"Unfinished Business" yan ang pamagat ng bakbakan bukas ni Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez. Bukas siguradong closed deal ang labanan, pag nagtabla ulit , tiyak batuhan na ng tae to sa Mandalay. Isa siguro ako sa mga kakaunting Pinoy na hindi bilib kay Manny Pacquiao sa larangan ng boxing, ang mga tipo kasi natin ay sina Casius Clay ( Mohammad Ali , tanga !) at Mike " Iron" Tyson, nadagdagan pa ang pagkawala ng aking bilib ng tumakbo syang Congressman. Bagama't aminado ako na nitong nakaraang huling linggo , napapadalas ang basa ko ng mga balita tungkol sa gaganaping laban nila ng tinaguriang "dinamita" ng Mexico (hindi pampanga ah?). Isa sa mga hindi ko matanggap na binalita sa Inquirer na may kaugnayan sa laban ay yung ceasefire daw na ipapatupad ng AFP bukas tsaka yung inaasahang pagbaba ng crime rate dahil daw sa magaganap na laban....Sa huli , bandila ng Pilipinas ang dadalhin ni Manny Pacquiao, at dahil mahal ko ang ating bansa , kay Pacman na lang ako ( parang me choice e no?). Bukas , titigil ang pag-inog ng mundo , kikinis yon? Titibay yon? Hehe. Rambulan na !


Pa-take off tungong Zambales kasama ang mga lovers, Dave at Ventemil , Boss Gerald at Mommy Jennet , Jamo at Ateng.

Si Jamo kasama ang isa sa kanyang pinakamasugid na tagahanga. Ehehehe , joke only. My love.
Grade -6 Section Zambales Class of 2008






