Monday, March 27, 2006

Reunion pa rin

Nakaka-strike 2 na ko , alas-10 pa lang ng gabi nandito na ko sa L2 , halos puputok na ang bag sa dami ng dalang gamit, plantsado lahat pati brief . Tapos, cancelled pala ang SAT team bonding. Ngayon naman , nagkaroon kami ng reunion ng IV-1, after 10 years. Although nagkaroon na kami ng gathering last year , I think gusto lang naming namnamin muli yung saya ng high school life. Again , ako na naman ang hindi informed na hindi tuloy ang outing, as usual may dala na naman akong mga gamit.

Sa isang klase , 50 lahat ang estudyante , but we're just around 12 lang ata na nakapunta sa bahay ng aming classmate na si Dhang. I'm glad na halos lahat ay nakatapos ng pag-aaral and meron na ring maayos na hanapbuhay , although hindi lahat ay sineswerte sa paghahanap ng trabaho, pero pasasaan ba't malalagpasan di nila ang lahat ng pagsubok , feeling ko ay very well blessed naman yung batch namin. Okey ding malaman na yung ibang ka-batch ay di nakarating dahil busy sa thesis ( dahil hindi pa naman huli ang lahat , tuloy nyo lang yan) , at yung iba ay di talaga makakapunta dahil nasa ibang bansa . Nakakalungkot lang ding isipin na hati pa rin ang batch namin , grupo-grupo kase eh , kaya yung iba siguro di na rin pumunta. Meron din sigurong di na um-attend kase nahihiya, I believe na mga limang classmate namin ang hindi na nagpursige sa pag-aaral , which is not actually dapat pang maging issue since di naman yun ang goal ng gathering . Overall , masaya ang reunion , kahit siksikan dun sa bahay , lahat ay game uminom , merong tinamaan na ng husto kaya nambasa na ng alak , kaya umuwi kaming literal na amoy alak.

We ended up the reunion sa Starbucks , konting kape pampababa ng tama, konting iyakan kase we have to discuss a problem ng isa naming classmate na I think malalagpasan niya rin. Lastly , nag group hug kami. It's been a while since I had that kind of feeling , masaya na parang nakakaiyak. Haaaaayyy. High School life.

Reunion


Nhess ba't ganyan ka humawak ng bote ? Sanay?


Butch ano yang sinusubo mo kay Dhang ?
Kaya pala ansakit ng hita ko pag-gising ko , kayo pala ang mga salarin.

Rosy cheek na po si Dhang kaya naglulupasay na, habang si Shano ay may hawak na userguide ng wow magic sing for troubleshooting purposes as usual...
Starting from left , Jamo "The Great" , Simon Ogbac (ang Valedictorian) , Celeste Liwanag ( di ko na alam ang place mo ma'am, pero may liwanag pa rin ang buhay), Rhoda Rivera ( kudos sa successful career), Shaun Anthony Dolor ( pa-canton ka boy bisor), Eimann Evarola ( mabagal daw ang sensor sa game ka na ba? kaya di kagad nakasagot?), Hermie Guianan ( walang kupas sa music, go E-heads!) , Jovee Lark Exaltacion ( mas lamang ako ng ilang inches sa'yo pre!) , Rosemarie Tumbagahan ( alang nagbago, nakaka-digest pa rin ng kinain ang mga tawa), Emmylou Villegas ( kung kailan nag-asawa tsaka lalong gumanda, anong secret?) Pablo Pingol III ( ang Salutatorian), Ernesto Loyaga ( malalagpasan mo rin yan Nhess, I believe in you) , and Olivia Salazar (ala bang libreng Ethambutol jan galing DSWD?)

Wednesday, March 15, 2006

Salubsob

Kung naging malikot kang bata na tulad ko , malamang nakaranas ka na nito. Ito yung mumunting piraso ng kahoy na karaniwang kasing-liit ng kalahati ng karayom na tumutusok sa mga balat natin. Wala ng sasarap pa pag nasalubsob ka sa loob ng kuko. Parang naka-glass frame pa yung maliit na piraso ng kahoy , yung kuko mo ang frame syempre , at tutulo ang laway, pawis, at luha mo habang pinipilit mo syang bunutin ng tsane. Mas masarap naman yung naging karanasan ko , nasalubsob ako ng toothbrush sa gilagid , look sa illustration at the right side , yung nagdudugtong sa upper lip at gums. Dun ako inabot nung isang araw then kagabi, "not once but twice !!!!!" sabi nga ni Mrs . Susan Roces. Nawala talaga yung antok ko, habang tinatakpan ko yung bibig ko at tumutulo pa yung bula ng toothpaste ko sa bibig sa sakit. Ang finale , mas masarap pag mumog mo , di mo malaman ngayon kung sinong santo ang tatawagin mo sa hapdi. Pag gising ko kaninang umaga , feeling ko miyembro na ko ng Simpson's , tingin kagad ako sa salamin baka magang-maga yung nguso ko , buti na lang , puge pa ren ( ehem).
Binuksan ko kagad yung TV , sabay pasok naman ng isang tiyanak (hindi sya kasama sa listahan sa ibaba) , "Tito dun sa may Hamtaro" , "tito dyan na lang" . E ako pa naman pag naglilipat ng tv , starting sa channel 8 papuntang channel 56 . Sabi ko, "tumahimik ka , tv ko 'to!" . "Tito pengeng piso?" dukot kagad ako ng piso sabay senyas sa tyanak ng labas!. Heto na , sakto sa Oprah ang guest ay isa sa aking mga peborit, si Barry Manilow , alang pagbabago yung boses nya. Swabe pa rin. Kinanta nya yung isa sa mga paborito ko , "Mandy" ,they said na para sa aso daw 'tong kantang to, sinabi na rin to sa 96.3 wrock before pero I still tried searching kung totoo nga, and I got this link: http://experts.about.com/q/Manilow-Barry-511/Barry-Manilow-Mandy-song-1.htm So kung heto ang theme song mo ng syota mo , malamang favorite mo ......dog style , ehehehehehe.
Mandy
Artist:Barry Manilow

I remember all my life
raining down as cold as ice.
Shadows of a man, a face through a window
cryin' in the night, the night goes into
Morning just another day;
happy people pass my way.
Looking in their eyes, I see a memory
I never realized how happy you made me.
Oh Mandy well, you came and you gave without taking,
but I sent you away.
Oh, Mandy well, you kissed me and stopped me from shaking,
and I need you today.Oh, Mandy!
I'm standing on the edge of time;
I walked away when love was mine.
Caught up in a world of uphill climbing,
the tears are on my mind and nothin' is rhyming.
Oh Mandy well, you came and you gave without taking,
but I sent you away.
Oh, Mandy well, you kissed me and stopped me from shaking,
and I need you today. Oh, Mandy!
Yesterday's a dream, I face the morning
cryin' on the breeze, the pain is callin'
Oh Mandy well, you came and you gave without taking,
but I sent you away.
Oh, Mandy well, you kissed me and stopped me from shaking,
and I need you today.
Oh ,Mandy, you came and you gave without taking,
but I sent you away.
Oh, Mandy,well you kissed me and stopped me from shaking,
and I need you! and I need you today
Oh,Mandy

Tuesday, March 14, 2006

Happy Birthday

Tagal ko ng di nadampian 'tong site na to. Kahit na anong busy ko today , sabi ko sa sarili ko , kailangan maisulat ko 'tong okasyon na to. Last march 10, sinalubong namin ang birthday ni erpat, which is march 11. Ang venue , sa mala-gubat na bakanteng lote ni Mang Mino, kung saan , sa sobrang dilim, ay pwede kang manghila ng kahit na sinong magandang babae na daraan. Wag mo lang pasisigawin yung bebot , kase katabi lang ng bahay ng barangay chairmanyakis yung spot namin , ehehehehe. Siyempre , present ang lahat ng mga magigiting kong kumpare Jose Derick Alvarado, Michael Asuncion , Roberto Sadie III ,Dinmark Villar and Rico Orellano with special guest siyempre , Atty. Alberto Mangahas. Unfortunately , di pwedeng mapatakan ng alak ang lalamunan ni attorney , once masayaran , timbuwang 'to, kaya tamang papak na lang sya ng pulutan. How I wish nandun ang aking cousin na kasalukuyang nasa indonesia (hindi sa Bali huh?) na si Congressman Patrick Isidro , to join us with the party( Saaaaaaannnnn???). Bandang alas-11 ng gabi ng magsimulang magka sabay-sabay na ang aming mga salitaan, siyempre , lumabas na yung may-ari ng kabilang bahay para sigawan kami sa aming ingay, ng may sumabat galing sa grupo namin , "Ala namang pasok bukas ah? di naman masyadong maingay?" . "Naku hindot" sabi ko sa sarili ko, "may part 2 na naman ang barangayan" . Buti na lang may kasama kaming nakatatanda , si Kuya Dereck, nag-sorry na lang kaagad at inawat na kami. Nauwi na lang sa bulungan yung inuman , at di na ko nagpabili pa ng alak , baka may magka-idea pa na batuhin yung bahay ( which is my idea , ehehehehe) or sunugin na lang (which is not my idea of course).
Today is Aling Lita's birthday naman, tiyak na complete attendance ang mga tiyanak sa bahay . Balak ko sanang salubungin din kagabi kaso lang di ako pinagising ni mother, naka-amoy atang magiinuman kami. Sarap sanang mag-stay sa bahay , tas inuman sa labas kaso lang may training ako today. Balak ko sanang bumili ng regalo para kay mother , kaso lang may na-receive akong letter , nangungutang, pang -graduation, dahil isang beses ka lang naman gaga-graduate ng college , pero marami pang birthday , pinautang ko na lang . Anyway , i'm sure na happy pa rin si mother today . Bago ko umalis binati ko ulit si mother . Happy Birthday Nay!

Monday, February 27, 2006

Tiyanak

Tumatanda na ata ko, twing linggo napapansin ko na andaming bata sa bahay. Minsan gusto kong pagsisipain palabas ng bahay dahil ang iingay ng mga putang ina , kaso di pwede , dahil sila ay punlay ng aking mga kapatid, ehehehe. Wish ko lang yumaman ako , para di sila matulad sa mga kapatid ko na tamad mag-aral, ako na magpapa-aral sa kanila kung deserving sila. Pagdating ko sa bahay, para kong si Santa Claus , "tito , pengeng dos" , "tito bili tayong coke" . Pag may isusubo akong pagkain , "tito penge?". Di pa kasama dun yung mga ibang anak ng kapatid ko sa ibang asawa, at mga inaanak na minsan naglalaro din sa harap ng bahay namin. Sana may magsabi naman sa'kin " tito ba't di ka pa mamatay?", siguro maluha-luha pa kong mayayakap yung pamangkin kong yon, and I'll say "thank you my darling pamangkin , you're so kind!" ehehehehe. Want to know them better ? Gumawa ko ng listahan ng mga paborito kong tiyanak:

Tupey- anak to ng panganay naming masipag, apat silang magkakapatid pero nakatira siya sa amin, grade 6 na siya and pinapag-aral siya ni mother na sa kin din nanggagaling ang salapi. Lagi tong kinukutusan ng kapatid ko pag nalalasing kaya minsan naaawa ko. Madalas ko tong utusan and bago ko umalis , humihingi to sa'kin ng limang piso. I remember na , nagpaturo to sa'kin one time sa math , e strikto ko pag nagtuturo , katakot-takot na kutos ang inabot sa'kin nito kada mali. Parang cobra pa naman ang kamay ko , lalo na pag nanggigigil. Ako naman si ungas ganito pa magtanong , " Bakit ka ba umiiyak????" habang nangangatog yung bata sa pagsagot dun sa math. O di ba traumatize? Ehehehehehe. After that incident , di na nagpaturo sa kin , then nagulat na lang kami , nag best in math si kupal. May secret girlfriend din tong maliit na unggoy na to , pogi kase eh. Kaso lang madalas puro laro , hindi naliligo , parang pusa kse eh , kaya pag natyetyempuhan ko , sya naman pinaliliguan ko ng suntok at kutos. Siya rin ang suspect kong kumukupit ng pera ko sa pitaka , kse dalawa lang sila ng nanay ko na nakakaalam kung san nakalagay ang pera ko. Wag ko lang matyetyempuhan , durog daliri nito sa'kin.

Rex- eto ang mala-genius na anak ng isa ko pang kapatid, mahilig syang mag-english kahit nakakatawa yung grammar and accent , pero kino-correct ko din. Masunurin and mabait na bata , kaya sa kanya ko na lang binigay yung cellphone kong luma. Bata pa lang siya naiiintindihan nya na yung sitwasyon nya , hiwalay yung parents nya kse "puge at matso" ang tatay nya eh. Ginagawa ko tong punching bag pag kinukulit ako, mahilig din syang mag-chess, pero madalas ko syang sabihan na, "marami ka pang kakaining bigas boy, gusto mo magsama pa kayo nung nagtuturo sa'yo" and he'll say to me "ang yabang mo!". Maganda ang future nitong batang 'to , I can see it. Fortune teller pa naman ako.

Rea- I usually call her Neggy. Dahil isa syang negrita. Madalas ko ring asarin tong batang to kse , ginalis to nung nagpunta sa davao. Pag humihingi sa'kin ng pera to , sinasabi ko " O meron ka ng mga barya ah ? Ipunin mo yung mga bente singko sa binti mo , ehehehehe" . Eto tumitira nung mga pagkain at coke ko sa ref eh. Tingin nya din sa'kin mayaman ako , kse yung mga appliances sa bahay ako bumili, and binigay ko pa yung vcd and radio sa kanila, samantalang magkadikit lang yung bahay namin sa tabing-ilog.

Bryan- eto ang bago kong pet , mahilig kse ako sa mga batang wala pang muwang at kulit. He's just 1 1/2 year old lang ata. Lahat ng lalake, tawag nya papa, pag babae , mama. Madalas ko tong takutin, pero madalas ko ding ibili ng mga nakakatuwang laruan sa quiapo. Tinuturuan ko sya ng mga bagong tricks , like hipo-balbas, appear and currently pinapa-master ko sa kanya yung "fuck-you" tulad nung nasa illustration natin ngayon , ehehehehe. Lapitin ng disgrasya tong batang to , nung nakaraan naiipit yung paa sa bike , nung isang araw naman nadulas at nabaldog. Kaninang umaga , guess what? Nalublob yung mukha sa isang pinggang lugaw ......shall I call him little Pupung's ?

Thursday, February 23, 2006

Training

They call it training ........, sa loob ng 3 days nag-training kami ng sipura devices , kalahati siguro ng training session namin ala kong ginawa kung di tumawa ng tumawa. What would you expect from me? Mas marami ata kong idea sa kalokohan kesa sa mga bagay na dapat pagseryosohan. Yung training namin , parang calculus , dapat kunin mo sa loob ng 3 semester , tapos sinaksak sa isip mo sa loob ng isang sem lang. Ala kong comment sa trainor , he's knowledgeable and he definitely know what he's teaching, but he can't do anything , he must push those information to us in a span of 3 days. Another thing , pinag-call pa kami ng mga butihing bisor , siguro they were thinking na petiks ang mga nagte-training, pinag-OT din kami ng another 2 hours para naman isaksak yung two new devices. They are also planning sipura agent to take calls next month. This is very unbelievable , I'm not quiet sure if they're still thinking. Di ko alam kung yung mga tao sa upper management nakatikim man lang kahit isang patak ng united american tiki-tiki or mga pinalaki sa am (sabaw ng sinaing, ungas!). When you receive a sipura email , it will take you hours to look for an answer . When you receive a sipura call the client will be expecting you to answer their question , immediately of course. With that kind of training, all I can say to myself is good luck!

Wednesday, February 15, 2006

Happy Valentines !!!

Sinumpong na naman ako ng katamaran , pagkagising ko ng 4 pm , sabi ko kagad, di ako papasok kakatamad, tinurn -on ko yung cell ko tas tawag sa office , sakto pa naman yung boses ko pag bagong gising para talagang maysakit , sabi ko " Sir di po ko makakapasok , nilalagnat po ako " dahil sa makatotohanang pagganap , sabi ni sir "sige , text mo na lang PP mo". Pagbangon ko , salang kagad ako ng opm , then ligo , ewan ko ba kahit antok pa rin ako , pinanood ko pa rin yung naruto , tang ina , adik na ata ko sa cartoons na to . Kahit paulit-ulit , sige pa rin, channel 2 and 44 pa. Wish ko lang matuto ko ng kagebunshin technique.
Sex pm , nagpunta ako ng quiapo, hindi kasi ako nakapunta nung rest day ko eh, mahirap ng makalimutan Siya , mamaya ako naman ang kalimutan Niya. Sakto pagdating ko, konti na lang yung mga tao sa simbahan , katatapos lang ng misa and kasalukuyang binebendisyunan yung mga nagsimba kaya lahat sila pumupunta sa unahan, takbo naman ako sa unahan , hindi para mawisikan ng holy water baka masunog pa ko, kundi para makita yung hitsura ng kumakanta ng Nazareno hymn. Sa totoo lang , tagal ko ng pumupunta don , pero everytime na maririnig ko syang kumakanta , tumitindig at kinikilabutan ako. Curious lang talaga , kaso lang pagdating ko sa unahan , sakto nagtaasan naman ng kamay yung mga tao para mawisikan ng mineral este holy H2O. Sabi ko "syet naman oh, ay nakatingin pala si mama mary , sorry po". Hanggang matapos na yung kanta , nawala na sa paningin ko yung manganganta, di bale next time na lang, matyetyempuhan ko din sya. Dahil sa lamig ng boses nya , naaalala ko yung mga kanta ni Basil Valdez . And speaking of Basil, dahil valentines , here's one of my fave song, by Ric Segreto .

I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
To feel this feeling I have inside
"You're a hopeless romantic" is what they say
Fallin' in and out of love just like a play
Memorizin' each line I still don't know what to say
What to say.
CHORUS:Don't know what to do whenever you are near
Don't know what to say my heart is floating in tears
When you pass by, I could fly
Every minute, every second of the day
I dream of you in the most special way
You're beside me all the time
All the time.
I have loved you and I always will
Call it crazy but I know someday you'll feel
This feeling I have for you inside
I'm a hopeless romantic, I know I am
Memorize all the lines and here I am
Struggling for words, I still don't know what to say
What to say.
(REPEAT CHORUS)
All the time
All the time
All the time...