Kung naging malikot kang bata na tulad ko , malamang nakaranas ka na nito. Ito yung mumunting piraso ng kahoy na karaniwang kasing-liit ng kalahati ng karayom na tumutusok sa mga balat natin. Wala ng sasarap pa pag nasalubsob ka sa loob ng kuko. Parang naka-glass frame pa yung maliit na piraso ng kahoy , yung kuko mo ang frame syempre , at tutulo ang laway, pawis, at luha mo habang pinipilit mo syang bunutin ng tsane. Mas masarap naman yung naging karanasan ko , nasalubsob ako ng toothbrush sa gilagid , look sa illustration at the right side , yung nagdudugtong sa upper lip at gums. Dun ako inabot nung isang araw then kagabi, "not once but twice !!!!!" sabi nga ni Mrs . Susan Roces. Nawala talaga yung antok ko, habang tinatakpan ko yung bibig ko at tumutulo pa yung bula ng toothpaste ko sa bibig sa sakit. Ang finale , mas masarap pag mumog mo , di mo malaman ngayon kung sinong santo ang tatawagin mo sa hapdi. Pag gising ko kaninang umaga , feeling ko miyembro na ko ng Simpson's , tingin kagad ako sa salamin baka magang-maga yung nguso ko , buti na lang , puge pa ren ( ehem).
Binuksan ko kagad yung TV , sabay pasok naman ng isang tiyanak (hindi sya kasama sa listahan sa ibaba) , "Tito dun sa may Hamtaro" , "tito dyan na lang" . E ako pa naman pag naglilipat ng tv , starting sa channel 8 papuntang channel 56 . Sabi ko, "tumahimik ka , tv ko 'to!" . "Tito pengeng piso?" dukot kagad ako ng piso sabay senyas sa tyanak ng labas!. Heto na , sakto sa Oprah ang guest ay isa sa aking mga peborit, si Barry Manilow , alang pagbabago yung boses nya. Swabe pa rin. Kinanta nya yung isa sa mga paborito ko , "Mandy" ,they said na para sa aso daw 'tong kantang to, sinabi na rin to sa 96.3 wrock before pero I still tried searching kung totoo nga, and I got this link: http://experts.about.com/q/Manilow-Barry-511/Barry-Manilow-Mandy-song-1.htm So kung heto ang theme song mo ng syota mo , malamang favorite mo ......dog style , ehehehehehe.
Mandy
Artist:Barry Manilow
I remember all my life
I remember all my life
raining down as cold as ice.
Shadows of a man, a face through a window
cryin' in the night, the night goes into
Morning just another day;
happy people pass my way.
Looking in their eyes, I see a memory
I never realized how happy you made me.
Oh Mandy well, you came and you gave without taking,
but I sent you away.
Oh, Mandy well, you kissed me and stopped me from shaking,
and I need you today.Oh, Mandy!
I'm standing on the edge of time;
I walked away when love was mine.
Caught up in a world of uphill climbing,
the tears are on my mind and nothin' is rhyming.
Oh Mandy well, you came and you gave without taking,
but I sent you away.
Oh, Mandy well, you kissed me and stopped me from shaking,
and I need you today. Oh, Mandy!
Yesterday's a dream, I face the morning
cryin' on the breeze, the pain is callin'
Oh Mandy well, you came and you gave without taking,
but I sent you away.
Oh, Mandy well, you kissed me and stopped me from shaking,
and I need you today.
Oh ,Mandy, you came and you gave without taking,
but I sent you away.
Oh, Mandy,well you kissed me and stopped me from shaking,
and I need you! and I need you today
Oh,Mandy
2 comments:
Question.. ano sa English ang Salubsob? Hehehe
Salubsob = splinters. at elmer's glue ang ibuhos sa parte( external)daw na pinasukan.. Kung di sumama wala kanang pag-asa.. LOL
Post a Comment