Monday, February 25, 2008

Pokayoke

Aksidente akong napabili sa Daiso, nasa likuran ng Isetann Cubao, kaninang umaga ng tamarin akong salubungin ang malamig na ambon habang tinatahak ang daan papasok sa aming tanggapan. Habang isa-isa kong tinitignan ang mga display, napangiti ako ng mapansin ko ang isang barbel na plastik, tinignan ko ang panuto sa likuran ng produkto na nagsasaad na lalagyan mo sya ng tubig depende sa bigat na nais mo. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang kakaibang hugis ng takip ng isang teapot , upang maiwasan ang paglaglag nito kapag nagsasalin ka na ng tsaa. Muli na naman akong bumilib sa katalinuhan ng mga kapatid nating hapon at naalala ang isa sa mga pina-research sa akin dati ni insang Alberto Mangahas, ang Pokayoke.

Hinanap ko ang kahulugan sa wikipedia ng salitang ito, para na rin sa kapakanan ng mga mongoloids kong kaibigan at mambabasa. (Paunawa: Maghanda ka ng panyo baka dumugo ang ilong mo, English ito)
Poka-yoke — pronounced "POH-kah YOH-keh" — is a Japanese term that means "fail-safing" or "mistake-proofing" — avoiding (yokeru) inadvertent errors (poka)) is a behavior-shaping constraint, or a method of preventing errors by putting limits on how an operation can be performed in order to force the correct completion of the operation. The concept was formalised, and the term adopted, by Shigeo Shingo as part of the Toyota Production System. Originally described as Baka-yoke, but as this means "fool-proofing" (or "idiot proofing") the name was changed to the milder Poka-yoke.

Klasikong halimbawa ng pokayoke ay ang tatlo’t kalahating pulagada (3.5 inch tanga !)diskette, kung iyong mapapansin ay may tapyas na bahagya sa kanang kanto nito upang hindi mo ito ganap na maipasok ng nakabaliktad sa iyong kompyuter. Marami pang halimbawa ng pokayoke ang kapaki-pakinabang at hindi natin namamalayan ay ginagamit na natin sa loob ng ating tahanan, tanggapan o kung saan pa man magpasawalang hanggan.

Upang ganap mong maunawaan ang ibig kong sabihin at madagdagan ang iyong gabubot na laman sa loob ng iyong bungo, sundan ang link na ito para sa iba pang halimbawa. O? Pasalamat ka sa kin me bago ka na namang natutuhan tanga…….

Wednesday, January 30, 2008

Akeelah and the Bee

Na-moments ako sa pelikulang to. Bakit kamo? tang 'na di ko namalayang tumutulo na yung luha ko habang pinapanood sya. Natatandaan ko nung grade-3 , naiyak ako sa pelikulang Never Ending Story nung namatay yung dambuhalang aso kse nga meron din akong alagang aso noon ang ngalan nya ay Jinggoy ( siga ng Zapanta at Estrada kaya pwede mo syang tawaging Senador) kaya medyo naka-relate ako. Naiiyak din ako nung bata pa ko pag napapanood kong binubugbog o kaya umiiyak si Dolphy o kaya si Chiquito , mga paborito kong panoorin yung mga pelikula ng mga 'to nung mga panahong nakikinood lang kami sa kapit-bahay dahil nga can't afford pa ang aking mga magulang. Di ko alam kung bakit ako naiiyak sa dalawang ito dati , marahil kamukha ko sila pag umiiyak? Lalo naman akong naluluha pag me matandang nagda-drama sa pelikula, tanda ko pa , ilan beses din akong na-moments nung mga pelikulang kasama si Mary Walter. Miss ko lang siguro yung Lola kong yumao nung bata pa ko. Per noon yon.


Ngayon , natutuwa ako pag nahuhuli ko ang ang nanay ko na naluluha habang nanood ng pelikula tas sabay lipat ng channel , malutong na mura ang abot ko nun. Napapangiti din ako pag me nakikita akong nangingilid ang luha dahil sa bigat ng drama. Nung nakaraang linggo , di ko akalaing babalik sa kin ang lahat. Inii-scan ko mula channel 8 dahil naghahanap ako ng magandang palabas , ng mapahinto ako sa channel 55 Star Movies. Gitna na ng palabas yung inabutan ko at hindi ko pa alam yung pamagat, dahil ako lang mag-isa ang nanunuod , bahagya kong nilakasan ang telebisyon at maya-maya pa'y tila ganap ko ng naiintindihan ang buong kwento hanggang sa maluha na nga ako. Ginoogle ko lang yung ibang detalye ng palabas, madami din palang kano na naiyak sa pelikula , kala ko ako lang hehe. Maganda at makabuluhan syang pelikula , wala akong pakialam kung di mo sya trip. Narito ang link ng Akeelah and the Bee . Nasa ibaba naman ang kanyang mga memorable quotes (Warning : English to baka di mo kayanin!)


Akeelah: [Javier has just kissed her] Why'd you do that?
Javier: I had an impulse. Are you gonna sue me for sexual harassment? [pause, then they both laugh]

-------------------------------------

(eto paborito ko)
Akeelah: [quoting Marianne Williamson] Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. We ask ourselves, Who am I to be brilliant, gorgeous, talented, fabulous? Actually, who are you not to be? We were born to make manifest the glory of God that is within us. And as we let our own light shine, we unconsciously give other people permission to do the same.
Dr. Larabee: Does that mean anything to you?
Akeelah: I don't know.
Dr. Larabee: It's written in plain English. What does it mean?
Akeelah: That I'm not supposed to be afraid?
Dr. Larabee: Afraid of what?
Akeelah: Afraid of... me?

-----------------------------------------

Akeelah: Okay. But when I'm at the bee, and they tell me to spell some little fish from Australia or some weird bacteria on the moon, we're going to wish we'd done a little bit more "rotemorizing" and not so much essay reading. If you don't mind me saying.
Dr. Larabee: Bacteria don't exist on the moon.

-----------------------------------------

Dr. Larabee: Where do you think big words come from?
Akeelah: People with big brains?

-----------------------------------------

Akeelah: I'm naturally inquisitive.
Dr. Larabee: Yes, which is also sometimes confused with being naturally obnoxious.

------------------------------------------

[last lines] Akeelah: You know that feeling where everything feels right? Where you don't have to worry about tomorrow or yesterday, where you feel safe and know you're doing the best you can? There's a word for that, it's called love. L-O-V-E.

quotes from http://www.imdb.com/title/tt0437800/quotes

Sunday, January 27, 2008

Letrang S ng Zambales

Mahigit 3 oras ang biyahe namin nung nakaraang sabado't linggo . Dulo ata ng Zambales ang pinuntahan namin , San Antonio Pundaquit , Zambales. Parang paraiso dito mga kapatid , kulay ng lupa at lasa ng tubig sa swimming pool ang pinagkaiba nito sa Boracay na napuntahan natin nung nakaraang 2006. Sa Boracay, napakaputi ng buhangin at maligamgam na matabang na tubig ang nakalagay sa swimming pool, sa Canoe Beach Resort ng Zambales , medyo kayumanggi ang kulay ng buhangin at malamig na maalat ang lasa ng tubig sa swimming pool. Bakit maalat ang tubig ng pool ? Hindi ko alam kung tubig dagat na nilagyan ng chlorine ang nilagay dito o yung panty liner na nakalutang pa sa pool na inabutan namin ang nagdudulot ng kakaibang lasa, ehehehe. Sa kabuuan , okey pa din dito , mala-paraiso at siguradong tanggal ang sakit ng batok mo (stress ungas !). Tara na biyahe tayo !


Pa-take off tungong Zambales kasama ang mga lovers, Dave at Ventemil , Boss Gerald at Mommy Jennet , Jamo at Ateng.




Ang mahiwagang swimming pool , bow !

Di ko alam kung sino nagpauso nito, tatalon habang nagpapakuha ng picture. Naka-apat na talon siguro kami bago makatyempo ng magandang kuha. Isa sa mga palpak na talon. Kakapagod.



Buti na lang sumama si Darrel, para kaming umarkila ng stand-up comedian. Posing habang nasa bonfire, me background pang lovers.



Picnic sa kabilang isla.

Now Showing: Tampisaw

Si Jamo kasama ang isa sa kanyang pinakamasugid na tagahanga. Ehehehe , joke only. My love.

Grade -6 Section Zambales Class of 2008


Ang pinaka-paboritong gawin ni Jamongoloids. Ang pagmasdan ang paglubog ng araw kasama ang kanyang mahal......haaaay sarap....

Tuesday, January 22, 2008

SLN Bobby Fischer (b. 1943 - d. 2008)

"Chess is war over the board.
The object is to crush the opponent's mind." - Bobby Fischer

Tigbak na ang isa sa mga idolo ko sa larangan ng ahedres, nagulat na lang ako ng sabihin sa'kin ni Gerald na nasa front page ng Inquirer ang balitang namatay na si Bobby Fischer. Isa sa pinaka-batang World Chess Grandmaster , sa edad na 12, nanalo sya sa United States Junior Chess Championship at wala pang nakakabura ng kanyang record bilang pinakabatang kampeon. Sa isa pa nyang laro sa New York , tinalo nya ang batang Filipino Master na si Rodolfo Tan Cardoso. Niyanig ni Bobby ang buong mundo noong September 1, 1972 ng manalo sa World Chess Championship laban kay Boris Spassky na ginanap sa Reykjavik , Iceland. Alam naman nating lahat na karaniwang ang mga Ruso ang naghahari sa larangan ng ahedres pero pinatunayan ni Fischer na hindi lamang sila ang magaling sa larangang iyon. Tanging amerikano na naging kampeon at hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nakakabura ng kanyang record. Noong 1975 , tinanggihan nya ang pagdepensa ng kanyang titulo laban kay Karpov kaya natanggal ang kanyang titulo bilang World Champion. Noong 1992, nilabag nya ang United Nations embargo sa Yugoslavia kung saan siya nakipag-rematch kay Spassky at nanalo. Simula noon ay hindi na siya nakabalik sa Amerika , at nagpalipat-lipat na siya ng bansa. Naligaw siya sa Pilipinas noong taong 2000-2002 , tumira sa Baguio at naging malapit na kaibigan ni Eugene Torre. Sabi sa Wikipedia, nagkaroon daw sya ng dyowa sa Baguio at nagkaroon din ng anak. Noong 2005, nagkaroon sya ng problema sa kanyang passport at nakulong sa bansang Japan. Tila itinakwil ang kanyang pagiging mamamayan ng Amerika , si Fischer ay naharap sa kasong extradition ngunit bago pa mangyari yon sya ay tinanggap bilang mamamayan ng bansang Iceland kung saan duon na rin sya namatay. Ang larawan ng opening move na King's Indian Defense na nasa ibaba ay sinasabing isa sa paboritong move ni Fischer, alay ko sa kanya ang espasyong ito , huling sulong ni Bobby Fischer:
This is a "hypermodern" opening, where Black lets White take the center with the view to later ruining White's "wonderful" position. It's a risky opening, a favorite of both Kasparov and Fischer. 1. d4 Nf6 2. c4 g6 3. Nc3 Bg7
Black will be interested in playing c5, and when White plays d5, reply with e6 and b5.














Larawan at impormsyon galing sa http://www.dwheeler.com/chess-openings/


Sunday, December 30, 2007

What a Wonderful World

Ibang klase yung tuwa kapag naririnig mo yung mga tugtuging nakakabuhay ng araw mo. Pero mas maganda pag napapanood mo sa video, gaya nitong song of the day natin na hindi na maalis sa isip ko simula ng mapanood at mapakinggan ko sa YouTube (pwedeng i-search gamit ang pangalan ng umawit). Minsan ko lang magustuhan ang Jazz, tulad nitong awitin ni Louis Armstrong. Naging tanyag nung 1964, ng sipain sa unang pwesto sa Billboard Top 100 chart ang isa ko pang paborito , ang The Beatles, matapos na awitin ang "Hello Dolly". Siya ay kinilala sa U.S bilang isa sa pinakamatandang mang-aawit na nagkaroon ng #1 song sa edad na 63 (kaya ng lolo mo yan?) . Nung 1968, inawit nya ang "What a Wonderful World" . Isang lumang kanta na hanggang ngayon ay sikat pa at kala ko pa nga si Kiko Matsing ang kumanta. Ni-revive pa nga ito ni Michael Buble' . Kung napanood mo ang Good Morning Vietnam , mapapakinggan mo ang kanyang awitin sa pelikulang ito. Me natutunan ka na naman ngayong araw na to bobo......... sige awit.

What a Wonderful World
by Louis Armstrong

I see trees of green........ red roses too
I see em bloom..... for me and for you
And I think to myself.... what a wonderful world.

I see skies of blue..... clouds of white
Bright blessed days....dark sacred nights
And I think to myself .....what a wonderful world.

The colors of a rainbow.....so pretty ..in the sky
Are also on the faces.....of people ..going by
I see friends shaking hands.....sayin.. how do you do

They're really sayin......i love you.
I hear babies cry...... I watch them grow
Theyll learn much more.....than Ill never know
And I think to myself .....what a wonderful world

(instrumental break)

The colors of a rainbow.....so pretty ..in the sky
Are there on the faces.....of people ..going by
I see friends shaking hands.....sayin.. how do you do
They're really sayin...
*spoken*(I ....love....you).

I hear babies cry...... I watch them grow
*spoken*(you know their gonna learn A whole lot more than I'll never know)
And I think to myself .....what a wonderful world

Yes I think to myself .......what a wonderful world.

Monday, November 12, 2007

Kabado Beklog

Tukso ito sa'kin ng isa kong barkada kapag nakita nya kong kinakabahan kapag me exam nung nasa kolehiyo ako. Takot kasi akong mahuling nakikipagkopyahan o kaya'y mangodigo kaya kadalasan, pinagtyatyagaan kong mag-kabisado magdamagan kahit pagod na ako. Pakiramdam ko kasi nakatingin lagi sa akin ang guro. Ipokrito naman ako kung sasabihin kong hindi ako nakipagkopyahan nung ako'y nasa kolehiyo. Minsan talaga hindi maiiwasan. Pero kahit kailan hindi ako nangodigo , katwiran ko, ebidensyang matibay to pag nahuli kaya mas pinili kong dumepende sa talas ng aking mga mata , ehehehehe.




Tuwang-tuwa naman ang aking mga kabarkada habang isinasalarawan nila tuwing kwentuhan ang aking takot habang nakikipagkopyahan. Pawisan. Nanginginig ang kamay. Malalim ang hinga. Panay ang lunok at napakalikot ng mga mata. Kabado beklog nga ako. Halos umakyat ang betlog ko sa lalamunan sa sobrang kaba.

Pero hindi lang ako ang ganito. Para sa akin , mas kabado beklog si Roberto "The Superman" Gomez makaraang matalo sa Lex Luthor ng England na si Daryl Peach sa World Pool Championship 2007. Kung napanood mo yung laban kagabi , salamat sa jumper mong cable connection, sa ESPN, tiyak na sasang-ayon ka sa akin. May mga tirang sablay ang dalawa sa simula ng laban, marahil sa pressure na nararamdaman dahil nga kampeonato at dahil hindi pa naman nag-iinit ang pulso ng mga manlalaro. Unahang maka-17 panalo, pagdating sa iskor na 15-15, sumablay sa pang-limang bola si Gomez. Ang sablay na ito, para sa akin, ay ubod ng dali. Masasabi nating kahit ang hindi masyadong magaling tumumbok mahihirapang magkamali sa isinablay ni Gomez. Diretsong tira at hindi rin long-shot.


"Putang ina moooooo!!!!!" sigaw yan ng aking ninong Lito pagkatapos imintis ni Gomez ang bola, habang nagkakape ako sa kanila at nakikinood na rin.


Sa parehas ding larong iyon sumablay si Peach sa pagbanda nya ng nueve, ang pinakamahalagang bola sa larong 9-balls (obvious ba?) .


Pagkakataon na sana iyon ni Gomez upang makabawi pero nakakagulat na nagmintis pa rin sya sa ikalawang pagkakataon. "Not once but twice!!!" ika nga ni Susan Roces.

"Ay putang ina mo, BOBO !" sabay lipat ng ninong ko sa ibang channel, halatang nagka-alta presyon at dismayado sa pinanonood.


Sa bandang huli, inilipat din uli sa ESPN ang channel at pinanood namin kung paanong lamunin ng buo ni Peach ang laban. Dapat lang syang tanghaling kampeon , bakas sa mga tira nya ang konsentrasyon at pokus sa laro, walang kaba. Siya rin ang nakatalo sa nakaraang kampeon na si Ronato "The Volcano" Alcano.


Kinulang sa tapang si Gomez. Mahirap ding malagay sa naging sitwasyon nya pero kung wala kang tatag ng puso ng isang kampeon, mahihirapan ka talagang manalo. Sayang ang "audience impact" na suporta ng mga nanood sa kanya sa laban, naroong maghiyawan ang mga tao bagama't unang bola pa lamang ang pumapasok o kaya pag sumasablay si Peach. Lagpas sampung beses na maririnig si Michaela Tabb (yung pool referee tanga!) na nagsasabing "Stay calm please !" dahil sa ingay ng mga pinoy. Meron pang umuubo at kumukuha ng picture gamit ang digital camera na naka-on yung flash habang akmang tumitira si Peach. Haaay pinoy talaga....


Nga pala, nakatulog kaya si Gomez ng mahimbing? Kabado beklog kasi eh , sobra sa kape. Bawi na lang sya kung me next time pa, bilog naman ang bola ng bilyar eh.


O tisa muna....

Friday, October 12, 2007

In My Dreams

“Ah! böwakawa poussé, poussé" (Lyrics from #9 Dream)

Ako ba si John Lennon? Syempre hinde no.

Isa sya sa mga idolo ko pero parang tulad ng mga nangyayari sa kanya ang nangyayari sa akin. Nananaginip din ako ng kanta , at hindi kantang napapakinggan sa radyo. Bagong kanta. Ang pinagkaiba lang namin , si John tulad ng iba pang miyembro ng Beatles, naisusulat nila yung mga kanta nila sa panaginip. Ako , nakakalimutan ko. Maisulat ko man , minsan chorus lang , pagkatapos makakalimutan ko pa yung tono.

Ang una kong panaginip ay obyus na love song , paggising ko nanghinayang ako kasi parang napakagandang kanta ang nabuo. Sa sumunod kong pag-tulog, nagbaon na ko ng papel at ballpen sa aking higaan . Makalipas ang isang linggo , inaawitan ako ni Sampaguita ng isang medyo rock na awitin, bagong kanta pero chorus lang din. Pag-gising ko ay isinulat ko ang liriko sa papel, inilagay ko ito sa ilalim ng aking unan. Ilang araw ang lumipas at hinanap ko ang papel.

Nawala na si papel…..

Sa mga sumunod na araw ay iniwan kong bukas ang aking celfone kahit hindi ko talaga gawain, sa kadahilanang naniniwala akong masama ang “radiation” habang natutulog, (nabasa ko lang to somewhere , promise) upang mai-record na rin yung kanta ko pag-gising. Sa paghihintay sa aking panaginip na awit , iba ang aking napanaginipan. Meron daw akong kaibigang dwende. Mahilig siyang makipagusap sa akin at pumupwesto sya sa aking balikat. Sa panaginip , ramdam ko pa ang lamig ng kanyang maliit na paa habang umaakyat sya sa aking bisig papunta sa aking balikat.

Tanong ko , “Ikaw ba yan kaibigan?”

Hinawakan ko raw ang aking kaibigang dwende para hindi mahirapan sa pag-akyat. Parang totoo ang aking panaginip, pag-gising ko ay nagulat ako sa aking hawak.

Maliit na DAGA !!!

Binato ko pa yung bubwit sa bandang electric fan at nakita ko pang medyo nahilo ito at dali-daling tumakbo.

“Putang ina talaga!” Sabi ko, at pumikit na muli.

Lumipas ang isang buwan at nagkaroon akong muli ng panaginip. Sa pagkakataong ito , kumakanta na ako. At ang kasamang kong umaawit ay si Kenny Loggins, ang kumanta ng “Danny’s Song” at “Footloose” , kasama rin sina Peter, Paul and Mary na kumanta ng “Puff the Magic Dragon katol”.

(Concert na ito!!!)

“ Ayusin mo naman ang blending Jamo” sabi ni Kenny Loggins na nagtatagalog pa at me hawak na gitara.

Muli kong inawit ang naturang kanta , at isang napakagandang himig ang aming nagawa dulot na rin ng blending ng boses naming apat.

Bigla kong naisip, “kailangang mai-record ko ito”.

Sa puntong ito na ko nagising. Malapit ng mag-alas tres. Nagpapatugtog ng radyo ang aking Nanay, 96.3 W Bato (Wrock , tanga!) ang istasyon, kanta ng Air Supply. Malapit na mawala sa aking memorya yung kanta at tono dahil sa mapang-agaw pansing tugtog ng radyo.Kahit medyo nahihilo pa ay kinapa ko ang aking celfone sa aking bandang ulunan , pinuntahan ang Menu ,Entertainment, tas Record Sounds. Nung kakantahin ko na, sakto namang tumugtog yung alarm ng celfone , kanta naman ni James Taylor, “If I keep my heart out of sight “ (Okey ba ang aking pang-gising?)

Putang ina , nakalimutan ko na yung kanta….


Ganap na alas 3:15 ng madaling araw, umupo na ko sa aking tronong kubeta. Sa gitna ng malamig na umaga maririnig ang magandang awitin mula sa radyo , napangiti na lang ako ng marinig ang pamilyar na awit na yun ni Reo Speedwagon……


Title: In My Dreams
Music by: Reo Speedwagon

There was a time some time ago
When every sunrise meant a sunny day, oh a sunny day
But now when the morning light shines in
It only disturbs the dreamland where I lay, oh where I lay
I used to thank the lord when Id wake
For life and love and the golden sky above me
But now I pray the stars will go on shinin, you see in my dreams you love me

Daybreak is a joyful time
Just listen to the songbird harmonies, oh the harmonies
But I wish the dawn would never come
I wish there was silence in the trees, oh the trees
If only I could stay asleep, at least I could pretend you're thinkin of me
cause nighttime is the one time I am happy, you see in my dreams

Chorus:

We climb and climb and at the top we fly
Let the world go on below us, we are lost in time
And I dont know really what it means
All I know is that you love me, in my dreams

(solo)

I keep hopin one day I'll awaken, and somehow shell be lying by my side
And as I wonder if the dawn is really breakin
She touches me and suddenly Im alive

Chorus repeats 2x
Oho, in my dreams.....