Monday, September 29, 2008

Oh Lori

Maglalathala sana ako ng isang kabalbalan tungkol sa sapatos na Chuck Taylor kaso lang nawala ako sa konsentrasyon ng makita kong naghahanap ng mga awitin ng Alessi Brother ang katabi kong si Pongki. Naalala ko tuloy yung nagpunta kami sa Boracay , mga panahong textmate pa lang kami ni Ateng, merong isang banda kaming nadaanan na umawit ng kanta ng Alessi , "I Wish that I Was Making Love". Plakadong -plakado ang boses , dahil nagkaron ako ng inspirasyon, nakagawa ako ng pinagtagpi-tagping tula mula sa liriko ng awiting ito. Kalaunan ay tinext ko rin yong munting tulang iyon sa aking nililiyag and the rest is history ikanga...Kung gusto mo mapanood yung video , puntahan mo sa site ni Ateng. (hanep sa ads no?).

Ang Alessi Brothers ay sumikat noong dekada '70 dahil sa kanilang kantang "Oh Lori". Isinilang na kambal , si Billy at Bobby (hulaan mo apelyido) ay ipinanganak noong Hulyo, 12, 1954.


Pinili ko yung kantang "Oh Lori" na idikit dito dahil pinahirapan ako sa paghahanap ng liriko nito. Nakaugalian ko ng hanapin ang liriko ng kantang maririnig ko pag papunta na ako sa aming tanggapan, pag aking nagustuhan, gugugoolin ko siya (google tanga!) tas ididikit ko sa pinakamatandang notepad sa aking kompyuter. Pinakamatanda kasi taong 2002 pa lang nagdididikit na ko ng iba't -ibang liriko dito at nagpalipat-lipat na ito sa iba't-ibang kompyuter. Nahirapan ako kasi , "Ah Lorie" yung rinig ko sa kanta, "Oh Lori" pala! (engot din eh no?). O sya , panuorin at pakinggan mo na yung video nina Vic Sotto #1 and #2 sa ibaba.

I’d like to stay in love with you
All summer and after fall

I’ll keep you warm through the winter
Because I’ve noticed one thing

This ain’t no summer fling
I’d like to ride my bicycle with you

On the handlebars
You’d laugh and run away

And I’d chase you through the meadow
Without you I’d die

Let’s never say good-bye
Oh, Lori

You bring the spring, the summer, fall
Ooo and winter

By the season
Oh, Lori (oh, Lori)

You make me feel as though I’ve been born again
Born again

You danced for me in your bare feet
That mellow afternoon

When we made love to each other
And I’m loving you

That’s all I want to do
Oh, Lori

You bring the spring, the summer, fall
Ooo and winter

By the season
Oh, Lori (oh, Lori)

You make me feel as though I’ve been born again
Born again

Monday, September 15, 2008

Ang Itlog

Matagal ng nangangati ang aking mga daliri para sumulat ng artikulo tungkol sa pagkaing ito. Uu, pagkain, hindi yung nangangati kaya masarap kamutin. Wag mo rin akong tatanungin kung bakit hindi yan pantay. Hindi natin paguusapan kung ang itlog ba ay nauna sa manok o pagtatalunan kung ito ba ay bilog o biluhaba, ni hindi rin natin tatalakayin kung itlog nga ba si Humpty Dumpty o isa lamang karakter ng bugtong na ang hugis ay inembento lamang ng mga taong pauso at epal nung panahong hindi pa natutuklasan ang paggawa ng itlog na kulay magenta na mas angkop siguro sa tawag na itlog na maalat. Ang tatalakayin lamang natin ay tungkol sa kina-aadikan ko, ang itlog: (Larawan ng itlog mula sa: http://cooklikemad.com/wp-content/uploads/2008/04/eggs-on-toast.jpg )

Bilang Pagkain
Wala ng mas sasarap pa sa sinangag at pritong itlog. Paborito kong kainin yung tinusok ang pula para maluto rin syang maigi. Kung sunny side-up naman ang pagkakaluto, uubusin ko muna yung puti at mag-iingat na mabutas yung pula para sisipsipin ko sya sa bandang huli ala dracula style. Trip ko naman ang nilagang itlog pag me kasamang Lucky-Me pancit canton , kumbinasyon ng chili-mansi at hot and spicy na may kasama pang pandesal. Tuwing linggo, ginagawa ko yung omellete na napanood ko sa Asian Food Channel, mantikilya ang magsisilbing mantika , paglagay ng binating itlog sa kawali , lalagyan ng gatas at hahaluin ng konti, pagkatapos ay lalagyan ng herb o di ko malaman kung anong klaseng damo yun. Presto! Sosyal na almusal.

Sa dami ng pwedeng ikombinasyon sa binating itlog gaya ng sardinas, patatas, maling , hotdog etc., isa sa mga Guy and Pip na luto ng itlog ay yung may igigisa ka munang kamatis at sibuyas tsaka mu ipipirito kasama ng binating itlog , habang lumalaban naman sa kawali ang itlog , nag-aabang naman ang tuyo bilang masarap na katambal. Da best ito, lalo na tuwing tag-ulan.

Nasubukan ko na rin ang sarsi na may itlog na pinaniniwalaang magbibigay sa’yo ng lakas na higit pa sa enerhiyang ipagkakaloob sa’yo ng pag-inom ng isang basong extra joss. Pero hindi ko pa nasusubukan yung ginawa ng idol kong si Bruce Lee na bago mag-ehersisyo ay may nilalagok na isang basong itlog na parang orange juice lamang.

Nutrisyon
Mahigit sa kalahati ng calories na nakukuha sa itlog ay matatagpuan sa fat ng pula o yolk. Ang isang itlog na tumitimbang ng 100 gramo ay nagtataglay ng humigit kumulang sa 10 gramo ng fat, kaya kung ikaw ay nagbabawas ng cholesterol sa iyong katawan , mas nakakabuting maghinay-hinay ka sa pagsubo ng itlog. Aking nabasa sa isang polyetos na ipinamimigay ng doktor na okey lang na kumain ka ng 3 itlog sa loob ng isang linggo kung ikaw ay nagbabawas ng cholesterol sa iyong katawan, samantala , ang puti ng itlog ay okey lang namang lapangin araw-araw. Ang puti ng itlog (hindi yung balat ha bobo?) ay nagtataglay ng (87%) water, (13%) protein, walang taglay na cholesterol at halos kakaunting fat.

Ayon sa : http://www.enc-online.org/GoodNews.htm kung saan puro puguan at itlugan ang usapan , sa isang malusog na lalaki o babae, ang pagkain ng isang itlog sa isang araw ay hindi naman nakapagpapataas ng tsansa ng sakit sa puso o stroke, maliban na lang siguro kung hindi ka talaga gumagalaw-galaw at puro pagkakamot ng itlog ang inaatupag mo. Sa isang banda , maaring may kinalaman naman ang pagkain ng isang itlog sa isang araw sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng mga taong may sakit na diabetes kaya mas nakabubuting kontrolin ang malabis na pagkain nito.

Sa kabuuan , ang itlog ay mainam sa ating katawan. Binati, pinrito , hilaw o nilaga, hinimas o kinamot (kung meron mang ganun). Lagi nating tatandaan na anumang bagay na labis ay masama. Mahalaga pa rin na magkaroon ng balanseng pagkain at magkaroon ng regular na ehersisyo para maging malusog ang ating katawan. Nawa’y may naiambag akong kaunti sa ga-langgam mong kaalaman bungol, hanggang sa muli. Paalam !