Wednesday, April 11, 2007

Ginataang Kamote

Uu, ginataang halo-halo yung nasa pic. Ala kong makitang ginataang kamote sa google eh . The best talaga si mother pag mga ginataan ang binabanatan. From laing , bicol express , ginataang tilapia with pechay all the way down sa ginataang kamote na miryenda namin nung Sabado de Gloria (arroyo?). Dinala ko ang aking kasintahan (aba akalain mo nakadale si Jamo?) sa aming munting tahanan upang ipakilala sa aking nanay at isama na rin sa outing ng aking mga matatalik na kaibigan (first time ito!). Pinatikim ko na rin sya ng ginataang kamote na niluto ng aking nanay.



Narito ang mga sangkap:



1 tasang gata


3/4 tasang asukal


5 tasang tubig


½ kilong kamote , kulay lila (syempre babalatan at hihiwain alangang ilagay mo ng buo)


1/3 sabong panglaba



Paghahanda:


Ilagay ang gata, tubig, at asukal sa kaldero.
Pakuluin ng ilang minuto, ilagay ang kamote at sabon.

Buong pagmamayabang ko pang pinahainan ang aking kasintahan ng handang ginataan ng aking nanay. Tiyak na magugustuhan nya to , bicolana ata ang aking mother at ginataan ang specialty.



Bhabe: Ano to? (Habang pinagmamasdan ang puting ma-kremang bagay namedyo nahahalo sa kulay lilang kamote).



Jamo: Cream yan. ...



Jamo: Teka ! ( Sabay awat sa kamay ng aking nililiyag)



Ala namang cream ang..naisip ko....



Jamo: Tikman ko nga..




Inamoy ko muna yung ma-kremang bagay na nakahalo sa kamote , ala akong maamoy. Nilasahan ko ito at lumutang ang sarap ng ginataan. Pumili ako ng medyo lamang ang may puting krema, nilasahan ko ito at inamoy.


Jamo: Tang ina ! Sabon to ah?

Mother: Hoy Junior! Sinong naglagay ng sabon dito? Tang na ka ikaw ang naghuhugas dito eh !

Kuya Junior: Ewan ko sa inyo , di naman ako lumalapit dyan! Binigyan ko pa nga si buntis nyan eh wala namang sabon.


Pinuntahan ko ang kalderong kinalalagyan ng ginataang kamote. Sinandok ko ang kailaliman nito. Sa aking paghalukay ay lumabas ang secret ingredient ng aking mother, 1/3 putol ng sabon na medyo nalulusaw na at humahalo sa gata ng ginataang kamote (kung matalas ang mata mo isinama ko ito sa mga talaan ng sangkap, tanga!). Nag-showdown pa ng sigawan ang aking ina at mahal na kapatid sa harapan ng aking kasintahan , mukhang nagsisigawan , pero naguusap lang sila. Humingi ng paumanhin ang aking ina sa aking sinta at hinainan na lang sya ng ibang makakain.
Gandang bwena mano ito sa aking kasintahan ah?. Naisip ko, puro katatawanan na lang ang aking buhay. Siguro pag namatay ako uulan ng pera , lahat ng tao masaya.
Pag laging ganito, paano na ang pangarap kong mai-feature ang buhay ko sa MMK ?(Maala-ala Mo Kaya , bungol!)
Gayunpaman, mahihinuha pa rin na masarap magluto ang aking mother. Naubos daw ni buntis yung ginataan , sinoli pa nga yung lalagyanan. Buti hindi na humingi ulit sabi ko.
Sarap no?

Friday, April 06, 2007

Ang Muling Pagkabuhay

Kasabay ng araw ng pagkabuhay , magbabalik ako sa aking nakagawian. Bubuhayin ko ring muli ang site na ito. Ang pagbabalik ni Jamongoloids hehehehe......abangan!

Saturday, July 01, 2006

Cutting Classes

Wala pong dugong medicloreans (dugong Jedi bobo!) yung babae sa ating larawan , parang sobrang ganda lang nang mata nya kaya trip kong ipost, kasama sya sa 100 best picture ng Nat Geo , nakilala sya bilang "Afghan Girl" , pagkalipas ng 17 taon , pinilit syang hanapin ng kumuha sa kanya ng larawan , hindi ko sinama yung bago nyang kuha dahil makikita lang natin yung hindi magandang epekto ng digmaan sa ating mga pagmumukha. Tignan mo ang sarili mo sa salamin , baka masyado ka ng subsob sa trabaho , tumatanda din ang mukha natin sa sobrang pag-iisip, para tayong dumadaan sa giyera araw-araw. Dati kang kamukha ng afghan girl paglipas ng panahon magulat ka mukha ka ng taliban girl , ehehehe.........

Mahirap talagang magpalaki ng tiyanak. Kung lagi kang dumadaan ng site na to , malamang nabasa mo yung tungkol sa mga tiyanak. Nagulat ako minsan ng makita ko ang isa sa aking mga pamangkin , may dalang putol na kahoy , pulang cartolina , isang bond paper , pambabaeng gunting na hiniram (kulay pink at parang tenga ng kuneho yung hawakan) at isang malaking mangkok. Tinanong ko kung anong gagawin nya , pinagagawa pala siya ng logo ng Araullo na nagdiwang ng ika-100 anibersaryo http://beta.inq7.net/opinion/index.php?index=2&story_id=78752&col=61, bigla kong naalala ang sarili ko nung bata pa ako, mahilig akong mag-drawing pero ala akong mga gamit. Tinuping papel ang gamit kong ruler , tutupiin ko naman yung papel tsaka didilaan para putulin , siguro kung may samurai, yun ang gagamitin ko. Laway din ang pambura ko dati , pag walang pantasa , ikikiskis mo ng mabilis yung lapis sa isang papel o kaya sa magaspang na bato, pero walang lalabas na genie , matulis na lapis lang. Pag medyo matibay-tibay ang ngipin mo, ngatngatin pwede din. Kanin naman yung pandikit ko dati , nakuha ko tong ideya na to sa mga adik na nagbabalot ng marijuana sa lugar namin.

Nung sumahod ako, binili ko ng gamit si kupal. Protractor , triangle , gunting , cutter , glue, compass , lapis , pangkulay etc. Minsan gumising ako galing sa 12 oras na pagkakahimlay sa aking higaan , sinabihan ako ni Mother na kausapin ang aking pamangkin. Hindi daw niya nakikitang gumagawa ng assignment, hindi nakikinig sa Nanay nya , sa ate nya at sa kanya. Sa itsura ko pag bagong gising , sabog ang buhok at mapulang mga mata na may panis na laway pa , hindi pa kaya siya matatakot sa akin at makikinig? Pinatawag ko at tinanong ko,

Jamo: Gumagawa ka ba ng assignment?
Tiyanak: Opo , pag vacant ginagawa ko ( wow , ambait "opo")
Jamo: Bakit ang aga mong umuwi nung nakaraan?
Tiyanak: Maaga kaming pinauwi eh!
Jamo: Patingin nga ng notebook mo.
(Umakyat at binitbit ang note book, sabay abot ng isang notebook)
Jamo: Lahat , titignan ko lahat.
Pagbuklat ko ng mga notebook , merong something in common , lahat may date ng June 14 ang huling sulat eh June 28 na. Napuna ko rin ang class schedule nya , mula 9:45 AM hanggang 7:00 PM ang pasok.
Jamo: Sabi mo ginagawa mo tuwing vacant , eh alas 12:00 ang vacant mo , papaano mo ginagawa yung mga assignment mo bago mag-vacant?
( Nagkutkot na ng kuko ang kupal , sabay yuko.)
Jamo: Bakit ang aga mong umuwi lagi , alas-singko pa lang nakakasalubong na kita pag pumapasok ako , eh hanggang alas -7 ka di ba?
Tiyanak: Kase sabi nila 'cutting classes' daw ako .
Jamo: Bakit di ka pumapasok ?
Tiyanak: Kase ala akong assignment.
Jamo: Ano bang pinapa-assignment sa yo?
Tiyanak: Lagyan daw nung cover yung notebook , pag ala akong assignment di na'ko pumapasok.
Andami nya pang mga dinahilan , na hindi rin nakalusot sa tindi ng aking "tactical interrogation" dito na naubos yung pasensya ko , lahat ng notebook nya nahampas ko sa ulo nya , siguro mga 12 subjects din yun , swerte nya ala pang binibigay na libro. Ang mga sumunod na eksena ay hindi ko na pwedeng ilathala dahil pwede na itong gamiting ebidensya para sa child abuse . Sa kabuuan , niloloko kami ng tiyanak na to , hindi na nga matuturing na tiyanak dahil hayskul na, nakakalungkot isipin na hindi pinahahalagahan ang pinagpapaguran ng mga taong nagpapa-aral sa kanya , kung tutuusin hindi ko na sya responsibilidad dahil hindi ko naman siya anak , hindi rin naman ako tinulungan ng ina nya nung mga panahong nginangatngat ko yung lapis para makatapos. Kinuha ko yung iskedyul nya pati pangalan ng mga titser nya, minsan bubulagain ko sa Araullo , titignan ko kung pumapasok nga. Pag hindi , pagugulungin ko mula ikaapat na palapag, tignan ko lang kung di pa 'to magtanda.

Sunday, June 18, 2006

Used to Be

Isang kaibigang bakla ang may paborito ng awit na'to , napaka-makahulugan ng bawat linya at karaniwang maririnig lang sa mga pang-senting istasyon gaya ng 96.3 . Ganda ng pagkaka-bira ng kantahin 'to minsan ni Gary V. sa isang pang-lingguhang palatuntunan sa telebisyon. Ka-duet dito ni Stevie Wonder si Charlene , ang umawit ng "I've Never been to me" . Pakialam ko kung di mo alam.......
Title: Used to be
Artist: Stevie Wonder & Charlene
Superman was killed in Dallas
There's no love left in the palace
Someone took the Beatles' lead guitar
Have another Chivas Regal
You're 12 years old and sex is legal
Your parents don't know where or who you are
Used to be the hero of the ballgame
Took the time to shake the loser's hand
Used to be that failure only meant you didn't try
In a world where people gave a damn
Great big wars in little places
Look at all those frightened faces
But don't come here, we just don't have the room
Love thy neighbours wife and daughter
Cleanse your life with Holy water
We don't need to bathe, we've got perfume
Used to be a knight in shining armour
Didn't have to own a shiny car
Dignity and courage were the measure of a man
Not the drugs he needs to hide the scar
Can your teacher read, does your preacher pray
Does your president have soul
Have you heard a real good ethnic joke today
Mama took to speed and daddy ran away
But you mustn't lose control
Let's cut the class, I got some grass
The kids are wild we just can't tame 'em
Do we have the right to blame them
We fed them all our indecisions
We wrecked their minds with television
But what the hell, they're too young to feel pain
But I believe that love can save tomorrow
Believe the truth can make us free
Someone tried to say it, then we nailed Him to a cross
I guess it's still the way it used to be

Bakit kaya Mongoloids ???

-------------------------->>Mongoloids with Cookie Chua , itaas mo!!!


Bakit kaya walang nagtatanong kung bakit jamongoloids ang pangalan ng site ko? Marahil normal na sa'kin ang pagiging abnormal kaya wala ng nagtataka. Hindi nila alam na ang lahat ay may pinag-ugatan. Ang mongoloids ay pangalan ng isang grupo sa PLM (hindi to Pamantasan sa Likod ng Mapua huh? tang ina nyo !) Opo , meron pong mga abnormal na nakapagtapos ng lihim sa unibersidad na pinapalakad ng buwis ng mga ManileƱo. Nabuhay ang mongoloids nung second year college kami. Nahihirapan kaming maghanap ng ngalan ng grupo sa programming. Mga advanced at hi-tech ang mga pangalan ng ibang grupo na nagpasa. Di ko lang matandaan kung sino yung ugali ng sabihing "Uhm! Mongoloids" sabay batok , imbes na sabihing tanga yung kausap. Kaya napag-kasunduang ito na lang ang maging opisyal na pangalan ng grupo. Hindi maiwasan ng aming propesora ang matawa ng basahin nya isa-isa ang mga pangalan at miyembro ng grupo. Dilaw ang kulay ng pahina ng aking blogs dahil eto rin ang kulay ng diskette na gamit namin. Wag mo ng itanong kung bakit naman may berdeng kulay ha? Kabaligtaran ng pagiging special child ang ginawa nang mga mongoloids nung nasa kolehiyo. Kung isa ka sa mga saksi, baka pangarapin mong magka-anak ng isang mongoloids balang-araw. Hanggang ngayon ay eto pa rin ang tawagan sa aming grupo. Kung papalarin, baka ang Mongoloids Inc., ang tumapat sa Microsoft Inc., sa mga nalalapit na panahon. (Sabay kanta ng , "pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa.....").

Araw ng kamatayan ni Erpats nung June 12 ,10:00 AM. Hindi ako nakapunta ng sementeryo o naka-inom para magpaka-senti pero nakapagsimba naman ako para ma-ipagdasal sya. May mga bagay talagang napaka-hirap kalimutan , napakalinaw pa ng mga malungkot na senaryo na alak lang ang pwedeng bumura para pansamantala mong makalimutan. Naalala ko na ang mga mongoloids din ang nagpalakas ng loob ko nung ayaw ko ng ipagpatuloy ang pag-aaral kasi para sa'kin wala ng silbi, dahil pumanaw na yung taong nagbibigay sa'kin ng inspirasyon para magpursige at makatapos ng pag-aaral kahit sobrang hirap. Buti naliwanagan ako na ang lahat ng tao ay lumilisan sa mundo, ang Diyos ay may dahilan kung bakit nya kinukuha ang isang tao sa buhay mo. Tignan mo tatay mo, mamamatay din.....

Saturday, June 03, 2006

Presko pala sa Cubao

Sa wakas , natuloy din ang pinakaaabangang Team Bonding ng Esca. Para akong batang sabik sa tubig , minamadali ko pa si JP sa call nya , may dagdag pang mura kse kanina pang umaga nagsialisan yung mga GY peeps , naiwan kami kase nga alas-9 pa ang labas nitong si kupal, nakuha pang um-attend ng training pagkatapos ng shift. Antibay talaga...

Bitbit ang isang mapa , tumulak na kami papuntang Bulacan. Pagdating namin dun mukhang iba na ang simoy ng hangin , puro mga kastilaloy na yung mga mama (namumula tanga!). Nakaka-dalawang bote na pala ng tres cepas. Nakatatlong lagok pa ko ng alak , at medyo biting nakipagtampisaw sa tubig. Sabihin na nating hindi ako naka-quota sa 3 shot na binigay sa'kin, pinagod ko ang aking sarili sa paglangoy at pasaglit-saglit na pagkanta ng videoke. Habang malapit na ang oras para bumalik sa opisina ang iba ( ala talagang social life ang taga-call center , wawa!) may naglabas ng 2 long neck ng tequila. Hindi ako natuwa. Una, akala ko isa pang tres cepas o kaya'y beer ang ilalatag. Pangalawa, mukhang kokonti lang kaming bubuno ng mga alak na yun. Pangatlo , hindi ata ako praktisado sa brand na yun.
" Pambabae naman yang tequila eh! " sabi ni Jhune.
"O pang -babae naman pala eh ," naisip ko, "kaya ko 'to"
Masyado ata akong nalibang, inabot kami ng gabi sa inuman. Ang pinaka-mabigat , nagbanlaw pa ng red horse. Matagal ko ng alam na kapag nagbanlaw ako ng beer , ku-quota ako. Dahil masaya sige lang. Di ko sukat akalaing o-over quota ako.
"Pre sa'min ka na matulog" alok sa'kin ni Jhune.
"De ! sa'min na ko uuwi" ang yabang ko pa.
"Pre magbuhos ka kaya muna ?" sabi naman sa'kin ni Gerald.
"Di na, kaya kong umuwi" sabay ngiti kay Sipura rank #1 (ehehehehe).

Binaybay namin ang Bulacan, pauwi papuntang Edsa sakay ng isang bus. Sa bus nakatulog ako. Bandang kalagitnaan ng biyahe........... "Susuka ako!" bulong ko sa sarili ko. Pag sumuka ako sa bus nakakahiya. Sa kanan ko ay may mga tao , ganun din sa likuran. Sa kaliwa ko si Gerald, natutulog ata. "Sukahan ko kaya?, wag " Pag sa bintana naman ako ng bus sumuka , baka naman maputol ang ulo ko? Parang nakangiti naman ang bibig nung bag ko ng aking tignan....nag-aalok ng tulong . Kailangan ko pa bang ikwento ang detalye?

Alas -10 (daw) ng gabi kami nakarating ng Edsa-Cubao. Muli na naman akong niyaya ni Jhune na sa kanila na ko matulog.
"Uuwi na ko!" sabay talikod sa mag-asawa at kay Gerald na hindi man lang nagpapaalam. Naka-sampung hakbang lang ata ako, habang nagiisip kung sasakay ng Bus papuntang Baclaran o magta-taxi diretso pauwi. Naisip kong magpahinga muna sa tabi ng poste ng Jollibee. Pag-upo ko sa isang baitang ng hagdan, napakalamig ng simoy ng air-con na lumalabas kada magbubukas ang pintuan ng Jollibee. Nakangiti na naman yung bag ko sa akin! Hiniga ko yung bag ko at ginawang unan. Para kong nanggaling sa napakalayong paglalakbay, hindi ko na napigilan pang pumikit, sobrang pagod.
"Boss....boss... yung cap mo!" sabay abot ng mama sa'kin nung bago kong sumbrero.
"Nasa paradahan na pala ako ng sasakyan nakahiga", sabi ko sa sarili ko. Ansarap talagang matulog. Sabay balik ako sa dati kong pwesto.


Ilang oras pa , pagmulat ng mata ko. Nakita ko, "7-11 ....ano to?"
"Huh? wala pa ko sa bahay? Cellphone ko?" napabalikwas na ko sabay dukot ng cellphone ko sa aking bulsa. Nandun pa.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Hindi pa naman ako hubo't-hubad. Nakasabit pa rin ang aking salamin at sumbrero.
"3:58 AM Tang-ina kailangan ko ng umuwi!"
Mahilo-hilo pa kong tumawid ng kalsada papuntang 7-11, bumili ako ng gatorade , gaya ng dati yung swerteng kulay ang kinuha ko, dilaw.
" Ahhhhhh, thirst quenching!!"
Siguradong pang-commercial yung ginawa kong pag-inom , dire-diretso walang hingahan.
"P120 na lang pala ang natitira kong pera, di na ko makakapag-taxi nito, " habang nakatingin ako sa aking pitaka.
"kung mahal ako ng Diyos makakapag-withdraw pa ko, " sabay lakad pakanan sa Metrobank.
Mukhang sineswerte pa rin ako , nakapag-withdraw pa ko ng pera. Naupo muna akong muli sa tabi ng ATM. Sumuka ko ulit. Kung tinapat ko yung bote ng gatorade sa bibig ko , malamang pwede mo pang takpan at ibenta ulit. Dahil sinuka ko lahat ng ininom ko. Napaupo na naman ako sa tabi ng ATM , napasandig, pipikit na naman sana ako, malamig din dun eh. Presko talaga sa Cubao at wala pang lamok huh? Pero pinilit ko ng tumayo at hinabol yung isang taxi na dumaan. Ang ending , nakauwi din ako sa amin.

Kinaumagahan.......................
"Bakit puno ng suka yung bag mo? " tanong ng nanay ko, habang nakahiga pa ko.
" Tang ina kasi yung kasama ko sa trabaho , sinukahan! " sabi ko, sabay pikit ulit ng mata habang ninanamnam ang lamig ng higaan , parang Cubao.....presko walang lamok.

Wednesday, May 17, 2006

Sobrang Liwanag


"Si Boging to , punta ka sa San Isidro church bukas. Ginawa kitang Ninong ng anak ko". Akala ko death threat yung natanggap kong text . Hindi ko sukat akalaing manggagaling ang imbitasyon sa pinakatahimik at pinakaseryoso kong pinsan . Naglaro na naman ang aking imahinasyon , gusto kong palitan yung mensahe ng " Si Boging to , punta ka sa San Isidro church bukas , kung gusto mo pang makitang buhay ang anak mo! " Ayos di ba?
Kinabukasan, kahit isang oras lang ang tulog ko, pinilit kong bumangon . Malas daw kapag tumanggi sa binyag. Kaya dinala ako ng mga paa ko sa binyag ng pang-21 kong inaanak. Ang San Isidro church ay malapit na sa Pasay, halos dalawang sakay galing sa'min . Para ka lang nagpunta sa kapilya sa'min pag punta ko sa simbahan. Halos taga- sa'min ang mga makikita mo don. Ayaw ko ng magbigay ng komento kung bakit ayaw nilang magpabinyag dun sa malapit na simbahan sa aming lugar. Parang ako lang ang nakakaintindi dun sa sinasabi ng bumbay na pari habang ginaganap ang binyag . Marami yata akong kaibigang bumbay sa trabaho. Muntik na kong bumunghalit ng tawa ng tapikin ako ng isa ko pang pinsan sa likuran, "Kaya pala amoy-keso , puro daga ang binibinyagan" . Binibinyagan kasi yung anak ni Jeff at Boging . Parehong tukso sa kanila "Daga".
" Kakauwi mo lang ? Senglot ka pa no? " tanong ko.
"Ala pa nga kong tulog eh" balik naman ng pinsan ko , sabay akbay sa'kin.
"Naka-condom ka na naman huh?" sabay nguso sa bonnet nya, tawag kase sa kanya Ren Burat.
"Lol , ang init dito ah?" sabi nya.
Parehas kaming napatingin dun sa spotlight na hawak nung isang mama sa tabi ng bumbay na pari. Lahat ng may hawak sa mga sanggol ay nakakunot-noo at medyo nakangiwi dahil sa init na nagmumula sa ilaw.
" Old fashion eh no? Dinala pa rito." komento ng pinsan ko tungkol sa spotlight.
" Tang ina , kanino kaya yan? Ang init eh!" sabi ko naman.
"Sa 'min po yan , bakit? " sabi nung mama na katabi lang pala namin at narinig lahat ng sinabi namin tungkol sa spotlight.
" Sobrang liwanag no? " ang mala-plastik kong tugon habang nagkatitigan kami ng pinsan ko na hindi malaman ang gagawin sa pagpigil sa tawa.
Buti na lang , bigla siyang tinawag nung isang nanay sa harapan para magpa-alalay dun sa isang bata , kung hindi, di ko alam kung saan pa mapupunta yung usapan.
Kahapon.....
Sa harapan ng simbahan ng Estrada , kung saan dapat binyagan yung mga batang dinala pa sa malayong simbahan . Maririnig yung kantang "Life Goes on" ni 2pac , tapos maya-maya "One Last Cry" ni Brian McKnight tas susundan ng "Open Arms" . Hindi po tamang senti or hip-hop yung pari sa simbahan. Libing ng paborito kong tayain sa larong eat bulaga. Natatandaan ko pa, dalawa silang malusog sa grupo , si pareng jay-r at tsaka sya. Dahil mas bespren ko si jay-r , magpapataya ako sa kanya , tapos pag ako na ang taya sya lang ang tatargetin ko para maging taya. Kahit paunahin mo pa syang tumakbo , 100 % aabutan ko sya sa bagal nyang tumakbo. Kaya balagoong to sa'min eh.
Kaso lang bumigay na sya sa laro ng buhay. Pagod na rin siguro sya sa kakatakbo. Napakabata pa nitong kumpare ko. Bata pa rin yung iniwan nyang 2 tsikiting. Madami pang mga kwentong pinagsamahan namin , pero di na angkop para maibrodkast pa sa blog ko. Hanggang dun na lang talaga siguro sya. Pagpasok ng kabaong nya sa nitso , nagpaalam na ko sa kaibigan ko. Bye Ragie !
Title: Open Arms
Artist: Journey
Lying beside you, here in the dark
Feeling your heart beat with mind
Softly you whisper, you're so sincere
How could our live be so blind
We sailed on together
We drifted apart
And here you are by my side
So now I come to you, with open arms
Nothing to hide, believe what I say
So here I am with open arms
Hoping you'll see what your love means to me Open arms
Living without you, living alone
This empty house seems so cold
Wanting to hold you, wanting you near
How much I wanted you home
But now that you've come back
Turned night into day I need you to stay.
(chorus)