Monday, February 27, 2006

Tiyanak

Tumatanda na ata ko, twing linggo napapansin ko na andaming bata sa bahay. Minsan gusto kong pagsisipain palabas ng bahay dahil ang iingay ng mga putang ina , kaso di pwede , dahil sila ay punlay ng aking mga kapatid, ehehehe. Wish ko lang yumaman ako , para di sila matulad sa mga kapatid ko na tamad mag-aral, ako na magpapa-aral sa kanila kung deserving sila. Pagdating ko sa bahay, para kong si Santa Claus , "tito , pengeng dos" , "tito bili tayong coke" . Pag may isusubo akong pagkain , "tito penge?". Di pa kasama dun yung mga ibang anak ng kapatid ko sa ibang asawa, at mga inaanak na minsan naglalaro din sa harap ng bahay namin. Sana may magsabi naman sa'kin " tito ba't di ka pa mamatay?", siguro maluha-luha pa kong mayayakap yung pamangkin kong yon, and I'll say "thank you my darling pamangkin , you're so kind!" ehehehehe. Want to know them better ? Gumawa ko ng listahan ng mga paborito kong tiyanak:

Tupey- anak to ng panganay naming masipag, apat silang magkakapatid pero nakatira siya sa amin, grade 6 na siya and pinapag-aral siya ni mother na sa kin din nanggagaling ang salapi. Lagi tong kinukutusan ng kapatid ko pag nalalasing kaya minsan naaawa ko. Madalas ko tong utusan and bago ko umalis , humihingi to sa'kin ng limang piso. I remember na , nagpaturo to sa'kin one time sa math , e strikto ko pag nagtuturo , katakot-takot na kutos ang inabot sa'kin nito kada mali. Parang cobra pa naman ang kamay ko , lalo na pag nanggigigil. Ako naman si ungas ganito pa magtanong , " Bakit ka ba umiiyak????" habang nangangatog yung bata sa pagsagot dun sa math. O di ba traumatize? Ehehehehehe. After that incident , di na nagpaturo sa kin , then nagulat na lang kami , nag best in math si kupal. May secret girlfriend din tong maliit na unggoy na to , pogi kase eh. Kaso lang madalas puro laro , hindi naliligo , parang pusa kse eh , kaya pag natyetyempuhan ko , sya naman pinaliliguan ko ng suntok at kutos. Siya rin ang suspect kong kumukupit ng pera ko sa pitaka , kse dalawa lang sila ng nanay ko na nakakaalam kung san nakalagay ang pera ko. Wag ko lang matyetyempuhan , durog daliri nito sa'kin.

Rex- eto ang mala-genius na anak ng isa ko pang kapatid, mahilig syang mag-english kahit nakakatawa yung grammar and accent , pero kino-correct ko din. Masunurin and mabait na bata , kaya sa kanya ko na lang binigay yung cellphone kong luma. Bata pa lang siya naiiintindihan nya na yung sitwasyon nya , hiwalay yung parents nya kse "puge at matso" ang tatay nya eh. Ginagawa ko tong punching bag pag kinukulit ako, mahilig din syang mag-chess, pero madalas ko syang sabihan na, "marami ka pang kakaining bigas boy, gusto mo magsama pa kayo nung nagtuturo sa'yo" and he'll say to me "ang yabang mo!". Maganda ang future nitong batang 'to , I can see it. Fortune teller pa naman ako.

Rea- I usually call her Neggy. Dahil isa syang negrita. Madalas ko ring asarin tong batang to kse , ginalis to nung nagpunta sa davao. Pag humihingi sa'kin ng pera to , sinasabi ko " O meron ka ng mga barya ah ? Ipunin mo yung mga bente singko sa binti mo , ehehehehe" . Eto tumitira nung mga pagkain at coke ko sa ref eh. Tingin nya din sa'kin mayaman ako , kse yung mga appliances sa bahay ako bumili, and binigay ko pa yung vcd and radio sa kanila, samantalang magkadikit lang yung bahay namin sa tabing-ilog.

Bryan- eto ang bago kong pet , mahilig kse ako sa mga batang wala pang muwang at kulit. He's just 1 1/2 year old lang ata. Lahat ng lalake, tawag nya papa, pag babae , mama. Madalas ko tong takutin, pero madalas ko ding ibili ng mga nakakatuwang laruan sa quiapo. Tinuturuan ko sya ng mga bagong tricks , like hipo-balbas, appear and currently pinapa-master ko sa kanya yung "fuck-you" tulad nung nasa illustration natin ngayon , ehehehehe. Lapitin ng disgrasya tong batang to , nung nakaraan naiipit yung paa sa bike , nung isang araw naman nadulas at nabaldog. Kaninang umaga , guess what? Nalublob yung mukha sa isang pinggang lugaw ......shall I call him little Pupung's ?

Thursday, February 23, 2006

Training

They call it training ........, sa loob ng 3 days nag-training kami ng sipura devices , kalahati siguro ng training session namin ala kong ginawa kung di tumawa ng tumawa. What would you expect from me? Mas marami ata kong idea sa kalokohan kesa sa mga bagay na dapat pagseryosohan. Yung training namin , parang calculus , dapat kunin mo sa loob ng 3 semester , tapos sinaksak sa isip mo sa loob ng isang sem lang. Ala kong comment sa trainor , he's knowledgeable and he definitely know what he's teaching, but he can't do anything , he must push those information to us in a span of 3 days. Another thing , pinag-call pa kami ng mga butihing bisor , siguro they were thinking na petiks ang mga nagte-training, pinag-OT din kami ng another 2 hours para naman isaksak yung two new devices. They are also planning sipura agent to take calls next month. This is very unbelievable , I'm not quiet sure if they're still thinking. Di ko alam kung yung mga tao sa upper management nakatikim man lang kahit isang patak ng united american tiki-tiki or mga pinalaki sa am (sabaw ng sinaing, ungas!). When you receive a sipura email , it will take you hours to look for an answer . When you receive a sipura call the client will be expecting you to answer their question , immediately of course. With that kind of training, all I can say to myself is good luck!

Wednesday, February 15, 2006

Happy Valentines !!!

Sinumpong na naman ako ng katamaran , pagkagising ko ng 4 pm , sabi ko kagad, di ako papasok kakatamad, tinurn -on ko yung cell ko tas tawag sa office , sakto pa naman yung boses ko pag bagong gising para talagang maysakit , sabi ko " Sir di po ko makakapasok , nilalagnat po ako " dahil sa makatotohanang pagganap , sabi ni sir "sige , text mo na lang PP mo". Pagbangon ko , salang kagad ako ng opm , then ligo , ewan ko ba kahit antok pa rin ako , pinanood ko pa rin yung naruto , tang ina , adik na ata ko sa cartoons na to . Kahit paulit-ulit , sige pa rin, channel 2 and 44 pa. Wish ko lang matuto ko ng kagebunshin technique.
Sex pm , nagpunta ako ng quiapo, hindi kasi ako nakapunta nung rest day ko eh, mahirap ng makalimutan Siya , mamaya ako naman ang kalimutan Niya. Sakto pagdating ko, konti na lang yung mga tao sa simbahan , katatapos lang ng misa and kasalukuyang binebendisyunan yung mga nagsimba kaya lahat sila pumupunta sa unahan, takbo naman ako sa unahan , hindi para mawisikan ng holy water baka masunog pa ko, kundi para makita yung hitsura ng kumakanta ng Nazareno hymn. Sa totoo lang , tagal ko ng pumupunta don , pero everytime na maririnig ko syang kumakanta , tumitindig at kinikilabutan ako. Curious lang talaga , kaso lang pagdating ko sa unahan , sakto nagtaasan naman ng kamay yung mga tao para mawisikan ng mineral este holy H2O. Sabi ko "syet naman oh, ay nakatingin pala si mama mary , sorry po". Hanggang matapos na yung kanta , nawala na sa paningin ko yung manganganta, di bale next time na lang, matyetyempuhan ko din sya. Dahil sa lamig ng boses nya , naaalala ko yung mga kanta ni Basil Valdez . And speaking of Basil, dahil valentines , here's one of my fave song, by Ric Segreto .

I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
To feel this feeling I have inside
"You're a hopeless romantic" is what they say
Fallin' in and out of love just like a play
Memorizin' each line I still don't know what to say
What to say.
CHORUS:Don't know what to do whenever you are near
Don't know what to say my heart is floating in tears
When you pass by, I could fly
Every minute, every second of the day
I dream of you in the most special way
You're beside me all the time
All the time.
I have loved you and I always will
Call it crazy but I know someday you'll feel
This feeling I have for you inside
I'm a hopeless romantic, I know I am
Memorize all the lines and here I am
Struggling for words, I still don't know what to say
What to say.
(REPEAT CHORUS)
All the time
All the time
All the time...

Sunday, February 05, 2006

Exercise

Sarap talaga pag sunday. Maaga kang makakauwi kasi alang traffic , di masyadong stress. Dumating ako sa bahay ng 6:00 am , kumain kaagad ako ng breakfast , then basa ng paborito kong tabloid , nagdasal sa kubeta ng ilang minuto , then nilabas ko yung bike kong makasabog betlog sa bigat. Ratsada kaagad ako papuntang buendia going to PICC , napansin ko andami palang health conscious and religious na pinoy, sa folk arts may mga sumasamba , I think JIL ata yon, then sa bandang kanan merong mga nagka-calisthenics, then sa bandang front ng picc makikita mong may isang mama sa maliit na stage na kamukha at parehas ng built ni Edu Manzano, habang sa ibaba ng stage may mga gumagaya sa kanya. Taebo ata ang tawag dun. Ang cute ng tugtog nila , pang-bumbay. Mapapansin mo sa mga followers nya may mga successful , I mean effective ang exercise , maganda na ang katawan , yummy, ehehe. Kaya naman andaming mga lalaking nagba-bike na nakahinto at nanonood muna , di ko sure kung ang pinanonood nila ay si edu o yung mga umaalog sa harapan, pero nakita ko si manong nakanganga tapos mapapalunok. Sabi ko , "uhaw na to si manong , sobrang pagba-bike, tsk,tsk, tsk." May mga ilan ding hindi pa tinatablan , I mean beginners palang ata sila , kse apat pa rin yung boobs nila eh. Pero mas nakakatuwang pagmasdan yung mga "falling leaves" , obvious kse slow motion sila , meron pa ngang isa na akala mo bumangon from coma, hinanap ko pa nga kung may nakatusok na dextrose sa kanya eh. Kidding aside , naalala ko yung lola ko, nakakatuwa kse at their age , they still look healthy. Sa bandang likuran nila , merong mga grupo ng nagbabalik-loob, katawang pulis, gumagalaw para di mai-stroke. Okey yon, para di sila magsisi sa bandang huli. After an hour of biking, umuwi na ko , tinahak ko yung vito cruz, and again, alang hassle sa traffic.
Pagdating sa bahay , feeling ko andami ko pang energy , parang imposible akong makatulog . Pero pinaghandaan ko na yong ganung sitwasyon , sinindihan ko yung scent burner , nilagyan ko ng lavander oil , solb pre. Then sinalang ko yung OPM mp3, oldies love song as usual, then paghiga ko nilabas ko na yung secret weapon ko , vicks vaporub , ehehehe. Ilang singhot lang at bahin , 5...4...3...2...1 zzzzzzzzzzzzzz. Sarap tulog, solb.

Saturday, February 04, 2006

Guilty?

Ang haba ng rest day ko, 3 days , instead of the usual 2 days. I would like to thank our company's human resource department for giving me a one day suspension due to call abandonment or failure to answer the call. The said incident should be a class-C offense, thank's for me , being a frustrated lawyer, I manage to come out of a written explanation which decreased the level of offense to class-B . Kumbaga sa totoong buhay , nakapatay ako ng tao , imbes na reclusion perpetua naging isang linggong community service ang pinataw sa'kin. Akala ko nga mapapababa ko pa ng class-A para verbal reprimand na lang , ehehe. "Dura Lex Sed Lex" ikanga ng mga tongressman nuong impeachment case, "the law may be harsh, but that's the law". Although I come out with a good explanation , I still have to pay for that single unanswered call , that's an "unsatisfied work" according to them , and I must accept that punishment, and I thanked them because I spend that whole day going to quiapo church, watching dvd's , biking , and sleeping. Sa uulitin , ehehehe.