Monday, October 26, 2009

Mga Larawan ng Aking Kaarawan






Sunday, October 25, 2009

Kapag ako'y Animnapu't-Apat na Taon na

Malaki ang pasasalamat ko sa Dakilang Lumikha sa tatlumpung taong buhay na ipinagkaloob nya sa akin. At mukhang madadagdagan pa ang mga araw na yaon dahil may sampung araw na ang nakalilipas mula ng ako'y magdiwang ng aking kaarawan. Nagdiwang nga ba?

Walang nakakaalam sa aking mga magiging ka-opisina na ako ay nagdiriwang ng ika-30 taon ng araw na iyon , isinalang ako sa isang mala-"thesis defense" , alas-dos ng madaling araw. Kasama iyon sa mga bagay na dapat kong bunuin sa dalawang buwang pagsasanay sa bagong kumpanyang aking pinasukan kaya wala akong magagawa kundi sumabak. Hindi ko inaasahang , pauulitin ako ng "defense" pagkatapos kong maghirap at pagpuyatan ang aking piyesa. Kinantot ako ng kamalasan , ikanga ng aking kapatid na si Denggoy na nagdiwang ng kanyang kaarawan nung ika-12 ng Oktubre , at hindi man lang nagparamdam ang hindot (labyu parekoy, more Birthdays to cum!).

Binondyobi ng kamalasan sa mismong araw ng kaarawan.

Bihira akong makaranas ng mga ganitong kabiguan , dahil ang lahat ay aking pinaghahandaan. Kung gusto mong pumasa , mag-aral ka ! Yan ang aking adhikain simula ng mag-kolehiyo. Nag-aral naman ako, pero sadyang may mga bagay at pangyayari na hindi mo talaga kayang kontrolin.

E sadyang malakas ang kapit natin at nanatiling nanalig na hindi Niya tayo pababayaan. Nabanggit ko nga sa aking nakaraang lathala, sanay sa batukan si Jamongoloids. Magandang regalo sa araw ng aking kaarawan ang binigay sa akin ng Panginoon. Isang bagong trabahong binalutan ng pagsubok at me laso na kulay ng tagumpay. Para mas masarap nga naman ang aking pagdiriwang.

Nagsimula na ako sa totoong opisyal na trabaho nitong nakaraang linggo. Nagdiwang ako ng isang makabuluhan at napakasayang ika-tatlumpung kaarawan nung nagdaan ding linggo. Talagang malakas ang signal sa Quiapo (thank you Lord!). Salamat din sa aking kasintahan na ginugol ang araw na iyon sa pagbabantay sa akin habang natutulog at walang pag-aalinlangang nanalig sa aking kakayahan. Siya nga pala ang nakuha kong regalo nung nakaraang dalawang taon , pag-ibig. Sa aking mga kaklase sa pagsasanay na naniwala sa aking talento't nalalaman. At sa kumpanya mismo, dahil sa isang makabuluhang dalawang buwan ng pagsasanay.

Ngayon, nagtitipa ako ng lathala habang nakikinig sa awitin ng Beatles at nilalanghap ang pinaiinitang langis na may samyong lila(pot pourri oil lavender, tanga!). Nasa ibaba ang mga larawan ng aking pagdiriwang. O kelangan ko pa bang ipaliwanag yung pamagat?, kantahin mo boploks!!!

Monday, October 12, 2009

Pinaghalong Sting at Cobra.

May mga kantang nakapagpapasigla at nakapagpapagising sa atin pag may mga araw na lalamya-lamya tayo. Nanunuklaw , ikanga. Mahihinuha mo sa pamagat. Sa akin , pag kailangan kong magising , kailangang magpuyat at manatiling naka-dilat ang mata , etong kanta ni Pareng Freddy ang pinakikinggan ko. Ewan ko ba, para syang energy drink sa akin , pag pinapatugtog ko sya ay talaga namang nagigising ako. Higit pa sa tama ng pinaghalong Sting at Cobra. Hindi yung kantang Anak at Magdalena ni Freddie Aguilar , tanga. Kanta ni Freddie Mercury ng bandang Queen. Bukod pa sa Bohemian Rhapsody , We are the Champions , We will Rock You at Crazy Little Thing Called Love baka isa ito sa mga hindi pa nakakadaan sa tutuli mo. Isinulat ng bandang alas 12:45 ng madaling araw, kung di ka magising wala akong paki. Basta ako mananatiling dilat habang inuulit-ulit ito. Don't Stop Me Now!


Sunday, October 04, 2009

Blog ng isang "nakainom"

Pag tinatanong ang isang taong nakabangga , nakasagasa habang nagmamaneho. "lasing ka ba?" , ang karaniwang tugon, nakainom lang po....

Wala pa yatang blogger na lantarang sinabi to, kung meron man , pakiramdam ko , ako lang ang opisyal na magsasabi nito. Magba-blog ako, pero nakainom ako.

Paumanhin sa mga buwanang bumibisita ng aking blog, pero papapngalanan ko kayong , mga "buwanang dumadalaw". Medyo senglot ako ngayon. Pagtapos kong manalangin , di pa rin ako inaantok. Nakatuwaan ko lang ilathala yung mga di pangkaraniwang mga seremonyas ng iba't-ibang mga tao para lang makatulog...

Ako, pagkaraan ng pukinang-inang Ondoy na lumikha ng hanggang dibdib na taas na baha, di ko na makita yong Vicks ko na kailangan kong singhotin para antukin ako. Pagtapos kong ipahid sa aking kamay , para itong rugby na kailangan kong singhutin tas babahin ako ng mga tatlo hanggang apat na beses bago ako antukin. Dahil halos isang linggo akong di naka-singhot nito , record breaking na pitong bahin ang nagawa ko , sa mga sandaling isinusulat ko itong lathalang ito, aantukin na ko.

Matibay yung isang matandang taga-looban , ikikiskis sa buhangin yung paa para lang antukin.

Si Tohcap naman, isang kumpare. Me ika-apat na bahagi ng isang kulambo para kiskisan ng kanyang paa, upang makatulog. Weird e no?

Si pareng Rico , babasain ng bahagya yung kumot tas itatalukbong tas tatapatan ng electric fan para antukin. Cool eh no?

Si Jason , yung bata na kapit-bahay namin nung nakikitira pa ko sa aking tiyuhin. Kailangang nakahawak sa utong, kahit na anong klaseng utong , brownish , pinkish (yum!) , blackish (ewe!), para antukin. Tigas ng utong eh no?

Yung kumpare ng Erpat ko, maruming unan at kumot para antukin sa pagtulog ang kailangan. Isipin mo , sabi niya, 3 taon ng walang labahan yung unan at lumot este kumot na gamit nya sa pagtulog. Buti di nababasag?

Wala ng titindi pa sa asawa ng kapatid ko. Magkakape bago o para makatulog???

Wish ko lang meron akong makasalamuha na gustong bumatak ng shabu para antukin lang. Tangina , di ako aantukin nun.

Meron daw nagpaparaos muna para makatulog......

O sya, tulog na ko....