Sunday, October 04, 2009

Blog ng isang "nakainom"

Pag tinatanong ang isang taong nakabangga , nakasagasa habang nagmamaneho. "lasing ka ba?" , ang karaniwang tugon, nakainom lang po....

Wala pa yatang blogger na lantarang sinabi to, kung meron man , pakiramdam ko , ako lang ang opisyal na magsasabi nito. Magba-blog ako, pero nakainom ako.

Paumanhin sa mga buwanang bumibisita ng aking blog, pero papapngalanan ko kayong , mga "buwanang dumadalaw". Medyo senglot ako ngayon. Pagtapos kong manalangin , di pa rin ako inaantok. Nakatuwaan ko lang ilathala yung mga di pangkaraniwang mga seremonyas ng iba't-ibang mga tao para lang makatulog...

Ako, pagkaraan ng pukinang-inang Ondoy na lumikha ng hanggang dibdib na taas na baha, di ko na makita yong Vicks ko na kailangan kong singhotin para antukin ako. Pagtapos kong ipahid sa aking kamay , para itong rugby na kailangan kong singhutin tas babahin ako ng mga tatlo hanggang apat na beses bago ako antukin. Dahil halos isang linggo akong di naka-singhot nito , record breaking na pitong bahin ang nagawa ko , sa mga sandaling isinusulat ko itong lathalang ito, aantukin na ko.

Matibay yung isang matandang taga-looban , ikikiskis sa buhangin yung paa para lang antukin.

Si Tohcap naman, isang kumpare. Me ika-apat na bahagi ng isang kulambo para kiskisan ng kanyang paa, upang makatulog. Weird e no?

Si pareng Rico , babasain ng bahagya yung kumot tas itatalukbong tas tatapatan ng electric fan para antukin. Cool eh no?

Si Jason , yung bata na kapit-bahay namin nung nakikitira pa ko sa aking tiyuhin. Kailangang nakahawak sa utong, kahit na anong klaseng utong , brownish , pinkish (yum!) , blackish (ewe!), para antukin. Tigas ng utong eh no?

Yung kumpare ng Erpat ko, maruming unan at kumot para antukin sa pagtulog ang kailangan. Isipin mo , sabi niya, 3 taon ng walang labahan yung unan at lumot este kumot na gamit nya sa pagtulog. Buti di nababasag?

Wala ng titindi pa sa asawa ng kapatid ko. Magkakape bago o para makatulog???

Wish ko lang meron akong makasalamuha na gustong bumatak ng shabu para antukin lang. Tangina , di ako aantukin nun.

Meron daw nagpaparaos muna para makatulog......

O sya, tulog na ko....

Sunday, August 16, 2009

Black Boys Outing

Sa wakas natuloy din ang pinaka-aasam na outing ng Black Boys pagkaraan ng mahabang taon. Mga kababata ko sa kahabaan ng Arellano, mababait kami dati. Libangan na namin ang manggulpi at maghasik ng takot nung kami ay mga tinedyer pa. Pero ngayong halos lahat ay mga tatay na , di na tulad ng dati ang aming kakulitan. Yung iba , ibang level na , ehehehehe. Ginanap noong Agosto 13, 2009 sa Morong, Bataan. Absent si Ragie(SLN), si Eddie Boy , Holdap at si Choky Boy.

Hanapin nyo ko dun sa mga labas ang pwet, ang makapagturo mananalo ng isang iPod touch.

Wednesday, August 05, 2009

Paalam Presidente Cory...










Mga larawan kasama ng aking mga kaibigan habang idinaraan ang labi ng dating Pangulong Corazon Aquino sa kahabaan ng Quirino Highway. Idolo ng demokrasya sa ating bansa . Paalam Tita Cory....


Friday, July 31, 2009

Cool Change

Oo, walang naganap na heksena sa Pampanga. Nitong mga nagdaang Linggo ay naging napakagulo ng isip ko. Mas magulo pa sa buhok mo sa ibaba , bulbol! May natanggap akong elektronikong liham mula sa isang kumpanya na gumagawa ng anti-virus. Job offer daw.

"Tatanggapin ko ba ?" tanong ko sa sarili ko.

"Mag-pray ka Bhabe" payo naman ng aking mahal na kasintahan upang si Lord ang magbigay liwanag sa aking isipan.

Ganun nga ang aking ginawa.

Ipinagdasal ko na sana ay bigyan ako ng tanda , kung lilisanin ko na nga ang kumpanyang matagal ko ng pinaglingkuran , minahal at pinagpuputahan. Me ganon?

Ala-sais ng gabi. Lulan ako ng FX. Bandang likuran. Nakatanaw sa bintana. Magulo pa rin ang isip at di pa rin makapagpasya....

If there's one thing in my life that's missing.
It's the time I spend alone
Sailing on the cool and bright clear waters

There's lots of those friendly people
Showin me ways to go
And I never want to lose your inspiration

Kinilabutan ako ng bahagya sa intro pa lang ng tugtog sa loob ng FX. Naramdaman kong nagtayuan yung balahibo ko, hindi dahil sa lamig kundi dahil sa kanta.

Time for
a cool change...
I know that it's time
for a cool change
Now that my life
is so pre-arranged
I know that it's time
for a cool change

Tama yung kanta. Kailangan ko ng pagbabago. Naisip ko na wala na rin namang maganda pang mangyayari sa kasalukuyan kong trabaho. Tinimbang ko ang sitwasyon. Mahirap ang training sa ibang kumpanya. May natatanggal pa nga raw habang nagsasanay. Andami raw aaralin, laging me eksamin. Kakayod ka daw maigi araw-araw.

"O e ano naman ngayon?" sagot naman ng isa pang bahagi ng aking isip na akala mo ay may pangalawang taong nagbubulong sa akin ng payo.

"Meron pa bang hihirap sa mga dinaanan mo nung mga panahong nag-susunog ka ng kilay habang nagpuputa ka sa isang kumpanya ng pizza?" Idagdag mo pa ang ibang hirap na napagdaanan mo, dagdag kong bulong.

Well I've never been romantic
And sometimes I don't care
I know it may sound selfish
But let me breathe the air.....

Wala na nga pala akong dapat pang ikatakot sa dami ng hirap na napagdaanan ko. Parang panibagong pagsubok lang ito na matagal ko ng niyayakap at dinidilaan. Kung kinaya naman ng iba , kakayanin ko rin kahit me dagdag pang pabigat. Sanay naman tayo sa kutusan.

Kailangan ko na rin talagang kumilos para may bagong oportunidad akong kabakahin. Matagal na din akong nagsilbi sa Concentrix. Me nagbago naman , nadagdagan yung monitor na gamit ko. Dating isang CRT monitor, ngayo'y tatlong magkakadikit na LCD flat-screen HP monitor. Wow!

Pero ganun pa din ang posisyon at sweldo.

Andami ko pang kaibigan sa kumpanya. Pero lilipat lang naman ako ng building sa bago kong trabaho. Magtatama pa rin ang aming mga mata at magkakabungguan ng balikat. Pwede rin silang sumunod duon sa akin. Meron nga lang mga bagong pagsubok , karagdagang oportunidad , bagong kakasamahin, at bagong pag-asa na may pag-unlad na magaganap hindi lang sa aking katauhan kundi sa aking matututunan sa bagong kumpanya.

Nag-reply ako dun sa liham na galing sa HR Manager. Labing-limang minuto ko ding tinitigan yung kontrata bago ko pirmahan. Nagpasa na ako ng resignation kinabukasan. Wala nga pala talaga akong dapat katakutan dahil may Diyos na nagmamahal lagi sa akin. Isang tanda lang ang hiningi ko sa kanya, ngunit dalawang salita pa ang binigay niya. Hindi ukol sa trabaho ang buong kanta, pero yung dalawang salita ay sapat na para malaman ko kung anong dapat kong gawin. Cool Change.

Monday, June 22, 2009

KULABARS

Heto na ako at nagtitipa ng blogs sa aking bagong trabaho. Kamakailan lang ay itinapon ako ng aking kumpanya sa kabilang gusali, nalusaw yung account na sinu-support ko, kinakailangan naming mag-apply ulit , dumaan sa mga pagsusulit at sumailalim muli sa iba't-ibang teknikal na panayam. Anong bago? Heto , tatlo na ang monitor na gamit ko. Okey din no?

Nung marinig ko ang salitang "KULABARS" mula sa aking mga kumpare ay nabanggit ko na hindi pa ito naibubulalas sa malawak na sapot ng Internet kaya kinakailangang dito siya isilang. saka natatawa talaga ako sa salitang ito pag ginagamit na nila sa pangungusap. Malamang ang kahulugan ay palasak na at karaniwang ginagamit pero yung ma-epal na salita ay ngayon pa lamang masisilayan. Kulabars , ang sasabihin pag ang isang dugyot, jologs, ma-jontot na lalaki ay naka-dyakpot ng isang magandang babae, Kulangot tamang Barko. Bakit may "s"? , e di plural form tanga !

Heksena sa MRT

"Card rejected , please proceed to MRT ticket window" pulang error na lumabas matapos kong isalpak ang aking MRT tiket nung pababa na ko sa MRT Taft Avenue. Naisipan kong dun bumaba imbes na sa istasyon ng Guadalupe dahil trip kong lumantak ng bulo-baratong miryenda sa may Citymall.

"Tang inang MRT to , bulok talaga! Tinanggap yung tiket ko sa Cubao station tas dito ayaw ?" me kalakasang tinig ko ng iluwa ang aking tiket.

Nakakunot ang noo ko ng lumapit ako sa ticket window. Isinuot ang aking bibig sa bilog na butas ng salamin at " iniluwa po yung tiket ko!", sabi ko dun sa babaeng abalang nagbebenta ng tiket sa mga nakapilang pasahero.

Nagsalita ang ginang na nagbebenta ng tiket at itinuro ang aking tiket , ngunit di ko mawari at marinig ang kanyang sinasabi dahil ayaw nyang tumayo sa kanyang kinauupuan o lumapit sa akin.

"Ano daw?" , pasigaw kong tanong sa mamang meron ding problema sa kanyang tiket na pumila rin sa naturang ticket window.

"Tang ina naman kasi ayaw akong lapitan para maintindihan ko yung putang-inang sinasabi ng putang-inang to!" bulalas ko sa aking katabi habang minumuwestra ko sa ginang na hindi ko sya marinig.

"Yung tiket mo daw!" sabat nung mama habang iniabot muli sa akin ang naturang "tiket" na diumano ay mayroong problema.

Tsaka ko lang napagtanto na LRT-II tiket pala ang pinipilit kong isalpak!

Kinuha ko ang MRT tiket sa aking wallet at maluwag akong pinalagpas ng kanilang ticket machine. ehehehehehehe.....

Heksena sa HAP-CHAN

"Pre lasing ka na ah?" wika ng aking kumpare matapos naming mag-inuman kina Ateng upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan (Happy Birthday Bhabe! Mmmmwah ! Tsup! Tsup!, ehehehe).

"Hindi pa kapatid" sagot ko naman habang binubuklat ang menu upang pumili ng aming mao-order.

" Ano pinag-kaiba nitong Chu-chay dumpling sa ordinaryong dumpling?" tanong ko sa waitress ng restawrang nagsisilbi ng da best na noodles at siomai.

"Cu-chay po iyan sir, me gulay" sagot ng waitress.

O di ba? Cu-Chay pala at hindi Chuchay. Hindi pa lasheng, ehehehehe.

Bakit ako merong H sa eksena? Kasi pupunta kami Pampanga. Sa susunod ang iba pang heksena.

Saturday, May 30, 2009

Pambansang Araw ng Watawat


Watawat

Habang binabaybay ang kahabaan ng Espanya papasok sa tanggapan , napuna ko ang napakaraming nakapaskil na anunsyo ukol Pambansang Araw ng ating Watawat. Noong una , hindi ko masyadong inintindi ang naturang anunsyo dahil hindi ko nakita kung kailan ito ipagdiriwang (kailan ko lang nalaman na Mayo 28 pala), dahil na rin sa may kadilimang lugar kung saan ito nakasabit. Ilang minuto pa ay malapit na ako sa Cubao, napatingin ako sa tsinelas ni Dudong (si Bay tanga!) na kaharap ko lamang sa bandang hulihan ng jeep. Kulay ng bandila ng Pilipinas ang disenyo ng kanyang pansapin sa paa. Pula , asul, puti at dilaw , kumpleto sa tatlong bituin pati sinag ng araw. Alam kong parang nakita ko na to na binebenta sa Divisoria pati na rin sa iba pang palengke na aking nadaanan.

Limang araw bago kantahin ni Martin Nievera ang kontrobersyal na Lupang Hinirang sa laban ni Pacman kay Hatton , nais ko na sanang magbigay ng maagang komento ukol sa nababanaag kong , sabihin na nating maaring paglabag na magagawa nya. Hindi ko na ito naisulat dala na rin ng aking pagiging masyadong abala nuong mga nakaraang araw o sa madaling salita'y , tinamad ako. Ngayon di ko na mapalampas na di magbigay ng komento ukol sa mga ginagawa ng iba nating kababayan na masasabi kong kalapastanganan na siguro o maaring paglabag na rin sa batas.

Prohibited acts

"It is prohibited to deface or ridicule the flag, to dip the flag as a salute, or to add additional marks of any nature on the flag. It may not be used as a drapery, festoon, tablecloth, as a covering for objects, or as part of a costume or uniform.

Several commercial uses of the flag are prohibited, including using the flag as a trademark or for commercial labels or designs. It is forbidden to use the image of the flag on merchandise, or in any advertisement. It also may not be used as a pennant in the hood, side, back and top of motor vehicles;

The flag may not be displayed horizontally face-up, or under any painting, picture or platform. It may not be displayed in "places of frivolity", defined in the Flag Code as marked by "boisterous merriment or recreation".

Siguro naman hindi ko na kailangang tagalugin pa ang nasabing talata sa itaas na maliwanag na nakalagay sa ating batas. Ang tanong , meron pa ba tayong hindi pa nagagawa sa paglabag na ito? Kinulang pa kamo yung mga talaan ng mga posibleng paglabag , merong earphone, mouthpiece , salawal , tsinelas, jacket , polo na hindi lang kulay ng ating bandila ang ginaya kundi yung halos buong disenyo. Meron na rin akong nakita na may nakalimbag na titik sa ating bandila, madalas yan lalo na pag boksing.

Okey lang sana kung ang talagang dahilan ng paggawa ng mga naturang mga bagay ay dahil sa pagmamahal sa bayan. Yun kayang mga taong nagsusuot ng mga ganun ay tunay na makabayan o pumoporma lang?

Piyesta de Halili

Dagonoy na lang ata ang wala pang scandal, dyan ako nagtapos ng kindergarden. Lahat ata ng probinsya at Unibersidad at Paaralan meron ng scandal . Laguna Scandal, Batangas Scandal , La Salle Scandal , PLM Scandal , tinurbo sa banyo, binondyobi sa traysikel , kinabayo sa kanto at kung anu-ano pa , lahat yan nakuhaan palihim at hindi palihim , ikinalat sa pamamamagitan ng asul na ngipin (bluetooth tanga !) sa cellphone, pag low tech ka infra-red lang, inupload sa internet at napanood ng bawat sambayanang Pilipino bata man o matanda, mukhang unggoy o wala. Ang punto ko , dati pa yan, nuong mga panahong virgin pa ko , meron na , wala ng bago . Nung lumantad ang KH-HK Scandal , sinakyan ng mga kagulang-gulang at pagkatatalinong mambubutas este mambabatas , iimbestigahan daw "in aid of legislation" !!! HALEEEER??? Mawalang galang na po (at ayaw ko talagang igalang), ayon sa aking 2 minutong pagsasaliksik , meron nang nakatenggang 14 na batas ukol sa malalaswang ganito na nuon pang 2007 pa ipinasa at hanggang ngayon ay hindi pa nagiging ganap na batas. Juice ko po titser , ano naman ang iimbestigahang bago dito? Nagmimistulang piyesta lang talaga ang pagdinig at gaya ng iba pang imbestigasyon , wala ring mangyayari !

Meron akong suhestiyon. Yung Senado gawing NBI tas yung mga taga-NBI ang pagawain ng deliberasyon para mapabilis ang pagpapasa ng batas.

Maagang Kampanya

Hindi pa raw sila nangangampanya sa mga pinag-gagagawa nila . O siya , kunwari tanga kaming mga botante't manunuod , naniniwala kami kunwari na serbisyo publiko lamang ang mga advertisement na napapanuod namin sa telebisyon.

Espesyal para sa akin yung padyak komersyal ni Senador Mar Roxas , me dating ikanga kasi si Jamongoloids ay dating taga-padyak nung hayskul. Taft papuntang Arellano-Zapanta ang biyahe natin. Sa nipis ng ating katawan nung tayo'y bata pa , alam natin ang hirap ng pagpapadyak. Pero kung ako ang magdidirihe ng naturang komersyal ay ganito ang ibabanat natin para mas makasundot ng konsensya at makadale ng mas maraming botante. Tatak Jamongoloids ikanga, and it must be good !

Girl: (tumatakbo) Kuyaaa... (sumakay sa pedicab kasama si Mar Roxas)
Mar Roxas: Uy, ilang taon ka na?

Boy: Si Rami po anim, ako po trese.
Mar Roxas: Anong pangarap nyo?
Boy: Seaman sana.
Girl: Ako po, artista.
Boy: Pero hindi ko na iniisip. Kanya-kanyang kayod po dito. Walang maayos na trabaho. Walang pambili ng gamot.

Mar Roxas: Anak itabi mo. Ako na. Sama-sama tayo. Hindi ko kayo pababayaan. Lalaban tayo

Pagdating sa paroroonan, bumaba na si Mar Roxas.

Mar Roxas: (inilahad ang kamay sa bata) bayad?

Boy: po?

Mar Roxas: aba ako ang pumadyak di ba? Dapat ako ang bayaran nyo , ba' hirap ding pumadyak.

Boy: Ayus din!

Dyok lang po ! Iboto po natin si Mar Roxas kung gusto nyo. Ako si wisely ang iboboto ko , ehehehe.

Wednesday, May 20, 2009

testing

testing...testosterone, testicles, testes....testing only...