is a Japanese term that means "fail-safing" or "mistake-proofing" — avoiding (yokeru) inadvertent errors (poka)) is a behavior-shaping constraint, or a method of preventing errors by putting limits on how an operation can be performed in order to force the correct completion of the operation. The concept was formalised, and the term adopted, by Shigeo Shingo as part of the Toyota Production System. Originally described as Baka-yoke, but as this means "fool-proofing" (or "idiot proofing") the name was changed to the milder Poka-yoke.

Klasikong halimbawa ng pokayoke ay ang tatlo’t kalahating pulagada (3.5 inch tanga !)diskette, kung iyong mapapansin ay may tapyas na bahagya sa kanang kanto nito upang hindi mo ito ganap na maipasok ng nakabaliktad sa iyong kompyuter. Marami pang halimbawa ng pokayoke ang kapaki-pakinabang at hindi natin namamalayan ay ginagamit na natin sa loob ng ating tahanan, tanggapan o kung saan pa man magpasawalang hanggan.

Upang ganap mong maunawaan ang ibig kong sabihin at madagdagan ang iyong gabubot na laman sa loob ng iyong bungo, sundan ang link na ito para sa iba pang halimbawa. O? Pasalamat ka sa kin me bago ka na namang natutuhan tanga…….

Wednesday, January 30, 2008

Akeelah and the Bee

Na-moments ako sa pelikulang to. Bakit kamo? tang 'na di ko namalayang tumutulo na yung luha ko habang pinapanood sya. Natatandaan ko nung grade-3 , naiyak ako sa pelikulang Never Ending Story nung namatay yung dambuhalang aso kse nga meron din akong alagang aso noon ang ngalan nya ay Jinggoy ( siga ng Zapanta at Estrada kaya pwede mo syang tawaging Senador) kaya medyo naka-relate ako. Naiiyak din ako nung bata pa ko pag napapanood kong binubugbog o kaya umiiyak si Dolphy o kaya si Chiquito , mga paborito kong panoorin yung mga pelikula ng mga 'to nung mga panahong nakikinood lang kami sa kapit-bahay dahil nga can't afford pa ang aking mga magulang. Di ko alam kung bakit ako naiiyak sa dalawang ito dati , marahil kamukha ko sila pag umiiyak? Lalo naman akong naluluha pag me matandang nagda-drama sa pelikula, tanda ko pa , ilan beses din akong na-moments nung mga pelikulang kasama si Mary Walter. Miss ko lang siguro yung Lola kong yumao nung bata pa ko. Per noon yon.


Ngayon , natutuwa ako pag nahuhuli ko ang ang nanay ko na naluluha habang nanood ng pelikula tas sabay lipat ng channel , malutong na mura ang abot ko nun. Napapangiti din ako pag me nakikita akong nangingilid ang luha dahil sa bigat ng drama. Nung nakaraang linggo , di ko akalaing babalik sa kin ang lahat. Inii-scan ko mula channel 8 dahil naghahanap ako ng magandang palabas , ng mapahinto ako sa channel 55 Star Movies. Gitna na ng palabas yung inabutan ko at hindi ko pa alam yung pamagat, dahil ako lang mag-isa ang nanunuod , bahagya kong nilakasan ang telebisyon at maya-maya pa'y tila ganap ko ng naiintindihan ang buong kwento hanggang sa maluha na nga ako. Ginoogle ko lang yung ibang detalye ng palabas, madami din palang kano na naiyak sa pelikula , kala ko ako lang hehe. Maganda at makabuluhan syang pelikula , wala akong pakialam kung di mo sya trip. Narito ang link ng Akeelah and the Bee . Nasa ibaba naman ang kanyang mga memorable quotes (Warning : English to baka di mo kayanin!)


Akeelah: [Javier has just kissed her] Why'd you do that?
Javier: I had an impulse. Are you gonna sue me for sexual harassment? [pause, then they both laugh]

-------------------------------------

(eto paborito ko)
Akeelah: [quoting Marianne Williamson] Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. We ask ourselves, Who am I to be brilliant, gorgeous, talented, fabulous? Actually, who are you not to be? We were born to make manifest the glory of God that is within us. And as we let our own light shine, we unconsciously give other people permission to do the same.
Dr. Larabee: Does that mean anything to you?
Akeelah: I don't know.
Dr. Larabee: It's written in plain English. What does it mean?
Akeelah: That I'm not supposed to be afraid?
Dr. Larabee: Afraid of what?
Akeelah: Afraid of... me?

-----------------------------------------

Akeelah: Okay. But when I'm at the bee, and they tell me to spell some little fish from Australia or some weird bacteria on the moon, we're going to wish we'd done a little bit more "rotemorizing" and not so much essay reading. If you don't mind me saying.
Dr. Larabee: Bacteria don't exist on the moon.

-----------------------------------------

Dr. Larabee: Where do you think big words come from?
Akeelah: People with big brains?

-----------------------------------------

Akeelah: I'm naturally inquisitive.
Dr. Larabee: Yes, which is also sometimes confused with being naturally obnoxious.

------------------------------------------

[last lines] Akeelah: You know that feeling where everything feels right? Where you don't have to worry about tomorrow or yesterday, where you feel safe and know you're doing the best you can? There's a word for that, it's called love. L-O-V-E.

quotes from http://www.imdb.com/title/tt0437800/quotes