Sunday, February 05, 2006

Exercise

Sarap talaga pag sunday. Maaga kang makakauwi kasi alang traffic , di masyadong stress. Dumating ako sa bahay ng 6:00 am , kumain kaagad ako ng breakfast , then basa ng paborito kong tabloid , nagdasal sa kubeta ng ilang minuto , then nilabas ko yung bike kong makasabog betlog sa bigat. Ratsada kaagad ako papuntang buendia going to PICC , napansin ko andami palang health conscious and religious na pinoy, sa folk arts may mga sumasamba , I think JIL ata yon, then sa bandang kanan merong mga nagka-calisthenics, then sa bandang front ng picc makikita mong may isang mama sa maliit na stage na kamukha at parehas ng built ni Edu Manzano, habang sa ibaba ng stage may mga gumagaya sa kanya. Taebo ata ang tawag dun. Ang cute ng tugtog nila , pang-bumbay. Mapapansin mo sa mga followers nya may mga successful , I mean effective ang exercise , maganda na ang katawan , yummy, ehehe. Kaya naman andaming mga lalaking nagba-bike na nakahinto at nanonood muna , di ko sure kung ang pinanonood nila ay si edu o yung mga umaalog sa harapan, pero nakita ko si manong nakanganga tapos mapapalunok. Sabi ko , "uhaw na to si manong , sobrang pagba-bike, tsk,tsk, tsk." May mga ilan ding hindi pa tinatablan , I mean beginners palang ata sila , kse apat pa rin yung boobs nila eh. Pero mas nakakatuwang pagmasdan yung mga "falling leaves" , obvious kse slow motion sila , meron pa ngang isa na akala mo bumangon from coma, hinanap ko pa nga kung may nakatusok na dextrose sa kanya eh. Kidding aside , naalala ko yung lola ko, nakakatuwa kse at their age , they still look healthy. Sa bandang likuran nila , merong mga grupo ng nagbabalik-loob, katawang pulis, gumagalaw para di mai-stroke. Okey yon, para di sila magsisi sa bandang huli. After an hour of biking, umuwi na ko , tinahak ko yung vito cruz, and again, alang hassle sa traffic.
Pagdating sa bahay , feeling ko andami ko pang energy , parang imposible akong makatulog . Pero pinaghandaan ko na yong ganung sitwasyon , sinindihan ko yung scent burner , nilagyan ko ng lavander oil , solb pre. Then sinalang ko yung OPM mp3, oldies love song as usual, then paghiga ko nilabas ko na yung secret weapon ko , vicks vaporub , ehehehe. Ilang singhot lang at bahin , 5...4...3...2...1 zzzzzzzzzzzzzz. Sarap tulog, solb.

No comments: