Thursday, December 31, 2009

Moja

Me pasok ako sa trabaho nitong salubong ng Bagong Taon. Nasabi ko na lang sa sarili ko , "di bale ng me pasok sa bagong taon kesa pumasok ang bagong taon na wala ka nang papasukan".

Me bago nga palang kaibigan si Jamo , ang pangalan nya ay Moja. Kinuhanan ko sya ng larawan, dito makikita natin ang iba't-ibang talento nya sa pagtulog. Yan ang hilig nya, kumain , maglaro , mangagat at pag napagod ay matutulog. Marami akong gustong itipa sa blog ko nitong mga nakaraang araw, ngunit di ko trip tong keyboard na gamit ko , masakit sa daliri. Yung laptop ko naman ay nahiram. Pagpalit ko ng keyboard , maglalathala agad ako , pangako. Samantala, pagmasdan nyo na muna yung larawan ng aking bagong alaga, si Moja....




Sunday, November 08, 2009

Lalala-lalah Lalala-lalah Lovin You....

Sound trip tayo. Kaarawan na rin na lang ang huli nating tinalakay , kaarawan na rin ng isang magaling na mang-aawit ang ating pag-usapan. Bago pa man narinig ang mga pang-biritang boses nina Mariah Carey , Celine Dion at Whitney Houston , sumikat na ang makatanggal tonsil na boses ni Minnie Riperton. Isinilang si Minnie noong November 8, 1947. Isa sa mga sumikat niyang awit ang nais kong ibahagi dito, ang Lovin You. Eto yung minsang ipinasusubok sa ating awit na ang hirap abutin ng korus, yung may Lalala-lalah, lalala-lalah , lalalalalah-lalalala lalala-lala lapis, lampara? Sa baba yung liriko tanga. Sumabay ka na rin sa pagkanta. Nga pala , natigok si Minnie nuong ika-12 ng Hulyo 1979, ilang buwan bago ako isilang. Inabot siya ng kanser sa suso. Wag mo na itanong kung kaliwa o kanan ha? O sya, kanta na.
Lovin' you is easy cause you're beautiful
Makin' love with you is all i wanna do
Lovin' you is more than just a dream come true
And everything that i do is out of lovin' you
La la la la la la la... do do do do do

No one else can make me feel
The colors that you bring
Stay with me while we grow old

And we will live each day in springtime
Cause lovin' you has made my life so beautiful
And every day my life is filled with lovin' you

Lovin' you i see your soul come shinin' through
And every time that we oooooh
I'm more in love with you
La la la la la la la... do do do do do


Monday, October 26, 2009

Sunday, October 25, 2009

Kapag ako'y Animnapu't-Apat na Taon na

Malaki ang pasasalamat ko sa Dakilang Lumikha sa tatlumpung taong buhay na ipinagkaloob nya sa akin. At mukhang madadagdagan pa ang mga araw na yaon dahil may sampung araw na ang nakalilipas mula ng ako'y magdiwang ng aking kaarawan. Nagdiwang nga ba?

Walang nakakaalam sa aking mga magiging ka-opisina na ako ay nagdiriwang ng ika-30 taon ng araw na iyon , isinalang ako sa isang mala-"thesis defense" , alas-dos ng madaling araw. Kasama iyon sa mga bagay na dapat kong bunuin sa dalawang buwang pagsasanay sa bagong kumpanyang aking pinasukan kaya wala akong magagawa kundi sumabak. Hindi ko inaasahang , pauulitin ako ng "defense" pagkatapos kong maghirap at pagpuyatan ang aking piyesa. Kinantot ako ng kamalasan , ikanga ng aking kapatid na si Denggoy na nagdiwang ng kanyang kaarawan nung ika-12 ng Oktubre , at hindi man lang nagparamdam ang hindot (labyu parekoy, more Birthdays to cum!).

Binondyobi ng kamalasan sa mismong araw ng kaarawan.

Bihira akong makaranas ng mga ganitong kabiguan , dahil ang lahat ay aking pinaghahandaan. Kung gusto mong pumasa , mag-aral ka ! Yan ang aking adhikain simula ng mag-kolehiyo. Nag-aral naman ako, pero sadyang may mga bagay at pangyayari na hindi mo talaga kayang kontrolin.

E sadyang malakas ang kapit natin at nanatiling nanalig na hindi Niya tayo pababayaan. Nabanggit ko nga sa aking nakaraang lathala, sanay sa batukan si Jamongoloids. Magandang regalo sa araw ng aking kaarawan ang binigay sa akin ng Panginoon. Isang bagong trabahong binalutan ng pagsubok at me laso na kulay ng tagumpay. Para mas masarap nga naman ang aking pagdiriwang.

Nagsimula na ako sa totoong opisyal na trabaho nitong nakaraang linggo. Nagdiwang ako ng isang makabuluhan at napakasayang ika-tatlumpung kaarawan nung nagdaan ding linggo. Talagang malakas ang signal sa Quiapo (thank you Lord!). Salamat din sa aking kasintahan na ginugol ang araw na iyon sa pagbabantay sa akin habang natutulog at walang pag-aalinlangang nanalig sa aking kakayahan. Siya nga pala ang nakuha kong regalo nung nakaraang dalawang taon , pag-ibig. Sa aking mga kaklase sa pagsasanay na naniwala sa aking talento't nalalaman. At sa kumpanya mismo, dahil sa isang makabuluhang dalawang buwan ng pagsasanay.

Ngayon, nagtitipa ako ng lathala habang nakikinig sa awitin ng Beatles at nilalanghap ang pinaiinitang langis na may samyong lila(pot pourri oil lavender, tanga!). Nasa ibaba ang mga larawan ng aking pagdiriwang. O kelangan ko pa bang ipaliwanag yung pamagat?, kantahin mo boploks!!!

Monday, October 12, 2009

Pinaghalong Sting at Cobra.

May mga kantang nakapagpapasigla at nakapagpapagising sa atin pag may mga araw na lalamya-lamya tayo. Nanunuklaw , ikanga. Mahihinuha mo sa pamagat. Sa akin , pag kailangan kong magising , kailangang magpuyat at manatiling naka-dilat ang mata , etong kanta ni Pareng Freddy ang pinakikinggan ko. Ewan ko ba, para syang energy drink sa akin , pag pinapatugtog ko sya ay talaga namang nagigising ako. Higit pa sa tama ng pinaghalong Sting at Cobra. Hindi yung kantang Anak at Magdalena ni Freddie Aguilar , tanga. Kanta ni Freddie Mercury ng bandang Queen. Bukod pa sa Bohemian Rhapsody , We are the Champions , We will Rock You at Crazy Little Thing Called Love baka isa ito sa mga hindi pa nakakadaan sa tutuli mo. Isinulat ng bandang alas 12:45 ng madaling araw, kung di ka magising wala akong paki. Basta ako mananatiling dilat habang inuulit-ulit ito. Don't Stop Me Now!


Sunday, October 04, 2009

Blog ng isang "nakainom"

Pag tinatanong ang isang taong nakabangga , nakasagasa habang nagmamaneho. "lasing ka ba?" , ang karaniwang tugon, nakainom lang po....

Wala pa yatang blogger na lantarang sinabi to, kung meron man , pakiramdam ko , ako lang ang opisyal na magsasabi nito. Magba-blog ako, pero nakainom ako.

Paumanhin sa mga buwanang bumibisita ng aking blog, pero papapngalanan ko kayong , mga "buwanang dumadalaw". Medyo senglot ako ngayon. Pagtapos kong manalangin , di pa rin ako inaantok. Nakatuwaan ko lang ilathala yung mga di pangkaraniwang mga seremonyas ng iba't-ibang mga tao para lang makatulog...

Ako, pagkaraan ng pukinang-inang Ondoy na lumikha ng hanggang dibdib na taas na baha, di ko na makita yong Vicks ko na kailangan kong singhotin para antukin ako. Pagtapos kong ipahid sa aking kamay , para itong rugby na kailangan kong singhutin tas babahin ako ng mga tatlo hanggang apat na beses bago ako antukin. Dahil halos isang linggo akong di naka-singhot nito , record breaking na pitong bahin ang nagawa ko , sa mga sandaling isinusulat ko itong lathalang ito, aantukin na ko.

Matibay yung isang matandang taga-looban , ikikiskis sa buhangin yung paa para lang antukin.

Si Tohcap naman, isang kumpare. Me ika-apat na bahagi ng isang kulambo para kiskisan ng kanyang paa, upang makatulog. Weird e no?

Si pareng Rico , babasain ng bahagya yung kumot tas itatalukbong tas tatapatan ng electric fan para antukin. Cool eh no?

Si Jason , yung bata na kapit-bahay namin nung nakikitira pa ko sa aking tiyuhin. Kailangang nakahawak sa utong, kahit na anong klaseng utong , brownish , pinkish (yum!) , blackish (ewe!), para antukin. Tigas ng utong eh no?

Yung kumpare ng Erpat ko, maruming unan at kumot para antukin sa pagtulog ang kailangan. Isipin mo , sabi niya, 3 taon ng walang labahan yung unan at lumot este kumot na gamit nya sa pagtulog. Buti di nababasag?

Wala ng titindi pa sa asawa ng kapatid ko. Magkakape bago o para makatulog???

Wish ko lang meron akong makasalamuha na gustong bumatak ng shabu para antukin lang. Tangina , di ako aantukin nun.

Meron daw nagpaparaos muna para makatulog......

O sya, tulog na ko....

Sunday, August 16, 2009

Black Boys Outing

Sa wakas natuloy din ang pinaka-aasam na outing ng Black Boys pagkaraan ng mahabang taon. Mga kababata ko sa kahabaan ng Arellano, mababait kami dati. Libangan na namin ang manggulpi at maghasik ng takot nung kami ay mga tinedyer pa. Pero ngayong halos lahat ay mga tatay na , di na tulad ng dati ang aming kakulitan. Yung iba , ibang level na , ehehehehe. Ginanap noong Agosto 13, 2009 sa Morong, Bataan. Absent si Ragie(SLN), si Eddie Boy , Holdap at si Choky Boy.

Hanapin nyo ko dun sa mga labas ang pwet, ang makapagturo mananalo ng isang iPod touch.