Sunday, December 28, 2008

Pasko sa Arellano

Medyo nasaid ang badyet ko nitong nagdaang pasko. Ikaw ba naman ang magkaroon ng 35 inaanak at sagutin ang mga gastusin sa bahay. Hindi ko na matandaan ang mga pangalan ng aking inaanak kaya kapag inililista ko, pangalan ng mga tatay o nanay nila ang inilalagay ko. Hindi lahat ng 35 kong inaanak ay nagpunta sa aming tahanan. Yung iba ay nakatira pa sa malayong lugar, pag naging malaking oras na ako (bigtime bobo!), babawi na lang ako sa kanila.

Para akong hitman na isa-isang ginuguhitan ang kanilang pangalan pagtapos kong abutan ng ampaw. Nilalagyan ko naman ng "*" sabay sulat ng pangalan kapag merong humihirit na timawa gaya ng pinsan, pamangkin o chikiting galing sa kung saan. Laking tuwa ko ng malamang merong mga ilan pa akong inaanak na hindi na dumating, sa kabilang banda, kinakabahan naman ako na baka sa Bagong Taon sila dumating.

Siniguro ko namang meron akong naitabi mula sa aking christmas bonus para ipambili ng kahit isang mumurahing digital camera. Ito'y dahil sa ayaw kong lumipas ang pasko na wala man lamang larawan ang mga tiyanak sa amin o ala-ala ng pasko sa Arellano. Lumaki kasi akong ang mga larawan noong ako'y bata pa ay nasa aming kapitbahay o kamag-anak. Narito ang mga larawan na matiyaga kong pinili , pang-Pulitzer ba:

Ang dating sumusubsob ang mukha sa isang platong lugaw ay malaki na. Ang mga tiyanak. Mukhang mababait no? Harmless yan.

Hindi po yan sa bilibid at hindi rin yan ang sputnik, sa bakanteng lote lang po at yan ang mga kabataan sa Arellano. Parang isa lang ang naiiiba?

Si Jamongoloids habang tinatanggap ang macaroni award galing sa kanyang mahal na pinsan na si Dinmark

Gaya ng lagi kong paala-ala sa mga bata, magsipilyo ng ngipin palagi para maging modelo ng toothpaste gaya ng dalawang chikiting na to.

Ang apat na miyembro ng Tropang Tres Cepas

Alak+Laing , vegetable salad at papaitan na pulutan+Videoke+Kaibigan=Kasiyahan

Saturday, December 27, 2008

Precious and Few

Senti mode tayo ulit , hindi dahil sa malungkot tayo ngayong pasko, ganyan naman ako palagi, pag masaya ang pakiramdam, mas gugustuhin ko pang makinig ng mga awiting nakakapagpakalma(na para bang isa akong bayolenteng tao?). Isang awitin na ibinahagi lamang ni gagolero noong nakaraan pa , nakita nya raw at napakinggan sa isang palatuntunan sa telebisyon. Old skul na awitin pero napakaganda ng liriko. Kung natagpuan mo na ang pinapangarap mong mahal , magandang pagmunimunihin ang awiting ito kung paano mo sya pahahalagahan. Inawit ng "Climax" nung nayntin kopongkopong. Maligayang Pasko sa inyong lahat!


Precious and few are the moments we two can share.
Quiet and blue like the sky I'm hung over you

And if I can't find my way back home
It just wouldn't be fair
Precious and few are the moments we two can share

Baby, it's you on my mind, your love is so rare
Being with you is a feeling I just can't compare


And if I can't hold you in my arms
It just wouldn't be fair'
Cause precious and few are the moments we two can share

And if I can't find my way back home
Oh, it just wouldn't be fair '
Cause precious and few are the moments we two can share


Precious and few are the moments we two can share
Lying in blue like the sky I'm hung over you


And if I can't find my way back home
It just wouldn't be fair '
Cause precious and few are the moments we two can share


Wednesday, December 10, 2008

Game of the Century

Heto talaga ang totoong "Game of the Century" kaya ikalawang bahagi lamang yung naganap na bakbakan nina Pacman at Golden Boy. Matagal ko na ring binalak na gawin ito sa luma kong blog pero ngayon ko lang naisakatuparan dahil ngayon ko lang napag-tripan at natuklasan. Merong nagtanong sa akin kung bakit piyesa ng ahedres yung nasa template ko tapos kakaunti lamang daw yung nakikita nyang mga laro ng ahedres at puro boksing daw ang nababasa nya. Dapat daw yung piyesa ko ng hari ay meron daw nakasuot na gloves o hawak na tako. Ang naging tugon ko na lamang sa inosenteng katanungan ng aking kaibigan ay , "PAKYU!" sabay ngarat sa kanyang mukha.

Ang tunay na Laban ng Siglo sa larangan ng ahedres ay naganap noong ika-17 ng Oktubre 1956 sa pagitan ng aking idolong si Robert James "Bobby" Fischer at Donald Byrne sa Rosenwald Memorial. Paganahin mo ang PGN viewer tanga ng malaman mo kung bakit.

[Event "Rosenwald Memorial"]
[Site "Game of the Century"]
[Date "1956.10.17"]
[EventDate "?"]
[Round "8"]
[Result "0-1"]
[White "Donald Byrne"]
[Black "Robert James Fischer"]

test/fischer_byrne_1956.pgn

Game of the Century II

Inaasahan ko na magiging malakas at mabilis si Emmanuel "Manny Pacman" Dapidran Pacquiao sa tinaguriang "Dream Match" pero di ko inaasahan kahit sa panaginip na magiging ganun kalamya at kabagal ang tinaguriang "Golden Boy" ng boksing na si Oscar Dela Hoya. Hindi man lang inilaban ang aking limandaang pisotas. Buti na lamang at hindi ako isang tanyag na "boxing analyst", kundi , isa ako sa mga napahiya at napailing ng mapawi ang usok sa naganap na bakbakan.

Sabi nga ng isang komentarista , parang Tarzan si Oscar nung ganapin ang "weigh-in" ngunit pagtuntong ng ring naging si Jane. Sa akin naman , akala ko "life begins at 40" yun pala pag-edad mo ng 35 gaya ni Golden gay , este boy pala e talagang matanda ka na at walang maibubuga.

Sabi ni Roach , "he cannot pull the trigger anymore!" sabi ko naman "he cannot even hold the fucking gun!". Pinanood ko pa uli yung laban, nakatutuwang malaman na ang tawag ni Roach kay Manny sa loob ng ring ay "son" habang inuulit naman nung katuwang ng magiting na coach na si Buboy Fernandez ata , ang lahat ng sinasabi nito sa tagalog. Naalala ko tuloy ang aking tatay na naging boksingero din dati at nagkaroon din ng sakit na "Parkinson's Disease" gaya ni Roach ,lagi akong tinuturuang mag-jab at mag-kumbinasyon ng mga "1-2 punches" at isa ring taga-hanga ni Manny Pacquiao kahit nung hindi pa siya sikat . Kung hindi sya namayapa , malamang magkalaban kami ngayon sa pustahan.

Maligayang kaarawan sa ika-17 ng Disyembre at saludo ako sa impresibong laban na ipinakita ng Pambansang Kamao. Babayu sa aking limandaang piso. Sa susunod na laban , baka kay Mayweather Jr. ako o kaya ay kay "Hitman" Hatton, ehehehehe.









Tuesday, December 02, 2008

Pangarap na Laban. Pangarap na Jackpot.

Patalastas. Siguradong babaha yan sa araw ng laban ni Manny "Pacman" Pacquiao at Oscar "The Golden Boy" Dela Hoya. Mga bandang alas nwebe magsisimula ang mga unang laban , tapos ang main event mga alas dos na masisimulan. Ipagpalagay mo ng tatagal ang laban ng mga 30 minuto tapos sisingitan ng sandamukal at paulit-ulit na patalastas mula alak, medyas , gamot , sapatos , hotdog at malamang merong pang pulitiko, matatapos ang panonood mo ng mga alas-singko ng hapon. Bagamat ganyan ang siguradong magiging senaryo sa ika- anim ng Disyembre, mayroong tatabo ng limpak-limpak na salapi. Walang duda , isa na roon si Pacman na kahapon lang ay namigay ng 3 milyong piso sa mga kasamang makapagbabawas ng malaking timbang.


Meron din syang bahagi sa kikitain ng pay-per-view. Me kachug din sya sa mga patalastas. Malaki ang kanyang maibubulsa pag siya ay nanalo, at naniniwala din naman akong marami siyang matutulungan pag nagwagi ang pambansang kamao sa kanyang pangarap na laban.


Pag natalo si Pacman, meron pa rin siyang makukuhang limpak na salapi ayon sa kasunduan, meron din akong madadampot na limandaan dahil pumusta ko sa kalaban. Sa simula pa lamang ng kasunduan yan ang nakikita kong dahilan kaya sila maglalaban. Pera. Pwede nating sabihing gusto ni Oscar na gumanti kay Manny dahil sa paglipat nito sa Top Rank o kaya ay talaga ngang gusto ni Pacman na makasagupa ang kanyang dating iniidolo para matupad ang kanyang pangarap na laban na matagal na nyang minimithi. Prinsipyo. Pangarap. Para sa Bayan. Pero isa lang nakikitang kong malaking dahilan kaya sila maglalaban. Pera.

Bakit ako pumusta kay Oscar?

Sabi ng two-time Trainer of the Year na si Freddie Roach, matanda na si Oscar Dela Hoya. "Oscar can no longer pull the trigger" , sabay tawa at pakita ng isang baril-barilan sa harap ng media. Wala na raw ibubuga ang Golden Boy sa edad na 35. Idagdag pa natin ang katotohanan na siya ang nagsanay kay Oscar nang ito'y lumaban at natalo kay Floyd Mayweather Jr. kaya alam nya ang kapasidad nito. Sa isang banda, hindi ako kumbinsido sa naging panalo ni Pacquiao noon kay Marquez , bagamat talagang bumilib ako nung gulpihin nya si Diaz. Kung ginulpi niya si Marquez , walang duda na sa kanya ako pupusta.

Narinig kong sinabi sa telebisyon ng isang magaling na trainer na ang isang boksingero , habang tumatanda, nawawala ang bilis nito, pero ang lakas ng suntok ay naroon pa rin. Galing ng 135 lbs si Pacman , isa pa lamang sa ganitong dibisyon ang kanyang nakakalaban. Tiyak na magugulat siya sa lakas ng suntok pagtawid ng 147 lbs. Kung matanda na si Oscar at wala ng ibubuga bakit ganon na lang ang paghahandang ginawa ng kampo ni Pacman? Bakit kailangan pa ng plyometrics at supplement na pagkaraaan ay itinigil din? Sa edad na 35 , ay hindi pa matanda , para sa akin si Oscar. Lamang sa height at reach. Bibigat at lalakas pa sya pag nagdagdag ng timbang pagdating ng laban. Katanyagan at salapi rin ang mawawala sa kanya kaya nasisiguro kong hindi siya magpapaiwan sa laban. Malakas sumuntok si Pacman , walang duda, pero meron bang nakalaban na mahina sumuntok si De la Hoya sa mga huli nyang laban?

Katuwaan lang ang pustahan. Pera ang nakikita kong dahilan kaya ako pupusta sa kalaban. Ika nga ng aking kaibigang kainuman nung biyernes "ang puso ko ay kay Pacman pero pupusta ako sa kalaban" . Masaya ako pag nagpaalam ang aking limandaang piso sa aking lukbutan.

Sino ang mananalo?

Pag tinignan mo ang larawan sa itaas parang mahihinuha mo kung sinong dalawang tao ang talagang higit na tatabo at mananalo sa labang ito. Baka nga hindi natin nalalaman , ang lahat ay bahagi lamang ng isang malaking plano para pasakayin tayo sa isang kunwaring pangarap na laban para matupad ang pangarap nilang jackpot.

Panawagan: Sana naman merong magbigay ng link para sa Live Online Streaming- Manny "Pacman" Pacquiao vs. Oscar "The Golden Boy" Dela Hoya. Me pasok ako sa linggo eh.

Wednesday, November 26, 2008

Maling Sulong

Napawi na ang usok sa naganap na pigaan ng utak sa Dresden, Germany. Ilang linggo ko ring sinusubaybayan ang laban sa 2008 Chess Olympiad. Simula pa lang ng mabasa ko ang artikulo ni manong Recah Trinidad , kung saan hindi pinayagan si GM Eugene Torre na maglaro at sumama sa koponan ng Pilipinas sa Olympiad dahil laos na daw, kinutuban na ako na lagim lamang ang naghihintay sa ating mga kababayan. Ang mga politiko talaga , di na lang kasi magtanim ng pechay para me kakainin...


Ginawa na lamang Kapitan ng koponang Pilipino si GM Eugene Torre na katatapos lamang durugin ang apat ng Grand Master ng Tsina sa katatapos lamang na GMA Cup. Samantala , nagningning ang batang si GM Wesley So ng sa unang laban pa lamang ay gapiin ang Super GM ng Tsina na si Ni Hua. Idol ko na nga tong batang ito eh. Kasama rin sa nagkaroon ng impresibong laban ang batang iskolar ng DLSU at bagong GM ng Pilipinas na si GM JP Gomez. Si GM Bong Villamayor naman ay halatang nahirapan sa Board 1 dahil nahirapang makakuha ng panalo at halos puro tabla sa laban. Mas mainam siguro kung si GM Eugene Torre ang nakapwesto dito, mabuti na lamang at humahalinhin si Wesley boy sa kanyang pwesto. Gayunpaman , alam nating mahirap ang naging papel ni GM Bong at tingin naman natin ay ginawa nya ang lahat ng kanyang makakaya.

Nanguna ang bansang Armenia , sinundan ng Israel at ikatlo ang Estados Unidos. Nagtapos sa pang 46 na pwesto ang Pilipinas. Mas mababa kumpara sa nakaraang pwesto natin sa nakaraang Olympiad , pinatunayan pa rin ng mga batang miyembro ng koponan na may malaki tayong tsansa at magandang kinabukasan sa mga susunod pang labanan. Mabuhay ang Pilipinas!

Pumunta dito para makita ang kumpletong Rankings

Thursday, November 13, 2008

Tolongges

Iba na ang kahulugan at gamit ng pangalang ito sa kasalukuyan, pero maari mo pa ring mahinuha kung saan ito galing kung napanood mo ang pelikula ni George Javier (Tolongges) , Cachupoy (Zapatatem) at Redford White (Arizona Gid) nuong dekada otsenta. “ A Man Called Tolongges (1981)” . Nuod ibaba:




”Ginagawa tayong tolongges!”, karaniwang gamit ng pangalan o salita sa ’min pag pinagmumukha kang tanga o engot ng isang tao. Ganyan tayo ituring ngayon ng mga pulitiko at mandarambong sa kasalukuyan, tolongges. Ngayon , bago mo bitawan ang pahinang ito dapat masuksok sa kukote mo ang bago mong pangalan. Tolongges.

Joc Joc lang

Ipinakita sa ABS-CBN ni Henry Omaga-Diaz ang kuha ni Joc squared Bolante sa loob ng eroplano bago ito lumapag sa paliparan, mukhang wala namang malubhang karamdamang iniinda at naglalakad pa. Ilang minuto pa, ipinakita sa pambansang telebisyon ang pagdating ng tinaguriang arkitekto ng fertilizer scam na nakasakay sa wheelchair , hinahaplos-haplos ang dibdib na parang me kumikirot sa puso.

Sa tagal ng kanyang inilagi sa Estados Unidos ngayon lamang nya naramdaman na meron syang malubhang karamdaman? Kung ang sakit nya, ayon sa mga doktor ng St. Lukes ay multiple gastric ulcers bakit nya hinahawakan ang dibdib nya? Di ba dapat tyan?

Bakit nya binigyan ng milyong pondo para sa sakahan ang ibang tongressman, samantalang wala namang lupang mabubungkal sa mga siyudad na pinaglilingkuran nito kundi puro mga gusali? Saan napunta ang ilang milyong piso pataba na ayon sa mga magsasaka ay hindi naman nila natanggap? Sino ang pasimuno sa pagpapapatay sa ”whistle-blower” na si Gng. Marlene Esperat na binaril mismo sa harap ng kanyang mga kaanak?

Lahat yan, syempre, mabibigyan ni Joc squared ng kasagutan, dahil nakapaglagi na sya sa pagamutan ng may katagalan. Napaghandaan na ang mga sitwasyon , nagawaan na ng mga papeles o magandang senaryo. Plantsado na ikanga.

Wag ka ring magugulat kung may lalabas na kakamping senador si Joc squared sa imbestigasyon. Sa kalagitnaan ng mainit na diskusyon meron na namang lilitaw na kontrobesya gaya ng mas malaking kaso ng pandarambong , pagsabog o pambobomba o kung ano pa man tas matatabunan na naman ang isyung ito at malamang wala ring mangyayari. At ikaw, maniniwala ka naman o kaya magsasawalang-kibo na lang. Kasi tolongges ka e di ba?

Euro Generals

Yung 105,000 euros na nahuli kay Dela Paz na hindi pa kasama yung 45,000 euros na kelan lang natuklasan ay ”contingency fund daw” sabi ng magiting na kalihim ng DILG. Dahil tingin nya ay mga tolongges tayo , maaring naiisip nya na tinatanggap natin ang paliwanag na sobrang mahal ng mga bilihin at serbisyo sa bansang Rusya at katanggap-tangap lamang na magdala ng ekstrang milyon-milyong halaga para hindi ka nga naman kapusin sa gastusin. Tama nga naman di ba?

Ilang araw matapos pumutok ang kontrobersya, ipinaliwanag ng Direktor ng PNP Jesus Versoza na ang milyones naman daw ay inatasang ipambili ng ”intelligence equipment”. Dahil tolongges tayo, siguro naisip nya pwede tayong maniwala na ubod nga naman ng mahal ang isang intelligence equipment dahil ito ay napakasopistikado upang maintindihan natin kumbaga sa espada may laser. Yun nga lang , marahil ay nakalimutan o walang nakapagsabi sa kanila na bawal magbitbit ng halagang lagpas sa 30, 000 dolyar kaya nahuli si Sir General . Sayang nahuli pa, pero maniniwala naman sana tayo di ba?

Heto pa, yung karagdagang 45,000 euros na huli na lang nalantad ay galing naman daw sa isang kaibigan na naki-paki sa heneral na ibili sya ng pagkamahal-mahal na relos sa bansang Vienna. Sabagay , yung mga kasama ko sa aming tanggapan minsan nagpapabili ako sa kanila pag pupunta sila ng ibang bansa, pero para mas makamura, ganun din marahil sa sitwasyong ito ni Dela Paz. At dahil tolongges tayo, maniniwala tayo sa mga sinasabi nila kahit kasalukuyan na siyang hindi mahanap para humarap sa imbestigasyon sa Senado.

Di gaya ng kay Joc squared , meron akong nakikitang kaunting liwanag sa kaso dahil hinahawakan ng aking idolo na si Senadora Miriam Defensor Santiago . Nataon pa na natalo si idol sa nakaraang botohan ng ICJ kaya malamang me paglagyan itong mga heneral na akala marahil pati ang matalinong senadora ay naging tolongges na rin.

Oo tolongges me kasunod pa.....