Wednesday, January 30, 2008

Akeelah and the Bee

Na-moments ako sa pelikulang to. Bakit kamo? tang 'na di ko namalayang tumutulo na yung luha ko habang pinapanood sya. Natatandaan ko nung grade-3 , naiyak ako sa pelikulang Never Ending Story nung namatay yung dambuhalang aso kse nga meron din akong alagang aso noon ang ngalan nya ay Jinggoy ( siga ng Zapanta at Estrada kaya pwede mo syang tawaging Senador) kaya medyo naka-relate ako. Naiiyak din ako nung bata pa ko pag napapanood kong binubugbog o kaya umiiyak si Dolphy o kaya si Chiquito , mga paborito kong panoorin yung mga pelikula ng mga 'to nung mga panahong nakikinood lang kami sa kapit-bahay dahil nga can't afford pa ang aking mga magulang. Di ko alam kung bakit ako naiiyak sa dalawang ito dati , marahil kamukha ko sila pag umiiyak? Lalo naman akong naluluha pag me matandang nagda-drama sa pelikula, tanda ko pa , ilan beses din akong na-moments nung mga pelikulang kasama si Mary Walter. Miss ko lang siguro yung Lola kong yumao nung bata pa ko. Per noon yon.


Ngayon , natutuwa ako pag nahuhuli ko ang ang nanay ko na naluluha habang nanood ng pelikula tas sabay lipat ng channel , malutong na mura ang abot ko nun. Napapangiti din ako pag me nakikita akong nangingilid ang luha dahil sa bigat ng drama. Nung nakaraang linggo , di ko akalaing babalik sa kin ang lahat. Inii-scan ko mula channel 8 dahil naghahanap ako ng magandang palabas , ng mapahinto ako sa channel 55 Star Movies. Gitna na ng palabas yung inabutan ko at hindi ko pa alam yung pamagat, dahil ako lang mag-isa ang nanunuod , bahagya kong nilakasan ang telebisyon at maya-maya pa'y tila ganap ko ng naiintindihan ang buong kwento hanggang sa maluha na nga ako. Ginoogle ko lang yung ibang detalye ng palabas, madami din palang kano na naiyak sa pelikula , kala ko ako lang hehe. Maganda at makabuluhan syang pelikula , wala akong pakialam kung di mo sya trip. Narito ang link ng Akeelah and the Bee . Nasa ibaba naman ang kanyang mga memorable quotes (Warning : English to baka di mo kayanin!)


Akeelah: [Javier has just kissed her] Why'd you do that?
Javier: I had an impulse. Are you gonna sue me for sexual harassment? [pause, then they both laugh]

-------------------------------------

(eto paborito ko)
Akeelah: [quoting Marianne Williamson] Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. We ask ourselves, Who am I to be brilliant, gorgeous, talented, fabulous? Actually, who are you not to be? We were born to make manifest the glory of God that is within us. And as we let our own light shine, we unconsciously give other people permission to do the same.
Dr. Larabee: Does that mean anything to you?
Akeelah: I don't know.
Dr. Larabee: It's written in plain English. What does it mean?
Akeelah: That I'm not supposed to be afraid?
Dr. Larabee: Afraid of what?
Akeelah: Afraid of... me?

-----------------------------------------

Akeelah: Okay. But when I'm at the bee, and they tell me to spell some little fish from Australia or some weird bacteria on the moon, we're going to wish we'd done a little bit more "rotemorizing" and not so much essay reading. If you don't mind me saying.
Dr. Larabee: Bacteria don't exist on the moon.

-----------------------------------------

Dr. Larabee: Where do you think big words come from?
Akeelah: People with big brains?

-----------------------------------------

Akeelah: I'm naturally inquisitive.
Dr. Larabee: Yes, which is also sometimes confused with being naturally obnoxious.

------------------------------------------

[last lines] Akeelah: You know that feeling where everything feels right? Where you don't have to worry about tomorrow or yesterday, where you feel safe and know you're doing the best you can? There's a word for that, it's called love. L-O-V-E.

quotes from http://www.imdb.com/title/tt0437800/quotes

2 comments:

aiMz said...

uy salamat dito. panoorin ko nga, tignan ko kung mapapaiyak ako nito tapos babalitaan kita. hehe..

Anonymous said...

Ei, I can really relate with you! I've watched the movie this afternoon and I cried too! I also thought mukha atang mababaw ang luha ko, marami pala tlgang nadadala sa movie na un! hehe... same here, I researched the title kasi di ko nasimulan... kaya eto, nabasa ko un blog mo! Thanks! I'm really looking for those lines from the movie! :)