Tuesday, March 18, 2008

Hindi Kumbinsidong Panalo.

Napaos ako sa kasisigaw habang pinapanood ang live na laban ni Pacquiao kay Marquez sa basketball court ng Camachile. Bago yon , napalaban muna ako ng ahedres sa dalawang matanda sa Zapanta. Dahil siguro bagong mukha sa kanila, meron na kaagad 3 na nakapila para sumunod upang aking makalaban. Magalang kong tinanggihan ang hamon ng ikatlong kasunod sa kadahilanang di pa ako kumakain ng tanghalian at masakit na rin ang aking ulo sa unang dalawang laban, hindi rin biro kalabanin ang mga matatanda sa ahedres.

***

Round 2 na ng aking abutan ang live show (hindi bold huh?) sa Camachile , nandun lahat ang aking mga kumpare't kaibigan , all star-cast ika nga. Inabot ni Abet ang kopya ng mga taya sa pustahan , ang pusta ko ay matatapos ang laban ng 8th round pero parang giyera na sa loob ng basketball court ng pabagsakin ni Pacman si Marquez sa ikatlong round. Akala ko ay lilipad na ang taya kong isandaan pero hindi pala. Ng matapos ang laban, akala ng nakararami ay panalo si Marquez dahil sa dami ng pinaulang counter-punches at jabs. Ng ihayag ni Michael Buffer (yung ring announcer engot!) na meron ng bagong WBC Super Featherweight Champion via split decision , naglundagan na sa tuwa ang lahat ng tao sa court na akala mo'y nanalo sa pustahan.
***
Si Judge Tom Miller ay nag-iskor ng 114-113 para kay Pacman at si Duane Ford naman ay115-112 pabor kay Pacquiao habang si Jerry Roth naman ay 115-112 para kay Marquez. Sobrang dikit ng laban. Para sa akin , kung hindi napatumba ni Pacquiao si Marquez sa ikatlong round, at napagewang nung round 10, walang dahilan para sya ang manalo. Gaya ng nakararami , hindi ako masyadong kumbinsido na si Pacman ang nanalo, pero dahil beterano, patas, at mas nakakaalam sa larangan ng boksing ang mga hurado, kelangan nating tanggapin na si Pacman nga ang nanalo.
***
Gaya ng sinabi ko nung nakaraan kong lathala , ungas lang talaga ang magpapalagay na pati ang mga mapagsamantala ay hindi mananamantala at manonood lang ng laban ni Pacquiao noong linggo. Habang nagbibigayan ng suntok sina Pacquiao at Marquez , binibigay naman ng mga pasahero ang kanilang mga salapi , alahas at cellphone sa mga holdaper ng isang bus sa Edsa. Hindi ko na nalaman ang detalye kung merong humabol o nakahuling pulis sa mga holdaper dahil nabasa ko lang sa Abante, pero mas malamang na nakatakas na ang mga ito , kasi tulo laway na si mamang pulis habang nakatanga sa harapan ng telebisyon at pinanonood ang laban nina Pacman. Tsk. tsk. tsk...

***

Highlights ng laban nina Pacquiao at Marquez , larawan galing sa: http://www.fightnewsextra.com/cc/FIGHTS2008/03-pacquiao-marquez.htm




Saturday, March 15, 2008

Unfinished Business

"Unfinished Business" yan ang pamagat ng bakbakan bukas ni Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez. Bukas siguradong closed deal ang labanan, pag nagtabla ulit , tiyak batuhan na ng tae to sa Mandalay. Isa siguro ako sa mga kakaunting Pinoy na hindi bilib kay Manny Pacquiao sa larangan ng boxing, ang mga tipo kasi natin ay sina Casius Clay ( Mohammad Ali , tanga !) at Mike " Iron" Tyson, nadagdagan pa ang pagkawala ng aking bilib ng tumakbo syang Congressman. Bagama't aminado ako na nitong nakaraang huling linggo , napapadalas ang basa ko ng mga balita tungkol sa gaganaping laban nila ng tinaguriang "dinamita" ng Mexico (hindi pampanga ah?). Isa sa mga hindi ko matanggap na binalita sa Inquirer na may kaugnayan sa laban ay yung ceasefire daw na ipapatupad ng AFP bukas tsaka yung inaasahang pagbaba ng crime rate dahil daw sa magaganap na laban....

Tanga din eh no? Yung mga alagad ba ni Osama bin Laden o kaya yung parokya ng Abu Sayyaf manunuod din ng laban? Hindi mo malaman kung nag-iisip pa tong mga hindot na to eh, sukdulan ba namang ihayag pa sa dyaryo na petiks ang buong sandatahang walang lakas bukas. Bukas din obyus na walang pulis, lahat nakatutok sigurado sa telebisyon. Malamang pwede kang mangreyp bukas kahit sa gitna ng kalsada at tirik ang araw o kaya mang-holdap ng bangko tas mababalikan mo pa ng mga ilang ulit yung ninanakawan mo ng ilang ulit pa ng paulit-ulit ng walang nakakapansin ulit. Bukas , aabangan ko yung mga balitang nakasalisi habang ginaganap ang laban, waiting shed lang kayo.


Kapag me nagtatanong kung sino sa tingin ko ang mananalo sa dalawa, ang lagi kong sagot eh "pag nakita ko yung larawan nila habang nagpapatimbang malalaman ko kung sino ang mas kundisyon". Me naharbat akong larawan , yung makikita ngayon sa taas. Walang duda na kundisyon si Marquez pero walang duda na parang nililok na Cobra ang katawan ni Pacquiao. Parang kailangan mo ng sinsil at martilyo para tibagin ang katawang ito. Balita ring pinalakas ni Roach (yung trainer timawa!) pati ang kanang kamay ni Pacman kaya dalawang kamay ang dapat iwasan ni Marquez na napakahusay namang counter-puncher at beteranong tactician sa larangan ng boxing na pinanday ng beteranong si Beristain (yung trainer ni Marquez, unggoy!). Bilis at lakas laban sa taktika at karanasan.

Sa huli , bandila ng Pilipinas ang dadalhin ni Manny Pacquiao, at dahil mahal ko ang ating bansa , kay Pacman na lang ako ( parang me choice e no?). Bukas , titigil ang pag-inog ng mundo , kikinis yon? Titibay yon? Hehe. Rambulan na !