Thursday, February 10, 2011

Wer na U?


Enero pa dapat napakawalan ang lathalaing ito, ngunit sa di malamang kadahilanan o nangangalay ata ang aking mga daliri o tinatamad ako na mas gusto ko pang mangulangot kesa magtipa ng isang artikulo.

Pamilyar ang mukha ng nasa bidyo na pinapanood/pinakikinggan ni Boss June ng madaanan ko sya sa kanyang upuan. Boss ang tawag ko sa mga senior namin na nahihingan ko ng tulong at madalas kong tanungan sa mga makakati sa ulo kong cases. Nang tanungin ko siya kung sino yun , nabanggit niya ang pangalang Joanne Lorenzana. Parang me nauga sa hungkag na bao ng aking bungo. Gaya ni Bb. Lorenzana , asan na nga ba ang iba pang alagad ng sining na matagal ko ng hinahanap? Tamang hanap kasi ako nitong mga nakaraang linggo eh, una mga banyagang mang-aawit, yung mga dekada sisenta at sitenta (60's at 70's indio!). Tapos ipo-poste ko sa peysbuk , tapos gugustuhin ng mga ulupong kong kaibigan na mahilig din sa oldies.

Ngayon mga alagad ng OPM naman ang gusto kong hanapin. At gumawa ako ng maikling talaan nung mga medyo mahirap hagilapin. Nakikini-kinita ko na ang eksena nito sa darating na Linggo, isang tasang tsaa, hinihimas ang aking alaga.... (aso gago!) habang nagbabalik-tanaw sa musika ng dekada sitenta.

Nga pala, wag mo kong tanungin kung bakit walang apelyido si Keno at Lilet, hinanap ko ito, pramis, ngunit di ko nasumpungan. Kung nais mong mapakinggan ang awitin nila , punta ka ng youtube.com at hanapin sila doon, hindi ka mabibigo. Sawndtrip tayo.

Joanne Lorenzana
Kung Alam mo Lang
I'll Never Let You Go
Back In Your Arms
www.joannelorenzana.com

Raymond Lauchengco
So It's You
Farewell (uu kanta ito nung graduation nyo?)
Saan Darating ang Umaga
www.raymondlauchengco.com

Keno
A Friend
Leaving Yesterday Behind

Gino Padilla
Closer you and I
I Believe in You
Angel in Disguise

Timmy Cruz
Boy

Lilet
Kahit Bata Pa
Kay Palad Mo
Kaibigan Lang Pala

Flippers
Sa Bawat Sandali
Hindi Ako Iiyak

Bidyo naharbat sa youtube.com, nagpaalam ako sa may-ari ng bidyo ngunit dinedma ako kung payag o hindi.

5 comments:

June said...

Nice Jamo. Nakita ko rin tong entry mo na to. Kala ko nde na to dadating eh hehe

KUMAGCOW said...

^^ wag maglagay ng ganyang mga video napaghahalataan ang edad e LOL

Jamo said...

salbahe ka kuya john! ahahahaha

gagolero said...

tsk tsk. iba talaga mga trip mo brad.. wala akong masabi..

JuneC said...

kapatid, kamusta ka na? buhay ka pa ba?