Wednesday, April 15, 2009

Maikli ngunit Masayang Pagkikita-kita


Nagkaroon ng biglaang "get-together" noong nakaraang Abril 13 na inorganisa ng presidente ng klase , Pablo Pingol Jr, na kagagaling lamang mula sa UAE.

Nag-text pa si Olbap sa'kin ng mga linyang "Pre, mukhang bibiguin mo ata ako ngayon ah?" dahil sa pag-aakalang hindi ako darating.Ang drama rin eh no? Hindi nya alam na bibitbitin ko pa si Mark Naperi, na noong una ay araw ring sumama dahil meron pang pasok sa trabaho.

"MMmmmwah, mmmmwaaahh, mmmwaaah!" sigaw ng barker ng mga orange shuttle na biyaheng MOA, ehehehe. Ilang minuto rin kaming nagpaikot-ikot sa MOA ni Mark, malay ba naming dalawa ang Starbucks dun? kung saan ang tagpuan.

Inabutan namin ang mga suki ng Game K n B ? sina Joveelark, na hindi ko man lang natikman ang panalo at si Butch aka Kagalang-galang Eimann Evarola na pagkakamalan mo talagang propesor at hanggang ngayon ay todo-giit pa rin na ang naging problema ay yung sensor sa game show kaya hanggang unang round lamang siya. Magpalusot ba?

Kasama rin sa mga maagang dumating ang nagliliwanag (blooming ba?) na si Celeste Liwanag at Rose Marie na wala pa ring kakupas-kupas ang sarap ng halakhak na talagang mahahawa ka sa tawa. Ilang minuto pa ng mahabang kuwentuhan at kamustahan ay dumating na sina Vangie at Marvin.

Nagpasya na ang grupo na ituloy ang kuwentuhan sa Razon's, habang hinihintay sina Jeffrey at Edward, kung saan mapapa-put@$%^&%&* ka talaga sa sarap ng Palabok, halo-halo (da best!), Sisig at Daing. Wala ng sasarap pa sa pagkain na libre dahil sinagot ni Pablo ang bayad (thanks Pre !).

Masakit man sa aking loob dahil minsan lang talaga maganap ito, kailangan kong umalis upang pumasok ng maaga sa aking trabaho. Mahirap talaga ang maging call boy, sabi ko. Iniwan ko ang aking mga dating kamag-aral ng mga bandang ika-11 ng gabi, kung saan itinuloy ang kasiyahan sa "Hooters".

Maikli pero ubod ng saya talaga ang pagkikitang iyon. Ang sarap sanang lumiban sa trabaho para lang sa araw na 'yon, pero di talaga pwede. Aalis na ulit si Pablo sa susunod na linggo at ang balik pa ay sa susunod na taon, pero yung pinakain nya ng libre ay hindi ko pa naitatae (wag ko na kayang ilabas to para remembrance?). Bilib ako sa mga klasmeyt nating pumunta pa rin kahit galing lang nang trabaho at hindi alintana yung pagod,pasok kinabukasan at layo ng tirahan. Naiintindihan din naman natin yung mga hindi talaga makakapunta dahil sa tawag ng tungkulin o nasa ibang bansa, mas mahalaga pa rin siyempre ang trabaho. Sana lang ay magkaroon tayo ng mas malaki at mas masayang pagkikita sa mga darating na araw. Wag na nating hintayin pa yung reunion sa burol ng isa sa atin? JOKE !

Bon Voyage kay Olbap at Godspeed sa lahat !

Larawan mula sa Maikli ngunit Masayang Pagkikita-kita







































































Monday, April 06, 2009

Weirdo

Pagkatapos kong mabasa sa isang pahayagang maka-elitista na gaganapin ang Barley Rapid Open Chess sa Gateway Mall mula Marso 21-22 , agad akong nakaramdam ng pagkasabik dahil pumatak sa araw ng aking pagpasok sa trabaho ang naturang araw at dinaraanan ko araw-araw sa pag-uwi ang naturang mall. Sa wakas , makikita ko na rin ng personal ang aking batang idolo na si Wesley So , na ayon sa balita ay lyamado at paborito sa naturang kumpetisyon. Walang duda.

Honda (hon the dot , tanga!) ang paglisan ko sa aming tanggapan nang araw na iyon (fyi: nag-taksi pa ko huh?) at dali-dali at halos lumipad akong nagtungo sa ikatlong palapag ng Gateway Mall. Ganap na ika-3 ng tanghali nang pumasok ako sa naturang malaking bulwagan at namalas ang mala-palengke sa dami at ingay ng mga tao. Napanganga na lang ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon , nakadalo ako sa isang tunay na torneyo ng ahedres. Pers taym ba? Hindi ko alam kung tapos na o hindi pa nag-uumpisa ang naturang paligsahan, me naglalaro sa ibat-ibang mesa , merong malaking konsentrasyon ng umpukan sa kabilang banda kung saan hindi mo malaman kung sino ang nag-lalaro talaga dahil kung sino-sino ang tumitira.

Una kong pinuntahan ang akala ko ay nagtitinda ng kakanin sa sulok dahil meron akong nakitang nakalatag na pagkain. Yun pala , ang naturang ginoo ay nagtitinda ng mga aklat sa ahedres. Gusto ko mang bumili nung araw na iyon ay low budget ako. Sunod kong nilapitan ang dalawang matanda na halatang naglalaro ng "blitz" kahit walang orasan dahil sa bilis ng kanilang mga sulong. Weirdo 'to ah? sabi ko. Paglapit ko pa ng kaunti sa matanda ay napagtanto ko na agad na hindi pa sya naliligo o malamang ay hindi kaya ng kanyang ginamit na sabon ang tapang ng anghit na ibinubuga ng kanyang kili-kili. Talo ka ke manong sa malapitang laban , malamang hindi na to naligo para di mawala sa kondisyon , naibulong ko na lang sa aking sarili. Hindi naman nagpatalo sa pagiging weirdo ang kanyang kalaban , bukod sa mukha na itong ermitanyo , meron pa itong bitbit na mga polyetos, attache case at, (dyaraaaan !) isang mahabang tarpaulin ng Barley Rapid Open Chess. Di ko malaman kung magtatanghal ng sariling kumpetisyon ang matanda sa ibang lugar o give-aways lamang ang naturang malaking tarpaulin na siya lamang ang nakita kong me bitbit. Nang magsimula ang pormal na laban ay lumabas ang mas maraming weirdo. Me naka-pambahay lang habang naglalaro , merong bihis na bihis na animo'y ahente ng electrolux, merong maayos ang buhok ng umupo at pagkaraan ng ilang minuto ay napaka-gulo na dahil sa iba't ibang klase ng hagod ang ginawa habang nag-iisip, at wala ng titindi pa sa isang nakita ko na pinanonood ang laban sa kabilang mesa imbes na yung laban niya ang pagtuunan ng konsentrasyon ! Ang tindi ! nasabi ko na lang.

Ilang minuto pa ay natanaw ko na ang aking idolo sa ibabaw ng entablado. Mukhang ang mga malalakas na manlalaro gaya ng GM, IM at NM ay tampok ang mga laban kaya nasa entablado ang laro. Kung mapapansin nyo ang mga larawan sa una kong post ng patimpalak ay kapuna-puna ang dami ng mga tao sa paligid ng aking idolo , halos lahat yun ay umeepal sa naturang laro. Bandang huli ko na lang napagtanto na sina-"simulate" nila ang nagdaang laban kaya ganun kagulo.

Nang tumayo ang aking idolo, nahulaan ko na agad na pupunta sya sa palikuran at naisip ko na ito na ang aking pagkakataon para magpakuha ng piktyur. Siyempre, hindi ako tanga para sumabay kay Wesley sa loob ng palikuran at kapagdaka'y sabay ding magbabawas, pag nagtama ang aming mga mata, malamang hindi ako mukhang taga-hanga pag ako'y ngumiti sa kanya, baka mapagkamalan pa akong mang-aagaw ng lakas!( naiimadyin mo?). Kaya inabangan ko ang ating idolo sa paglabas ng palikuran, saktong paglabas ay yumangga na kaagad ako, "Idol pwede ba magpakuha ng piktyur ?" , bulalas ko. Ngumiti si Wesley at pagtango niya bilang tanda ng pagsang-ayon ay agad ko na lang hinila ang isang mamang nagdaraan upang kami ay mapiktyuran.

At ang mga sumunod ay bahagi na ng kasaysayan ika nga (the rest is history , bobo!) , nag-kampeon ang batang henyo sa torneyong iyon, ilang araw lang ang sumunod ay tinanghal ding pinaka-mahusay at kampeon ang ating bagong idolo sa nagdaang Battle of Grandmaster 2 na ginanap sa Dapitan , Zamboanga del Norte. Tinalo niya rito ang kauna-unahang Grand Master ng Asya na si Eugenio Torre at iba pang bigatin sa larangan ng ahedres sa ating bansa. Ang lahat ng tagumpay na ito ay nakamit nya sa murang edad na 16, hindi ko mawari kung ano pa ang kanyang maaabot sa mga susunod pang taon.

Nasa ibaba ang mga naging tampok na laban ni Wesley So sa nakaraang Battle of Grandmaster , hindi ko na isinama ang mga labang nauwi sa tabla. Wag kang tatanga-tanga, pindutin mo na yung + para mapanood mo na.

gonzales_so_2009.pgn


so_gomez_2009.pgn


so_nolte_2009.pgn


torre_so_2009.pgn


villamayor_so_2009.pgn

Larawan mula sa Barley Rapid Open Chess











Sunday, April 05, 2009

Sharing the Night Together

Isang malaking pagkakamali para sa akin nung naipahiram ko yung digicam ko sa isang kaibigan ng hindi ko pa nakokopya yung laman ng memory card. Pangako (promise tanga !)kating-kati na ang kamay ko para isulat yung maikli ngunit di makalilimutang pagdalo ko sa nakaraang Barley Rapid Open Chess Tournament na ginanap sa Gateway Mall kung saan nakapagpakuha ako ng larawan kasama ang tinanghal na kampeyon at aking bagong idolo na si Wesley So. Ayaw kong simulan yung aking wentong walang wenta ng walang larawan, gusto ko ring ilathala na yung mga laro ni Wesley boy sa nagdaang Battle Of GrandMasters na ginanap sa Dapitan, Zamboanga Del Norte kung saan tinalo ni "wonder boy" si GM Eugene Torre kaya nga lang gusto ko talagang merong piktyur , temaarts kasi ako. Pangako ulit (promise nga , bungol !) pag nakuha ko iyon , ilalathala ko na agad dito.

Hindi sila yung kalaban ni Peter Pan na may kalawit ang kamay at takot sa buwayang me nalunok na orasan. Ang mga miyembro ng bandang Dr. Hook and the Medicine Show--George Cummings ,Dennis Locorriere, Ray Sawyer at Billy Francis. Sila yung kumanta ng aking trip na kantang Sexy Eyes at Sharing the Night Together (wwwohhhoohh , yeeeaahh) na nagpapaindak sa akin at nagbibigay ng kakaibang sigla tuwing naririnig kong pumapailanlang. Hindi pa-epek ang takip sa mata ni G. Raw Sawyer na parang si Captain Hook, at hindi rin siya ang tatay ni Tom Sawyer huh? ito ay resulta ng isang aksidente sa sasakyan na kamuntikan nya ng ika-tigok.

Sound trip muna tayo.