![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhjiyxXTUGgXiPtXTbukSwE34ZP0nPqLEPCCHcarvFIjKFmE6eAVUaaVca1_6g291DSi5d43J_q1VKrEC7Lw7IZp2i6mCROBYHYbC4Q9DL94oYi9TxoTNU9xhA8_Sqwty8n0yCr/s200/kabado.jpg)
Tuwang-tuwa naman ang aking mga kabarkada habang isinasalarawan nila tuwing kwentuhan ang aking takot habang nakikipagkopyahan. Pawisan. Nanginginig ang kamay. Malalim ang hinga. Panay ang lunok at napakalikot ng mga mata. Kabado beklog nga ako. Halos umakyat ang betlog ko sa lalamunan sa sobrang kaba.
Pero hindi lang ako ang ganito. Para sa akin , mas kabado beklog si Roberto "The Superman"
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiHBC9-fL370_7nQ5Rylno774lGzV6IvpipmiKdkzK77mXvJ1cqYy6ea31_1xFIB5_vCcrCezm70FuoCSW4eeMQtqrM0eBEzSuqhUm25K8ADqoxsiKSV50ymGKpiiLBVPTfj48a/s200/World+Pool.jpg)
"Putang ina moooooo!!!!!" sigaw yan ng aking ninong Lito pagkatapos imintis ni Gomez ang bola, habang nagkakape ako sa kanila at nakikinood na rin.
Sa parehas ding larong iyon sumablay si Peach sa pagbanda nya ng nueve, ang pinakamahalagang bola sa larong 9-balls (obvious ba?) .
Pagkakataon na sana iyon ni Gomez upang makabawi pero nakakagulat na nagmintis pa rin sya sa ikalawang pagkakataon. "Not once but twice!!!" ika nga ni Susan Roces.
"Ay putang ina mo, BOBO !" sabay lipat ng ninong ko sa ibang channel, halatang nagka-alta presyon at dismayado sa pinanonood.
Sa bandang huli, inilipat din uli sa ESPN ang channel at pinanood namin kung paanong lamunin ng buo ni Peach ang laban. Dapat lang syang tanghaling kampeon , bakas sa mga tira nya ang konsentrasyon at pokus sa laro, walang kaba. Siya rin ang nakatalo sa nakaraang kampeon na si Ronato "The Volcano" Alcano.
Kinulang sa tapang si Gomez. Mahirap ding malagay sa naging sitwasyon nya pero kung wala kang tatag ng puso ng isang kampeon, mahihirapan ka talagang manalo. Sayang ang "audience impact" na suporta ng mga nanood sa kanya sa laban, naroong maghiyawan ang mga tao bagama't unang bola pa lamang ang pumapasok o kaya pag sumasablay si Peach. Lagpas sampung beses na maririnig si Michaela Tabb (yung pool referee tanga!) na nagsasabing "Stay calm please !" dahil sa ingay ng mga pinoy. Meron pang umuubo at kumukuha ng picture gamit ang digital camera na naka-on yung flash habang akmang tumitira si Peach. Haaay pinoy talaga....
Nga pala, nakatulog kaya si Gomez ng mahimbing? Kabado beklog kasi eh , sobra sa kape. Bawi na lang sya kung me next time pa, bilog naman ang bola ng bilyar eh.
O tisa muna....