Sa isang klase , 50 lahat ang estudyante , but we're just around 12 lang ata na nakapunta sa bahay ng aming classmate na si Dhang. I'm glad na halos lahat ay nakatapos ng pag-aaral and meron na ring maayos na hanapbuhay , although hindi lahat ay sineswerte sa paghahanap ng trabaho, pero pasasaan ba't malalagpasan di nila ang lahat ng pagsubok , feeling ko ay very well blessed naman yung batch namin. Okey ding malaman na yung ibang ka-batch ay di nakarating dahil busy sa thesis ( dahil hindi pa naman huli ang lahat , tuloy nyo lang yan) , at yung iba ay di talaga makakapunta dahil nasa ibang bansa . Nakakalungkot lang ding isipin na hati pa rin ang batch namin , grupo-grupo kase eh , kaya yung iba siguro di na rin pumunta. Meron din sigurong di na um-attend kase nahihiya, I believe na mga limang classmate namin ang hindi na nagpursige sa pag-aaral , which is not actually dapat pang maging issue since di naman yun ang goal ng gathering . Overall , masaya ang reunion , kahit siksikan dun sa bahay , lahat ay game uminom , merong tinamaan na ng husto kaya nambasa na ng alak , kaya umuwi kaming literal na amoy alak.
We ended up the reunion sa Starbucks , konting kape pampababa ng tama, konting iyakan kase we have to discuss a problem ng isa naming classmate na I think malalagpasan niya rin. Lastly , nag group hug kami. It's been a while since I had that kind of feeling , masaya na parang nakakaiyak. Haaaaayyy. High School life.
No comments:
Post a Comment