Saturday, June 03, 2006

Presko pala sa Cubao

Sa wakas , natuloy din ang pinakaaabangang Team Bonding ng Esca. Para akong batang sabik sa tubig , minamadali ko pa si JP sa call nya , may dagdag pang mura kse kanina pang umaga nagsialisan yung mga GY peeps , naiwan kami kase nga alas-9 pa ang labas nitong si kupal, nakuha pang um-attend ng training pagkatapos ng shift. Antibay talaga...

Bitbit ang isang mapa , tumulak na kami papuntang Bulacan. Pagdating namin dun mukhang iba na ang simoy ng hangin , puro mga kastilaloy na yung mga mama (namumula tanga!). Nakaka-dalawang bote na pala ng tres cepas. Nakatatlong lagok pa ko ng alak , at medyo biting nakipagtampisaw sa tubig. Sabihin na nating hindi ako naka-quota sa 3 shot na binigay sa'kin, pinagod ko ang aking sarili sa paglangoy at pasaglit-saglit na pagkanta ng videoke. Habang malapit na ang oras para bumalik sa opisina ang iba ( ala talagang social life ang taga-call center , wawa!) may naglabas ng 2 long neck ng tequila. Hindi ako natuwa. Una, akala ko isa pang tres cepas o kaya'y beer ang ilalatag. Pangalawa, mukhang kokonti lang kaming bubuno ng mga alak na yun. Pangatlo , hindi ata ako praktisado sa brand na yun.
" Pambabae naman yang tequila eh! " sabi ni Jhune.
"O pang -babae naman pala eh ," naisip ko, "kaya ko 'to"
Masyado ata akong nalibang, inabot kami ng gabi sa inuman. Ang pinaka-mabigat , nagbanlaw pa ng red horse. Matagal ko ng alam na kapag nagbanlaw ako ng beer , ku-quota ako. Dahil masaya sige lang. Di ko sukat akalaing o-over quota ako.
"Pre sa'min ka na matulog" alok sa'kin ni Jhune.
"De ! sa'min na ko uuwi" ang yabang ko pa.
"Pre magbuhos ka kaya muna ?" sabi naman sa'kin ni Gerald.
"Di na, kaya kong umuwi" sabay ngiti kay Sipura rank #1 (ehehehehe).

Binaybay namin ang Bulacan, pauwi papuntang Edsa sakay ng isang bus. Sa bus nakatulog ako. Bandang kalagitnaan ng biyahe........... "Susuka ako!" bulong ko sa sarili ko. Pag sumuka ako sa bus nakakahiya. Sa kanan ko ay may mga tao , ganun din sa likuran. Sa kaliwa ko si Gerald, natutulog ata. "Sukahan ko kaya?, wag " Pag sa bintana naman ako ng bus sumuka , baka naman maputol ang ulo ko? Parang nakangiti naman ang bibig nung bag ko ng aking tignan....nag-aalok ng tulong . Kailangan ko pa bang ikwento ang detalye?

Alas -10 (daw) ng gabi kami nakarating ng Edsa-Cubao. Muli na naman akong niyaya ni Jhune na sa kanila na ko matulog.
"Uuwi na ko!" sabay talikod sa mag-asawa at kay Gerald na hindi man lang nagpapaalam. Naka-sampung hakbang lang ata ako, habang nagiisip kung sasakay ng Bus papuntang Baclaran o magta-taxi diretso pauwi. Naisip kong magpahinga muna sa tabi ng poste ng Jollibee. Pag-upo ko sa isang baitang ng hagdan, napakalamig ng simoy ng air-con na lumalabas kada magbubukas ang pintuan ng Jollibee. Nakangiti na naman yung bag ko sa akin! Hiniga ko yung bag ko at ginawang unan. Para kong nanggaling sa napakalayong paglalakbay, hindi ko na napigilan pang pumikit, sobrang pagod.
"Boss....boss... yung cap mo!" sabay abot ng mama sa'kin nung bago kong sumbrero.
"Nasa paradahan na pala ako ng sasakyan nakahiga", sabi ko sa sarili ko. Ansarap talagang matulog. Sabay balik ako sa dati kong pwesto.


Ilang oras pa , pagmulat ng mata ko. Nakita ko, "7-11 ....ano to?"
"Huh? wala pa ko sa bahay? Cellphone ko?" napabalikwas na ko sabay dukot ng cellphone ko sa aking bulsa. Nandun pa.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Hindi pa naman ako hubo't-hubad. Nakasabit pa rin ang aking salamin at sumbrero.
"3:58 AM Tang-ina kailangan ko ng umuwi!"
Mahilo-hilo pa kong tumawid ng kalsada papuntang 7-11, bumili ako ng gatorade , gaya ng dati yung swerteng kulay ang kinuha ko, dilaw.
" Ahhhhhh, thirst quenching!!"
Siguradong pang-commercial yung ginawa kong pag-inom , dire-diretso walang hingahan.
"P120 na lang pala ang natitira kong pera, di na ko makakapag-taxi nito, " habang nakatingin ako sa aking pitaka.
"kung mahal ako ng Diyos makakapag-withdraw pa ko, " sabay lakad pakanan sa Metrobank.
Mukhang sineswerte pa rin ako , nakapag-withdraw pa ko ng pera. Naupo muna akong muli sa tabi ng ATM. Sumuka ko ulit. Kung tinapat ko yung bote ng gatorade sa bibig ko , malamang pwede mo pang takpan at ibenta ulit. Dahil sinuka ko lahat ng ininom ko. Napaupo na naman ako sa tabi ng ATM , napasandig, pipikit na naman sana ako, malamig din dun eh. Presko talaga sa Cubao at wala pang lamok huh? Pero pinilit ko ng tumayo at hinabol yung isang taxi na dumaan. Ang ending , nakauwi din ako sa amin.

Kinaumagahan.......................
"Bakit puno ng suka yung bag mo? " tanong ng nanay ko, habang nakahiga pa ko.
" Tang ina kasi yung kasama ko sa trabaho , sinukahan! " sabi ko, sabay pikit ulit ng mata habang ninanamnam ang lamig ng higaan , parang Cubao.....presko walang lamok.

4 comments:

Lizzz said...

walangya! Ano kaya amoy ng bag?! Wag mong sabihin ginagamit mo parin yang bag mo nho....

MyStRiPeSoCkS said...

YAK!!!!ehehehehe... the adventures of mr. jamin domingo wahahahha

eva said...

hahahha! grabe adventure mo tsong..

Anonymous said...

Ang danda sobra...pwede ka palang writer??? sayang talent mo