Sunday, June 18, 2006

Used to Be

Isang kaibigang bakla ang may paborito ng awit na'to , napaka-makahulugan ng bawat linya at karaniwang maririnig lang sa mga pang-senting istasyon gaya ng 96.3 . Ganda ng pagkaka-bira ng kantahin 'to minsan ni Gary V. sa isang pang-lingguhang palatuntunan sa telebisyon. Ka-duet dito ni Stevie Wonder si Charlene , ang umawit ng "I've Never been to me" . Pakialam ko kung di mo alam.......
Title: Used to be
Artist: Stevie Wonder & Charlene
Superman was killed in Dallas
There's no love left in the palace
Someone took the Beatles' lead guitar
Have another Chivas Regal
You're 12 years old and sex is legal
Your parents don't know where or who you are
Used to be the hero of the ballgame
Took the time to shake the loser's hand
Used to be that failure only meant you didn't try
In a world where people gave a damn
Great big wars in little places
Look at all those frightened faces
But don't come here, we just don't have the room
Love thy neighbours wife and daughter
Cleanse your life with Holy water
We don't need to bathe, we've got perfume
Used to be a knight in shining armour
Didn't have to own a shiny car
Dignity and courage were the measure of a man
Not the drugs he needs to hide the scar
Can your teacher read, does your preacher pray
Does your president have soul
Have you heard a real good ethnic joke today
Mama took to speed and daddy ran away
But you mustn't lose control
Let's cut the class, I got some grass
The kids are wild we just can't tame 'em
Do we have the right to blame them
We fed them all our indecisions
We wrecked their minds with television
But what the hell, they're too young to feel pain
But I believe that love can save tomorrow
Believe the truth can make us free
Someone tried to say it, then we nailed Him to a cross
I guess it's still the way it used to be

Bakit kaya Mongoloids ???

-------------------------->>Mongoloids with Cookie Chua , itaas mo!!!


Bakit kaya walang nagtatanong kung bakit jamongoloids ang pangalan ng site ko? Marahil normal na sa'kin ang pagiging abnormal kaya wala ng nagtataka. Hindi nila alam na ang lahat ay may pinag-ugatan. Ang mongoloids ay pangalan ng isang grupo sa PLM (hindi to Pamantasan sa Likod ng Mapua huh? tang ina nyo !) Opo , meron pong mga abnormal na nakapagtapos ng lihim sa unibersidad na pinapalakad ng buwis ng mga ManileƱo. Nabuhay ang mongoloids nung second year college kami. Nahihirapan kaming maghanap ng ngalan ng grupo sa programming. Mga advanced at hi-tech ang mga pangalan ng ibang grupo na nagpasa. Di ko lang matandaan kung sino yung ugali ng sabihing "Uhm! Mongoloids" sabay batok , imbes na sabihing tanga yung kausap. Kaya napag-kasunduang ito na lang ang maging opisyal na pangalan ng grupo. Hindi maiwasan ng aming propesora ang matawa ng basahin nya isa-isa ang mga pangalan at miyembro ng grupo. Dilaw ang kulay ng pahina ng aking blogs dahil eto rin ang kulay ng diskette na gamit namin. Wag mo ng itanong kung bakit naman may berdeng kulay ha? Kabaligtaran ng pagiging special child ang ginawa nang mga mongoloids nung nasa kolehiyo. Kung isa ka sa mga saksi, baka pangarapin mong magka-anak ng isang mongoloids balang-araw. Hanggang ngayon ay eto pa rin ang tawagan sa aming grupo. Kung papalarin, baka ang Mongoloids Inc., ang tumapat sa Microsoft Inc., sa mga nalalapit na panahon. (Sabay kanta ng , "pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa.....").

Araw ng kamatayan ni Erpats nung June 12 ,10:00 AM. Hindi ako nakapunta ng sementeryo o naka-inom para magpaka-senti pero nakapagsimba naman ako para ma-ipagdasal sya. May mga bagay talagang napaka-hirap kalimutan , napakalinaw pa ng mga malungkot na senaryo na alak lang ang pwedeng bumura para pansamantala mong makalimutan. Naalala ko na ang mga mongoloids din ang nagpalakas ng loob ko nung ayaw ko ng ipagpatuloy ang pag-aaral kasi para sa'kin wala ng silbi, dahil pumanaw na yung taong nagbibigay sa'kin ng inspirasyon para magpursige at makatapos ng pag-aaral kahit sobrang hirap. Buti naliwanagan ako na ang lahat ng tao ay lumilisan sa mundo, ang Diyos ay may dahilan kung bakit nya kinukuha ang isang tao sa buhay mo. Tignan mo tatay mo, mamamatay din.....

Saturday, June 03, 2006

Presko pala sa Cubao

Sa wakas , natuloy din ang pinakaaabangang Team Bonding ng Esca. Para akong batang sabik sa tubig , minamadali ko pa si JP sa call nya , may dagdag pang mura kse kanina pang umaga nagsialisan yung mga GY peeps , naiwan kami kase nga alas-9 pa ang labas nitong si kupal, nakuha pang um-attend ng training pagkatapos ng shift. Antibay talaga...

Bitbit ang isang mapa , tumulak na kami papuntang Bulacan. Pagdating namin dun mukhang iba na ang simoy ng hangin , puro mga kastilaloy na yung mga mama (namumula tanga!). Nakaka-dalawang bote na pala ng tres cepas. Nakatatlong lagok pa ko ng alak , at medyo biting nakipagtampisaw sa tubig. Sabihin na nating hindi ako naka-quota sa 3 shot na binigay sa'kin, pinagod ko ang aking sarili sa paglangoy at pasaglit-saglit na pagkanta ng videoke. Habang malapit na ang oras para bumalik sa opisina ang iba ( ala talagang social life ang taga-call center , wawa!) may naglabas ng 2 long neck ng tequila. Hindi ako natuwa. Una, akala ko isa pang tres cepas o kaya'y beer ang ilalatag. Pangalawa, mukhang kokonti lang kaming bubuno ng mga alak na yun. Pangatlo , hindi ata ako praktisado sa brand na yun.
" Pambabae naman yang tequila eh! " sabi ni Jhune.
"O pang -babae naman pala eh ," naisip ko, "kaya ko 'to"
Masyado ata akong nalibang, inabot kami ng gabi sa inuman. Ang pinaka-mabigat , nagbanlaw pa ng red horse. Matagal ko ng alam na kapag nagbanlaw ako ng beer , ku-quota ako. Dahil masaya sige lang. Di ko sukat akalaing o-over quota ako.
"Pre sa'min ka na matulog" alok sa'kin ni Jhune.
"De ! sa'min na ko uuwi" ang yabang ko pa.
"Pre magbuhos ka kaya muna ?" sabi naman sa'kin ni Gerald.
"Di na, kaya kong umuwi" sabay ngiti kay Sipura rank #1 (ehehehehe).

Binaybay namin ang Bulacan, pauwi papuntang Edsa sakay ng isang bus. Sa bus nakatulog ako. Bandang kalagitnaan ng biyahe........... "Susuka ako!" bulong ko sa sarili ko. Pag sumuka ako sa bus nakakahiya. Sa kanan ko ay may mga tao , ganun din sa likuran. Sa kaliwa ko si Gerald, natutulog ata. "Sukahan ko kaya?, wag " Pag sa bintana naman ako ng bus sumuka , baka naman maputol ang ulo ko? Parang nakangiti naman ang bibig nung bag ko ng aking tignan....nag-aalok ng tulong . Kailangan ko pa bang ikwento ang detalye?

Alas -10 (daw) ng gabi kami nakarating ng Edsa-Cubao. Muli na naman akong niyaya ni Jhune na sa kanila na ko matulog.
"Uuwi na ko!" sabay talikod sa mag-asawa at kay Gerald na hindi man lang nagpapaalam. Naka-sampung hakbang lang ata ako, habang nagiisip kung sasakay ng Bus papuntang Baclaran o magta-taxi diretso pauwi. Naisip kong magpahinga muna sa tabi ng poste ng Jollibee. Pag-upo ko sa isang baitang ng hagdan, napakalamig ng simoy ng air-con na lumalabas kada magbubukas ang pintuan ng Jollibee. Nakangiti na naman yung bag ko sa akin! Hiniga ko yung bag ko at ginawang unan. Para kong nanggaling sa napakalayong paglalakbay, hindi ko na napigilan pang pumikit, sobrang pagod.
"Boss....boss... yung cap mo!" sabay abot ng mama sa'kin nung bago kong sumbrero.
"Nasa paradahan na pala ako ng sasakyan nakahiga", sabi ko sa sarili ko. Ansarap talagang matulog. Sabay balik ako sa dati kong pwesto.


Ilang oras pa , pagmulat ng mata ko. Nakita ko, "7-11 ....ano to?"
"Huh? wala pa ko sa bahay? Cellphone ko?" napabalikwas na ko sabay dukot ng cellphone ko sa aking bulsa. Nandun pa.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Hindi pa naman ako hubo't-hubad. Nakasabit pa rin ang aking salamin at sumbrero.
"3:58 AM Tang-ina kailangan ko ng umuwi!"
Mahilo-hilo pa kong tumawid ng kalsada papuntang 7-11, bumili ako ng gatorade , gaya ng dati yung swerteng kulay ang kinuha ko, dilaw.
" Ahhhhhh, thirst quenching!!"
Siguradong pang-commercial yung ginawa kong pag-inom , dire-diretso walang hingahan.
"P120 na lang pala ang natitira kong pera, di na ko makakapag-taxi nito, " habang nakatingin ako sa aking pitaka.
"kung mahal ako ng Diyos makakapag-withdraw pa ko, " sabay lakad pakanan sa Metrobank.
Mukhang sineswerte pa rin ako , nakapag-withdraw pa ko ng pera. Naupo muna akong muli sa tabi ng ATM. Sumuka ko ulit. Kung tinapat ko yung bote ng gatorade sa bibig ko , malamang pwede mo pang takpan at ibenta ulit. Dahil sinuka ko lahat ng ininom ko. Napaupo na naman ako sa tabi ng ATM , napasandig, pipikit na naman sana ako, malamig din dun eh. Presko talaga sa Cubao at wala pang lamok huh? Pero pinilit ko ng tumayo at hinabol yung isang taxi na dumaan. Ang ending , nakauwi din ako sa amin.

Kinaumagahan.......................
"Bakit puno ng suka yung bag mo? " tanong ng nanay ko, habang nakahiga pa ko.
" Tang ina kasi yung kasama ko sa trabaho , sinukahan! " sabi ko, sabay pikit ulit ng mata habang ninanamnam ang lamig ng higaan , parang Cubao.....presko walang lamok.

Wednesday, May 17, 2006

Sobrang Liwanag


"Si Boging to , punta ka sa San Isidro church bukas. Ginawa kitang Ninong ng anak ko". Akala ko death threat yung natanggap kong text . Hindi ko sukat akalaing manggagaling ang imbitasyon sa pinakatahimik at pinakaseryoso kong pinsan . Naglaro na naman ang aking imahinasyon , gusto kong palitan yung mensahe ng " Si Boging to , punta ka sa San Isidro church bukas , kung gusto mo pang makitang buhay ang anak mo! " Ayos di ba?
Kinabukasan, kahit isang oras lang ang tulog ko, pinilit kong bumangon . Malas daw kapag tumanggi sa binyag. Kaya dinala ako ng mga paa ko sa binyag ng pang-21 kong inaanak. Ang San Isidro church ay malapit na sa Pasay, halos dalawang sakay galing sa'min . Para ka lang nagpunta sa kapilya sa'min pag punta ko sa simbahan. Halos taga- sa'min ang mga makikita mo don. Ayaw ko ng magbigay ng komento kung bakit ayaw nilang magpabinyag dun sa malapit na simbahan sa aming lugar. Parang ako lang ang nakakaintindi dun sa sinasabi ng bumbay na pari habang ginaganap ang binyag . Marami yata akong kaibigang bumbay sa trabaho. Muntik na kong bumunghalit ng tawa ng tapikin ako ng isa ko pang pinsan sa likuran, "Kaya pala amoy-keso , puro daga ang binibinyagan" . Binibinyagan kasi yung anak ni Jeff at Boging . Parehong tukso sa kanila "Daga".
" Kakauwi mo lang ? Senglot ka pa no? " tanong ko.
"Ala pa nga kong tulog eh" balik naman ng pinsan ko , sabay akbay sa'kin.
"Naka-condom ka na naman huh?" sabay nguso sa bonnet nya, tawag kase sa kanya Ren Burat.
"Lol , ang init dito ah?" sabi nya.
Parehas kaming napatingin dun sa spotlight na hawak nung isang mama sa tabi ng bumbay na pari. Lahat ng may hawak sa mga sanggol ay nakakunot-noo at medyo nakangiwi dahil sa init na nagmumula sa ilaw.
" Old fashion eh no? Dinala pa rito." komento ng pinsan ko tungkol sa spotlight.
" Tang ina , kanino kaya yan? Ang init eh!" sabi ko naman.
"Sa 'min po yan , bakit? " sabi nung mama na katabi lang pala namin at narinig lahat ng sinabi namin tungkol sa spotlight.
" Sobrang liwanag no? " ang mala-plastik kong tugon habang nagkatitigan kami ng pinsan ko na hindi malaman ang gagawin sa pagpigil sa tawa.
Buti na lang , bigla siyang tinawag nung isang nanay sa harapan para magpa-alalay dun sa isang bata , kung hindi, di ko alam kung saan pa mapupunta yung usapan.
Kahapon.....
Sa harapan ng simbahan ng Estrada , kung saan dapat binyagan yung mga batang dinala pa sa malayong simbahan . Maririnig yung kantang "Life Goes on" ni 2pac , tapos maya-maya "One Last Cry" ni Brian McKnight tas susundan ng "Open Arms" . Hindi po tamang senti or hip-hop yung pari sa simbahan. Libing ng paborito kong tayain sa larong eat bulaga. Natatandaan ko pa, dalawa silang malusog sa grupo , si pareng jay-r at tsaka sya. Dahil mas bespren ko si jay-r , magpapataya ako sa kanya , tapos pag ako na ang taya sya lang ang tatargetin ko para maging taya. Kahit paunahin mo pa syang tumakbo , 100 % aabutan ko sya sa bagal nyang tumakbo. Kaya balagoong to sa'min eh.
Kaso lang bumigay na sya sa laro ng buhay. Pagod na rin siguro sya sa kakatakbo. Napakabata pa nitong kumpare ko. Bata pa rin yung iniwan nyang 2 tsikiting. Madami pang mga kwentong pinagsamahan namin , pero di na angkop para maibrodkast pa sa blog ko. Hanggang dun na lang talaga siguro sya. Pagpasok ng kabaong nya sa nitso , nagpaalam na ko sa kaibigan ko. Bye Ragie !
Title: Open Arms
Artist: Journey
Lying beside you, here in the dark
Feeling your heart beat with mind
Softly you whisper, you're so sincere
How could our live be so blind
We sailed on together
We drifted apart
And here you are by my side
So now I come to you, with open arms
Nothing to hide, believe what I say
So here I am with open arms
Hoping you'll see what your love means to me Open arms
Living without you, living alone
This empty house seems so cold
Wanting to hold you, wanting you near
How much I wanted you home
But now that you've come back
Turned night into day I need you to stay.
(chorus)

Saturday, April 29, 2006

Paano Masusumpungan ang Kabaitan ?


Pagkatapos kong makipag-EB sa isang ka-textmate , sumakay na ko ng FX papuntang Cubao. Mainit pa rin ang singaw ng air-con, para kang niluluto sa loob. Tumunog ang cellphone ko , si Barney Boy nag-text , tinatanong kung san daw kami magkikita-kita at wala daw nakakaalam ng papunta sa bahay ng ikakasal . E sinabi ko na kahapon pa , nireplyan ko sya ng ganito , " Antigas din ng t*t* mo eh no ? sabi ng sa 7-11 sa Gateway!". Tinext ko rin ang mga ka-tropang globe users para magtanong kung paano makakapunta , swerteng nag-reply si Piglet ng eksaktong direksyon , kung saan sasakay , bababa. Hanapin daw ang Kabaitan St. na nasa Karangalan Village. Hindi ko sukat akalaing masisira ang ulo ko sa paghahanap ng mahiwagang letra . Letrang K.

Nagsimula ang aming pakikipagsapalaran ng mag-U turn na yung FX , ibinaba kami sa Karangalan Village II. Hanggang dun na lang daw. Binaybay namin ang overpass, para kang naglalakad sa disyerto ng makarating kami sa kabilang kalye. Kasipagan St. , Kalusugan St, Katapatan St. ,....lahat ng maisip mong magagandang katangian na nagsisimula sa letrang K . Sabi ko " Eto na pre malapit na na tayo , kse Kalinisan St. na 'to , eh next to cleanliness is Godliness, may kaugnayan na to sa Kabaitan! " . Ilang kanto pa , mukhang maaabot na namin yung Katapusan , " Hindi kaya sa Katarantaduhan St. nakatira yun?" kaya nagtanong na kami sa tricycle driver. " Anong Karangalan ? Pasig o Cainta? " Sabi ko "huh? dalawa pala yun?". Sumakay kami ng taxi para pumunta dun sa kabila , e si Manong driver mukhang nalito din sa mga K , binaba na kami sa entrance nung kabilang Karangalan Vill. Bago kami makalayo , tinanong na namin kaagad kung may Kabaitan. "Phase 1 o Phase 2?" Muntik ng malaglag yung panga ko, gusto kong sumagot ng "Tooth Phase". Tinawagan ko na si Tin2x, sabi nya dapat daw sa Phase 2 -A . Lakad na naman kami ni Barney Boy sa overpass, kahit naliligo na kami sa pawis. Bago kami magsimulang maghanap , nagtanong na kami sa isang side car boy. " Pes 2 eh? Pes 2 eh? " sabi ko " Opo Phase 2 -A po" . "Kaya nga Pes 2 Eh , dun sa likod ng Caltex ! ".

"Heto na Kapatid ! hehehehehehehe" nasabi ko kay Barney Boy . "Pes 2 eh ? Pes 2 eh? Nandeto na kame! ". Tinahak namin yung maalikabok na daan, nakita ko na yung gate Phase 2-A. Tinanong na namin yung isang Ale , " Huy Kabaitan daw? " . Nagtaka naman ako bakit di nya alam. Hanggang merong isang nakarinig tinuro kami dun daw sa banda run. Pagdating dun sa banda run. May pinagtanungan kami .Tinanong nya pa dun sa tatay nya kung saan ang Kabaitan, sa likod daw ng Caltex . Ulit? Lakad na naman kami ni Barney Boy pabalik, malapit na naman kami sa palabas ng Gate , may nakita akong mama sa tabi ng gate. Mukhang Veterans , malaki ang tyan na nakahubad. Sabi ko " Eto mukhang hindi pa ginagawa ang Karangalan Village nandito na to si Manong" . Saulado ni Manong ang unang limang kalye , pero pinanghinaan ako ng loob ng mapunang hindi nya alam ang Kabaitan. Pumasok si Manong sa loob nang bahay nya , naglabas ng upuan at may inilabas ......TAAADDDAAAANNNN!!!!! Si Manong ay may MAPA ng buong Village ! Kinusot-kusot ko pa yung mata ko para mabasa yung pagkaliliit na letra dun sa mapa. Pagdating namin sa bahay ng mag-asawa, na-straight ko yung laman ng isang buong bote ng pale pilsen sa uhaw at pagod. Pagkatapos ng 2 oras na paghahanap nung araw na yun may isang importanteng aral akong natutuhan na pwede nating gamitin sa ating buhay, Ang Kabaitan ay nasa dulo ng Karangyaan na nasa loob ng Karangalan (Pes 2 eh). Kudos sa bagong kasal.

Wednesday, April 12, 2006

Mga gabay para sa maayos na pagre-Resign

Bungi-bungi na ang mga upuan dito sa’min .Kapansin-pansin ang kakulangan ng mga tao dahil sa dami ng mga nagre-resign. Siguro di na ko magugulat kung yung “team” tawagin na lang “squad” sa mga susunod pang mga buwan. Mga eksenang , “ pakisagot po yung waiting sa LVS pagkatapos mo dyan sa Internal Escalation na ita-transfer mo pa sa RMA, habang sumasagot ka ng Email at nakikipag-chat !” .
Habang nagmumuni-muni sa FX, naisip kong gumawa ng “Mga Gabay para sa Maayos na Pagre-Resign”. Pwedeng hindi to lapat sa mga ibang nagta-trabaho pero bagay siguro ito sa mga kasama ko. Paumanhin sa mga maling tagalog, kasalukuyan pa akong nagsasanay.

Siguraduhin mong may lilipatan ka na pag nag-resign ka . Ito yung mga tipong naka-pirma ka na ng kontrata at alam mo na mataas yung sweldong matatanggap at napag-alaman mo na maganda talaga yung kumpanyang lilipatan. Kung ala pa, mahiya ka sa mga magulang mo na magpapalamon sa’yo habang ikaw ay maghahanap ng panibagong trabaho na di mo alam kung kailan mo masusumpungan. Pwede ‘to kung meron kang sugar mommy/daddy o kaya gay benefactor na handang sumustento sa’yo habang pinagpapasasaan nila ang mura mong katawan at inuubos ang iyong lakas.

Pag nag-resign wag ka ng babalik, siguraduhing pinal na ang iyung desisyon. Bagamat may mga kumpanyang tumatanggap ng mga nagbabalik-loob, minsan magbabalik ka sa simula kaya sayang lang ang mga pinaghirapan mo, sasalubungin ka ng mga dati mong kasama ng “Maligayang Pagbabalik!” depende to sa’yo kung may katigasan ang iyong mukha. Wala ‘tong pinagkaiba sa nangyari sa’kin nung bata pa ako , lumayas ako ng umaga , sa sobrang gutom ko , bumalik din ako pagkatanghali.

Ilagay ang resignation letter sa tamang lalagyan. Iwasang ilagay ang liham sa puting sobre, para kang nag-aabot ng pakimkim o kaya abuloy. Lalong wag mong ilalagay sa airmail tapos lalapit ka sa bisor na naka-body bag dahil mukha kang messenger nun. Mas mainam kung pipili ng medyo pormal na kulay, gaya ng dilaw. [TIP#1: maraming magandang sobre sa tabi ng printer malapit sa MIS , papatungan mo na lang ng pangalan] Kung walang sobre , itupi lang ‘to ng maayos o gamitin ang natutunan sa Origami para astig.

Mag-iwan ng positibong damdamin sa e-mail. Naging kaugalian na ng mga nagre-resign na magsend ng email sa buong grupo , pati manager kasama. Mas kaaya-ayang basahin ang mga taong nagpapa-alam na may positibong damdamin sa kanilang mga liham, ito yung mga tipo ng taong nagpapasalamat sa kanilang mga natutunan at natulungan ng kumpanya sa aspetong pampinansyal. Dati TCP/IP hindi pa alam ang kahulugan ,nung umalis na sa kumpanya pwede nang Network Admin, dating umiinom lang ng Nescafe 3 in 1, dahil sa trabaho , ngayon Iced Caramel Macchiato (Starbucks ‘to timawa!) na ang nilalagok. Mga dating aliping saguiguilid na marunong tumanaw ng utang na loob.

Kung nais ipahayag ang sama ng loob , sige lang. May mga taong hindi talaga mapigilang magpahayag ng masasamang saloobin , okey lang ito. Pumili ng maayos at propesyunal na salita habang ipinapahayag ang disgusto sa kumpanya , maaring maantig mo ang matigas na puso ng mga namamahala at maiisip nilang meron din silang pagkakamali na maari nilang baguhin. Wag magmumura sa iyong liham. Kung ang kumpanya mo ay yung gumagawa ng I-Fish Cracker na nahuli sa BITAG ng Tulfo Brothers , eto mumurahin mo talaga , susuportahan pa kita! Wag gumamit ng “anonymous name” sa email, ito ay kung lalaki kang may paninindigan at dala mo ang bayag mo. Kung babae ka naman , kung dala mo ang obaryo mo.

Suriin ang liham bago ipadala. Maiiging repasuhin kung may maling salita, pagbaybay, etc.,dahil nakakahiya sa napakaraming taong makakabasa. Okey lang iwanan yung titulo sa email pero wag na siguro masyadong mahaba , gaya ng Senior Product Support Specialist ,okey na to , tanggalin na yung ECE , MCP, DPWH , SSS , GSIS, Best in Aux. Okey lang iwanan yung mga quotes kasi nagiging pangganyak ito sa mga makakabasa , tipo bang “If A is success in life, then A equals x plus y plus z. Work is x; y is play; and z is keeping your mouth shut”. Ang impresyon ng nagbabasa , “okey to ah” Iwasan yung mga gaya ng “ Do not extend any part of your body outside the bus” o kaya “ Keep ticket for inspection” tanggalin na to.

Wag kalimutan ang taong hinahangaan. May mga taong hindi na pinapaabot sa lahat ang pagre-resign at nagpapaalam na lang sa mga taong malalapit sa kanya. Wag kalimutang I- Bcc ang iyong crush . Ilagay ang bagong email address pati na rin ang numero ng iyong cellphone. Malay mo maging mag-textmate kayo, kalaunan baka humantong kayo sa “ Pinakamalinis, Pinakamagalang, Laging Bago”. Sayang yon di ba?

Wag manghihikayat. Hindi mo na kailangang hikayatin pa ang mga tao na mag-resign , hayaan silang mag-desisyon para sa sarili , isa pa , ang pagre-resign ay nakakahawa. May mga dahilan kaya ang mga empleyado ay hindi umaalis sa kumpanya. Maaring kuntento sila sa sahod at masaya pa rin sila sa pamamalakad ng nakatataas. Pwede ring dahil sa kanilang mga, idolo, espesyal na kaibigan, matalik na kaibigan, tanging iniibig, utang na binabayaran , mahahalagang pagsasanay na binibigay, mapang-hamon na trabaho o nagpapalawak ng karanasan.

Pagisipan ng mabuti ang pagbibitiw sa trabaho. Sampung beses mong isipin kung tama ang gagawing hakbang para hindi magsisi sa bandang huli. Mas mabuti kung hihingi ng payo sa kaibigan. Kung ang iyong pag-alis ay para sa ikabubuti mo, gaya ng pagpunta sa abroad, hindi ka rin naman siguro pipigilan.. Isa lang daw ang dapat mong isipin kapag nagtatrabaho ka sabi ng aking propesora nuon sa kolehiyo . If you’re not happy with your job , you resign, ok? Get one half sheet of yellow pad paper”.

Sunday, April 09, 2006

Ouch!!!

Hirap talaga pag nadidikit ka sa mga siyentipiko, inabot kami ng 12 ng tanghali ni Barney Boy sa laboratory para matesting lang yung Sipura, paglabas ko feeling ko si Einstein na ko , sya siguro si Galileo, pag-uwi ko sa bahay mga bandang 2:00 pm para na kong bulateng gumagapang sa higaan. Ginising ako ni mother ng mga 7 ng gabi , as usual , kahit alam nyang magagalit ako pag ginigising , alam ko natatakot ang aking ina kase halos lumutin na naman ako sa higaan . Alang kainan o inuman ng tubig , kandila na lang ang kulang , isang makatotohanang pagganap bilang isang tunay na bangkay ang matatamo kong award. Anong panama ng tumitira ng katol sa tagal kong matulog ? Di ko na nga ma-break yung sarili kong record na 18 hours na tulog eh. Pagkasabi kong kakain na lang ako maya-maya, yung mamaya ko naging alas 3 na ng madaling araw. Ilang bote ng alak na naman ang pinalampas ko ng mga araw na yon, bumangon na ako, nararamdaman kong nagsasalita na yung sikmura ko sa gutom. Pagkatapos kong kumain , napansin ko na naman yung nabondat kong tyan, kailangang paliitin pa ito, baka hindi akong tanggaping pulis ni Ping Lacson , anong panama ng mga chinese monk pag nagdyeta na ko , kaya binuhat ko na yung MBsBnB ko (Makasabog Betlog sa Bigat na Bike) ratsada ko sa PICC.
Sa PICC , maririnig mong may sumisigaw na "O yung mga taga-Letran dito!!!" Halatang araw ng pagtatapos , ako naman dinarama ko kung may pawis na sa likuran ko ....., ala pa rin , konti pa , sige pa Jamo , padyak pa ! Mas mabilis para pawisan .......ayaw pa rin , sige pa padyak ! Pagbaling ko sa gilid ng manibela , may nadaanan akong lubid na nasa lapag, sinagasaan ko yon, sa wakas pinagpawisan din ako ! Kaso lang sumemplang na pala ako. Muntik na naman akong maging butiki , humahalik sa lupa. Kaya ako pinagpapawisan , kse may pepperoni na ko sa tuhod (sugat bobo!) ansakit! Ganun pala kapag kumakayod ang laman sa aspalto , full of friction pero alang sound! Buti na lang alang nakakita kse yung mga magmamartsa nasa kabilang kalsada , kung nagkataong may nakasaksi sa nangyari , magkukunwari akong nagi-stretching sa lapag o kaya nagpu-push up. Tagal na rin akong di nagkakaroon ng tocino sa tuhod , madalas din akong magkaroon ng ganito nung nagii-skateboard pa ko. Dapat daw tayong matutong tumayo sa sarili nating mga paa kapag nadarapa, ewan ko , basta pag ligo ko , ang hapdi. Ouch!